Jungkook ~ When fake turns to real

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya na nakatingin sa malayo. Tinignan ko kung saan sya nakatingin, at nakita kong doon sya nakatingin sa dulo ng hallway di kalayuan sa pwesto namin na nakaupo sa bench, nakita ko si Joana na naglalakad kasama ang boyfriend nya.

Nang malapit na sa harap namin sina Joana ay bigla nya akong niyakap ng mahigpit kasabay ng paglampas sa amin nina Joana.

Si Jungkook, ay Bestfriend ko, simula noong 2nd year high school kami. Oo, bestfriend ko lang sya kaya nga pumayag akong maging fake girlfriend nya diba? Kasi ang bestfriends nagtutulungan. Eto kasing bestfriend ko ay na-dump lang naman ng nag-iisang b*tch sa school na ito, dalawang buwan na rin ang nakakaraan. At dalawang buwan na rin namin tong ginagawa.

Tinanong ko na rin sya dati pa kung ano ang dahilan ng pagpapanggap namin...

"Gusto kong ipakita sa kanya na ginamit ko lang din sya at ipakita sa kanya na hindi ako nasaktan, kahit na sobrang sakit ng ginawa nya sakin..."

Kaya naman maraming babae sa school namin ngayon ang galit sakin, dahil ang alam nila ay girlfriend na ako ni Jungkook na dati ay bestfriend lang. Araw-araw akong may naririnig na mga bash para sakin..

"Pangit-pangit naman..mas maganda pa ako dyan eh!"

"Bakit iyan pa ang nagustuhan ni Jungkook oppa?!"

"Siguro ginayuma nyan si Jungkook."

Ilan lang yan sa mga naririnig kong bulong-bulungan araw-araw tungkol sa akin. Oo, ako nang pangit! kayo nga eh, maganda pero pangit naman ugali nyo! At hindi ko ginayuma si Jungkook! baka nga kahit gumamit ako ng gayuma ay hindi parin tumalab sa kanya.

Si Joana kasi ang long time crush ni Jungkook, ang malala ay niligawan niya si Joana ng 6 months! kahit na alam nyang isa itong playgirl. Nang maging sila ay hindi na ako nakakalapit kay Jungkook kapag nasa school dahil sa mga alipores ni Joana-ng nagbanta sa akin, na kapag lumapit ako kay Jungkook ay masasaktan ako. Hindi ko iyon sinabi kay Jungkook, dahil ayokong magkagalit sila noon. Kaya naman napabayaan namin ang friendship namin nang dahil sa Joana na yun. Pero tapos na yun, ok na kami ngayon.

Naging sila ng 2 buwan lang! akalain mo! mas matagal pa ang panliligaw nya! Kaya inis na inis talaga ako sa kanya nang makipaghiwalay sya kay Jungkook at pinagpalit doon sa new transfer student sa school na to at tapos ngayon iba nanaman ang boyfriend! kaloka! kada 2 months ang expiry date. Hindi ba nya alam na lagi na lang siya ang bukang bibig sakin ni Jungkook simula nang manligaw sa kanya yun? Kung napupurga ang tenga ko baka purgang purga na to sa dami ng narinig kong 'Joana' galing sa bibig ni Jungkook. Nang magbreak sila ay gabi-gabing umiiyak sakin si Jungkook at syempre nandon ako sa tabi nya para i-comfort sya. Pero ngayong buwan ay hindi ko na sya nakikitang umiiyak. Dahil siguro napagod na sya.

Kung ako na lang sana ang 'yong minahal di kana muling luluha pa~

Ganyan ang peg ko ngayon. Hayy..Kung sana ako na lang talaga, hindi ka sana iiyak ng ganyan at hindi ka masasaktan ng ganyan.

Ewan ko ba! Ang gwapo-gwapo naman nya pero yun pa nagustuhan, dami daming babae na nanliligaw sa kanya..kasama ako! Hahaha..joke!

"y/n. Ok na, kanina pa sila nakalampas." nagulat ako sa biglang pagsasalita nya. Hindi ko namalayan na feel na feel ko na pala ang pagkakayakap ko sa kanya dahil nakasandal na ang ulo ko sa balikat nya kanina pa.

"U-Uh. Sorry..hehe.." awkward kong sabi sa kanya at bumitaw na sa pagkakayakap.

Bakit ba kasi siya pa ang minahal mo..nandito naman ako diba?

Pagkatapos non ay umuwi na kami, dahil dismissal na din namin noon at naisipan lang naming abangan si Joana.

Nandito ako ngayon sa aking kwarto at naka-upo sa harap ng aking study table dahil nagawa ako ng aking thesis nang biglang nag-vibrate ang aking cellphone na nakalagay sa tabi ko. Agad kong tinignan ang nagtext at nag-appear sa screen ang pangalan ni Jungkook. Binasa ko ito...

Magkita tayo bukas..

Yun ang nilalaman ng text nya. Nagtaka ako dahil ngayon lang nya ako tinext ng ganito, tuwing niyayakag nya ako kung saan ay sinasabi nya ito sa akin ng harapan. Para sa akin ba ito? Baka naman na-wrong send ito?Bahala na nga magrereply na lang ako..

Bakit naman? at saan?

Friday kasi ngayon at Saturday bukas. Hindi naman kalayuan ang bahay ko sa bahay nila dahil sa iisang subdivision lang kami nakatira, kaya ok lang. Di nagtagal ay nagreply na sya..

Sa park ng subdivision. 10:30am.

Nang mabasa ko yun ay hindi ko na naituloy ang paggawa ko ng aking thesis dahil napapaisip ako kung ano ang gagawin namin sa park bukas. Mabuti na lang at next week pa ang submission nito, kung hindi ay mananagot sa akin itong si Jungkook kahit na mahal ko siya..noon pa.

Hanggang sa bago ako matulog ay iyon parin ang iniisip ko. Hindi tuloy ako nakatulog ng ayos, kaya eto ang puyat ako. Nagising ako ng 9:14 am na medyo maaga pa para sa akin para maghanda para umalis, kaya kumain muna ako. At saka nag-ayos para umalis.

Nang pababa na ako galing sa aking kwarto ay nag-vibrate ang cellphone na hawak ko which is mine.

Nandito nako.

Text ni Jungkook sa akin. Tinignan ko ang orasan sa cellphone ko at nakitang 10:20 pa lang ng umaga at 10 minutes pa bago ang usapan namin. Nagpaalam ako kay Mama at nagmadali nang maglakad papunta sa park ng subdivision.

Nang makarating ako sa park ay medyo marami ang tao. Nakita ko syang palingon-lingon at naka-upo sa isang bench sa ilalim ng puno. Lumapit ako sa kanya na ikinatigil nya sa paglingon-lingon at tumingin sa akin.

"Buti dumating kana y/n. Upo ka." tinap nya ang bakanteng upuan sa tabi nya. Na inupuan ko naman.

"Bakit mo pala ako niyakag dito ngayon?" tanong ko sa kanya.

"G-gusto..k-kasi..k-kitang ilibre ng ice cream ngayon." he said stuttering at nakangiti. Itinuro nya rin yung isang lalaking nagtitinda ng dirty ice cream dun sa may playground kung nasan ang karamihan ng mga tao.

Hinila nya agad ako papunta dun sa lalaking magso-sorbetes.

Medyo naweirduhan ako kay Jungkook, dahil ngayon ko lang sya nakitang ganon. Ano bang nangyari dito?

"Anong flavor?chocolate, ube, o cheese?" tanong ni kuya.

"Chocolate po." sabay naming sagot ni Jungkook. Pareho kasi naming favorite ang chocolate. Diba Bestfriend goals, sana maging Relationship goals din..

Ibinigay na samin yung ice sream namin at bumalik na kami sa bench kung saan kami naka-upo kanina.

*katahimikan*

Ang tanging naririnig lang namin ay ang sigawan ng mga bata sa playground at ang hangin. Hanggang sa maubos na namin ang ice cream namin ay tahimik parin kami. Hindi ako sanay ng ganito kami katahimik.

Nagdesisyon na akong putulin ang katahimikan sa pagitan namin dahil mukhang wala na syang balak magsalita. "Naubos ko na yung ice cream ko. Uuwi nako. Thank you sa ice cream ah." tumayo na ako at hahakbang na sana paalis ng hawakan nya ang kamay ko dahilan para mapa-upo uli ako.

"Wag muna." dahil sa sinabi nya ay napatingin ako sa kanya.

"Bakit ba ta-" naputol ang sasabihin ko.

"Ang totoo nyan.." nakatungo nyang sabi.

"May problema ba?" nag-aalala kong tanong. Pero umiling lang sya bilang sagot.

"Y/n. Kasi iba na.." tumingin sya deretso sa mga mata ko. Dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

"Iba na y/n yung nararamdaman ko..para sa'yo." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Tama ba ang rinig ko? Hindi ako nakapagsalita.

"Sa tingin ko hindi na lang bestfriend ang tingin ko sayo y/n. I think I've fallen in love with you y/n. Ngayong buwan ko lang naramdaman na iba na talaga ang tingin ko sayo." nakatingin parin sya sa mga mata ko.

"N-nangti-trip kaba?" nabubulol kong tanong.

"Hindi y/n. Totoo ang sinasabi ko. Maniwala ka naman. Hindi sa lahat ng oras nagbibiro ako." kunot noo nyang sabi.

"Seryoso ka? Hindi ba parang ang bilis mo namang makamove-on kay Joana?" tanong ko uli sa kanya, dahil hindi parin ako makapaniwala na may posibilidad na inlove na sa akin ang bestfriend ko na matagal ko na ring mahal.

"Oo, seyosong seryoso ako sa sinasabi ko kaya nga inisip ko muna ng matagal kung ano at kung totoo ang nararamdaman ko para sa'yo. Dahil ayaw kitang masaktan. At napagtanto ko na puppy love lang pala ang naramdaman ko kay Joanna..posible parin pala yun kahit 1st year college na tayo." natawa sya sa mga huli nyang sinabi. Nabigla ako nang hawakan nya ang aking kamay. Kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ang totoo nyan Jungkook..natatakot ako dahil hindi kapa sigurado sa nararamdaman mo pero sana totoo na mahal mo na ako. Hindi lang bilang bestfriend mo pero bilang babae." napayuko ako pagkatapos kong sabihin ang mga iyon.

"Hindi kita maintindihan y/n." dahil sa tanong nya ay napatingin uli ako sa kanya na nakangisi. Para bang alam na nya ang ibig kong sabihin at nang-aasar lang sya kaya nya tinanong iyon.

"K-kasi Jungkook..a-ano kasi.." kung kanina ay nakatingin ako sa mga mata nya, ngayon ay kung saan-saan dumadapo ang tingin ko dahil sa kaba. Tahimik naman si Jungkook na halatang hinihintay ang mga sasabihin ko.

"D-dati pa kita m-mahal. Hindi lang b-bilang kaibigan ang tingin ko sayo.." pagkasabi ko non ay iniharap nya ang aking mukha sa kanya gamit ang dalawa nyang daliri na inihawak nya sa aking baba. Nagkatitigan kami at agad-agad nya akong ninakawan ng halik, specifically, he gave me a peck.

Nanlaki ng todo ang mata ko at parang lalabas na ng dibdib ko ang puso ko na parang nakikipag-karera sa bilis ng tibok.

"I don't want you to be my bestfriend anymore, cause I want you to be In a Relationship with me instead. I want you to be my real girlfriend."

--------------------------------------------------

Requested by @Dreyfully

Comment your requests for the next Chapters! And kindly Please Vote and share!

Thank you for Supporting!❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top