Chapter 51
"Oh my god, Noe. Oh my god!" nagtitiling sigaw ko ng makapasok kami sa kwarto niya.
"Oh em gee! Bakit kay Jimin? Bakit?!" natatarantang sigaw ko.
Bakit ginawa ni Christine 'yon? Masyado ba siyang inaakit ni Jimin kaya hindi na niya nakontrol ang sarili niya?
"Eh kaysa naman kay Jungkook diba?" matabang na sabi sa akin ni Noelyn.
"Ay! Oo nga 'no. Pero kasi... Oh my god! Why is that? Bakit? Sila na ba ni Jimin matagal na?! Shems."
"Nakakabaliw!" sabay na sigaw namin ni Noelyn.
"Bumalik na nga tayo sa restaurant bago pa tayo mabaliw ng tuluyan dito. Baka nandoon pa 'yung iba." sabi ko sa kanya bago siya hinila palabas ng kwarto nito.
"Sasabihin ba natin sa kanila?" tanong niya sa akin bago kami lumabas ng pinto.
"Boba ka ba? Syempre hindi!" mataray na sagot ko sa kanya.
Akala ko sa aming pito ako ang slow pero mukhang napalitan na ako ni Noelyn.
"Na-boba pa ako. Tara na nga."
**
Christine's POV
"Shit ka talaga, Jimin. Ang sakit eh!" sabi ko sa kanya sabay palo sa braso niya.
Oh my muscles!
"Ang likot mo eh. Patingin nga."
Tinaas niya 'yung hita ko at inilagay sa lap niya.
"Ang haba pala ng sugat mo."
"Ang sakit nga eh..." nakangusong sabi ko sa kanya.
Para kasing tanga nagkasugat tuloy ako.
Ang lakas ng trip mangiliti ayun nahulog ako sa kama eh meron pa namang nakakalat na gunting sa sahig kasi nagawa ako ng paper cranes.
"Sorry na. Ililibre na lang kita ng dalawang galon ng ice cream."
Para namang nagpuso 'yung mata ko dahil sa narinig ko.
Two gallons of ice cream is life.
"Talaga?! Double Dutch ha? Ha?! Oh my." nakangiting sabi ko sa kanya.
"Oo. Kaya tara na't hahanap tayo d'yan ng ice cream." sabi niya bago ako hilahin palabas ng kwarto.
"Dahan-dahan naman. Ang sakit po kaya ng hita ko."
"Tsk. Pata 'yan hindi hita." tumatawang sabi niya.
"Tse! Inggit ka lang. Pandak ka kasi. You got no jams, Jimin!" pang-aasar ko sa kanya.
"Pandak!"
"Walang jams si Jimin. Walang jams si Jimin. Walang jams si Ji-" napatigil ako sa pang-aasar sa kanya ng inilapit niya sa mukha ko 'yung mukha niya sa akin.
"Hahalikan kita o titigil ka?" nakangising tanong niya sa akin.
Why so hot, Jimin? Why!
"Joke lang! Masyado ka namang kinilig? Alam ko naman loyal ka kay Jungkook eh." tumatawang sabi niya.
"Edi nye!"
"Ikuwento mo na kasi 'yung nangyari sa inyo kagabi." pamimilit nito sa akin.
"Maka-nangyari sa inyo kagabi ka d'yan parang may ginawa kaming iba ah!" natatawang sabi ko sa kanya.
"Napakaberde mo. Bagay kayo ni J-hope hyung." nakairap na sabi niya sa akin.
Kalalaking tao ang galing mang-irap. Dukutin ko singkit nitong mata eh.
"Kwento mo na kasi!" pangungulit niya sa akin.
"Ayoko nga. Neknek mo, uy!" mataray na sabi ko sa kanya.
"Edi walang ice cream." nakangising sabi niya.
"Psh. Oo na! Letse ka talagang pandak ka."
"Don't hate me please... Hindi ko kakayanin. I'm sorry for everything, Zeyon."
Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay niyakap niya ako.
"I'm sorry, Cz. Hindi ko gustong gawin 'yun pero para naman sa'yo 'yun. Sorry. Sorry. Sorry."
Tiningnan ko siya at doon ko nalamang umiiyak na siya.
Nasasaktan akong makita siyang ganon pero mas nasasaktan ako.
Kahit ayokong gawin ay pinunasan ko ang mukha niya at sinabing...
"Galit ako sa'yo pero ayokong nakikitang umiiyak ka. Alam mong mahal kita bilang Jungkook. Paano pa ngayong nalaman kong ikaw din si JK? Siguro wag muna ngayon kasi masyadong masakit 'yung mga nalaman ko."
Pagkasabi ko noon ay umalis na ako at nakita ko pang nagtatago sa may gilid si Ella at Taehyung.
"Galit ka pa rin ba sa kanya?" tanong ni Jimin.
"Oo kasi hindi naman agad mawawala 'yung sakit eh. I feel betrayed, Jimin." malungkot na sagot ko sa kanya.
"Ngumiti ka na nga d'yan. Hindi bagay sa'yo ang malungkot. Halika na at ililibre na kita ng dalawang galon ng ice cream." nakangiting sabi sa akin ni Jimin bago ako hinila palabas ng hotel.
Sana madali na lang makalimot para hindi na nasasayang 'yung mga minuto at oras na pwede ko siyang makasama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top