Scenario no.80: TAKUTAN WITH BANGTAN (Part 8)
Scenario no.80: TAKUTAN WITH BANGTAN (Part 8)
Due to public demand, WOW NAMAN KAPAL NG MUKHA KO KALA MO MADAMING FANS!!! HAHAHAHA DE ETO NA NGA! DAHIL PO INYONG NI REQUEST ETO NA NGA. NAGBABALIK ANG TAKUTAN WITH BANGTAN.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Nagising si Jungkook ng tumigil ang sasakyan nila sa isang convenient store.
Nasa kalagitnaan sila ng byahe.
Jimin: Maknae, Tara kain tayo.
Jungkook: Sige hyung kayo na lang, Inaantok pa ko.
Jimin: Okay matulog ka pa diyan.
Dahil ayaw ni jungkook, Kumain na lang silang anim.
Matapos kumain, Agad silang bumalik sa Van para ituloy ang byahe.
Pagdating nila dun, Mahimbing pa din na natutulog si Jungkook.
Malamang eh pagod pa din ito dahil sa sunod sunod nilang practice dahil sa promotion.
Jin: Tsaka na lang natin gisingin si Jungkook pag nandun na tayo.
Suga: Buti pa nga.
Ang lahat ay natulog sa byahe maliban kay Jin na nagmamaneho ng sasakyan nila.
1 hour later
V: Kookie! Gising na, Nandito na tayo.
Tanging tango lamang ang naisagot ni Jungkook, Dahil na din sa antok.
Nang maalimpungatan si Jungkook, Wala na ang ibang members, Siya na lang mag isa.
Kinuha niya ang bag at bumaba na din siya.
Matagal na din simula nang bumisita sila dito sa bahay nila Rapmonster.
Excited si Jungkook dahil makikita niya ang lola ni Namjoon na masarap magluto.
Pagkababa niya, Tanaw niya sa balkonahe sa 2nd floor ng bahay nila Namjoon ang lola nito na nakatanaw sa malayo.
Jungkook: Lola! Punta ho ako jan ^_^
Tumango at kumaway naman sa kanya ang lola ni Namjoon.
Pagkapasok niya sa loob, Naabutan niya ang ibang members na nakaupo sa sofa.
Binaba niya lang ang bag niya at aakyat na sana.
Rapmonster: San punta?
Jungkook: Sa taas, Pupuntahan ko si Lola.
Nabasag naman ng kapatid ni Namjoon yung hawak niyang baso pagkasabi nun ni Jungkook.
Rapmonster: Jungkook, What are you sayin'?
Jungkook: Sabi ko, Aakyat ako kay lola, Mukhang malungkot sya dun sa terrace eh, Kumaway pa nga siya sakin.
Hinila ni Rapmonster si Jungkook pababa ng hagdan.
Naguluhan din si Jungkook, Lahat kasi ang nakatingin sa kanya na animo ay may ginawa siyang mali.
Rapmonster: Nakalimutan mo na ba kung bat tayo nandito? Nandito tayo para dalawin yung lola kong namatay.
Nakalimutan mo na ba kung bat tayo nandito? Nandito tayo para dalawin yung lola kong namatay.
Nakalimutan mo na ba kung bat tayo nandito? Nandito tayo para dalawin yung lola kong namatay.
Nakalimutan mo na ba kung bat tayo nandito? Nandito tayo para dalawin yung lola kong namatay.
Nakalimutan mo na ba kung bat tayo nandito? Nandito tayo para dalawin yung lola kong namatay.
Namutla naman si Jungkook pagkasabi nun ni Namjoon.
Tumakbo siya palabas para tanawin yung nakita niya sa terrace kanina.
Wala na dun yung lola ni Namjoon.
Tanging ang racking chair na lang na gumagalaw ang naiwan na animo'y may taong nakaupo dun.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top