Jimin x Suga ~ Promenade Pt.3


Pang-huling araw na ng aming practice para sa aming promenade, nandito ako ngayon sa cafeteria dahil pinag-break muna kami ng aming Teachers. As usual, mag-isa nanaman akong naka-upo sa isang table sa sulok ng cafeteria. At wala parin akong date sa Prom pero, hindi na naman ako umaasang may makaka-date ako. Umiinom ako ng isang yogurt drink nang biglang mapadaan ang tingin ko sa entrance ng cafeteria.

Simula noong first day ng practice namin ay madalas na kaming magkasama ni Yoongi. Sinasamahan nya ako tuwing breaktime at minsan sinasamahan nya ako pauwi sa amin. May mga pagkakataon na sumasama sa amin si Jimin, pero pinapaalis rin ni Yoongi.

Nakita ko si Jimin na pumasok, at nakakagulat na biglang nagtama ang mga mata namin. Inatake ako ng kaba dahil papalapit na sya sa pwesto ko.

"Y/n" bigla nyang sabi nang makalapit sa akin. Hindi ako maka-tingin sa mukha nya. Nahihiya ako, kinakabahan.

"A-ako?" nauutal kong tanong.

Akala ko ba hindi nya ako kilala?

"Oo, may iba pa bang y/n dito?" sarkastiko nyang sabi.

"B-bakit? Anong kailangan mo sakin?"  tanong ko.

"Can we talk?" mahinang sabi nya.

"But, we're already talking."

"Not this kind of talk. Can we talk privately?" sabi nya at lumingon-lingon sa mga students sa kabilang table na nakatingin na sa amin.

Hindi na ako naka-sagot, dahil hinila na nya ako patayo at palabas sa cafeteria. Hindi ako umangal o nainis man lang sa ginawa nya. Sa totoo nga, kinilig pa ako. Ngayon lang 'to nangyari, aangal pa ba ako?

Nang makalayo na kami sa cafeteria ay binitawan na nya ang kamay ko. Naglalakad ako kasabay nya. Kaya lang bigla akong natapilok dahil sa may maliit na bato akong naapakan. Muntik na akong matumba, mabuti na lang at nahawakan ako ni Jimin. Hawak nya ang aking braso at balikat. Nagkatinginan kami. Bumitaw ako sa titig at umayos ng tayo.

"You're so clumsy. Be careful next time, y/n" pagalit nya sa akin at binitawan ako.

Dinala nya ako sa park ng school, wala masyadong tao dahil nasa cafeteria ang halos lahat ng students. Umupo kami sa ilalim ng isang puno. Diretso ang tingin ko.

"Y/n." tinawag nya ang pangalan ko, dahilan para lumingon ako sa kanya.

"Malapit na yung Promenade natin.." panimula nyang sabi.

"I-I was just w-wondering i-if...y-you already have a da-" naputol ang sasabihin nya nang may humila sakin patayo mula sa kina-uupuan ko.

"Y-yoongi?" gulat kong sabi.

"Jimin?! What are you doing? Akala ko ba napag-usapan na natin to?" galit nyang singhal kay Jimin na nakatayo na sa harap namin.

"But..hyung.." bigong sabi ni Jimin.

"Wait. Ano bang nangyayari dito?" naguguluhan kong tanong. Hindi sila agad nakasagot sa halip ay nagkatitigan lang sila.

"Just..some boy thing." sagot ni Yoongi.

"Ano ba talaga? Kapag kasama ko si Yoongi bigla nalang dadating si Jimin. Tapos ngayon si Jimin yung kasama ko, ikaw naman yung biglang sumulpot! Ano ba talaga?" galit kong tanong. "Pinagti-tripan nyo ba kong dalawa?" pagpapatuloy ko.

"Ofcourse no." sabay nilang sagot. Natigilan sila pareho. At biglang nagkatitigan, sa sobrang sama ng tinginan nila ay makakakita kana ng kuryente sa pagitan ng mga mata nila.

Nagulat ako nang putulin nila ang intense nilang titigan at sabay silang napatingin sakin. "GUSTO KITA Y/N!" sabay uli nilang sabi. Na-ikinagulat ko ng sobra dahilan para lumaki ang aking mga mata kasama ang aking bibig.

"A-Ano?! Itigil nyo na nga yang prank nyo! H-Hindi na kayo nakakatuwa ah! Wag ako!" pagalit ko sa kanila. At dali-daling umalis sa harapan nilang dalawa.

"Y/n!" rinig kong tawag ni Jimin sa akin. Hindi ako lumingon.

"Hindi ka namin pina-prank o tini-trip!" paliwanag ni Yoongi. Habang naririnig ko ang mga footsteps nila na papalapit sakin.

Nang bigla nila akong hinarang, dahilan para mapatigil ako.

"Y/n, pwede ba kitang maging date sa prom?" tanong ni Jimin, na hingal na hingal. Napanganga ako sa sinabi nya.

"U-uh? Ano?Bakit mo naman ako gustong maka-date sa prom?Diba marami namang iba dyan."

"Pero-" naputol ang sinasabi ni Jimin.

"Gusto kita Y/n." biglaang sabi ni Yoongi na nakatingin diretso sa mata ko. Nasapo ko ang noo ko.

Hindi ko alam kung ano talaga ang trip ng dalawang ito. At ganito ang mga pinagsasabi sakin.

"Bahala na nga kayo!"  tuluyan ko na silang iniwan doon.

------------------------------

"Ok! Students! Gather up! And go to your dance partners!" sabi ng dance instructor na nasa stage.

Tumayo ako sa bench na kina-uupuan ko at pumunta sa gitna ng gym kung nasaan ang ibang students. Lumingon-lingon ako para hanapin si Jin, ang partner ko.

"Y/n!" tawag sa akin ni Jin sa hindi kalayuan, papunta sya sa akin.

"Akala ko umuwi kana agad eh." pambungad kong sabi sa kanya, pagkalapit nya sa akin.

"Ano eh. May problema.." kamot nya sa ulo nya.

"Huh? Ano yun?" kabado kong tanong.

"May nakipag-swap sakin ng partner. Pero temporary lang naman daw. Ngayong oras lang ng practice natin."

"Bakit naman daw? Sino ba yun?" taka kong tanong.

"Kailangan ka daw nyang maka-usap. Basta hintayin mo na lang dito. Goodluck!" sabi nya at umalis na.

Kinabahan ako. Inisip kong mabuti kung sino ang posibleng nakipag-swap ng partners at kailangan akong maka-usap?

It's either Jimin or Yoongi.

Bigla akong may naramdamang lumapit sa akin. Napalingon ako.

"Y/n" marahang sabi ni Jimin. Sinamaan ko sya ng tingin at hindi ako kumibo.

Biglang tumugtog ang music kaya hinawakan nya ang aking kamay at itinaas ito. Kinuha naman nya ang isa kong kamay at inilagay ito sa kanyang balikat. Naramdaman ko ang kamay nyang humawak sa aking beywang.

"I just want to talk to you.." panimula nya. Ibinaba ko ang aking paningin sa aking mga paa.

"Y/n, look at me. I want you to know that I'am dead serious with you." Iginiya nya ang aking mukha pataas gamit ang kanyang kamay upang tignan ko sya.

"Jimin..bakit parang biglang-bigla naman yata?" taka kong tanong.

"Hindi ko rin alam. Remember the first time, you and Yoongi met? That time, I found you cute." He smiled, not just a smile but a genuine one.

I also smiled. Hindi ko alam kung anong nangyari sakin at nahawa ako sa ngiti nya. "Ako? Cute?" Natatawa kong sabi.

"Yes." Patango-tango pa nyang sagot.

"So, can you be my Prom Date?" nakangiti ngunit seryoso nyang tanong sakin.

"Ok." Nakangiti pero tipid kong sabi sa kanya.

"Totoo ba to'? Si Jimin na crush ko ang makakaDate ko sa prom?"

"Y/n? Are you spacing out?" Tanong sakin ni Jimin, habang tuloy parin ang pagsasayaw namin ng dahan-dahan.

"Uh..sorry." awkward kong sabi.

"Hold me tight and don't let me fall for you, let's fall in love together instead."sabi ni Jimin na diretso ang tingin sa aking mga mata.

(A/n: Anu daw? 😂)

-----------------------------

Should I do another last part for this? If I would, the last part would be the Prom Night!! 😮😮

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top