Eh, kumusta kayo ng crush mo?
"Hahahahaha..."
Masaya ako habang nakatingin sa lalaking nasa harap ko, na hawak ang tiyan sa kakatawa. Hindi ko na makita yung mata niya, at kita lahat ng mapuputi niyang mga ngipin. Hay, ang saya ko ngayong araw. Dahil kahit papaano, napatawa ko siya at bida ako sa kanyang paningin.
Kahit ngayong araw lang.
"Rey, igiling mo pa," gagad pa ng mga kaibigan ko na kasama ko sa Ticket booth namin. Alam nilang may pagsintang pagtingin ako sa lalaking 'to kaya naman sila, chini-cheer pa ako lalo, kahit parang sa tingin ko ay mukhang baliw na ako sa pinaggagagawa ko.
Hawak ko 'yung placards na may naka-print na 'Ticket booth' at sumasayaw ala-sexbomb sa laban o bawi ng Eat Bulaga! "Ticket po, bili na po kayo ng ticket para sa Acquaintance Party. Two hundred lang po!"
Pakapalan na talaga ito ng mukha. Kelangan naming maka-benta ng ticket at siyempre, may mapanuring mga matang nakatingin sa akin. Hays, si crush, tuwang-tuwa sa galing ko ba namang dancer-kuno. Hihihihi...
"Sayaw ka din, Hiro," sabi ko kay crush. Biro lang, pero okay lang kung kagatin niya. Ayoko naman mag-isa lang akong mag mukhang tanga. Hindi ko pa siya nakikitang sumayaw, baka magkalat din siya katulad ko. [insert evil laugh here]
"Gan'to ba?" pa-inosenteng tanong niya sabay dahan-dahang itinaas niya yung braso niya papuntang likod ng ulo, yung isang kamay niya itinaas naman ang laylayan ng t-shirt (na kita ang abs niya) at kumagat-labi pa.
Ang HOT, shit!
Mas lalo akong nainitan ng gumiling na ito ala-macho dancer. Dinikit-dikit pa niya ang katawan sa akin. "Hiro, ano ba? Lumayo ka nga sa akin, kadiri ka!" kunwari galit-galitan ako, pero ang totoo gustong-gusto ko naman. Ilapit mo pa please...
"Sabi mo sumayaw din ako?" sagot nito sabay giling ala-masculados naman. Jumbo hotdog, kaya mo ba 'to? Kaya mo ba 'to? Full of facial expressions pa 'to.
Napatakip ako ng mata, kunwari nabababuyan ako sa kanya. Kainis, ang cute pa din niya. Malala na talaga ito. Wala na 'ata akong nakikitang mali sa kanya.
"Sabayan mo ko, Rey."
Tatanggihan ko ba naman special request ni crush? Siyempre hindi. Sabay kaming nag-jumbo-hotdog-kaya-mo-ba-'to? dance. Pati yung mga kasama ko sa ticket booth nakisali na din sa kulitan naming.
Hay, sana di na 'to matapos. Isusulat ko 'to sa diary ko, bilang isa sa mga pinakamasayang araw ng buhay. Mas magiging masaya ako kung siya din magiging date ko sa Acquaintance Party.
Sana...
Boiler Room, Marikina.
Bad Kids: Just wanna have fun Acquantance party. Punong-puno ng mga estudyante ang venue. Ang saya namin kasi ang daming pumunta. Paroon at parito kami kasi kami organizer. Kelangan naming i-check kung okay ba ang takbo ng party at siyempre may kanya-kanya kasi kaming committee.
Pero hindi ibig sabihin nun di na kami nagsasaya. Siyempre sayaw-sayaw din pag may time, saka shot-shot din. Pag napapadaan ako sa bar counter, napapahingi ako ng isang baso. Kaya hindi pa malalim ang gabi ay nakaramdam na ako ng pagkahilo.
"Rey, maupo ka na kaya. Lasing ka na, eh," sabi ni Ivo.
"I'm not yet drunk, girl. I'm just a bit dizzy. Pwamiz!" sagot ko naman. Hindi pa naman na talaga ako lasing. Slight lang. "Come on! Let's dance!" sabay hila ko sa kanya sa gitna.
Tatawa-tawa na ginulo ni Ivo yung buhok ko. "You're drunk, girl. You're english-ing me na. Like, oh-my-god. My nose is blooding. Haha..."
"No, I'm not. Let's just dance," sabi ko sabay indak naman sa mga remixes ng deejay. Lumapit kami sa mga lower years na nakita namin habang gumigiling. Cause baby tonight...the deejay got us falling in love again... So dance, dance, like it's the last last night of your life life...
Mayamaya pinicture-an ko sila na nagkakasayahan. Ako pala ang official photographer ng event. Umikot-ikot ako, naghahanap ng magandang anggulo ng nagkakasayahang crowd ng mahagip ko ng camera si crush.
Napansin 'ata nya na nakatutok lang yung camera sa kanya, kaya p-um-ose ito. Hindi pa 'ata nakuntento, nagpalit-palit ito ng pose. Feeling model, haha. At yung last pose, kinindatan nya ako. Dahil sa kilig, nakalimutan ko kunan yun. Ang shunga lang... lol.
Dumaan muna ako sa mobile bar ng The Bar at tumungga ng isang baso ng alak, bago ako dumiretso sa kinapu-pwestuhan ni Hiro. "Let's shot," sabay abot ko ng baso. Allergic sya sa alak, kaya nag-paawa face ako para di nya matanggihan. Tinungga naman nya yung inabot ko.
"Rey, lasing ka na daw," tanong ni Hiro.
"Me? No. Haha. Who told you that?"
"Sabi nila. Ayan, o, mapungay na mata mo.
"No. It's just normal. Hihi.."
"O ilan 'to?" tanong nya at nag-taas ng tatlong daliri sa may ulo nito.
"Two," mabilis kong sagot. Alam ko three yun. Nagpapa-cute lang ako. Natawa lang sya sa akin.
"E, eto?" Nagtaas sya ng dalawang daliri.
"Sows, easy. Three. See, I'm not yet drunk. Haha."
"Sarap mo kururtin," sabi nito sabay pinanggilan ng kurot yung mukha ko na puro panga. "Wala 'to, one down agad. Wala na kami photographer neto."
"Hello, I can still take pictures. Look," sabay kuha ko ng sunod-sunod na litrato sa mukha neto. Epic yung mukha nya na nakunan ko, kaya tawang-tawa ako. Nag-mental note ako na itatago ko yung picture na yun, pang throwback namin.
"Hey, Hiro..." agaw ng isang boses.
Pareho kaming napatingin ni Hiro sa babae. Ang ganda niya, maputi, mahaba ang buhok, at ang cute niyang tingnan sa suot na eyeglass. Nang tumabi sya kay Hiro, nakita ko parang love team sila.
"Rey, si January pala," pakilala sa akin. Kakilala pala nya. "January, si Rey." Nang inulit yung name nya, bigla ko naalala kung sino sya. Sya pala yung kinukwento na close friend ni Hiro. Yung ka-sweet nothings. Ka-MU. Label na lang kulang pero Sila.
"Hi, Rey!" masayang bati sa akin ni Jan. Nakipagkamay sya sa akin.
Ewan ko ba pero hindi ko magawa bigla na ngumiti ng malaki. Matipid na nginitian ko sya. "Hi. Thanks for coming."
"Picture-an mo kami, Rey." Request ni Hiro. Inakbayan nito si Jan at pareho silang humarap sa akin. Itinaas ko naman ang camera at in-adjust ang lens. Pagtunog ng shutter, narinig kong tumunog din yung puso ko. Crack.
"Isa pa." Naka-thumbs-up sila pareho at abot tenga ngiti.
Pagtunog ng uli shutter, another crack sound ang narinig ko. Pero tuluyan bumigay yung puso ko nang kunin ng babae ang kamay ni Hiro at pinag- intertwine yung mga daliri nila. Sa harap ko.
Basag. Nagdurugo.
Mabilis na lang ako lumayo at bumalik sa food section. Hindi ko makayanan ang tagpo. Mas lalo akong nahilo. Dumaan pa si Aljearue at inabutan ako ng alak na agad ko naman nilagok.
"Nyare sayo?"
Gumaan bigla yung kamay at dumapo sa pisngi ni Jearue. Napalakas pa ata dahil fresh pa yung nasaksihan kong tagpo.
"Aray, Rey. Lasing ka na 'no?" tanong nya.
"I'm not drunk." I'm just heartbroken.
Dumating naman si Hannah sabay niyakap ako. "Reeeyyy.... Okay lang yan, inom na lang tayo," sabi nya as if may nalalaman sya.
Naka-ilang baso ako na nainom ng maramdaman ko na literal na umikot yung paningin ko. Mabilis naman ako na inalalayan ni Jerue. Nang maramdaman kung maduduwal ako, mabilis na nakapag-ready sila ng plastic.
Bago nila ako dalhin sa lounge, nakita ko pa si Hiro na concerned na lumapit. "Rey, okay ka lang."
No. I am not. And I think I'll never be.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top