Chapter 2
Nandito na ako ngayon sa tapat ng bahay na tinutuluyan ng BTS. Naka-shorts at simpleng t-shirt lang ako dahil alam kong kailangang maaliwalas ang suot ko. Paniguradong papawisan ako ng todo sa paglilinis na gagawin ko.
Nakakailang doorbell palang ako ay nagbukas na ang pinto.
"Christine?" nag-aalinlangan tanong ni Jimin habang nakaturo sa akin. Ngumiti naman ako at tumango. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ulit niya sa akin. Napangiwi naman ako dahil doon.
"Ahm, pinapunta kasi ako ng nanay ko rito. Sabi niya tulungan ko raw kayo sa mga kailangan niyo. You know... Linis, laba, luto, plantsa. Like that!" nakangiting sabi ko. Smile lang, Christine, kahit nakakahiya.
"Parang katulong ganun?" nakakunot-noong tanong niya pa.
Bakit kahit nakakunot-noo siya ang gwapo niya pa rin? Eh ako nga konting gusot lang ng mukha, mukha ng dugyot. Unfair!
"Parang ganoon na nga." nakatungong sagot ko. This is so embarassing. Puro na ako kahihiyan ngayong araw.
"Ang ganda mo namang katulong!" sabi niya sa akin habang nakangiti. Napaangat ang tingin ko sa kanya ng sabihin niya 'yon.
Oh, chinito!
"Ay! Salamat." naiilang na sabi ko sa kanya bago ngumiti. Kinilig naman ako doon ng mga twenty percent.
"Halika. Pasok ka na..." aya niya sa akin at binuksan ng malaki ang awang ng pinto. Sumunod naman ako sa kanya sa pagpasok.
Habang iniikot ko ang aking paningin sa loob ng bahay ay hindi ko maiwasang kiligin at mainis.
Kasi naman ang laki nito oh! Mayaman naman sila kaya bakit hindi na lang sila kumuha ng katulong diba?
Diba?!
"Christine?!" sigaw ni Taehyung pagpasok ko. Nasa may hagdan siya kaya medyo malayo siya sa akin.
"H-Hello?" sabi ko sa kanya habang kumakaway.
"Jin Hyung! Baba ka dito nandito si ChrisTintin!" sigaw ulit ni Taehyung bago bumaba sa hagdan at lumapit sa amin.
Akala ko kanina naiba lang 'yung dinig ko sa pangalan ko pero sadya palang iniba niya.
"Oh, Christine! May nakalimutan ka ba?" tanong sa akin ni Jin habang pababa siya ng hagdan. Mga nakabihis pambahay na sila pero sobrang gwapo pa rin.
"Wala siyang naiwan, hyung. Siya raw ang tutulong sa atin sa mga gawaing bahay." sabat ni Jimin sa amin.
"Maid ganon?" takang tanong nito bago ako tiningnan.
"Oo eh." nakangusong sagot ko sa kanya.
"Ang cute mo naman na maid." nakangiting sabi ni Taehyung sa akin. Naramdaman ko namang nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
Sagana ako sa puri mula sa BTS! Mainggit kayo, please.
"Sinong kaus- Ikaw na naman?! Ano pang kailangan mo dito?!" naiinis na tanong ni Jungkook. Halata sa mukha nito ang labis na pagkairita.
Ano bang problema niya sa akin? Mukha naman na akong presentable ah? Tsk. Okay lang gwapo pa rin naman siya.
"Jungkook, umayos ka nga. Pinapunta siya ng mama niya dito para tulungan tayo sa mga gawaing bahay. Kilala ko kayo! Wala kayong alam sa gawaing bahay." saway sa kanya ni Jin.
Swerte naman ni Noelyn sa kanya dahil ang bait ng bias niya. But I'm still a solid Jungkook biased!
"Psh. Kaya na namin 'to. Pwede ka ng umalis!" nakairap na sabi nito sa akin bago ako tinulak ng mahina. Napatingin naman ako sa mata niya na punong-puno ng emosyon.
Why are you like this, Jungkook?
"Jeon Jungkook!" sabay-sabay na saway sa kanya ng tatlo.
"Jimin, aalis na lang ako. Mukhang ayaw naman niya ako dito tsaka kaya niyo na naman ata eh." sabi ko sabay takbo palabas ng bahay nila.
Paglabas ko saktong nakasalubong ko ang magaling kong mga kaibigan.
"Oh! Anong ginagawa mo dyan? Nang fiflirt ka sa bago niyong kapitbahay 'no?" sabi sa akin ng matagal ko ng bestfriend na si Noelyn. Jin biased 'yan.
"Kung pwede nga lang eh." sagot ko sa kanya bago tumabi sa kanya sa paglalakad. Mukhang may pupuntahan ang mga ito dahil kumpleto sila. Siguro ay pupunta silang club house.
"Gwapo ba?" tanong naman ni Trisha na Suga biased. Mahal na mahal niya ang walking labanos na 'yon.
"Oo. Sobra pa sa sobra!" sagot ko sa kanila sabay ngiti ng malaki. Kung alam lang nila kung sino 'yung mga nakatira sa bahay na 'yon.
"Ipakilala mo naman ako, Nay!" sabat ni Ella sa amin. Nanay ang tawag niya sa akin dahil ako raw angmother figure sa aming magkakatropa. Taehyung biased 'yang isang 'yan.
"Hindi pwede akin lang sila." natatawang sabi ko sa kanila. Tiningnan naman nila ako ng masama kaya napatawa ako lalo.
"Sila? It means madami?" tanong ni Shy sa akin. J-hope biased.
"Malamang. Sila nga eh!" nakairap na sagot ko dito.
"Sabi ko nga!" sabi nito habang nakataas pa ang dalawang kamay.
"Sus! Baka naman pangit 'yan!" sabi ni Angelli bigla na Jimin biased. Napangisi naman ako dahil sa sinabi niya.
"Kung alam mo lang!" sabi ko habang nakangisi.
"Gwapo ba talaga? Mas gwapo sa BTS?" tanong ng isa ko pang bestfriend na si Princess. Namjoon biased.
"Oo! Pero siguro kasing gwapo lang ng BTS." sagot ko habang nakangiti. Nagkatinginan naman silang anim bago bumalik ang tingin sa akin.
Sila ng tropa ko. Baliw kaming lahat sa BTS at ako- ako ang nagpalaganap ng epedemia ng BTS sa mga 'yan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top