Third Entry: WORTH MY HEART
WORTH MY HEART written by hannanusman
PH SUMMER PACKAGE IMAGINES
[A Min Yoongi One-shot]
© 2017 CT All Rights Reserved
Fan Fiction / Teen fiction
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
Finished: September 3, 2017
Published: September 8, 2017
The third installment of PH Summer Package Imagines
*
You're worth more than my smile and my stare 'cause… you're worth my heart.
Tinanguan lang ako ni Kuya Sergio matapos kong magpaalam sa kaniyang bibili muna ako ng makakain namin dahil hindi pa kami pareho nagmi-meryenda at nagugutom na ako, maghahapon na kasi. Isa pa, wala pa namang mga customers. Medyo matumal ang bentahan ngayon kasi siguro patapos na ang summer.
People of the Philippines must have packed their luggage and now back to Manila since everyone was back to work and back to school.
Ako lang naman itong napag-iiwanan e.
Kinailangan kong huminto sa pag-aaral dahil hindi kayang tustusan ng mga magulang ko ang pag-aaral ko. That was why I was here in Palawan, to work so that I could earn and save money so that I could continue my study someday. I was taking up Tourism and was in my third year when I stopped. Masyadong magastos ang kursong kinuha ko kaya ganoon.
Lumabas ako ng shop at nagtungo sa mga stall na nasa gilid lang ng kalsada.
Isa akong cashier sa isang souvenir shop dito sa Downtown Coron Bazaar. Hindi madaling makahanap ng trabaho. Marami na akong nasubukan at dito lang talaga ako tumagal. We often had foreign tourist customers at ako ang madalas na isinasalang ni Kuya Sergio sa mga ito dahil sa galing kong mag-Ingles.
Take that from someone who studied Tourism for almost three years.
Huminto ako sa stall ng mga banana cue. Paborito namin ni Kuya Sergio ang mga Banana cue ni Aling Telma dahil bukod sa laging malalambot ang mga saging niya ay mayroon siyang secret recipe para mas mapasarap pa ang gawa niya.
Sabi niya hinahaluhan daw niya ng langka, guess, it wasn't a secret anymore. Malapit ako sa tindera kaya nakakabiruan ko ito.
"Aling Telma!" masayang tawag ko sa babaeng naka-upo sa mono-bloc chair at nagpapaypay. Nasisilungan siya, maging ang mga paninda niya ng isang malaking dilaw na payong.
"Oh, kanina pa kita hinintay, Hanoff!" Napatayo siya nang makita ako.
Napangiti ako dahil nakangiti pa rin siya kahit na napaka-init ng panahon. I wouldn't forget that tourists love smiling and charming people. Mas nae-engganyo kasi silang bumili kapag nakangiti ang mga taong nagtitinda.
"Apat na banana cue po," natatawang sabi ko. "At saka, dalawang palamig, iyong tig-kinse." Idinagdag ko.
"Alam ko na iyon, 'no!" mayabang niyang sabi dahil sa dalas kong pagbili rito ay ganoon palagi ang binibili ko.
Tig-dalawa kami ni Kuya Sergio ng banana cue at tig-isang palamig.
"Blue lagoon, 'di ba?" untag niya na ang ibig sabihin ay ang choice of palamig na gusto ko.
I nodded at her, smiling widely.
Sinimulan na niyang ibalot ang mga bibilhin ko. Pinapanood ko lang siya nang dumating ang grupo nina Happy at masaya silang nagki-kuwentuhan.
"Oo nga sabi! Nakita ko kanina sa Twitter na nandito na sa Pinas ang BTS! Siyempre 'no, sa Sabado at Linggo na ang concert nila!" ani Happy, ang siyang pinakamaingay sa kanila. They were a group of salesladies. Mga salesladies sila ng clothing shop diyan lang sa may tabi.
"Talaga?! Sana kasi nasa Manila tayo e!" Si Digna, na ngayon ay puno ng abubot ang mahabang buhok.
"Ganoon talaga, hanggang screen na lang tayo ng selpon natin!" Lumungkot ang boses ni Happy.
"Aling Telma, tatlo nga pong banana cue," ani Shaina kay Aling Telma, siya naman ang pinakatahimik, feeling ko nga ay napipilitin lang siyang sumama sa dalawa e. Ni hindi ko pa siya nakitang nakisali man lang sa katuwaan nitong mga kasama niya.
Inabot sa akin ni Aling Telma ang mga binili ko. Nagpasalamat ako sa kaniya at umalis na para maasikaso na niya ang tatlo. Pagdating ko sa shop ay nakita kong busy si Kuya Sergio sa pag-aasikaso ng isang foreign tourist.
Nang mamataan niya ako ay bahagya siyang ngumiwi at natawa naman ako dahil naiintindihan kong nahihirapan siyang kausapin ang customer. Inilapag ko na lang muna sa mesang nasa ilalim ng counter ang mga pagkaing binili ko at nilapitan sila.
Agad akong nagpaskil ng matamis na ngiti at hinarap ang lalaking Amerikano. May hawak siyang puting T-shirt na may salitang Palawan na nakasulat sa harap. Pasimpleng umatras si Kuya Sergio para lisanin ang sitwasyon.
"What can I do for you, Sir?" nakangiting tanong ko sa customer.
"I'm asking if there's a larger size of this shirt," sagot ng lalaki.
Tumango ako. "Ah, yes Sir, they're actually classified in size. Wait, Sir…" Umatras ako at nagtungo palabas ng counter hanggang sa makalapit ako sa customer. "Follow me, Sir. I'll show you the sizes," sabi ko at inilahad ang daan sa kaniya patungo sa pinaglalagyan ng mga souvenir T-shirts.
"Large sizes are here, Sir. Pick your style." Itinuro ko sa kaniya ang kinaroroonan ng mga large sizes.
Nakahiwalay kasi ang large, medium at small size sa isa't isa since limited lang naman ang mga T-shirt namin dito. Wala kaming stocks bukod sa mga naka-display.
"Oh, thanks," nakangiting sabi niya at iniwan ko na siya para makapili siya.
Sa pagbabayad ay si Kuya Sergio na ang umasikaso sa lalaki dahil kaya naman niyang sagutin ang simpleng 'how much is this' na tanong.
Nang mawalan na naman kami ng customer ay saka namin kinain ni Kuya ang meryenda namin. Nag-usap kami ng mga kung anu-anong bagay lang. Tinanong din niya ako sa hindi ko na mabilang na pagkakataon kung bakit Tourism ang kinuha kong course.
Siyempre, paulit-ulit ko lang din siyang sinasagot ng, "Dahil gusto kong mapuntahan ang iba't ibang lugar ng libre!"
That was my childish reason as to why I chose Tourism and that thing didn't change. Iyon pa rin ang dahilan. Dahil gusto kong mapuntahan ang iba't ibang lugar. Gusto kong mapuntahan ang mga lugar na sa TV ko lang nakikita.
Ginulo ni Kuya ang maiksi at kulot kong buhok na ikinatawa ko dahil natawa rin siya sa sagot ko. Nasa ganoon kaming sitwasyon nang biglang umingay ang store dahil sa mga bagong customer na pumasok. Mabilis na naging crowded ang store.
May isang singkit at maputing lalaki ang lumapit sa amin. Nakangiti siya kaya nawawala ang mga maliliit niyang mga mata.
"Would you mind if we film here?" the guy asked in a stern Korean accent.
Alam ko iyon dahil napag-aralan namin ang linggwaheng Korean noon. I could even understand a bit of their language.
Nagtinginan muna kami ni Kuya at nang ma-realize naming wala namang masama ay sabay kaming umiling. Nagpasalamat ang lalaki at may isinigaw na sa mga kasama niyang nasa loob na ng store.
"Sijaghaja! [Let's start!]"
Naintindihan ko ang sinabing iyon ng lalaki.
As if on cue, small eyes, white skin and handsome guys entered the store while cameras were tailing them. Bukod pa roon ang hawak na monopad ng isa sa kanila. All in all, there were seven gorgeous and good looking guys that stood out.
Hindi naman ako ignorante para hindi malamang mga artista ang mga lalaking ito. Hindi na rin naman bago sa akin ang mga ganito dahil madalas dayuhin ng mga local artists itong shop na ito. I had seen Filipino famous artists actually. Madalas nga ay may mga local vloggers ang nagpupunta rito, they were unconsciously endorsing and promoting our store.
Natatawa ako habang naririnig ang mga pinagsasabi ng mga koreyano. Hindi rin naman nasayang ang pag-aaral ko ng dalawang taon dahil nagagawa kong maintindihan ang ilang mga dayuhan. Minsan nga ay may French tourist na napadpad dito. Nakaka-intindi ito ng English ngunit hindi marunong magsalita, so I used what I learned at school.
I also understood a little bit of French and any other languages.
Nagkaroon ako ng oras para pag-aralan ang mga ayos nila. Korean guys really are very handsome. Itong mga lalaking ito ang patunay. Lahat sila ay nakasuot ng summer shirts, ang iba ay naka-Hawaiian polo ang iba naman ay nakasimpleng polo shirt lang. Though they all shared small eyes, I could still see the different auras and charisma they had. Sila iyong tipo ng mga lalaking hindi ka lang mapapalingon, mapapatitig ka pa.
They all just worth a stare, even worth a smile.
Natuon ang atensyon ko sa isa sa kanila, nakasuot siya ng pulang Hawaiian polo at kung maputi silang lahat, masasabi kong nangingibabaw ang puti ng isang ito kaya siguro napansin ko siya agad. It was a shame for the Philippines' heat to burn his white porcelain skin. Mahihiya maging ang gatas sa kulay ng balat niya.
He had black hair but I was seeing a little bit shade of brown. There was a stunning silver watch on his wrist that made him look like a rich sugar Daddy.
Hoy, Hanoff, anong iniisip mo riyan?! Sugar Daddy?!
Ipinilig ko ang ulo ko at sinubukang ibaling atensyon sa mga kasama niyang mukhang hindi makapili kung anong bibilhin. I could hear them saying something about the price of the products… and how they couldn't afford it.
Ngumuso ako. Imposibleng hindi nila afford ang hindi naman tataas sa isang libong mga bilihin dito. Sa hitsura nila, mukhang kayang-kaya nga nilang bilhin ang kahit na anong gusto nilang produkto rito, kahit na ilan pa!
"Hoy, tama na titig. Bata ka pa," saway sa akin ni kuya Sergio na hindi ko na namalayang nasa likod ko na pala.
"Masama bang maguwapuhan sa kanila?" tanong kong hindi itinatago ang obvious na paghanga sa mga lalaki. Dahil totoo namang mga guwapo sila. Isa pa, hindi ko naman namin sila kilala.
"Oy oy, ilang taon ka pa lang! Eighteen ka pa lang bata ka!" gulat niyang sabi.
"Hindi ka ba nagka-crush dati? Hindi mo ba alam na tipong onse-anyos ngayon ay may mga boyfriend na? 21st century, Kuya! I'm a 21st century woman!" pagtatanggol ko sa sarili ko dahil nakikita kong wala namang mali kung magka-crush man ako.
"Naku, huwag mo akong ini-Ingles ha!" Pinanlakihan niya ako ng mga mata.
"Moderno na ang panahon ngayon, Kuya! Ah basta, 'di mo gets!" Inirapan ko siya at halos matumba ako sa kinatatayuan ko rito sa loob ng counter nang bumagsak ang mga mata ko sa pares ng maliliit at maiitim na mga matang tamad na nakatitig sa akin.
And those intimidating eyes were possessed by that snow as white skinned man. The guy who caught my attention. The guy who wasn't just worth a stare or even a smile… he was worth of something beyond.
Bahagya akong itinulak ni Kuya na naging dahilan ng pagsanggi ng baywang ko sa counter at nang nilingon ko siya ay nakangising tinalikuran lang niya ako. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para indahin ang sakit na dulot ng pagtama ko sa counter.
Buwisit iyon!
Nakangiting binalingan ko na ang guwapong lalaki na nakatitig pa rin sa akin. Sanay akong ngumingiti ng matamis sa mga customers kahit na hindi sila ngumingiti pabalik sa akin. Kasama sa trabaho ko ang maging charming at pleasing sa mga customers. Pero parang gustong maglaho ng ngiti ko nang hindi niya ako sinuklian ng ngiti, sa halip, nanatiling tamad lang siyang nakatitig sa akin.
Ang maliliit niyang mga mata na singlamig ng yelo kung tumitig ay tumatagos sa kaibuturan ng pagkatao ko.
Something that no one had ever done to me.
I wanted to stay smiling but his stares were drowning me and I just wanted to wipe my smile from my lips to equal the intensity his eyes were giving me.
Mahirap, mahirap kalabanin ang mga mata niya ngunit pinanatili ko pa rin ang mga ngiti sa labi ko.
"This will be all, Sir?" I sweetly asked him when I saw him putting a red fan on the counter.
"Yes," simpleng sagot niya.
Yumuko ako habang kinakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit kahit na napaka-bland lang ng pagkakasabi niya noon, kahit na hindi siya ngumingiti at tamad pa rin and mga matang nakatitig sa akin, bumilis pa rin ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang banayad niyang tinig.
Kahit na walang kabuhay-buhay ang boses niya, maganda pa rin iyon! At boses lang niya ang siyang nakapagpabilis ng tibok ng puso ko ng ganito!
"T-This will be two hundred pesos, Sir," nauutal kong sabi habang nanatiling nakayuko. Nakita kong naglapag siya dalawang daan sa counter, kitang-kita ko ang pagkintab ng dalawang mapuputing kamay niya sa ibabaw ng kulay tsokolateng counter.
Hindi na ako magtataka kung maha-heart attack man ako dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko dulot lang ng presensiya ng guwapong lalaking ito.
Matapos kong ibalot ang binili niya ay inabot ko na ito sa kaniya.
"Thank you, come again, Sir…" Humina ang boses ko nang hindi pa man ako natatapos ay tumalikod na siya at walang sabi-sabing umalis na sa harap ko. Wala akong nagawa kung hindi ang sundan na lang ng tingin ang malapad niyang likod na papalayo na.
I saw him go to his friends and talk to them a bit before leaving, walking out of the store while a camera man was still tailing him.
Nanlumo ako. Sinasabi ko na nga ba. Ang lalaking katulad niya ay hindi basta-basta lang madadala ng titig, ng ngiti o pagbibigay ng atensyon dito.
Artista ang lalaking iyon, Hanoff, siyempre hindi iyon basta-basta na lang mamamansin. At sino ka ba? You're not someone who's even worth a stare from him. Isa ka lang hamak na cashier girl na paniguradong mabubura rin sa isipan niya, o baka naman ngayon pa lang, burado na ang eksistensya mo sa utak niya.
Let's face the truth, guwapo ang lalaking iyon, pero hindi siya puwedeng pangarapin. It would worth a heart… and to risk was not included in my list of plans while I was here in this town.
A man like him was worth a heart. Girls would be willing to risk a heart for him, and I was not a risk taker.
Tumalikod ako at iniwan ang counter. Hinayaan kong si Kuya Sergio ang umasikaso sa iba pang customers. Nanatili na lang ako sa isang sulok ng counter habang nakanguso dahil hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang lalaki kanina.
Would it be too early to say that I liked the guy?
Inamin kong naagaw na nito kanina pa lang ang atensiyon ko. Naguwapuhan na ako rito hindi pa man ito lumalapit sa akin, ngunit nang magsalita na siya ay… wala na.
Kung may kinakapitan man ako kanina, bumitaw na ako. Nagpahulog na ako.
'Cause he's just a guy to fall for.
At ina-amin kong napaka-ipokrita ko para maramdaman ito sa isang estrangherong ngayon ko pa lamang nakita.
Pero anong magagawa ko?! Walang babaeng hindi mahuhulog sa kaniya!
Kung nakikita lang ako ni Mama, panigurado sesermunan ako noon dahil nagmamaktol ako sa isang bagay na wala namang katuturan. Baka nakatanggap pa ako ng batok sa kaniya. Palagi kasi akong nagmamaktol sa tuwing nabibigo akong makuha ang gusto ko.
It was my act of rebellion 'cause I knew, there was nothing I could do. It was my act of slowly accepting the harsh reality. Kasi wala namang mangyayari.
Suminghot ako para pigilan ang nagbabadyang hikbing gustong kumawala sa bibig ko ngunit namamasa na ang mga mata ko. This wasn't right. That guy wasn't someone I should be shedding tears to. Hindi siya bagay na basta ko na lang puwedeng gustuhin at kapag hindi ko nakuha ay iiyakan ko.
There was a fine line between liking things and liking him, liking a stranger that fast.
Marahas kong hinawi ang mga luhang nasa mga mata ko gamit ang braso ko at nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang mukha ni Kuya Sergio na nakadungaw sa akin at may mapaglarong ngiti sa mga labi niya.
Nang lumayo siya ay may itinuro siya sa likod at halos bawian ako ng ulirat nang makita ko ang guwapong lalaking naka-agaw ng atensyon ko na naroon at nakatitig sa akin.
Though, some things changed. Gone was the boring and cold eyes and exchanged with a dangerous stern eyes but the intimidation remained. His thin red lips were in a straight line but didn't deprive me from seeing the shape of his perfect heart lips.
"Hinahanap niya iyong 'beautiful cashier' daw na umasikaso sa kaniya…" Kuya Sergio even quoted his hands. "Siyempre, guwapo ako kaya hindi ako iyon kaya kahit na nagdududa ako, naisip kong baka ikaw dahil tayo lang naman ang cashier dito." Ngumisi siya.
"Kuya!" inis kong saway sa kaniya dahil hindi nakakatulong ang mapaglaro niyang ngiti lalo na at bumibilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa lalaking nakatayo sa labas ng counter at matamang nakatitig pa rin sa akin.
"Dalian mo! Hoy ah, bata ka pa ah! Mukhang matanda na iyan! Kausapin mo dali!" Ikinumpas niya ang kamay niya para sabihing lapitan ko na ang lalaki.
Nakangusong tumayo ako. Mukha namang nasa early twenties pa lang ito. E mas matanda pa nga yata siya rito dahil twenty-seven na siya! Dahan-dahan akong naglakad patungo sa guwapong lalaking naghihintay sa akin.
Guwapong lalaking naghihintay sa akin.
Sa sobrang lawak ng imahinasyon ko, pakiramdam ko, naka-beach gown ako habang naglalakad sa sandbar patungo sa isang napaka-engrandeng makeshift altar kung nasaan naghihintay sa akin ang isang maputi at napakaguwapong lalaking nakaputing polo shirt na bukas ang unang tatlong butones, at kahit na hindi siya nakangiti ay kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya.
Pakiramdam ko, kaming dalawa lang ang nag-eexist at wala ng iba pa.
Kaming dalawa lang…
"Yah."
Nagising ako mula sa pag-iilusyon nang marinig ko ang banayad niyang boses. Sigurado akong hindi ako dinaya lang ng paningin ko at talagang malambot ang boses niya. Malayong-malayo sa walang buhay niyang tinig kanina.
Nasa harap na niya ako at ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang bango niya. Pinaghalong amoy menthol at matamis na amoy.
Ang sarap lang sa ilong singhutin ng amoy niya.
"H-Hi, is there anything you need, Sir?" utal kong tanong.
"I left something," aniya saka kumurap.
I gaped. "Uh, okay. Feel free to find it, Sir." Tatalikod na sana ako nang muli siyang magsalita.
"Where are you going?" he asked.
"Huh?" tangang tanong ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya tinatanong iyon.
"Honestly, I forgot to get your name. Can you give it to me?" he asked, that literally dropped my jaw.
Nakangangang napatitig ako sa kaniya at ang mas nakapagpagulo ng isipan ko ay ang pagguhit ng ngiti sa mga labi niya, revealing his gummy smile. And he was so handsome!
"Hoy, hokage moves iyan!" Narinig kong sigaw ni kuya Sergio sa likod pero hindi ko siya pinansin.
Let's understand that he was a hopeless romantic.
"H-Hanoff," I uttered, only barely breathing.
"Hanoff, hm," bigkas niya sa pangalan ko at tumango-tango. He then held my hand to shake it with his. "I'm Yoongi, I'll surely come back here."
They were right.
There would really come a man that would worth your stares, your smile, your attention, your cries and your heart.
'Cause this man is worth my heart.
The end.
I'll let your imagination run from here.
*
Property of Hannan Usman
All Rights Reserved 2017.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top