Scenario no.81: BTS and their SNS Escapades.

BTS and their SNS Escapades

(OH? SINONG NAKA-MISS? CHAR. HAHAHAHAHA.)

Ngayong unti-unti ay hinahanamak na ng BTS ang social media, tignan natin kung ano nga bang mga pinag uusapan nila bago mag upload ng tiktok, pagkuha ng tamang shots sa IG o sa simpleng pagpili ng hashtag sa twitter.

V: So, pa'no mag live nga uli sa friendster? Gagamit ba ng webcam?

Jimin: Friendster? Nahihi- matagal ka na palang hibang. Teka, ba't sa friendster?

Jungkook: Tinanong mo pa, lalong lalala 'yan. Hay. Kaya hindi ka lumalaki eh.

Yoongi: Gumamit ka ng webcam, saksak mo yung broadband na niloadan mo ng GigaSURF50 tsaka ka mag live sa friendster. Pag nanoood sa'yo, ipapahiram ko si Holy. Sige.

Jhope: LUH! AKONG HALOS PAGSILBIHAN KA HYUNG HINDI MO NAISIP IPAHIRAM SI HOLY TAS SA KUMA-

Namjoon: Oh oh, shut it. You all know that he's being sarcastic, right?

Jin: Pina-komplikado mo pa sa pag eenglish mo. Utang na loob, Namjoon. 2022 na. Sana maalala mong 'oh man hoky shit' lang alam naming idiretso na english.

Habang nagtatalo sila'y tahimik si V na focus na focus sa laptop niya. Walang anu-ano'y nagkumpulan sila sa likod nito at naabutang nagla-log in sa friendster account niya.

Jhope: Wow ha. 'Bossloccomapagmhalz143' ang sosyal ha!

Namjoon: Can someone inform him that emo phase has already been passed. Goodness.

Jungkook: Hyung? Pardon?

Jimin: Teka nga, Taehyung. Hindi ka naman makakapag live kasi jan sa friendster eh.

V: SABI NI SUGA HYUNG PWEDE DAW!

Yoongi: Oh gago. Naniwala si tanga.

Jin: Bunganga mo! Kung anong kinaputi ng ngipin mo siyang kinabaho ng lumalabas jan sa bibig mo.

Namjoon: I'm outta here.

Isa isa'y umalis sila sa kwarto kung saan naiwan si V na...

V: ANO BA'T PANG ILANG BESES NA KONG NAG SSTATUS WALANG NAGLA-LIKE?! ANO 'TO?

-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top