Seventh Entry: I OWE YOU
I OWE YOU written by Ct
PH SUMMER PACKAGE IMAGINES
[A Jung Hoseok One-shot]
©CT2017 All Rights Reserved
Fanfiction/ Teen Fiction
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
Finished: September 9, 2017
Published: September 16, 2017
The last installment of PH Summer Package Imagines
*
You saved me, so I owe you not only my life but also my heart.
Naiiyak na inilingan ko si Aqua habang nakatunghay siya sa akin mula sa pagkakasakay niya sa paborito niyang itim na kabayo at nakangisi sa akin.
May suot siyang itim na beret sa ulo ngunit kitang-kita pa rin ang straight at mahaba niyang buhok na sobrang lambot titigan.
Nakapaloob ang dulo ng suot niyang hapit na itim na T-shirt sa suot niyang maong na jumper at maayos na nakasabit ang mga boots niya sa tapakan. May suot rin siyang itim na pares ng itim na leather gloves.
Hawak niya ang renda ng kabayo para makontrol ito. Sa kabilang gilid niya naroon ang isang puting kabayo na hawak ni manong Benny na isa sa mga tagapangalaga ng mga kabayo rito sa Hacienda Montecarlos.
"Come on, Milan! Get the horse already! Napaka-init dito!" ani Aqua na nananatili pa rin ang ngisi sa mga labi ngunit kababakasan na ng inis ang tono ng boses.
Lumunok ako habang nagmamaka-awang nakatingala sa kaniya.
Gusto niyang sakyan ko ang puting kabayo dahil gusto niyang samahan ko siyang mamasyal pero hindi naman ako marunong sumakay ng kabayo. Noong huli kong sakay ay tumilapon ako dahil sa kulit ng kabayo at hindi ko na muling sinubukan pa.
"I'm not asking you, Milan. Inuutusan kita!" Mas mataas na ang boses niya dulot marahil ng sobrang init.
Malamang naiinitan na ang makinis niyang balat.
"Pero A-Aqua, natatakot a-ako," utal kong sagot.
Gusto ko namang samahan siya e dahil sino ba naman ako para tumanggi sa kaniya?
Hamak na anak lang naman ako ng isa sa mga farmers nila.
Ang mga salita pa rin nilang mga Montecarlos ang batas sa haciendang ito.
"Pero noong si kuya Bendito ang nagyaya sa'yo, sumama ka!" sigaw niya sa akin na ang tinutukoy ay ang kambal niyang lalaki.
Pina-alala niya pa sa akin ang salbahe niyang kambal. Wala naman kasi akong kakayahang tanggihan iyong si Bendito na iyon dahil takot ko lang na halikan niya ako dahil iyon ang panakot niya sa akin!
Ang manyakis na iyon!
"Hindi ko gustong sumama—"
"Manong Benny! Ibigay mo kay Milan iyang si Alave!" galit niyang putol sa akin na para bang ayaw na niyang makarinig ng kahit ano pang dahilan mula sa bibig ko.
Naiiyak na pinanood ko nang hilahin ni Manong Benny ang puting kabayo sa harap ko.
Ang matandang tagapangalaga ay walang nagawa kung hindi ngitian ako ng tipid na para bang sinasabi niyang sumunod na lang ako para matapos na.
"Aqua, sasamahan kita pero puwede bang huwag na a-akong sumakay ng kabayo?" Huling paki-usap ko kay Aqua at nagbabaka-sakaling pumayag siya ngunit inirapan niya lamang ako at sinipa na ang tagiliran ng kabayo para mag-umpisa na itong maglakad.
Pinangunahan niya ang daan palabas ng malawak nilang bukirin habang wala akong magawa na tumuntong na sa kabayo sa tulong ni manong Benny.
"Kumapit ka ng maayos, Milan," aniya at marahang tinapik ang kabayo para maglakad na rin ito at sumunod kay Aqua.
Nang makalabas kami ng bukirin ay tinahak na namin ang kahabaan ng daan, konkretong daan kung saan makikita ang malawak na Hacienda Montecarlos sa magkabilang gilid.
Mahigpit ang hawak ko sa renda ng kabayo. Nadala na ako noong huli kong sakay. Hindi si Alave ang sinasakyan kong kabayo noon kung hindi si Cinta, na siyang sinasakyan ni Aqua ngayon. Hindi ko inaasahang magwawala si Cinta kaya nalaglag ako.
Si Cinta ang kabayong pag-aari ni Aqua at si Alave naman ang pag-aari ni Bendito. Dalawa lamang ang mga iyon sa dami ng kabayong mayroon ang mga Montecarlos.
"Aqua, puwede bang dahan-dahan l-lang," sabi ko kay Aqua nang makita kong medyo lumalayo na siya sa kinaroroonan ko.
Hindi ko alam kung paanong pabibilisin o pababagalin ang takbo ng kabayo.
Hindi naman ako hacienderang gaya ni Aqua na madalas ang libangan ay ang pangangabayo. Nasa mansyon ako madalas at naglilinis ng bahay nila kasama si Mama.
"Ang arte-arte mo, Milan! Sipain mo iyang si Alave nang bumilis sa paglalakad!" inis niyang sigaw na hindi man lang tumitingin sa akin kaya hindi niya malamang nakita kung paano akong napanganga sa sinabi niya.
Bumaba ang dugo mula sa mukha ko at sa tantiya ko ay sobrang putla na ng kulay ko.
Hindi ko ginawa ang gusto niya sa halip ay nakuntento na lamang ako sa layo ng pagitan naming dalawa. Pinagsawa ko na lamang ang mga mata ko sa maberdeng kapaligiran.
Sobrang ganda talaga ng Hacienda Montecarlos. Kahit saan ako tumingin ay puro mga puno at maberdeng mga halaman ang nakikita ko.
Madalas na tinatawag ng mga turista ang ganito na 'Greenfields' dahil sa kulay. At oo, madalas ang turista rito para sa tanawing dito lang sa Hacienda Montecarlos makikita. Minsan pa nga ay ginagawa itong venue ng mga shooting scenes sa mga pelikula.
Sa bagay, magaganda naman talaga ang halos karamihan sa mga lugar dito sa Palawan.
Malayo-layo na rin ang nilalakad ng mga kabayo at hindi ko na nasisilayan pa ang mansiyon sa likuran namin.
Naalala kong malayo rin ang narating namin noon ni Bendito bago ako ma-aksidente. Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng takot na baka pag na-aksidente ako ay walang re-rescue sa amin dahil malayo kami.
"Hey! Are you idling?! Kaya siguro nilalaglag ka ng kabayo! Kick the horse and control him, Milan!" At siyempre, iritado pa rin sa akin si Aqua.
Napakadali lang sabihin dahil marunong siya at hindi siya natatakot.
Bakit kasi kailangan niya pang isama ako?
E tatarayan lang naman niya ako buong oras namin ng pamamasyal. Kaya mas gusto kong nasa Manila siya kasi walang nang-aaway sa akin, pareho sila noong kambal niya!
Nang sinulyapan ko siya ay nakita kong nakahinto na si Cinta at iritado ang mukha ni Aqua habang nakatingin sa akin.
Magkamukhang-magkamukha sila noong kapatid niya. Parehong mga salbahe.
"What are you doing?! Horses aren't just supposed to be ridden. You have to control them too!" sigaw niya.
Nang sa wakas ay nakalapit na ako sa kaniya at pumantay na si Alave kay Cinta ay ngumisi siya ng sobrang lapad.
At pagkaganoon ay may binabalak siyang hindi maganda…
Bago ko pa man maisip ang kung anumang binabalak niya ay mabilis nang tumatakbo ang kabayong sinasakyan ko habang napapakapit ako rito ng mahigpit habang sumisigaw at naririnig ko ang pang-asar na halakhak ni Aqua mula sa likod ko.
Sinipa niya si Alave! Walanghiya, Aqua! Balak niya ata akong patayin!
"Maybe you'll learn not to flirt with my brother!"
Narinig kong sigaw ni Aqua bago ko siya naaninag sa gilid ko habang pinapatakbo si Cinta ng sobrang bilis hanggang sa malagpasan na niya ako.
Mas lalo akong kinabahan dahil pababa and matarik na daan at hindi pa rin humihinto sa pagtakbo si Alave.
"Aqua!" sigaw ko sa tonong nanghihingi ng tulong pero malayo na siya mula sa akin dahil nasa baba na siya.
Bakit ba ang bilis niya? At saka ano iyong sinabi niya?!
Kailanman ay hindi ko nilandi iyong salbahe niyang kambal! Si Bendito iyong lapit nang lapit sa akin!
"Aaah!" Napatili ako nang sinubukan kong higpitan ang hawak sa renda ng kabayo at malakas na hinila para pahintuhin ito kaya natuwa ako nang bumagal ang takbo ng kabayo saktong pagbaba namin mula sa matarik na daan.
"Ang galing, Alave!" natatawang pagkausap ko sa kabayo.
Nagpatuloy ito sa mabagal na paglalakad.
Mula sa may kalayuan ay nakikita ko si Aqua na mabagal na pinapalakad si Cinta.
Ang atensyon niya ay nasa kung saan.
Sa harap niya.
Lumampas ang tingin ko kay Aqua at nakita kong may mga tao sa banda roon. May mga itim na sasakyang nakaparada sa gilid ng kalsada at sa mga damuhan ay may mga tao.
Mukhang nakuha ng mga ito ang atensyon ni Aqua gayong napaka-ilap niyan sa ibang tao.
Nang makalapit na ako sa kinaroroonan ni Aqua ay naintindihan ko kung bakit. Mukhang mayroon na namang mga tao ang ginagamit ang Hacienda Montecarlos para gawing lokasyon ng shooting.
"Who are those people?"
Narinig kong bulong ni Aqua habang takang nakatingin sa mga taong abala sa mga ginagawa.
Hindi sila bababa sa sampu katao at mula sa gitnang bahagi ng damuhan ay nakita ko ang ilang kalalakihan na naka-upo at may kumukuha ng litrato sa kanila.
Hindi porke't anak lang ako ng kasambahay at mambubukid ay ibig sabihin wala na akong alam sa buhay. Kagaya nina Aqua at Bendito ay nag-aaral din ako pero hindi sa Maynila kung hindi sa bayan lang.
Sa pasukan nga e fourth year college na ako sa kursong Agricultural Studies. Ga-graduate na ako next year kaya may alam ako sa mga ginagawa nitong mga taong ito. At siyempre 'no, kagaya ni Aqua ay marunong din akong mag-ingles hindi ko nga lang nakasayang gamitin sa pang-araw-araw hindi katulad niya.
"Did they even ask for my father's permission?!" muling tanong ni Aqua na mas kumukunot pa ang noo.
Parte pa rin ng Hacienda Montecarlos ang lugar na ito. Ang lahat ng mga makikita rito ay pag-aari pa rin ng pamilya ni Aqua.
Malamang lang na kailangang humingi muna ng permiso ang mga taong ito bago sila mag-photoshoot dito.
"Sigurado naman akong ginawa nila iyon dahil hindi naman sila basta-basta makakapasok sa Hacienda Montecarlos, Aqua," sabi ko.
Marahas niya akong nilingon. "I'm not talking to you!" Umirap siya sa akin pagkatapos.
Ngumuso ako at tumahimik na lang dahil baka mas lalo pa siyang magalit sa akin. Gusto ko pang bumalik sa mansiyon ng buhay. Kahit tuloy gusto ko pang tumagal pa ang bakasyon ay hindi ko maiwasang ipinalangin na sana magpasukan na para bumalik na sila ni Bendito sa Maynila.
"Tss. I really don't like people in my property!" aniya saka marahang sinipa ang kabayo para mabagal itong maglakad patungo sa mga taong iyon.
Ginaya ko ang ginawa niya at muli akong natuwa nang marahang maglakad si Alave.
"Good boy," bulong ko sabay marahang hinaplos ang likod ni Alave dahil natutuwa ako sa kaniya. Sumunod ako kay Aqua ngunit hindi pa man kami tuluyang nakakalapit ay muli siyang huminto.
Nang sulyapan ko ang mukha niya ay nakita ko siyang nakanganga habang nakatitig sa mga lalaking nasa damuhan.
Ngumisi ako. Malamang naguwapuhan siya sa mga lalaking iyon. Kahit naman ako ay naguwapuhan din.
Mukha silang mga artista!
"Unless, they're these good looking," bulong ni Aqua habang ngumingiti na ng malapad.
Ngayong nakatitig ako kay Aqua ay hindi ko mapigilang isipin kung gaano siya kabagay sa mga lalaking iyon. Maganda siya, mayaman at saka nasa tindig ni Aqua ang pagiging isang modelo. Ganoon din naman si Bendito.
Sa totoo lang, pamilya kasi sila ng mga magaganda at guwapo.
Ako? Ako?
Sabi ni Mama maganda raw ako, pero alam ko namang hindi ako kasing ganda ni Aqua. Crush nga siya ng ilang kalalakihan dito sa Coron dahil bukod sa kilala ang mga Montecarlos ay masyadong mailap si Aqua hindi tulad ng kambal niyang babaero.
"Lapit tayo, Aqua!" yaya ko sa kaniya dahil mukhang kontento na siya sa lapit namin sa mga ito.
Umiling siya.
"No. I'll stay here. At sasamahan mo ako rito." Masamang tingin na nilingon niya ako. "Magagalit si kuya kapag lumapit ka sa mga iyan," dagdag niya.
"Pero g-gusto ko silang makita ng malapitan!" ungot ko.
"Hindi ako lumalapit sa kanila 'di ba? We need to give them privacy!" inis na sabi niya. Kahit ang simpleng paggusot lamang ng mukha niya ay napakaganda niya pa rin.
Ngumuso ako at yumuko.
Hindi iyon ang dahilan. Alam kong ayaw niyang lumapit dahil sa ugali niyang mailap sa mga tao. Hindi niya gustong makisalamuha sa mga tao at dinadamay niya ako!
"Hindi ko naman sila iistorbohin. Manonood lang ako," ungot ko pa rin.
Gustong-gusto ko kasing nakakakita ng ibang tao. Buong buhay ko nasa Hacienda Montecarlos lang ako at puro pare-parehong tao lang din ang nakikita ko sa bayan.
Iyong ganito?
Minsan lang ito. At saka ang gaganda nilang mga tao!
Para silang mga Diyos na bumaba sa Mount Olympus, napag-aralan namin sa Greek Mythology na may mga gandang hindi pangtao, gandang lagpas pa sa angking-ganda ng kahit na anumang nasa mundo.
At sila iyon. Iyong mga lalaking nasa damuhan. Sobrang gaganda nila, sobrang gaguwapo.
"Ang gaguwapo nila!" mahina kong sabi habang pinapanood sila mula rito.
Nakasuot sila ng mga damit na tugma sa init ng panahong ngayon. Ang iba ay naka-farmer hat, iyon iyong madalas kong nakikitang suot ni Papa kapag nasa bukid siya. Ang iba naman ay naka-floral na polo. Ang iba ay naka-striped shirts.
Kita ko sila mula rito sa kinaroroonan namin.
"Shut up, Milan!" pagalit na saway sa akin ni Aqua.
"E totoo naman e," sabi ko.
"You don't have the right to drool over other guys, Milan. You're for my brother!"
Bumuntong-hininga ako.
Hindi ko talaga siya maintindihan. Kung minsan ay ipinaparamdam niyang ayaw niya ako para sa kapatid niya kung minsan naman ay ganito, ipinapamukha niya sa akin na para ako sa kapatid niya.
Hindi ko gusto si Bendito!
Kahit pa sabihin ng lalaking iyon sa mga magulang niya na gusto niya akong pakasalan na hindi ko naman sigurado kung seryoso siya ay hindi ko pa rin siya gusto.
Napakasalbahe niya!
"Hindi ko naman gusto iyong kuya mo," bulong ko.
"What?"
"Wala!" Pinigilan ko ang umirap at hinawakan ang renda ng kabayo bago ito marahang tinapik para makalapit ako sa mga taong iyon.
"Milan!" Narinig kong tawag sa akin ni Aqua pero hindi ko siya pinansin.
Pinahinto ko lamang si Alave nang makarating ako sa may likod lang ng mga nakaparadang sasakyan. Mula rito, mas malinaw ko nang nakikita ang mga lalaki.
Pito sila.
Pitong naggaguwapuhang mga lalaki.
May mga singkit silang mga mata, matatangos na ilong at kakaiba ang puti nila kaysa sa natural na kulay ng mga mapuputing Filipino.
Napagtanto kong maaaring Hapon sila, Tsino o kaya naman ay mga Koreyano. Mapapayat din sila at matatangkad.
Napansin kong naglalaro na lang sila sa malawak na damuhan. Mukhang tapos na silang mag-photoshoot. Nakikita ko na ring nagliligpit na ang ilan sa mga tauhan nila.
Mga modelo kaya sila? Artista?
"Milan, come back here!" Narinig kong muling sigaw ni Aqua ngunit muli ko rin siyang inignora.
Bakit kaya hindi siya lumapit dito? Bakit ba takot na takot siya sa mga tao?
Ang sungit sungit niya tapos hindi naman pala siya bubuga sa ibang tao.
Nang ibalik ko ang tingin ko sa mga lalaki ay nakita kong hindi na sila magkakasama. Magkakahiwalay na sila. Nadako ang mga mata ko sa isa sa mga ito dahil malapit lang ito sa kinaroroonan ko. Sa may pangalawang sasakyang nakaparada.
Natawa ako nang makita ang lalaking nakaputing polo na may green bamboos na disenyo habang pinaglalaruan niya ang camerang nakasabit sa balikat ng isang lalaki.
Pinandidilatan niya ang camera at natatawa rin siya sa sarili niyang ginagawa. Hindi lang siya kung hindi maging ang lalaking may hawak ng camera ay natatawa na rin.
Natawa tuloy ako ng mas malakas. Mukhang nasobrahan ako dahil nakuha ko ang atensyon niya.
Nag-angat ang guwapong lalaki ng tingin sa akin at agad na kumunot ang noo niya nang magtama ang mga mata namin.
Dati hindi ako naniniwalang kayang tumunaw ng mga tao gamit lamang ang pagtitig pero ngayong nakatitig siya sa akin ay para akong natutunaw.
Puwede pala iyon 'no? Posible pala?
Humigpit ang hawak ko sa renda ni Alave dahil kung hindi ay babagsak ako dahil sa panghihina.
Grabe! Legal ba ito? Legal ba siya?!
"MILAN!" Mas malakas na ang sigaw ni Aqua ngayon kaya sapilitan ko siyang nilingon. Madilim na ang anyo niya na para bang hindi na siya natutuwa. "We're going home! Let's go!" Pinanlakihan niya ako ng mga mata.
"Mauna ka na, Aqua!" sigaw ko pabalik. Dahil gusto ko pang makita ko itong guwapong lalaki sa harap ko, gusto kong idugtong pero baka mas lalo siyang magalit.
Hindi ngayon, hindi ngayong nagdidiwang pa ang mga mata ko sa kakisigang nakikita ko. Minsan lang ito. Once in a lifetime, kumbaga.
"What? Get back here, Milan! Or else, papapuntahin ko si kuya rito!"
"Nasa bayan siya, Aqua…" Hindi ko napigilang ngumisi nang maalala kong sobrang saya ko kanina nang umalis si Bendito para bumaba sa bayan.
Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaki pero napasimangot ako nang tanging ang malapad na likod na lamang niya ang nakikita ko habang naglalakad siya palayo.
"ALAVE!"
Hindi lang ako ang nagulat sa tili ni Aqua kung hindi maging ang kabayo. Iba ang naging response ng kabayo, umangat ang dalawang paa nito sa harapan at kung hindi lamang naging maagap ang pagkapit ko ay baka nalaglag na ako.
"Aaah!" Napasigaw ako at hindi sinasadyang natadyakan ang magkabilang gilid ni Alave na naging sanhi ng pagwawala niya.
"Oh my God, Alave!" Narinig ko ang natatarantang tinig ni Aqua na mukhang natauhan na sa ginawa.
Mas nag-panic ako nang magsimulang tumakbo si Alave habang nagwawala pa rin. Nanatili akong nasa ibabaw niya at mahigpit na humahawak habang nakapikit.
Kumalma ka, Alave, please! Tahimik kong usal.
"Aqua!" sigaw ko para humingi ng tulong.
"Hold on tight, Milan! I'll calm Alave down!" Muli ko siyang narinig ngunit masyado na akong natatakot dahil mas malala pa lang magwala si Alave kaysa kay Cinta dahil lalaki si Alave.
"A-Aqua…" nanginginig na sabi ko sa gitna ng mariing pa ring pagpikit.
Naiiyak na ako dahil sa takot na baka tumilapon ako mula sa likod ng kabayo at baka bumagsak sa matigas na konkretong daan.
Alog na alog na rin ako.
Sa gitna ng pagpa-panic ko ay isang malakas na sipol ang nagpatigil kay Alave mula sa pagwawala at tumilapon ako sa pinaka-ulo ni Alave, mabuti na lang at nakapakapit ako sa katawan niya para hindi ako malaglag.
Hindi muna ako gumalaw dahil baka may aftershock pa si Alave.
"Don't be scared now, you're safe, miss," wika ng isang tinig mula sa gilid ko.
Unti-unti akong nag-angat ng tingin at nilingon ang nagsalita. Bumundol ang panibagong bugso ng damdamin sa dibdib ko nang salubungin ng mga mata ko ang isang pares ng singkit ngunit malalamlam na mga mata. Napansin kong hawak niya ang isang parte ng renda ni Alave.
Siya ba iyong sumipol? Siya ba iyong nagpatigil kay Alave? Niligtas niya ba ako?
"You're safe now." Ngumiti siya ng sobrang lapad na nagpapakita ng pantay-pantay at mapuputi niyang mga ngipin. Ang mga labi niya ay pulang-pula sa pagkakabanat.
Mamula-mula ang mga cheekbones niya dahil sa init na tumatama sa kaniya o baka dahil hindi siya sanay sa init ng Pilipinas. Ang kay-lambot sa paningin niyang tsokolateng buhok na bahagyang nagiging kulay ginto dahil sa pagtama ng araw ay bagsak na bagsak at ang ilang tusok ay natatabunan ang noo niya.
Gusto kong mahawa sa paraan ng pagngisi niya ngunit masyado akong naguguluhan sa kung anumang nararamdaman ko. Mabilis ang tibok ng puso ko ngunit sigurado akong hindi na dahil sa takot, may iba pa… hindi ko mapangalanan.
"Hey Hoseok, are you waiting for her to get down? You should help her!" May isang lalaki ang lumapit sa amin. Isa rin ito sa mga kasama niya.
Nakasuot ng white and green striped shirt at kulay gatas na pantalon. Nag-angat ng dalawang braso ang lalaking bagong dating sa akin.
"Let me help you, please," aniya ngunit agad na nawala sa harap ko ang mga braso niya nang hawiin ito ng lalaking tumulong sa akin na pakalmahin si Alave.
The guy who saved me was the same guy I saw earlier near the van.
"She's mine to hold, Namjoon so back off." Matalim na tinitigan niya muna ang lalaki bago siya nag-angat ng tingin sa akin. "I'll help you. Come here," aniya saka inangat ang parehong kamay para saluhin ako.
Napatihulog ako sa mga braso niyang handa akong saluhin at mas nangibabaw ang kung anumang nararamdaman ko sa dibdib ko nang pumalibot sa katawan ko ang mga matitigas niyang braso nang sinalo niya ako.
Gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi niya. "I saved you so you owe me your life," aniya bago niya ako ibaba.
"Hindi naman ako papalag e," bulong ko.
Utang ko sa kaniya ang buhay ko at puso ko ang kabayaran… okay lang sa akin.
Okay na okay!
"Tss, just kiss her Hoseok! You're so slow!" wika ng kaninang lalaki na hindi pa rin pala umaalis.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.
The End.
I'll let your imagination run from here.
*
Property of Hannan Usman
All Rights Reserved 2017.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top