Chapter 37

Noelyn's POV

"Saan tayo pupunta, guys?" tanong ni Angelli sa amin.

Nandito kasi kami sa lobby ng hotel at nag-iisip ng mapupuntahan.

"Kain tayo." pag-aaya ni Shy sa amin.

"Tara! Gutom na rin ako eh." sabi ni Trisha.

"Guys, mauna na kayo. Naiwan ko kasi phone ko sa kwarto susunod na lang ako." sabi ko sa kanila bago tumakbo papunta sa tapat ng elevator.

"Sige!" rinig kong sigaw nila.

Mag-isa ako ngayon sa elevator. Fourth floor lang naman ang room ko kaso tinatamad akong maghagdan kaya nag-elevator ako. Bago magsara 'yung pinto ng elavator ay bigla na lang pumasok si Jin.

"Woah!"

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw pala, Noe." nakangiting bati niya sa akin.

"Bakit ka tumatakbo?" tanong ko sa kanya. May pawis pang namuo sa noo niya kaya halatang tumatakbo siya.

"Kakain kasi kami kaso may naiwan ako sa kwarto eh, tinatamad naman akong maghagdan." nakangiting sagot niya sa akin.

Parehas pala kami. Hays, meant to be talaga kami!

"Ikaw, bakit mag-isa ka lang nasaan 'yung mga kasama mo? Si Cz?" tanong niya sa akin ng manahimik kami.

"Si Cz, nasa kwarto niya tinatamad lumabas. Marami raw siyang iniisip. Matalino kasi kaya kahit simpleng bagay masyadong iniisip. 'Yung lima naman naghahanap ng makakainan." sagot ko sa kanya habang nakangiti.

"Eh bakit 'di ka nila kasama?" tanong niya sa akin.

"Just like you ma-" hindi ko na natuloy 'yung sinasabi ko ng biglang mamatay 'yung ilaw.

Bakit naman namatay 'yung ilaw?

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko.

"Shit! Mukhang nasira 'yung elevator." nag-aalalang sabi ni Jin.

"Ano?!"

"May tao ba d'yan? Buksan niyo 'to please!" katok ko doon sa pintuan.

"Jin, dala mo ba cellphone mo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi eh. Naiwan ko sa kwarto ko." hindi rin mapakali na sabi niya.

"Hala! Paano na 'to?" sabi ko bago umupo sa isang sulok.

"Hey, Noe. Just relax, okay? I'm just here wag kang matakot..." naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na siya at nakayakap sa akin.

"J-Jin... hin-hindi ako maka... hinga." nauutal na sabi ko sa kanya.

"Noe, are you okay?" tanong nito sa akin. Lumalabo na rin ang pangin ko kaya hindi ko na makita ng ayos ang mukha niya.

"Ji-Jin..."

"Hey! What happen?" bakas sa boses niya ang pag-aalala ngunit nahihilo na ako. Hindi na ako makahinga ng ayos.

"Jin, p-para ak-akong na-sosuffocate..."

Hindi na ako makahinga.

**

Christine's POV

Ang boring pala talaga pag wala 'yung anim. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Shy.

To: Shy

Shy, nasaan kayo?

Hindi pa umaabot ng isang minuto ay naka-receive agad ako ng reply mula sa kanya.

From: Shy

Nasa hotel restaurant kami. Sunod ka na lang. Isabay mo na si Noe. May kinuha kasi 'yun sa kwarto niya.

Kakain na naman sila?

Nasaan kaya si Macey? Hindi ko na nakita 'yun. Tsk! Napakagala talaga ng batang 'yon.

Lumabas ako ng kwarto at pumasok sa kwarto ni Noelyn pero wala naman siya roon.

Baka nauna na.

Pupunta na sana ako sa tapat ng elevator ng makita kong may nag-aayos na mga naka-uniform ng hotel.

"Kuya, ano pong nangyari d'yan?" tanong ko doon sa dalawang lalaki na nag-aayos ng elevator.

"Ma'am, gagamit ho ba kayo? Pasensya na ho at nasira kasi bigla eh tapos may tao pa sa loob." seryosong sagot nito sa akin.

"May tao sa loob?! Babae po ba?!" natataranta kong tanong.

"Isa pong babae at lalaki..."

Kaming magkakaibigan lang naman ang nandito at ang BTS kaya baka si Macey o si Noelyn 'yung nasa loob nito. Sana hindi si Noelyn 'yon dahil may sakit pa naman 'yun sa puso.

Don't get me wrong. Hindi ko rin naman gustong ma-stuck si Macey sa loob kaso delikado talaga para kay Noelyn ang ma-stuck sa ganito.

"Kuya, kanina pa bang sira 'yan?" nag-aalalang tanong ko.

"Ma'am, siguro mga thirty minutes na po." mahinang sabi niya bago ipinagpatuloy ang ginagawa.

"What?! Pwede bang bilisan niyo naman po!" natatarantang sabi ko sa kanila.

"Christine?" napalingon naman ako sa taong tumawag sa akin.

"Jimin!"

"Anong nangyayari dito?" tanong niya ng makalapit sa akin.

"May na-stuck daw kasing isang babae at lalaki sa loob. Nag-aalala ako. Baka kasi 'yung pinsan ko 'yun o kaya si Noelyn. Naman eh!" natatarantang sagot ko sa kanya.

"Pinsan mo ba 'yung babaeng yumakap kanina kay Jungkook?" tanong niya bigla. Tumango naman ako bago nagsalita.

"Oo. Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Don't worry kasama siya ng Bangtan. Pero ano 'yung sinasabi mong lalaki? Hindi kaya si Jin Hyung 'yun?" sagot nito sa akin. Mas lalo lamang akong nag-alala ng mapatunayang si Noelyn nga ang nasa loob.

"Ibig sabihin si Noe nga 'yung nasa loob? Hala naman!" naiiyak na ako sa pagkataranta.

"Baka naman si Jin Hyung kasama niya sa loob? Sigurado naman akong hindi niya pababayaan 'yun." sabi nito sa akin na para bang pinalalakas ang loob ko.

"Nawawala rin ba si Jin?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Pinuntahan ko na nga siya sa kwarto niya eh." sagot nito sa akin na para bang napakaayos lang ng lahat.

"Kuya, wala na bang ibibilis 'yan? Baka paglabas ng kaibigan ko d'yan patay na siya!" sigaw ko doon sa dalawang lalaki na nag-aayos. Naiiyak na ako. Ano ba naman 'to!

"Christine, relax ka lang. Hindi pababayaan ni hyung 'yung kasama niya sa loob. I assure you that." sabi ni Jimin bago ako niyakap.

Napatingin naman ako sa cellphone ko na may tumatawag.

["Hello, Christine. Nasaan na kayo?"] tanong niya kaagad ng masagot ko ang tawag.

"Shy... Si Noe." kinakabahang sabi ko sa kanya.

["Oh, bakit? Anong nangyari?"]

"Na-stuck sa loob ng elevator." umiiyak na sabi ko.

["Ano?! Papunta na kami d'yan. Antayin mo kami."] natatarantang sabi nito bago ibinaba ang tawag.

Napaupo na lang ako sa gilid dahil sa pag-iyak. This supposed to be a happy vacation pero bakit naging ganito?

Jusko! Sana okay lang si Noelym doon.

"Tin, anong nangyari?" tanong ni Trisha na nakaupo sa harap ko.

"Trisha, si Noe." umiiyak na sabi ko bago yumakap sa kanya.

"Wag kang umiyak. Nakakahawa!" sabi niya sa akin.

"Diba may heart dise- Fck! Kuya, bilisan mo na d'yan! 'Yung bestfriend namin baka mamatay na doon!" sabi ni Princess habang niyuyugyog si kuya.

"Princess, lalong hindi matatapos niyan si kuya. Relax lang kayo." sabi ni Shy sa amin.

"A-Ayan. Ayos na po..." sabi ni kuya.

Pare-parehas kaming nakaabang dito na bumukas ang pinto.

"Noelyn!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top