Hindi man ako, Ako naman
[A/N: Please excuj my pictures.. PICTURES NA LANG NI JUNGKOOK TIGNAN NYO!! FEELINGERA AKO]
Hindi man ako, Ako naman
Hindi man ako yung babaeng mamahalin mo,
Ako naman yung babaeng magmamahal sa'yo.
Hindi man ako yung babaeng kilala mo,
Ako naman yung babaeng kilalang kilala ka hanggang kuko mo,
Hindi man ako yung taong katabi mo ngayon,
Ako naman yung taong hinihiling na makasama ka kahit lingid sa kaaalaman mo,
Hindi man ako makatulong ng personal sa'yo,
Ako naman yung taong hinihiling na maging ayos ka sa bawat oras ng buhay mo,
Hindi man ako yung nakakapunta sa concert mo,
Ako naman yung kahit sa bahay lang nakangiti kasi alam kong napapasaya mo ang kapwa fan ko,
Hindi man ako yung babaeng kayang punasan yung pawis mo kapag pagod ka na,
Ako naman yung babaeng nangangarap na mapunasan ka kahit imposible pa,
Hindi man ako katulad ng ibang babae diyan na gusto mo,
Ako naman yung magmamahal sa'yo hangga't kaya ko,
Hindi man ako magiging parte ng kaligayan mo,
Ako naman yung maghahangad ng kaligayan para sa'yo,
At sa'kin? Sapat na 'yun.
Jeon Jungkook kung nababasa mo man 'to, gusto ko lang magpasalamat kasi isa ka sa pitong lalaking nagbigay ng rason sa'kin para magsulat at magbigay saya sa ibang tao. Mahal na mahal kita kahit imposible pa, darating yung oras na bibitawan ko din ang pagfa fangirl at magfo focus ako sa realidad, pero habang nasa langit pa ko ngayon kasama ka, mamahalin kita tandaan mo 'yan.
Hindi ko makakalimutan lahat ng naidulot niyong pito sa'kin, napaiyak niyo ko, napasaya, napag alala, naturuan, at kung ano ano pa.
Hindi man ako yung fangirl na makakaharap ka,
Ako naman yung fangirl na mahal na mahal ka kahit ang layo ko pa.
Jeon Jungkook mahal kita, salamat talaga.
♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top