Scenario no.64: KABAYONG YAYO

KABAYONG YAYO

Mababakas ang katahimika--

"HOSEOK! JUNG HOSEOK! HOSEOK! JUNG HO-SEOK!!!!!!" Mali, mali yung intro.

Isang lagaderang bunganga ang bumungad sa mga kapit bahay ng mga KIM, ano na naman kaya ang nangyari at para na namang mega phone ang bibig ni Mrs. Kim?

"Hon, it's so early in the morning, what seems to be the problem?" Tanong ni Mr. Kim habang kinukusumot pa ang matang lumabas ng kwarto.

Nadatnan niya ang kanyang maybahay na umuusok ang tenga at lumalaki ang butas ng ilong sa galit.

"Tignan mo! Tignan mo lang ang iniwan ng magaling nating maid! Lumabas akong bukas ang TV, ang speaker! Naka on ang microwave, ang ref nakabukas, tambak ang hugasan at pumipito ang takure dahil sa kumukulong tubig! Imbyerna!" Pahayag ni Mrs. Kim habang iniisa isa ang mga gawaing iniwan ni Hoseok.

Pero nasa'n nga ba ang kabayong ito?

Kalmadong idinial ni Mr. Kim ang number ng kasambahay at iniabot sa galit niyang misis.

Makalipas lamang ilang ring ay sinagot naman ito kaagad ni Hoseok.

Mrs. Kim: HOSEOK! NASAAN KANG HINAYUPAK KA?!

Jhope: Good morning ma'am, I'm in the middle of WHY YOU CARE and IT'S NONE OF YOUR BUSINESS ma'am.

Mrs. Kim: ANO?! ABA'T WALA KANG GALANG AH! NASA'N KA! 'WAG KA NANG BABALIK AH!
Jhope: Hindi na talaga 'ko babalik ma'am dahil nasa U.S na 'ko! Huh!

Mrs. Kim: ANO?! U.S? IMPOSIBLE! DUKHA KANG KABAYO KA PA'NO KA MAKAKARATING D'YAN?!

Jhope: Masyado kasi kayong mapagmataas ma'am kaya hindi kayo pinagpapala, tignan niyo ako nasa U.S na!

Mrs. Kim: Oh sige nga, kung nasa U.S ka, nasa'n ka ngayon?! Saan sa U.S?

Jhope: U.S!


























U.S Embassy! Duh!

Mrs Kim: Umuwi ka na lang at magsaing!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top