Chapter 6

Jimin's POV

Woah, grabe 'yon ah. Si Jeon Jungkook ang nasabihan ng mga ganoong bagay?

"Pag pasensyahan niyo na 'yong anak kong 'yon ha? May problema talaga minsam sa ugali 'yon." sabi ni Tita Cynthia pagkaalis ni Christine sa loob ng kwarto na kinalalagyan namin.

"Okay lang po. Pasensya na rin po kayo sa inasal ni Jungkook." nahihiyang paghingi ng paumanhin ni Jin Hyung. Kami naman ni Taehyung ay nakatungo lamang dahil sa nangyari.

Nagwalk-out din kasi si Jungkook pagkatapos magwalk-out ni Christine.

Haynako, sila palang dalawa ang bagay dahil pareho silang may problema sa ugali.

**

Cynthia's POV (Christine's Mom)

Lumakad ako palapit sa bulto ng lalaking nakaharap ang likuran sa akin. Dahan-dahan akong lumapit dito at tumayo sa gilid niya.

"Iho..." lumingon ito sa akin at nagbaba ng tingin. Hindi pa rin nga nagbabago ang batang ito.

"Bakit po?" mahinang tanong niya sa akin.

"Kilala kita." nakangiting sambit ko bago siya niyakap ng mahigpit.

"Tita Cha." ngumiti ako sa naging tawag niya sa akin at nang maramdaman ko ang pagyakap niya pabalik.

**

Christine's POV

"Letse. Napakasama ng ugali niya! Hindi porke't gwapo siya may karapatan na siya magsuplado! I hate him!" sigaw ko sa kawalan ng makabalik ako sa garden namin. Sinalubong naman ako noong anim at pinaupo ako sa pagitan nina Noelyn at Princess.

"Edi okay lang na magsuplado siya." sabat ni Noelyn sa akin na katabi ko.

"At bakit?!" mataray kong tanong sa kanya. Ako dapat ang kinakampihan niya dahil kaibigan niya ako!

"Kasi sabi mo rati, ang mga gwapo at magaganda lang ang may karapatang magsuplado. Eh diba sabi mo gwapo siya?" sagot nito sa akin na para bang tamang-tama ang mga sinasabi niya.

"Sinabi ko ba 'yun?" nagtatakang tanong ko.

"Oo kaya!" sabay-sabay nilang sigaw na nakapalibot na sa akin.

Kailangan sabay-sabay? Choir ba ito?

"Mukhang badtrip na badtrip ka roon sa lalaking 'yon ah?" sabi sa akin ni Shy.

"Sobra! Naku. Kahit pa mahal ko siya nakakainis din." mataray na sagot ko sa kanila.

"Gusto mo bang resbakan na namin?" tanong ni Angelli sa akin.

"Papatokhang ko na ba, bes?" tanong sa akin ni Trisha bago kinuha ang cellphone niya na para bang may tatawagan.

Mga baliw talaga 'tong mga ito pero kahit ganito sila alam hindi nila ako kailanman iiwan.

"Ipakilala mo nga sa amin 'yang lalaking 'yan at nang maresbakan na! Tatawagan na rin namin sina Rilany at Darrell." sabi sa akin ni Noelyn.

"Malalaman niyo rin. Sa tamang panahon..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top