Chapter 12

"Oh my god!" nanlalaking matang sabi ni Noelyn habang diretsong nakatingin kay Jin.

"Shit ka. Wag kang maingay!" saway ko sa kanya dahil alam ko na kung anong gagawin niya.

"Christine, si Jin my loves ba 'yun?" excited na tanong na siya sa akin habang nagtatatalon.

"Wag ka sabing maingay! Baka pagkaguluhan sila dito." madiing suway ko sa kanya.

"Tara labas tayo!" sabay hila niya sa akin palabas pero pinigilan ko na agad siya.

"Duh. Nandoon si Jungkook 'no!" mataray na sabi ko sa kanya.

"So?" tanong naman niya.

Napaka-slow talaga nito minsan. Tiningnan ko naman siya ng 'alam-mo-naman-diba' look.

"Okay. Edi wag!" nagtatampong sabi niya bago humalukipkip habang nakatingin sa labas.

"Tsk! Tara na nga."

Lumabas kami at itong katabi ko parang nagpipigil ng kung anuman ng biglang may humarang sa amin.

"ChrisTintin?" tawag sa akin ng lalaking naka-shades na malaki at naka-cap. Isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng ganon kaya kilala ko na ito.

"Taehyung..."

"Tsk!" rinig kong bulong ni Jungkook.

"Hi, Christine?" alangang bati sa akin ni Jin.

"Hello. Bakit kayo nandito?"

"Bakit bawal?" sabat ni Jungkook sa tanong ko.

"Hindi ikaw ang kinakausap ni Christine. Shut up, jerk!" napatingin naman ako kay Noelyn na masama ang tingin kay Jungkook. Siniko ko naman siya para patigilin.

"Tsk!"

"Miss, kaibigan mo ba si Christine?" tanong sa kanya ni Jin.

Kaya 'yung kaninang galit na tingin niya kay Jungkook ay nalipat kay Jin at ang mga mata niya ay napuno ng pagsinta.

"Oo naman! Bestfriend ko nga 'yan eh..." ngiting-ngiti na sagot niya kay Jin.

Aba! Talagang nag-pacute pa.

"Guys, ito nga pala 'yong Bestfriend ko si Noelyn." pagpapakilala ko sa kanila kay Noe.

"Hi Jin, I'm Noelyn nga pala." tapos kinuha niya pa 'yong kamay ni Jin at nakipag-shakehands.

"Hi, Noe." nakangiting bati nito kay Noelyn.

"Oh my god! Cz, pwede na akong mamatay as in right now." bulong niya sa akin sabay yugyog.

"Fan ka ba namin?" tanong sa kanya ni Jimin.

"Oh yeah. Bias ko si Jin!" nakangiting sagot nito kay Jimin.

"Tsk!"

"Butiki ka ba? Kanina ka pa tsk ng tsk dyan." mataray na sabi ko kay Jungkook.

"ChrisTintin, saan kayo pupunta?" tanong sa akin ni Taehyung kaya sa kanya nabaling ang atensyon ko.

"Dyan sa RV kakain kami ng ice cream. Kayo ba?" sagot ko sa kanya.

"Wala eh. Naghahanap kami ng pwedeng kainan." sagot ni Jin sa akin.

"Doon na lang tayo sa restaurant nina Christine." sabi sa kanila ni Noelyn. Nagtinginan naman silang apat at nagtanguan 'yung tatlo samantalang si Jungkook ay walang pakialam.

"Tara." pagsang-ayon ni V sa sinabi ni Noe.

PAGDATING namin sa restaurant ay umorder agad sila. Magkakasama kami sa iisang table at tinatanong nila si Noe ng kung anu-ano.

"Ibig sabihin isa ka doon sa mga kaibigan niya na ARMY?" tanong ni Taehyung kay Noelyn.

"Oo." simpleng sagot sa kanya ni Noelyn.

"Kailan pa kayo naging mag-bestfriend?" tanong naman ni Jin sa kanya.

"Simula grade four ay mag-bebestfriend na kami nina Princess. Fan niyo rin 'yon. Rapmon biased."

"Eh si Christine?" takang tanong ni Jimin ng hindi ako binanggit ni Noelyn. Napaismid naman si Noelyn dahil doon.

"'Yang masama ang ugali niyong kagrupo." matabang na sabi ni Noelyn.

"Oh..."

"Tsk! Hayaan mo na, Jimin. Ikaw naman bias wrecker niyan. Jusko! Kung alam mo lang reaction niyan noong pinanood niya 'yong Perfect Man niyo! Ay grabe talaga." napatingin naman ako bigla ng masama kay Noelyn dahil sa sinabi niya.

"Bakit ano bang reaction niya noong napanood niya 'yun?" tanong ni Jimin kay Noely at bigla akong nginisian.

Noe, patay ka sa akin mamaya!

NANDITO ako sa bahay kasama si Noelyn. Gumagawa kasi kami ng presentation sa English.

"Cz, alam mo ba 'yung Perfect Man ng BTS?" tanong sa akin ni Noe.

"Narinig ko na siya pero hindi ko pa napapanood." sagot ko dito habang busy pa rin sa pagtatype ng presentation sa laptop.

"Panoodin natin."

Tumigil muna ako sa pagtatype sa laptop at kinuha ko naman 'yong ipod ko. Sinearch ko ang 'Perfect Man BTS' tapos ay pinlay ko ito.

"Oh my gosh. Bes, ang gwapo ni ilong dyan pero shit! Ang hot ni Jimin. Gosh! Nagkakasala na ako kay Jungkook nito." sabi ko habang nanonood.

"Bakit si Jimin lang naghubad ng jacket?" tanong ni Noelyn sa akin.

"Aish! Kaya nga. Pero grabe ang hot niya! Ang gwapo niya. Shit!"

"Tsk! Akala ko ba Jungkook ka?" nakataas kilay niyang tanong sa akin.

"Hindi ba pwedeng mainlove kahit saglit sa bias wrecker ko? Hindi ba?!"

Nakatungo lang ako sa lamesa habang si Noelyn ay kwento ng kwento. Rinig na rinig ko pa 'yung tawa ni Taehyung.

"Grabe ka naman, ChrisTintin! Hindi mo manlang ako napansin doon?" tanong sa akin ni Taehyung.

Hindi pa rin ako tumutunghay kasi feel na feel ko 'yung mainit kong pisngi kanina pa.

"Tsk!" kahit hindi ko tingnan alam kong si Jungkook 'yun.

"Wag kang mag-alala, Christine. Sobrang okay lang naman mainlove sa akin..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top