Chapter 14

Nandito na ako ngayon sa bahay at mag-isa dahil umuwi na agad si Noelyn pagkatapos naming kumain.

Six-thirty na ng hapon at dahil na-bobored ako dito sa bahay ay naisipan kong pumunta sa abandonadong park dito malapit sa bahay.

Pagdating ko doon ay umupo ako sa isa sa mga kinakalawang na bench.

Dito kami dati tumatambay at naglalaro ni JK noong mga bata pa kami. And at the same place, dito rin siya nagpaalam sa akin na aalis na sila ng pamilya niya.

Sampung taon na simula noong umalis siya at wala na akong naging balita pa sa kanya. Sabi niya babalikan niya ako kaso hindi naman siya tumupad.

Tumayo ako mula aking pagkakaupo at naglakad-lakad hanggang sa makarating ako doon sa punong inaakyatan namin dati.

Ito na lang ang natitirang buo dito sa parke. Ang Promise Tree naming dalawa. Nakita ko pa 'yung inukit niya doon.

JK & CZ Forever

Siguro nga wala talagang forever at promises are mean't to be broken.

Paasa kasi siya na babalikan niya pa ko at tapos ako naman itong tatanga-tanga dahil naniwala pa ako doon.

"Nakakapagod ding maghintay, JK. Ang tagal na simula noong umalis ka pero kahit ni katiting na balita tungkol sayo ay wala na akong nabalitaan. Should I stop waiting for you?" malungkot na saad ko habang hinahawakan ang nakaukit sa puno.

Siguro nga dapat ay tumigil na ako.
Sigurado naman akong nakalimutan na niya ako ngayon kasi kung hindi ay dapat matagal na siyang bumalik.

**

Someone's POV

"Nakakapagod ding maghintay, JK. Ang tagal na simula noong umalis ka pero kahit ni katiting na balita tungkol sayo ay wala na akong nabalitaan. Should I stop waiting for you?"

Cz, nakakapagod na din.

Nakakapagod din 'yong hindi mo ako kilala at nagpapanggap ako na ganun din ako sayo. Nakakapagod din itong ginagawa ko.

Gusto ko ng sabihin sayo na ako 'to kaso natatakot ako na baka magulo ko lang ang buhay mo.

"Mas maigi ng malayo ako sayo basta't alam kong ligtas at masaya ka. Makita ko lang na ayos ka masaya na ako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top