Chapter 8

Gosh. 'Yong puso ko mga bes! How to calm down?

"Jungkook?" nagtatakang tanong ni Jin sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko.

"Bakit mo siya pinaupo?" tanong din ni Jimin sa kanya.

"Hindi ba uso sa inyo ang interviewhin ang magiging katulong natin." sagot niya sa dalawa at idiniin talaga ang salitang 'katulong'.

Kanina lang kinikilig ako pero ngayon masakit. Real quick!

Katulong lang ba talaga ang tingin niya sa akin?

"So, ako na mag-uumpisang magtanong." basag ni Jungkook sa katahimikan.

Bakit ba ako kinakabahan? Magtatanong lang naman si Jungkook.

Si Jungkook lang!

"Anong buo mong pangalan?" tanong niya sa akin habang nakangisi.

What's with the smirk?

"C-Christine Zeyon Chan." nauutal kong sagot sa kanya.

Mahaba ang pangalan ko. Sorry kung hindi ko sinabi noong una dahil ayoko ng gamitin 'yun.

Bakit? Dahil naaalala ko lang doon si JK. 'Yun kasi tawag niya sa akin tsaka hindi rin naman bagay sa Christine. Christine Zeyon— Teka!

Zeyon? Jeon?

Ay grabe, magkatunog. Feel na feel ko na tuloy maging Mrs. Jeon!

"Ang ganda naman ng pangalan mo. Zeyon." nakangiting sabi ni Jimin.

"Salamat." kiming sagot ko bago tumungo.

Kinikilig ako. Ano ba!

"Tsk! Kayo mga, hyung? Hindi niyo ba siya tatanungin?" tanong ni Jungkook kina Jin.

Kami lang kasi ang nakaupo at magkaharap pa kami.

Tumabi naman sa kanya 'yong tatlo at mabilis akong tinanong ni V.

"Ilang taon ka na? Kailan birthday mo? Anong favorite color mo? Favor—"

"Damn, hyung! Isa-isa lang pwede? Pwede ba?" inis na sabi sa kanya ni Jungkook.

Hala! Anyare dito? Sungit talaga.

"Sorry..." sabi ni Taehyung habang naka-peace sign.

Gwapo talaga, hays!

"Okay lang, V. Para sa unang tanong mo. I'm 17 years old and I was born on September 2, 1998. My favorite colors are red, white, black, and yellow." nakangiti kong sagot sa lahat ng tanong niya.

"ChrisTintin, magkasunod kayo ni Jungkook ng birthday tapos parehas pa kayo ng favorite colors 'yong iyo lang may yellow! Ang galing. Tapos parehas pa kayong moody. Ops!"

Napahawak naman siya sa bibig niya ng marealize niya kung ano 'yong sinabi niya. Nakita ko namang siniko siya ni Jimin.

"What did you say, hyung?" seryosong tanong ni Jungkook sa kanya.

Well, hindi ko na idedeny. Moody talaga ako.

"Eh totoo naman eh. Diba, Jin Hyung? Diba?" sabay yugyog ni V kay Jin.

Ang cute niya talaga.

"Stop smiling. You're not even beautiful." napatingin naman ako kay Jungkook sa sinasabi niya.

Kapal ha! Excuse me, dyosa po ako.

"Sungit. Akala mo naman siya sobrang gwapo. Malaki naman ilong." bulong ko. Napatingin naman kaming lahat kay Jimin na humahagalpak sa tawa ngayon.

"Rinig ko 'yon, Christine!" tumatawang sabi sa akin ni Jimin. Agad namang nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Ang alin, Jimin?" tanong Jin sa kanya.

Magsasalita na sana siya ng tinakluban ko 'yong bibig niya.

"A-Ano... Wala 'yon! Diba, Jimin? Diba?" tumango naman siya habang taklub-taklob ko 'yong bibig niya.

"Tsk! Bahala nga kayo dyan. At ikaw, mag-umpisa ka na!" sigaw sa akin ni Jungkook bago magwalk-out.

As always!

"Anyare na naman doon?" tanong ni Taehyung.

"Tinotopak na naman..." sagot sa kanya ni Jin.

"So, mag-uumpisa ka na?" tanong ni V sa akin.

"Yep! Doon na lang ako sa kusina mag-uumpisa."

**

Nakapaglinis na ako ng kusina.

Napunasan ko na 'yong lababo.

Nasa dining room na nga ako at nagwawalis ako dito ng biglang may natapon na tubig.

Butas ba bubong nila? Bakit bumaha na lang bigla rito?

Charot lang!

Ang pangit naman nang bahay nila kung butas diba? Tsaka grabe ha! Isang balde ata 'yong natapon. Ang laking butas naman no'n.

Dahan-dahan kong tiningnan kung sino ang walang-hiyang nagtapon ng tubig.

Damn.

Kailangan niyo na akong pigilan kasi kahit mahal ko 'to ihahataw ko dito 'tong walis tambong hawak ko.

"Are you just going to stare at that water? Clean it now." walang emosyong sabi sa akin ni Jungkook.

"Are you stupid?! Eh ikaw nagtapon niyan eh!" singhal ko sa kanya. Hindi sa lahat ng oras mabait ako.

"How dare you to curse me!? You're just a maid!" balik sigaw nito sa akin na lalong nagpainis sa akin.

How dare him! Idol ba talaga 'to? Bakit napakasama ng ugali nito?

Christine, tanga ka nga! Bakit mo minahal 'yang taong 'yan?!

Bakit?!

"Bakit gawain din ba ng isang maid ang linisin ang katangahan ng amo niya?!" nakangising tanong ko sa kanya.

"So, your saying that I'm stupid?"

"Hindi naman po, sir. Alam ko naman kasing matalino kayo eh. Kaya nga kayo naka 4/100 sa isa n'yong test sa English diba?" nang-aasar kong sabi sa kanya.

"Pero ang sabi po ng mama ko tulungan ko kayo maglinis pero hindi ang linisin ang mga kalat niyo. Ang kapal niyo naman!" nakangising dagdag ko pa sa sinabi ko. 

"Nagbabayad kami sa mama mo ng ibabayad sa'yo tapos hindi ka susunod? Sapalagay mo sinong mas makapal ang mukha sa atin? Ako ba? Diba ikaw." nakangisi rin nitong sagot sa akin. At dahil sa sinabi niyang 'yon ay hindi na ako nakapagtimpi at sinampal ko siya sa kaliwang pisngi niya.

"Edi ako na. Ako na ang makapal ang mukha! Pero sating dalawa ikaw ang makapal ang mukha! Kasi sa harap ng madaming tao ang bait-bait mo pero pag sa iba napakasama mo! Pinagsisihan kong inidolo pa kita. Kayo ng grupo niyo!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top