Chapter 24
Is it true? Si Kim Myungsoo talaga ba ito?
Si L ng Infinite nakabunggo, nakatabi, nakausap, tinulungan, at ibinili ako ng dress?
Is this true?!
Hindi ko na lalabhan 'to! Ipapa-frame ko pa siya. Ang nakalagay sa baba ay "From my Myungsoo Baby".
Grabe! Ang swerte ko ngayon. Iba talaga pagmabait na bata.
"Kilala mo ako?" nakangiting tanong niya sa akin.
"Oo naman. Bias kaya kita sa Infinite!" sabi ko habang nagtatatalon. Ang saya-saya ko talaga!
Jusko 'yong feels ko.
"Thank you for supporting me and my group pero pwede relax ka lang? Baka mahalata tayo eh. Tumakas lang ako. Dito nga tayo sa gilid." sabi niya sabay hila sa akin papunta sa may gilid kung saan may bench.
"Ay sorry! Masyado lang masaya." sabi ko sa kanya sabay peace sign.
"L, pwede bang magselca tayo? Please..." nahihiyang tanong ko sa kanya.
Please, pumayag ka!
"Sure!" nakangiting sagot niya sa akin.
"Oh my god! Thank you, L." ngiting-ngiti pagpapasalamat ko matapos naming kumuha ng ilang litrato.
"Welcome. Anyway, anong pangalan mo? Kanina pa tayo nag-uusap tapos hindi pa kita kilala." natatawang sabi niya.
"Oh, ehem! Ehem! Jeoneun Christine Zeyon-imnida. Cheoeum boepgesseumnida." sabi ko bago nag-bow ng kaunti.
(Translation: I'm Christine Zeyon. Nice meeting you.)
"Do you know how to speak korean?" nakangiting tanong niya sa akin.
"A little bit..." nahihiyang sagot ko sa kanya. Pinag-aralan ko kaya ang Hangul dahil nga sa KPOP fan ako.
"Oh... By the way, you have a beautiful name." nakangiti niyang sabi bago pinisil ang pisngi ko.
Gosh! Baka bigla na lang akong himatayin sa sobrang feels dito.
"Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba 'yon as a compliment." nakangusong sabi ko bago umupo sa bench na malapit sa amin.
"Bakit naman?" nagtatakang tanong niya bago tumabi sa akin.
"Para kasing sinabi mo na pangalan lang ang maganda sa akin." sabi ko bago tumungo.
"Wala akong sinasabing ganyan. Tsaka maganda ka tandaan mo 'yon." nakangiting sabi niya ng magkapantay ang tingin namin.
Like O to the M to the G! Maganda daw ako. Maganda daw ako!
"Ahm, Zeyon. Can I ask you a favor?" tanong nito sa akin.
Bigla ko namang naalala si Jungkook sa pagtawag niya sa second name ko. Kamusta na kaya sila? Ano na kayang ginagawa nila kasama 'yong mga Apink?
"Zeyon..." tawag niya ulit sa akin.
"Mianhae! Ano ba 'yong hihinggiin mong favor?" nahihiyang sagot ko sa kanya.
"Okay lang ba?" nag-aalalang tanong niya.
"Kahit ano pa 'yan basta ikaw!" sabi ko sabay kindat.
"Kyeopta!" sabi niya sabay pisil ulit sa pisngi ko.
"Sus! Wag mo na akong bolahin. Ano na?" natatawang tanong ko.
"Pwede mo ba akong samahan bukas? Mga seven ng gabi." nahihiya niyang sagot habang nakahawak sa batok niya.
Inaaya ba niya akong mag-date? Agad-agad?
"Saan? Anong meron?" nagtatakang tanong ko. Nakakapagtaka naman na inaaya niya ako eh ngayon lang naman niya ako nakilala.
"May dinner kasi kaming mag-kaibigan. Required kasing magdala ng partner." sabi niya habang nagkakamot ng batok.
"So, balak mo akong maging date?" seryosong tanong ko sa kanya.
"Kung okay lang sa'yo..." nahihiyang sagot niya.
Nahihiya pa siya? Bakit naman siya mahihiya? Ako pa ba ang tatanggi sa ganto kagwapong nilalang? Never!
Kahit naman ngayon lang kami nagkakilala hindi ko tatanggihan 'tong si Myungsoo. Sayang ang chance!
"Sure na sure. Saan ba tayo magkikita?" nakangiting tanong ko.
"Saan ka ba nakatira? Susunduin na lang kita." nakangiting sagot niya sa akin.
"Really? Di nga? Wag kang pa-columbiazone d'yan. Masakit umasa." natatawang sabi ko sa kanya.
"Hindi ako paasa. Promise susunduin kita!" natatawang sagot niya sa akin.
"Sabi mo 'yan ha! Sa Thearia Subdivision ako nakatira." nakangiting sabi ko. Na-eexcite na agad ako ngayon palang para sa date namin.
"Thearia Subdivision? Diba doon 'yong Chantine Restaurant?" tanong niya na ikinatango ko naman.
Alam niya 'yong restaurant namin?
"Oo, doon 'yon. Alam mo 'yong restaurant na 'yon?" tanong ko sa kanya.
"Oo doon nga kami magkikitang magkaibigan eh." simpleng sagot naman nito sa akin.
"Gusto mo doon na lang tayo magkita? Actually, sa amin restaurant 'yon eh." naiilang na sagot ko sa kanya. Baka isipin niya nagmamalaki ako dahil may restaurant kami.
"Talaga? Alam mo bang gustong-gusto ng kaibigan ko 'yong mga pagkain doon." nakangiting sagot niya sa akin. Kanina pa siya ngiti ng ngiti naiinlove na ako lalo. "Saan nga pala galing ang pangalan ng restaurant niyo?" tanong niya.
"Chantine cames from my name Christine and my surname Chan." simpleng sagot ko sa kanya. Totoong galing talaga sa pangalan ko 'yon. Hindi ko nga alam kung bakit eh.
"Oh. Mukhang mahal na mahal ka ng magulang mo ah!" natatawang sabi niya. Napanguso naman ako dahil doon. How I wish!
"Hindi rin." naiiling na sabi ko.
Nagkwentuhan lang kami saglit ng maisipan naming umuwi na. Nang makarating kami sa exit ng mall ay doon ko lang naalala na ang kasama ko nga pala pagpunta rito ay BTS kaya mag-cocommute na ako pauwi.
"May kasama ka ba papunta dito?" tanong sa akin ni Myungsoo.
"Oo eh. Kaso hindi ko na alam kung nasaan sila kaya ako na lang mag-isa ang uuwi."
"Gusto mo sumabay ka-" hindi na naituloy ni Myungsoo 'yung sasabihin niya ng may nagsalita bigla sa likuran namin.
"She doesn't need your accompany. Ako ng maghahatid sa kanya pauwi."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top