Reality #2
Dianne's POV
Eto na naman ako, Papunta na naman sa lugar na kada alas dose ng gabi eh pinupuntahan ko.
Sa Park, Bakit alas dose?
Para walang tao,
Wala makakita sa kanya,
At hindi siya pagkaguluhan.
Sinong siya? Si Hoseok, O mas kilala nyo bilang J-Hope ng BTS.
Kababata ko siya, Di kami mapaghiwalay noon, Kahit naman ngayon eh, Marami na nga lang bawal.
Bawal kaming magkita sa public place,
Bawal kaming kumain sa labas,
Bawal naming ipakita yung closeness namin pag nanjan na yung nga fans.
Sikat nga kasi siya,
Tuwing linggo at alas dose na lang kami nagkikita dito sa park, Once a week. Sapat na yun para magkamustahan kami.
Nung una hindi ako sanay, Pero nung tumagal naintindihan ko naman kung bakit ganito.
Mahal ko J-hope, Bata pa lang kami alam ko na yun, Kahit ilang beses niya kong tuksuhin at paaminin na mahal ko siya, Hindi ako umaamin.
Ewan ko, Sa tingin ko kasi, Pag inamin ko yun sa kanya, Iisipin ang nararamdaman ko, Pano naman yung mga fans niya?
Ang selfish ko naman kung ganun diba? Kaya wag na lang.
Eto yung araw na ayokong dumating,
Yung araw na pwede kong pagsisihan.
Yung araw na pag sinabi ko na sa kanya, Hindi ko na maibabalik pa.
Eto na yun, Yung huling pagkakataon na makakausap ko siya ng malapitan.
Aish! Bat ang drama ng mga iniisip mo Dianne?
Ang daming tumatakbo sa isip ko habang papalapit ako sa tagpuan namin.
Ilang hakbang pa, Natanaw ko na siya.
The usual, Naka cap, Mask at jacket.
Huminga ko ng malalim bago tuluyang maglakad papunta sa pwesto niya.
"YAH! ANG LAMIG KAYA! SUBUKAN MONG BILISAN!"
Sigaw niya nang matanaw niya ko.
Sana tama ako, Sana tama ang magiging desisyon ko.
Ang magparaya para sa mga taong nagmamahal sa kanya.
Nang makalapit na ko sa kanya, Dala dala na naman niya yung paborito kong doughnut.
"Bat ganyan lang ang suot mo?"
Tanong niya pa sakin, Bat di ako makapagsalita?
Pakiramdam ko pag nagsalita ako, May luha ring babagsak sa mga mata ko.
"Hoy, Dianne? Ayos ka lang?"
Pang uusisa niya pa at dinungaw niya pa ko dahil nakayuko ako, Pagtama ng mata naming dalawa, Kumawala na yung luhang kanina pang gustong lumabas.
Nagulat din siya nung makita akong ganun.
"D-dia--"
"J-Hope, Hayaang mong ako lang ang magsalita.."
Paglalakas ng loob na sabi ko sabay punas ng mga luhang tumulo mula sa pisngi ko.
Hindi ko na siya hinintay na muli pang magsalita.
"Salamat ah, Kasi kahit sikat ka na, Hindi mo ko nakalimutan, Nagbibigay ka pa din ng effort para pasayahin ako gaya ng dati, Pero J-Hope gusto ko lang ipaalam sayo na iba na yung mundo mo sa mundo ko.."
Bakas sa mukha niya ang pagkalito matapos marinig ang mga sinasabi ko.
"Alam kong mahal mo ang ginagawa mo, At mas lalong mahal mo ang mga humahanga sayo, Kaya para hindi ka na mahirapan, Ako na ang lalayo, Para sa ikabubuti mo, At ikabubuti ko.."
Nung isang araw kasi, May nakakita samin ni Jhope dito, Kumalat ang mga larawan at articles na palihim na may dine date si Jhope.
Marami ang nalungkot na mga fans, Nasaktan sila ng husto.
Kaya tama lang tong ginagawa ko.
"Teka Dianne, Yung dating issue pa din ba? Sabi ko naman sayo aayusin ko diba?"
"Nasaktan na sila, Wala na tayong magagawa kundi eto na lang, Hindi madali pero aayos ang lahat.."
Napaupo si J-Hope sa bench sa tabi namin.
"Uuwi na ko sa Daegu, Wala man ako sa tabi mo, Susuportahan pa din kita, Maraming nagmamahal sayo, Isa na ko dun, Ituring mo kong isang taga hanga mo din.. Mahal kita Jung Hoseok, Paalam.."
Yan ang mga huling katagang iniwan ko bago ko siya tuluyang tinalikuran,
Kasabay nun ay ang walang humpay na pag agos ng luha.
Masakit pala..
Hindi naman masama ang magparaya, Lalo na kung kailangan, Masakit para sayo, Isipin mo na lang na ikakabuti yun ng mga taong nakapaligid sayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top