Reality ..
A fangirl (POV)
I know na hahantong lahat sa ganito, Na sa huli masasaktan din ako..
Yan ang iniisip ko matapos kong basahin ang isang balita mula sa internet.
JEON JUNGKOOK OF BTS IS OFFICIALLY GETTING MARRIED!
Mga salitang alam kong makikita ko din balang araw, Pero mas masakit pala pag totoo na siyang nangyari.
Eto na yun oh, Alam kong wala akong karapatang tumutol o ano man.
Sino ba naman ako?
Isang hamak na Fan girl nagmamahal sa kanya mula sa Pilipinas, Ni hindi niya nga alam na mahal ko siya ng sobra.
Pero patuloy pa din ang pagsuporta at pagmamahal ko sa kanila, Lalo na sa kanya.
Tumulo yung luha ko matapos basahin yung balita na yun, Buti na lang eh nasa kwarto ko ako.
Napaka swerte niyang babae, Sa milyong milyong babaeng nagmamahal sa kanya, Siya yung pinili at minahal ni Jungkook.
Masakit pa to kesa sa paasahin ka ng crush mo,
Eto lang yung mahirap sa side nating mga fangirl,
Sinuportahan natin sila,
Masaya tayo pag masaya sila,
Malungkot tayo pag malungkot sila,
Nasasaktan tayo pag nasasaktan sila,
At
Minahal natin sila, Ng sobra.
Hindi ko naman sinasabing mahalin o pakasalan nila tayo bilang kapalit ng lahat ng yun.
Talagang dadating lang tayo sa puntong ganito, Yung masasaktan na lang kasi alam mong may babae nang magpapasaya sa kanya, At hindi ako yun.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinignan yung mga poster at merch sa isang sulok ng kwarto ko.
Mga bagay na nagpapasaya sakin kahit hindi ko sila nakikita.
Alam kong dapat tanggapin ko ang nangyayari, Pinili ko to eh.
Sila yung naging dahilan ng kasiyahan ko,
Nagkaron ako ng maraming kaibigan,
Nakapagsulat ng storya dahil sa kanila,
Hindi ko initindi ang sinasabi ng iba basta alam kong mahal ko sila.
Patuloy pa din yung pagpatak ng luha ko, Kailangan kong ilabas to eh. Kung hindi baka mabaliw ako
OA ba? Nagmahal lang ako, Sa idol ko.
Habang umiiyak ako, May kumatok bigla sa kwarto ko, Si mama pala.
Hindi ko na naitago yung luha ko, Lumapit siya sakin at niyakap ako.
"Nabasa ko, Sige lang nak, Iiyak mo lang, Nandito si mama.."
Napayakap na lang ako kay mama at bumuhos na yung luha ko.
"Ganyan talaga anak, Alam ko hindi ako naging supportive na nanay sayo nung mga panahong grabe yung suporta mo sa kanila, Pero ramdam ko ngayon na kailangan mo ng nanay para maibsan yang nararamdaman mo.."
Ngayon ko lang narinig si mama na nagsalita ng ganito,
Oo hindi niya ko masyadong sinuportahan nung adik na adik ako sa BTS, Lagi akong teambahay, Hindi ako nakakapunta sa mga KCON, At kung ano ano pa.
"Pero nak, Tandaan mo, Hindi niya kasalanan na nasaktan ka, Kasi hindi naman sinabi sayo ni Jungkook na mahalin mo siya, Kaya kailangang tanggapin mo, May sariling buhay ka din, Aminin mo na nak, Nag assume ka na ikaw ang pakakasalanan niya, Pero ang totoo naman, Hindi naman talaga mangyayari yun diba?"
Tama si mama, Sa una pa lang na pinasok ko to, Dapat alam ko na na ganun. Pero masakit pa din eh.
Masakit malaman na sa huli,
FANGIRL LANG AKO..
Niyakap ako ni mama at muling iniwan sa kwarto ko.
Pinahid ko yung luha ko at muling sinulyapan yung litrato niya sa gilid ng kama ko.
"Salamat sa maraming taon na pinasaya mo ko, Pinakilig, Pinatawa at pinaiyak. Ngayon ikaw naman ang dapat sumaya, Salamat Jeon Jungkook, Salamat BTS.. Mahal ko kayo.."
Kahit masakit, Hindi ako titigil suportahan sila.
I'll run with BTS until the end.
BTS ♡ A.R.M.Y
Forever~
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Umiiyak ako habang ginagawa ko to!
MAHAL KITA JEON JEONGGUK!
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top