Chapter 25
"She doesn't need your accompany. Ako ng maghahatid sa kanya pauwi."
"J-Jungkook?" gulat na tawag ko sa lalaking nakatayo sa harapan namin ngayon.
"Jeon Jungkook? The BTS's maknae." nagtatakang sabi ni Myungsoo habang papalit-palit ang tingin sa amin ni Jungkook.
"Yes, I am. Pwede ko na bang kunin ang girlfriend ko." maangas na sabi nito kay Myungsoo.
"Girlfriend mo si Zeyon?" lalo namang sumama ang tingin niya kay Myungsoo dahil sa sinabi nito.
Masama ba magtanong? Tsaka anong girlfriend? Kapal nito!
"Hindi niya ako girlfriend, L. Katulong lang nila ako, that's all." pagdepensa ko agad sa sinabi nitong si Jungkook. Tiningnan naman ako ng masama ni Jungkook dahil sa sinabi ko.
"Ikaw? Maid?" hindi makapaniwalang tanong niya. Sasagot pa sana ako ng magsalita ulit si Jungkook.
"Oo at wala ka ng pakialam doon. Tsk!" naiinis na sagot niya bago ako hinila palayo kay Myungsoo. Hindi na ako nakapalag kaya kumaway na lang ako kay Myungsoo at ngumiti.
"Bakit ginanon mo si L? Hindi mo ba alam na chance ko na 'yon para makasama 'yong bias ko sa Infinite? Kainis ka ha!" pagmamaktol ko sa kanya tumigil naman siya sa paglalakad at humarap sa akin.
"Kaya ka ba umalis para makipagkita sa L na 'yon?" naiinis na sumbat niya sa akin. Nakakunot din ang noo nitong nakatingin sa akin.
"Hindi! Like duh. Aksidente lang ang pagkikita namin." nakairap na sabi ko sa kanya. Kung naiinis siya mas naiinis ako. Ako nga itong kasama nila kanina tapos nakalimutan na lang nila basta noong may dumating.
"Kaya pala iba na ang damit mo..." sabi niya bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
"And so? Hindi ko kailangang magpaliwanag sa'yo." sabi ko sabay irap.
Kapal-kapal niyang mag-demand sa akin. Bakit nag-demand ba ako sa kanila?
"So, bakit ka umalis? Dahil kina Naeun?" nakangising tanong niya sa akin.
"Wala akong sinasabi." walang emosyon na sagot ko sa kanya ay nauna ng maglakad.
"Nasaan ba sina Jimin?" tanong ko bago siya nilingon.
"Nasa parking lot na sila." dahil doon ay nauna na akong pumunta sa parking lot.
Ayokong makasabay 'tong lalaking 'to. Nakakapag-init lang ng dugo.
"CZ, saan ka ba nang galing? Kanina ka pa namin hinahanap?" tanong agad sa akin ni Jin ng makita niya ako.
Ngunit wala sa kanya ang atensyon ko kundi nandoon sa apat na babae na kanina pa ako hine-head to toe.
"ChrisTintin, galit ka ba sa akin?" tanong naman ni Taehyung habang malungkot na nakatingin sa akin.
Wala pa rin akong kibo sa kanila. Pakiramdam ko kasi anytime na magsalita ako may masasabi akong mali lalo na sa apat na babae na nasa harapan ko.
"Christine, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong naman sa akin ni Jimin.
"Psh." 'yon lang ang sinagot ko sa kanila at sumakay na sa loob ng van.
Sa dulo na ako umupo dahil nakakahiya naman doon sa mga babaeng nasa unahan kung tatabi ako sa kanila.
Si Jin ang nag-dadrive tapos ang katabi niya ay si Bomi. Sa sumunod namang upuan ay sina Taehyung at Eunji na ayaw tumigil sa pagkukwentuhan. Tapos sa unahan ko naman ay si Jimin at Chorong. Buti pa 'tong dalawang 'to kahit papaano ay tahimik.
Ngunit katabi naman si Jungkook at Naeun na daig pa ang mag-asawa kung maglandian.
"Mabangga sana tayo..." mahinang bulong ko.
Wala akong pake kahit pa masaktan din ako basta mamatay na 'tong malalanding kasama ko ay masaya na ako.
**
Jungkook's POV
Nandito ako sa likod ngayon habang katabi si Naeun at Zeyon. Narinig ko pang sinabi ni Zeyon na sana daw ay mabangga kami.
Ang cute talaga niya pag naiinis dahil lumulobo ang pisngi niya. Ang sarap panggigilan kaso ayoko siyang pansinin.
Noong nasa mall kami matagal ko na silang nakita ni Myungsoo. Masyado siyang masaya noong nakita niya si Myungsoo.
Akala ko ba ako ang ultimate bias niya? Eh bakit ganon siya kay Myungsoo?
Nagseselos ako, oo! Ako lang dapat ang gusto niya. Ako lang dapat ang mahal niya.
"Kookie, pwede bang sa inyo muna kami mag-stay ngayong araw?" tanong ni Naeun sa akin.
"Oo naman! Pwedeng-pwede." sagot bigla ni Taehyung kay Naeun.
"Really? Thank you!" masayang sambit ni Naeun sa kanya.
"Hindi naman siya ang tinatanong tapos nakikisabat. Psh." rinig kong bulong ulit ni Zeyon sa gilid.
Kung hindi lang ako galit dito kanina ko pa 'to inasar. Wala pa ring pinagbabago.
Selosa pa rin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top