Chapter 13
Napaangat naman ako ng tingin ng hindi oras dahil sa sinabi ni Jimin. Tama ba ako ng narinig?
"Eh?! Grabe na this! Cz, kay Jimin ka na lang." impit na tili ni Noe sabay palo sa braso ko.
Ngumiti lang naman sa akin si Jimin kaya ngumiti rin ako sa kanya.
"Cz?" nagtatakang tanong ni Jin.
"Nickname niya 'yun! Christine Zeyon pangalan niya eh. Hindi pa ba siya nagpapakilala sa inyo?" sagot sa kanya ni Noelyn. Napatango naman sa kanya si Jin.
"Ah, oo nga pala! Ang cute. Pwede rin ba kitang tawaging Cz, Christine?" alanganing tanong sa akin ni Jin.
"A-Atually si Noe lang ang tumatawag sa akin ng Cz pero okay lang." nakangiting sagot ko sa kanya.
"Basta ako, ChrisTintin tawag ko sayo ah?" sabat ni Taehyung sa amin bago tumawa.
"Sige na nga." natatawang sagot ko sa kanya.
"Ehem!" tawag pansin ni Jungkook sa amin.
"Mabilaukan ka sana. 'Yung diretso burol na!" nakairap na sabi ni Noe.
"Pfft! Ang funny mo, Noe." sabi sa kanya ni Jin habang nagpipigil ng tawa.
"Oo. Funny talaga ako." nakangiting sagot nito kay Jin.
"Parang ang saya niyong maging kaibigan..." nakangiting sabi sa amin ni Jimin.
"Masaya talaga kaming kaibigan. Rare na 'yung mga katulad naming babae na kalog." sagot ko sa kanya bago kumindat. Tumawa naman siya ng mahina dahil sa ginawa ko.
"Mukha nga. Ikaw nga lang ang tumatawa sa jokes ko eh." sabi ni Taehyung sa akin bago uminom ng juice na nasa harap niya.
"Well, syempre fan mo ako!" natatawang sabi ko sa kanya. Napanguso naman siya dahil doon. "Pero madalas mataray ako." out of the blue kong sabi sa kanila.
Inborn na ata sa akin 'yung pagiging mataray. Hindi ko nga alam kung kanino ko naman 'yon.
"Natural lang naman 'yun. Tsaka nasa tao naman 'yan kung paano nila i-hahandle 'yung ugali nang taong pinakikisamahan nila." sagot sa akin ni Jin.
"Tama ka dyan. Nasa tao rin kasi 'yun na pakitutunguan ko." sabi ko habang tumatango-tango pa.
Alam kong mukhang may pinapatamaan ako pero meron naman talaga.
Napatingin naman sa akin si Jungkook at tinaasan ako ng kilay.
Papatalo ba ako?
Syempre hindi kaya tinaasan ko din siya ng kilay pero bigla na lang siyang tumayo.
"Hyung, una na ako sa bahay ha?" paalam nito at dire-diretsong umalis sa may lamesa. Hindi na niya hinintay magsalita 'yung mga kasama niya at basta na lang siyang umalis.
"Cz at Noe, una na kami ha? Baka maisipan non magpatiwakal o kaya pagkaguluhan siya sa labas delikado na. Thank you sa treat, Cz." pagpapaalam ni Jin sa amin.
"Welcome!" sabi ko sa kanya habang nakangiti.
"Bye, my loves!" sabi ni Noelyn kay Jin at ngumiti naman ito sa kanya.
"Bye, Noe. Byebye, ChrisTintin!" sabi nito bago sumunod kay Jin na nakalabas na ng restaurant.
"Bye din, V!" nag-wave pa ako sa kanya.
"Seryoso ako sa sinabi ko kanina, Christine." nakangiting sabi sa akin ni Jimin ng makatayo siya.
"Huh?"
"What I mean is, okay lang na mahulog ka sakin kasi willing na willing akong saluhin ka. Bye!"
Napanganga na lang ako sa sinabi niya sa akin tapos itong si Noe biglang tumigil sa pag dedaydream ng marinig iyon.
"Tama ba ako ng narinig, Cz?" tanong niya habang nanlalaki ang mga mata.
"H-Hindi ko rin alam..."
Jimin, seryoso ka ba sa sinasabi mo? Kasi parang nag-uumpisa na ata akong mahulog ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top