Chapter 49
Christine's POV
Tahimik akong nakahiga dito sa kama ko ng may biglang kumatok.
Argh! Ayoko pa bumangon. Inaantok pa ako.
"Nay, gising na! Sabay-sabay tayong kakain sa baba." sigaw ni Ella sa labas ng pinto.
"Sige. Maghihilamos lang ako." sigaw ko rin pabalik bago bumangon.
"Okay, nay. Intayin ka na lang namin sa lobby."
Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin at nakitang 'yung singkit kong mata ay lalong sumingkit.
Naghilamos lang ako ng mabilis at lumabas ng kwarto ko.
"Good morning, nay!" bati agad sa akin ni Ella pagkadating ko sa lobby.
Para silang mga blooming. Buti pa sila...
"Christine, anyare sa mata mo? Nakikita mo pa ba kami?" tanong sa akin ni Princess.
"Oo, kita ko pa kayo. Tara na! Gutom na ako." sabi ko sa kanila bago dumiretso sa hotel restaurant.
"Alam niyo ang blooming niyong tignan. Buti pa kayo..." sabi ko sa kanila habang hinihintay 'yung order namin.
"Ikaw din naman, nay ah. Diba nga ka-"
Napatayo ako bigla para takluban 'yung bibig ni Ella.
Ingay talaga nitong batang 'to! Nakita nga pala kami nito kagabi.
"Joke lang, nay. Pero teka nga diba sabi niyo may kinasal kagabi?" pag-iiba ni Ella ng topic.
"Eh? Sila na ba?" tanong ko ng may pagtataka.
"Oo. Nagsabi pa sila ng madadramang vows sa isa't-isa." sabi ni Princess sa akin sabay irap.
Ang bitter talaga.
"Sino namang ikinasal kagabi? Hindi manlang ako tinext o tinawagan." tanong ko.
"Si Trisha pati si Noelyn." sabi ni Ella.
"What? Double wedding ang naganap tapos kahit isa walang nag-imbita sa akin?" nagtatampong tanong ko sa kanila.
"Nay, I feel you. Hayaan mo na. Hindi natin sasabihin sa kanila 'yung secret natin." ngiting-ngiti na sabi ni Ella.
"Yah! Eh kayong tatlo? Kamusta lovelife?" tanong ko kina Princess, Angelli, at Shy.
"Ako? Okay lang naman. Naging close kami ng dahil sa katangahan ko." sagot sa akin ni Princess.
"Bakit naman?" tanong ko sa kanya.
"Nadulas kasi ako kahapon sa pag-aakalang may humahabol sa aking multo." nakangusong sabi nito sa akin.
"What the fck! Seryoso?" natawang tanong ni Noelyn sa kanya.
"Kaya ba may benda ka sa paa? Na-sprain ka?" tanong ko sa kanya habang nagpipigil ng tawa.
"Yeah. Si Rapmon naglagay nito."
"'Di nga? May lovelife na rin si Princess." pang-aasar ni Ella sa kanya.
"Ikaw, Angie? Kamusta na ang iyong one-sided love for Jimin?" tanong Ella kay Angelli.
Napansin ko namang tiningnan ako ni Noelyn. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Ganon pa rin? Sabi niya susubukan daw niyang ibaling sa iba 'yung atensyon niya..." simpleng sagot ni Angelli sa kanya.
Matutunan mo ring magmahal ng iba, Chimchim... sabi ko sa isip ko.
"Eh ikaw, Shy? Kamusta na kayo ni J-hopia?" tanong ni Ella kay Shy.
Hyper na hyper na naman ang batang 'to.
Iba talaga epekto ni Taehyung sa kanya.
"Umamin ako kahapon na gusto ko siya tapos ayun naging O.A na naman. Ano pa bang aasahan niyo? Pero sabi niya maging friends na lang daw muna kami kasi doon naman daw 'yun nag-uumpisa." mahabang paliwanag ni Shy.
"Naks naman! Umaasenso lovelife nila oh. Hart hart!" sabi ni Ella sabay kumpas sa hangin.
"Ikaw, Ella? Hyper ka na naman. Anyare sa'yo kagabi?" tanong ni Princess kay Ella.
"Malapit na sila sa ligawan stage ni V. Love is everywhere mga tropapits!" sabi ko sa kanila habang nakangiti.
"'Di nga?! Akala ko sa dalawang 'to lang may magandang nangyari kagabi. Pati pala sa'yo." hindi makapaniwalang sabi ni Angelli.
"Hindi lang kaming tatlo 'no." sagot sa lanya ni Ella bago ngumisi.
"Hoy, Cz. Ikaw? Anyare sa'yo? Bakit ganyan mata mo? Tsaka anong secret niyo ni Ella ha?" tanong sa akin ni Noelyn.
"Ako? Tsk. Wala." walang gana kong sagot sa kanya.
"Nay, wala? Sure ka? Wala talaga?" nang-aasar na tanong sa akin ni Ella.
"Shut up, Ella. Hindi nga tinatanggap ng sistema ko 'yung nangyari kagabi eh." nakairap na sagot ko sa kanya.
"Yow, everyone!" napatingin kaming lahat sa nagsalita at nakita namin ang BTS na papalapit sa amin.
Ano ba 'yan! Ayoko ngang makita si Jungkook. Kahit ngayon lang...
"What's up, J-hope!" bati ni Noelyn kay J-hope.
"Nothing's up, Misis Kim. Everything's down!" sagot sa kanya ni J-hope.
"Misis.Kim daw! Pusuan!" pang-aasar ni Princess kay Noelyn.
"Tse." namumulang sabi ni Noe.
"Yow, yow. Miss Cute!" bati niya sa akin.
Kung sa amin, si Ella ang laging hyper sa kanila naman its either si Taehyung o J-hope.
"Anong nangyari sa mata mo? Nakikita mo pa ba ako?" tanong niya sa akin.
Nagkanya-kanyang upo na silang pito sa harap namin.
Buti na lang at si J-hope ang umupo sa tapat ko.
"Oo. Kitang-kita kita." sabi ko habang napa-facepalm.
"Are you sure? Mas singkit ka pa kay Jimin ngayon eh." tumatawang sabi niya pa.
"Eh kasi..." hindi ko na tinuloy ang sinasabi ko at napanguso na lang.
"Puyaters na nga iyakin pa. Pffft! Peace tayo, nay. Labyu!" nakayakap na sabi sa akin ni Ella.
"Umiyak ka?! Punyeta! Sinong nagpaiyak sa'yo?" nag-hihysterical na tanong ni Noelyn.
"Resbak na ba? Ano?! Sino ba 'yan?" maangas na sabi ni Trisha.
"Ipapapatay natin kay Fafa Digong dali!" suhestyon pa ni Princess.
Baliw talaga 'tong mga 'to.
"Alam niyo. Kumain na lang tayo at matutulog pa ako pagkatapos. Inaantok pa ako." sabi ko sa kanila.
"SuGums! Kayo na pala ni Trisha. 'Di mo manlang ako inivite sa kasal niyo." rinig kong sabi ni Ella kay Suga.
"Bigla kayong nawala ni V eh. Sumunod pa kayo sa dalawang LQ." sagot nito kay Ella bago tumingin sa akin.
Suga, shut up!
"Sinong LQ?" nagtatakang tanong ni Trisha.
What to do? I'm not prepared!
"Hyung, wag kang maingay. Secret lang 'yun eh!" sabi ni Taehyung kay Suga.
"Ganon ba? Okay. Bawal daw sabihin, Misis Min eh." napatingin naman ako kay Trisha ng dahil sa pagtawag ni Suga sa kanya ng Mrs.Min.
Alam niyo itsura? Ayun pulang-pula ang mukha. Edi sila ng inlove!
"Kingina niyo! Misis Kim, Misis Min. Ano pa susunod? Ano?!" nag-hihysterical na sabi ni Ella.
"Walang forever." sabi ni Shy habang tinutusok-tusok 'yung steak na nasa harap niya.
"I agree." sabat ni Princess.
"Ako rin. Maghihiwalay din kayo." dagdag pa ni Angelli sa sinabi ni Shy.
"Mga ampalaya ba mga kinakain niyo? Why so bitter, girls?" tanong ni J-hope sa kanila.
"May forever kaya. Diba, Noe?" tanong ni Jin kay Noelyn.
"Yep. Meron kaya no'n. Kahapon lang." tumatawang sabi ni Noe.
"Meron naman talaga. Forever tanga, forever paasa, forever manloloko, forever naghihintay, o ano pa?" nakatungong sabi ko bago palihim na umirap.
"Nay, ang bitter!"
"Cz, ilang ampalaya tinira mo kagabi?"
"Tin, bigte ka na!"
"Ipapapatay natin 'yang mga poreber manloloko na 'yan."
"Letse! Ang laki ng galit mo sa mundo, Christine."
Sunod-sunod na sabi sa akin no'ng lima.
"Bakit? Nagsasabi lang ako ng totoo." sabi ko sabay irap.
"ChrisTintin, pag-explainin mo kasi!" sabat bigla ni Taehyung.
Tinignan ko naman siya ng diretso sa mata.
"Wag mo akong tingnan ng ganyan, ChrisTintin. Hindi ko kita mata mo." sabi niya bago nag-pout.
"Hmp! Kasalanan ko bang singkit ako?" mataray na tanong ko sa kanya.
"Ikaw kasi, nay! You're so madrama like oh my god!" sabi sa akin ni Ella na katabi ko.
"Ewan ko sa inyo! Geh. Tutulog lang is me!" tumayo na ako at umakyat sa room floor ko.
Pagod na talaga ako...
**
Ella's POV
"Ano bang nangyari doon? Mukhang matamlay? Namatayan?" tanong ni Noelyn pagkaalis ni Christine.
"Oo. Namatayan ng puso!" sabay naming sabi ni Taehyung.
"Letse! Ilong, ano namang ginawa mo sa bestfriend ko? Tangina! Itataktak na talaga kita!" sigaw ni Noelyn kay Jungkook.
"Paano mo naman nasabing si Jungkook 'yung pumatay daw sa puso ni Christine?" tanong ni Namjoom sa kanya.
"Duh! Wala namang ibang gusto si Cz. Mahal lang. Punyeta! Bakit kasi si Jungkook pa!" nagdadabog na sigaw ni Noelyn bago lumabas ng restaurant.
"So, magwawalk-out na rin ba ako? Susunod na ba ako sa dalawa kong bestfriend?" tanong ni Princess habang umiinom ng juice bago tumayo at nagwalk-out.
Edi siya na ngang sossy.
"Walk-out Queens lang ang peg? Kaloka!" tumatawang sabi ni J-hope.
"Hindi ko alam ang nangyari pero parang alam ko na." sabi ni Trisha habang nagpupunas ng bibig.
"Baka kasi napagod na 'yung matagal ng naghihintay sa'yo." sabi ni Trisha na nakatingin kay Jungkook sabay umalis ng restaurant.
Uso ba magwalk-out? Susunod na ba ako?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top