Chapter 29

Malakas na sigaw ni Shy na nagpatigil sa akin sa malalim na pag-iisip.

"Nay, kamusta? Anong lasa ng labi ni itay? Masarap?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Ella.

"Malambot ba, Tin?" tanong naman ni Trisha.

"Jusko! Anong feeling, Cz? Ano!?" ngiting-ngiti na tanong sa akin ni Noelyn.

"Wala." walang emosyon kong sagot sa kanila.

"Anong wala?!" sabay-sabay na sigaw nila.

"Ewan!" sigaw ko sabay takbo papuntang kwarto ko.

Sinarado ko agad 'yung pinto para hindi ako masundan no'ng anim.

Bakit ginawa niya 'yun? Anong meron sa kanya? Bakit niya ako hinalikan?

Bakit!

"Argh! This is frustrating!" sigaw ko sa kawalan.

**

Jimin's POV

"Sinong nagkakagulo sa labas, Jungkook?" tanong agad ni Jin Hyung kay Jungkook pagkapasok nito.

"Hindi ko na inabutan." wala sa sariling sagot niya.

"Eh saan ka galing? Ba't ang tagal mo?" tanong ni Bomi sa kanya. Napairap na lang ako ng palihim dahil sa pangingialam niya.

"Kina Zeyon." simpleng sagot ni Jungkook sa kanila.

"Nang galing ka kina ChrisTintin? Okay lang ba siya? Galit ba siya sa atin?" tanong ni Taehyung sa kanya.

"Hindi ko alam."

Bakit wala sa sarili ang isang 'to? Anong nangyari dito? Tsk.

"Kookie, are you okay?" tanong bigla ni Naeun sa kanya.

"Yeah. Hyung, akyat na ako." pagpapaalam niya bago umakyat.

Maganda naman si Naeun. Mabait, sweet, at caring kaya hindi ko alam dito kay Jungkook kung bakit hindi niya magustuhan.

Meron na bang ibang babae ang nagpapatibok ng puso niya?

**

Jungkook's POV

"Damn. Ano bang kagaguhan ang ginawa mo, Jungkook?" naiinis na tanong ko sa sarili ko.

Bakit ko ginawa 'yon? Im so stupid!

Mahalaga para kay Zeyon ang first kiss niya pero kinuha ko ng ganon-ganon na lang?

Damn it. Wala kang paninindigan, Jungkook!

Wala!

**

Shy's POV

Nandito kami ngayong tatlo nina Princess at Noelyn sa kwarto ni Christine samantalang 'yong tatlo umuwi na kasi baka daw pagalitan sila.

Paano kami nakapasok? Syempre hinanap namin 'yong susi ng kwarto niya.

Nang makapasok nga kami sa kwarto niya ay nakatulala lang siya sa kawalan at parang tinakasan ng katinuan.

Ngunit bago ang lahat, ako nga pala si Shyeena Seung. Bestfriend ni Christine Chan at asawa ni Hoseok! Mahal ko 'yon kahit mahaba ang baba, just kidding. Ang galing niya kayang sumayaw. He is my ideal man, my sunshine.

"Ano na? Tutulala ka na lang ba d'yan?" tanong ni Noelyn kay Christine.

"My god! Noe, konting consideration naman. Ikaw ba naman ang nakawan ng first kiss hindi ka mag-rereact ng ganyan?" naiinis na tanong ko sa kanya. Bakit ba pinipilit nila si Christine na mag-react ng kung ano? Hindi ba nila maisip na bilang babae ay mahalaga sa tulad namin ang first kiss. Parang hindi siya babae eh.

"Syempre masaya 'yan! Landi eh." sabat ni Princess bago umirap.

"Oo naman. Duh! Bias mo hahalikan ka? Choosy ka pa ba?" sagot naman ni Noelyn sabay irap. Mag-aaway na naman ang dalawang 'to.

"Kahit na!" mataray na sagot sa kanya ni Princess.

"Shut up," madiing sabi ni Christine kaya napatigil sa pagtatalo 'yong dalawa. "Sa halip na makatulong kayo. Lalo kayong nakakagulo." sabi pa niya.

"Christine, BTS ba ang nakatira sa tapat niyo?" tanong ko at tumango naman siya. "It means nandoon si Hoseok?" tanong ko pa sa kanya pero umiling lang siya.

"Sina V, Jin, at Jimin lang ang nakatira doon." simpleng sagot niya bago humiga at tinaklob sa kanya ang kumot niya.

"Eh si Jun-" tinakpan ko naman 'yong bunganga ni Princess. Pinanlakihan ko siya ng mata. Bakit ba ang slow nito?

Paano kaya 'to naging kaibigan ni Christine?

"Alam mo, Ryu. Ang boba mo talaga! Ayaw nga niyang banggitin diba? Tapos itatanong mo pa?" naiinis na sabi sa kanya ni Noelyn.

"Sorry na!"

"Tsk! Kumain na lang tayo." pag-aaya ko sa kanila para kumalma ang mga sarili nila.

"Mabuti pa nga!" sabi ni Christine sa amin bago nauna ng tumayo.

**

Christine's POV

Nandito kami ngayon sa Chantine Restaurant para kumakain, malamang diba?

Naglalakad-lakad ako dito sa loob ng restaurant ng may mapansin ako sa gilid na may nakalagay na board? Ah no, it is like a glass wall...

The Chantine's History

Ngayon ko lang 'to nakita kasi hindi ko naman tinitingnan 'yong mga nakalagay dito sa loob ng restaurant tsaka bihira lang naman ako pumunta dito.

Binasa ko 'yong nakalagay doon at isa lang ang nakaagaw ng pansin ko. Isang pangungusap na nagpagulo sa isip ko.

...we decided to open a restaurant after our daughter got an accident.

Ako naaksidente?

Kailan?

Bakit wala akong matandaan?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top