Chapter 41
Trisha's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Christine at kinukuha siya ng mga damit.
Siguro naman hindi magtatagal si Noelyn sa pagtulog niya doon diba?
Jusko naman! Sana magising na siya agad dahil gusto ko pang mag-enjoy dito sa resort 'no.
"Eonnie Trisha." napatingin ako kay Macey na tumawag sa pangalan ko na nakasilip sa may pintuan.
"Macey, bakit?"
Saan kaya nagsusuot itong batang ito? Kanina pagdating namin hindi namin siya nakita tapos ngayon?
May sa maligno ata 'tong batang 'to eh.
"Babalik ka po bang ospital?" mahinhin na tanong niya sa akin.
"Oo. Bakit?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Pwede pong sumama? Gusto ko lang pong makita sina eonnie. Sasama din po ako pagbalik niyo." nakangiting sabi nito.
"Sige. Tara na." nakangiting sagot ko sa kanya.
NAGLALAKAD na kami ni Macey papunta sa hospital room ni Noelyn.
Ang daldal din pala nitong batang 'to. Parang si Christine rin kaso ito malumanay magsalita. Eh 'yung pinsan niya? Wild!
Pagbukas namin ng pinto ng kwarto ni Noelyn. Hinanap ko agad si Christine kaso...
"Hal-"
Sisigaw sana si Macey kaya tinakluban ko agad 'yung bibig niya.
"Shhh... wag kang maingay." sabi ko sa kanya.
Bakit? Kasi pagpasok namin nakita namin si Christine at Jin na nakahilig sa balikat ng isa't-isa. Although, si Christine lang 'yung nakahilig sa balikat, kasi si Jin ay nakahilig sa ulo ni Christine.
"Eonnie, picturan natin sila. Oh my! Ang sweet nila." kinikilig na sabi sa akin ni Macey.
"Luh? Baka magalit si Tin." kinakabahang sabi ko sa kanya.
Iba pa naman 'to magalit. Like rawr!
"'Di 'yan. Hindi naman niya malalaman eh." ngiting-ngiti na sabi nito sa akin.
"Aish! Sige na nga. Bilis."
Actually, na-eexcite din ako sa pinaggagawa namin. At the same time kinikilig. Biruin niyo 'yun, bagay pala sila!
JinLyn shipper ako pero bagay kasi talagang tingnan si Jin at Christine sa pwesto nila ngayon.
"Baka magising si Jin, Macey. Bilisan mo na." sabi ko sa kanya.
"Okay na, eonnie..." kinikilig na bulong sa akin ni Macey.
"Gigisingin ko ba sila?" tanong ko kay Macey.
"Opo naman."
Dahan-dahan akong lumapit kay Jin at niyugyog siya.
"Jin... Jin." sabi ko habang niyuyugyog siya sa balikat.
"Hmmm?"
"Jin..."
"Trisha?" tanong nito ng imulat niya ang mga mata niya.
Tumingin siya sa amin at dahan-dahang inayos 'yung ulo ni Christine sa balikat niya.
I'm so kinikilig!
"Hi. Sorry kung naistorbo ka. Dinalhan kasi namin ng damit si Christine at Noe." naiilang na sabi ko sa kanya.
"Ah, okay lang. Salamat. Sasabihin ko na lang kay Christine na pumunta kayo." nakangiting sabi niya sa akin.
Ba't ang gwapo pa rin nito kahit bagong gising? Hustisya please!
"Sige. Alis na kami. Baka mawalan na ng taxi eh."
"Sige ingat kayo." nakangiting sabi nito sa amin. Umalis din kami agad doon ni Macey na parang walang ginagawang kalokohan.
NAKABALIK na kami ni Macey sa resort at 'yung lima mga natutulog na sa kanya-kanya nilang kwarto. Kaya ito ako naka-upong mag-isa sa poolside.
"Ano naman kayang mangyayari bukas? Sana naman gumising na si Noe..." bulong ko sa sarili ko.
Ang boring talaga pagkulang kaming magkakaibigan.
Binuksan ko ang facebook account ko at oh em gee lang! Puro tungkol sa nalalapit na concert ng BTS ang nakikita ko.
"Mag-coconcert na sila?!" gulat na tanong ko sa sarili ko. Kaya siguro sila nandito sa Pilipinas ay dahil doon.
Team Bahay na naman ba ako?!
Alam kong nakita ko na sila sa personal pero iba pa rin kasi pag nakita mo silang nag-perform sa stage.
Pangarap naming mga fangirls 'yun eh!
Paano na ito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top