Chapter 42

Christine's POV

Ang lambot ng unan ko kaso bakit ang sikip ng hinihigaan ko?

Minulat ko ang aking mga magandang mata at nakita kong wala ako sa bahay o kahit sa hotel room ko.

Tanga! Nasa ospital ka diba?

"Gising na pala si sleeping beauty."

Napatingin naman ako sa nagsalita.

"Jin?" nagtataka kong tanong habang pumupungas-pungas pa.

"Ano natulog ka lang nagka-amnesia ka na?" natatawang tanong niya sa akin bago ako pinitik sa noo.

Ay! Siya nga pala ang kasama ko kagabi. Sapilitan pa nga niya akong pinatulog.

"Sleeping beauty, pwede bang tumayo ka na at ngalay na ngalay na ang hita ko." natatawang sabi niya sa akin.

Napabalikwas naman agad ako ng upo dahil sa sinabi niya.

Ibig sabihin nakahiga ako sa legs ni Jin magdamag? Patay ako kay Noelyn nito.

"Sorry." nakatungong sabi ko.

"Okay lang. Nga pala, pumunta dito kagabi sina Trisha at Macey." sabi nito sa akin.

"Bakit hindi mo ako ginising?"

"Ang sarap kaya ng tulog mo. Tulo laway pa." tumatawang sabi niya.

"O-Oy! Hindi ako tulo laway matulog 'no!" mabilis na sagot ko sa kanya.

Kinapa ko pa 'yung gilid ng labi ko kung may panis na laway pa.

"Pffft! Joke lang. Ito naman di na mabiro." inirapan ko lang siya dahil sa sinabi niya.

"Christine!" napatingin naman ako sa mga taong mukhang bangag na nag-iiyakan papasok sa kwarto ni Noelyn.

Anyare sa mga 'to?

"Nandito na pala sila. Labas muna ako ha?" sabi sa akin ni Jin.

"Christine!"

"Nay!"

"Tin!"

"Ano?! Bakit ba kayo nag-iiyakan d'yan?" nakakunot noo kong tanong ko sa kanila.

"Tin, kasi ang ano... Hindi ko kaya kayo na lang." umiiyak na sabi ni Trisha.

Buhay pa naman si Noelyn ah?

"Ako na nga. Nay, kasi... Ayoko na talaga!" isa pa 'tong si Ella na umiiyak din.

Buhay pa naman si Noelyn kaya anong problema nila?

"Ano! Magsasalita ba kayo o iiyak na lang?" sigaw ko sa kanila kaya napatigil silang lahat.

"Ako na nga!" pag-pepresinta ni Angelli.

"Kasi mag-coconcert ang BTS sa July 30 at sure na team bahay na naman kami." malungkot na sabi nito sa akin.

"Ano?!"

Mag-coconcert na sila? Wala akong pera! Naubos na pambayad sa resort. Bakit naman kasi ngayon lang sinabi?

Big Hit, bakit?! Lagi kang wrong timing. Punyeta ka!

"I cannot!" umiiyak na sigaw ko.

"May natutulog, oh. Bakit ba kayo nagsisigawan at iyakan d'yan?" tanong ng kakagising lang na si Noelyn.

"Nagising ka rin. Kaya kami naiyak kasi... Mag-coconcert na ang BTS dito!" naiyak na sabi ni Princess.

Parang wala lang sa kanilang nagising si Noelyn. Oh well, kahit ako. Pinoproblema ko 'yung darating na concert ng BTS.

"Sus yun lan— Ano?! Mag-coconcert na sila?!" tanggal ngala-ngalang sigaw ni Noelyn.

"Oo! Hindi ko talaga kaya 'to. Oh my gosh! Bang Shi Hyuk, I hate you!" pag-tatantrums ko dito.

Lahat kami ay nag-iiyakan na. O.A na kung O.A. eh sa masakit na hindi makapunta sa concert nila eh. 

Oo nakita na namin sila pero lahat ng fangirls pangarap makapunta sa concert ng idols nila 'no.

Bakit ba kasi ako pinanganak na mahirap?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top