Chapter 22

Dumating kami sa simbahan at marami ng tao kaya sa likuran na kami nakaupo. Buti nga at may naupuan pa kami eh.

Nasa kanan ko si mama habang si Jungkook naman ang sa kaliwa ko. Nagtalo pa nga silang maknae line kung sino ang tatabi sa akin.

"Ang dami ng tao. Ang bagal niyo kasing dalawa!" sabi ni Taehyung kina Jimin at Jungkook.

"Nauna naman akong bumaba kay Jungkook ah." depensa agad ni Jimin.

Pati ba naman 'yon pag-aawayan pa nila?

"Tsk! Ewan ko sa inyo. Tara na nga, ChrisTintin tabi tayo." hinila ako ni Taehyung at sumunod kay mama.

Uupo na sana si Taehyung ng bigla siyang kinabig ni Jimin.

"Ako d'yan." sabi ni Jimin.

"Huli ka na nga demanding ka pa? Arte mo ah!" naiinis na sabi sa kanya ni Taehyung.

"Tsk! Ako dito." sabat ni Jungkook.

"Anon-" bago pa makasigaw 'yung dalawa tinakluban na agad ni Jin 'yung mga bunganga nila.

"Jungkook, ikaw na ang umupo d'yan." sabi ni Jin at ngiting-ngiti na umupo si Jungkook sa tabi ko.

Kaya 'yong dalawa ang sama ng mga mukha hanggang ngayon. Napakasimpleng bagay kasi pinag-awayan pa.

Samantalang ako ito, feel na feel. Nag-aama namin na kasi. Ang lambot ng kamay niya. Heaven!

"Zeyon, umayos ka. Nasa simbahan ka." bulong sa akin ni mama.

'Yong mga landi cells ko kasi ay nagwawala na naman. Ayaw nila kumalma.

NATAPOS ang misa na puro si Jungkook lang ang iniisip ko. Sabagay kahit naman nasaan ako laging si Jungkook ang nasa isip ko eh.

"Saan tayo pupunta ngayon?" tanong ni Taehyung. Nasa van na kasi kami ngayon.

"Mall tayo!" pag-aaya ni Jimin.

"Mga iho, kayo na lang ang mamasyal. Kailangan kasi ako sa restaurant eh." agad na pagtanggi ni mama.

"Sige po, Tita. Ihahatid na lang po namin kayo. Isasama na rin po namin si Cz kung pwede." pagpapaalam ni Jin kay mama.

"Walang problema." nakangiting sagot ni mama sa kanya.

Sana lagi na lang ganito kabait si mama.

NAIHATID na namin si mama sa Chantine Restaurant kaya ito kami buma-byahe papuntang mall.

And guess what.

Nasa likuran na ako ngayon nakaupo. Letse kasi 'tong maknae line! Nag-away away na naman.

Dapat kasi si Taehyung ang uupo sa tabi ko kaso hinila ako ni Jungkook sa likod kayo ito kaming apat nagsisiksikan dito. Ako pa ang nasa may bintana tapos sa kabila ko ay si Jungkook.

"Jungkook, nakakainis ka na! Kanina mo pa tinatabihan si ChrisTintin!" pagmamaktol ni Taehyung na nasa kabilang bintana.

"Tsk! Shut up." sagot lang ni Jungkook sa kanya.

"Bakit ba ayaw mo akong ipatabi sa dalawang 'yan?" bulong ko sa kanya.

"Ayoko eh. Possessive ako kaya sorry sila. Pag akin, akin lang." seryosong sabi niya habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.

"Ano? Hindi naman ako iyo..." pagdadahilan ko kahit 'yung totoo para na akong maiihi sa kilig.

"Akin ka." seryosong sabi niya. May diin din sa bawat pagbitaw nito ng dalawang salitang iyon.

Lord, bakit niyo ba ginawa 'tong perpektong lalaki sa harapan ko?

"Iyo ako tapos ikaw hindi akin? Aba, unfair naman ata 'yun!" mataray na sabi ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala, babe. Iyo lang ako." sabi niya sa akin sabay kindat.

Doon ko lang narealize kung ano bang sinabi ko.

Shit! Nakakahiya...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top