Scenario no.60: Kabayong Yayo 2

Hiya readerssss! Congratssss satin! 60 parts na ang BTS Scenarios ^^

Hanggang ilan ba gusto nyong chapter? Hahahaha.

SALAMAT FROM THE BOTTOM OF JUNGKOOK'S NOSE ^_^

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Scenario no.60: Kabayong Yayo 2

One fine evening on Kim's Residence. Tulog na ang lahat maliban sa masipag na yayong kabayo na si J-hope.

He's diligently sweeping the mansion's garden, Nang......

Tao: Tao po! Tao po! Tao po!

J-hope: Hindi ako tao, Kabayo ako. May kailangan ka?

Tao: Ah, Akyat bahay gang kami.

J-hope: Ah talaga? Edi wow.

Tao: Wag kang kikilos kung ayaw mong samain ka!

J-hope: Anong wag! Kung hindi ako kikilos, Sino ang kikilos! Kung hindi ngayon, Kailan?!

Tao: Aba loko to ah! Buksan mo yung gate.

Lapit sa gate....

J-hope: Hindi ko mabuksan eh.

Tao: Bakit! Bat di mo mabuksan!

J-hope: Eh kasi naka lock.

Tao: Eh pisti alam mo pa lang naka lock bat di mo sinabi!

J-hope: Sabi mo lang buksan mo, Wala kang sinabing i unlock ko yung gate! Ay nakakaloka!

Tao: Dalian mo na! Kunin mo yung susi sa loob dalian mo!

J-hope: Eh teka nga, Ano bang gagawin nyo dito sa mansion?

Tao: Magnanakaw kami ng gamit at pera. Wag kang mag alala saglit lang kami, Aalis din kami agad.

J-hope: Ah ok *Le pasok sa loob para kunin yung susi, Madaling kausap tong yayo na to*

SA LOOB NG BAHAY.

Kukunin na sana ni Hopia yung susi ng biglang bumaba ang mag asawang kim seokjin at kim namjoon.

Namjoon: J-hope, Bakit ang ingay sa labas? Sinong nandun?

J-hope: Mga akyat bahay daw ho sila. Magnanakaw lang sila saglit ng gamit at pera tapos aalis na din agad.

Seokjin: Are you nuts?!

J-hope: Hindi ho ako mani ma'am.

Seokjin: Ayyy nakakaloka! What i mean is, Nababaliw ka na ba?

J-hope: Last time i check hindi naman ako baliw, So hindi po ma'am ^_^

Seokjin: Hayyyy nako namjoon! Kausapin mong mabuti yan! Nagkaka wrinkles ako dahil sa kanya!

J-hope: Wrinkles? Ayyy masarap yun ma'am! Peyborit ko nga yun eh, Dos lang yung sa probinsya namin!

Namjoon: Crinkles yun j-hope, Magkaiba ang wrinkles sa crinkles.

J-hope: Ay nag iba na pala siya.

Namjoon: Wag kang lalabas j-hope, Wag mo silang papapasukin.

J-hope: Bakit naman ho sir? Kawawa naman yung mga yun mahamog sa labas.

Namjoon: Mga magnanakaw sila.

J-hope: ANOOOO?! NILOKO NILA KO! SABI NILA AKYAT BAHAY SILA TAPOS MAGNANAKAW PALA! NILOKO NILA KOO! MGA WALA SILANG PUSO! PURO SILA ATAY AT BALUN BALUNAN!!!

Namjoon: Ayyy nako, Matulog ka na j-hope. Baka magbago pa isip ko mawalan ka pa ng trabaho bukas.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top