Scenario no.41: REALTALK WITH PINK SEOKJIN

REALTALK WITH PINK SEOKJIN

Jin: After 83936103 years! Ibinalik na rin sa wakas ang real talk show na pinagkakaguluhan dahil sa mga katotohanang hindi matatanggihan, kaya kung pikon ka't walang pasensya ngayon pa lang utang na loob umalis ka na! WHOOOO!!!!!! /claps alone and send his signature flying kiss/

Ang pag-uusapan natin sa araw na ito ay ang hindi maipaliwanag na kaugalian ng tao, madalas ko 'tong ma encounter sa members kaya naman ito ang ating pag-uusapan.

Simulan na natin?!

Una, bakit kapag ang babaeng mahaba ang buhok gustong magpa iksi, maging ang babaeng maiksi ang buhok gustong magpahaba?

YUNG TATAA? Sa mga babaeng maiksi ang buhok na gustong magpahaba, aba! Pinagupitan mo tapos gusto mo humaba agad! Ano? Instant noodles 'yang buhok mo na hahaba kapag gusto mo! Wag atat! Matutong mag-intay!

Sa mga babae namang mahaba ang buhok na gustong magpaiksi, sasabunutan kita eh! Ano? Gusto mo sayo pa lalapit ang parlor at gunting para maiksian yang buhok mo? Wag tamad! Lumabas ka, mag bayad ka 50 sa bakla tapos paggupit ha!

Kaloka!

Pangalawa, bakit ang mga taong mapuputi, gustong magpaitim, habang yung mga maiitim gustong magpaputi.

Aba'y letse! Hindi makuntento?

Sa mga mapuputi jan na gustong magpaitim, summer naman friend, akyat ka bubong, simulan mo ngayong araw, tapos baba ka next week! Tignan ko lang kung di ka pa umitim no'n.

Sa mga maiitim naman na gustong magpaputi, gluta, wag lumabas ng bahay, mag lotion at magbabad sa aircon. Kung ayaw tumalab, hingi ka rosario sa lola mo tapos diretso ka simbahan at magdasal sa santo ng mga gluta na si Suga para biyayaan ka hane?

At pangatlo, bakit ang mga straight ang buhok gustong magpa straight habang ang mga unat ang buhok gustong magpakulot?

Eto pinaka magandang solusyon, yung kalahati ng buhok niyo ipa rebond niyo tapos yung kalahati ipa kulot! O diba! Doble kara! Pagtyagaan mo yung ganyan kesa mag sayang ng pera!

Nasstress ako!

Sana'y nakatulong ang mumunti kong pangrerealtalk para kayo'y maliwanagan, hanggang sa susunod!

HEARTBREAKER!! ♡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top