Scenario no.36: TAKUTAN WITH BANGTAN
TAKUTAN WITH BANGTAN
From: Robert
Thanks Kook! Nasa'n ka pala ngayon?
Jungkook saw the preview message on his phone, nagluluto siya ngayon ng kanyang hapunan dahil iniwan siyang mag isa ng mga hyungs niya.
Lumabas ang mga ito at hindi na sila nag abalang gisingin ang noo'y natutulog na si Jungkook.
To: Robert
No problem hyung, nandito ako sa dorm. Waeyo?
Jungkook replied, kanina niya pa ka text ang isa sa mga back up dancers nila na si Robert. Nagtataka nga siya dahil hindi naman sila magka text ni Robert, nag uusap naman sila pag nagppractice pero ngayon lang siya tinext nito.
Matapos niyang maluto ang ramen na natira sa mga stocks nila ay agad siyang pumwesto sa sala, binuksan ang T.V at umupo habang kumakain.
From: Robert
Nandito din ako.
Napalinga si Jungkook sa naging reply na iyon ni Robert, hindi siya natural na matatakutin kaya naisip niyang baka nagbibiro lang ito.
Hindi na nireplyan pa ni Jungkook si Robert dahil naging abala sa siya panonood at pagkain nung ramen na iniluto niya.
Maya maya pa, namatay na lang bigla ang phone niya na nakalapag sa coffee table ng dorm nila.
"Low bat na pala. Mamaya na makapag charge.." He uttered as he continue to eat. Masyado siyang naging abala sa pagkain at panonood hanggang sa maubos niya na ang ramen na kinakain niya.
Babalik na sana siya sa kusina para magluto pa ng isa pa ng biglang tumunog ang cellphone niya, ringtone para sa tawag. Napalingon siya kaagad at nakitang nagriring nga ang phone niya na alam niya ay nakapatay na.
Robert calling..
Ito ang nakita niyang naka rehistro sa phone niya ng mga oras na iyon, kung kanina ay hindi siya nabahala sa pagttext nito, ngayon ay nagtaka siya kung panong nagbukas muli ang phone niya at kung pano siya natawagan ni Robert.
Gayong nakita niya ng malinaw na namatay ito kanina.
Akma na niyang sasagutin ang tawag ng bigla nag black out ang screen nito, nabahala na siya sa nangyari kaya agad niyang kinuha yung charger niya sa kwarto at chinarge ang phone niya.
Hindi alam ni Jungkook pero hindi siya mapakali dahil parang kanina pa may nagmamatyag sa kanya sa di kalayuan.
Nanatili siya sa kwarto niya at inantay na magbukas ng tuluyan ang phone niya para i check ang messages na natanggap niya.
Sunod sunod ang dating ng text messages galing sa mga kaibigan niya, parents nya, manager nila, mga hyungs niya at si Robert.
Sa dami ng messages na yun ay isa ang nakaagaw ng atensyon niya, ang text sa kanya ni Jimin na kani kanila lang sinend sa kanya.
From: Jiminnie hyung
Kook? May nangyaring masama kay Robert.
Naguluhan siya sa text na iyon kaya agad niyang tinawagan si Jimin.
"Kook?"
"Hyung? Ano yung text mo na may nangyaring masama kay Robert hyung?" Kinakabahan si Jungkook sa kung anong malalaman niya.
"Naaksidente Kook, bumangga yung taxi na sinasakyan niya papunta sana dyan sa dorm.." Nag alala si Jungkook sa sinabing iyon ni Jimin.
"Ha? Pano? Ka text ko lang siya kanina ah.." Paglilinaw ni Jungkook kay Jimin. "Hyung?" Muli niyang tawag kay Jimin ng mapansin niyang natahimik ito sa kabilang linya.
"S-sigurado ka ba?" Nautak ng kaunti si Jimin sa pagtatanong niyang iyon.
"Oo, sinabi niya nga sakin kaninang nandito na siya kaya pano siya naaksidente?"
"Kook? Hindi dala ni Robert yung cellphone niya, naiwan niya sa locker niya dito sa Big Hit bldg. Sinira pa nga nila manager hyung yung locker para makakita ng maari contact in, kaya paano ka niya mattext?"
"Kook? Hindi dala ni Robert yung cellphone niya, naiwan niya sa locker niya dito sa Big Hit bldg. Sinira pa nga nila manager hyung yung locker para makakita ng maari contact in, kaya paano ka niya mattext?"
"Kook? Hindi dala ni Robert yung cellphone niya, naiwan niya sa locker niya dito sa Big Hit bldg. Sinira pa nga nila manager hyung yung locker para makakita ng maari contact in, kaya paano ka niya mattext?"
"Kook? Hindi dala ni Robert yung cellphone niya, naiwan niya sa locker niya dito sa Big Hit bldg. Sinira pa nga nila manager hyung yung locker para makakita ng maari contact in, kaya paano ka niya mattext?"
Dagli na napanganga si Jungkook at napaupo sa kama niya, hinanap niya ang conversation nila ni Robert at mas kinilabutan siya sa huli nitong message para sa kanya.
From: Robert
Pasok na ko ah? Bukas pinto ng dorm niyo eh.
♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top