Chapter 9
Continuation.
Kumunot ang noo ko sa sagot ni Sedrex. So wala siyang inaasahan na bisita ngayon? Sino na naman kaya ito. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala rin akong inaasahan na bisita dahil sarado ang isip ko ngayon at pagod akong umintertain sa mga tao.
"Go, check it baka iyong delivery boy lang." Kibitbalikat na sagot ko sabay tungo sa kusina. Huhugasan ko na kasi itong pinggan ko kahit na gulong-gulo parin sa mga nangyayari. Honestly, nakakatakot na talaga ngayon siTriton. Alam niya kayang dito kami nakatira? Kung ganu'n hindi na kami ligtas sa bahay na 'to. Kailangan na talaga naming umalis habang may oras at araw pa. Ayaw ko munang harapin ang baliw na Triton na iyon.
Mukhang tahimik naman ang bahay niya ngayon. Siguro ay hindi pa siya dumating or baka naman hindi talaga siya lumabas. Well, isa siyang presidente, maraming trabahong gagawin. Sisiw lang itong pagtakas namin ni Sedrex at Zack. Natatakot ako na baka mamukhaan niya si Zack at bigla na lang itong susugod para alamin ang pagkatao ng anak ko. Alam na alam ko na ang mga galawan ng isang bilyonaryo, minsan ko na 'tong napapanood sa tv.
Baka gagaya din ako sa ginawa ni Vena. Pero mas masahol ang ugali ni Triton kaysa kay Skie, demonyo naman talaga ang ugali ni Skie pero si Triton kasi, halos lusubin niya na talaga ang mundo magawa lang ang gusto niya. Kaya ngayon naging presidente na ang hinapuyak. Sigurado talaga akong may binabalak ang Alcazar na 'yon. Isama niya pa ang asawa niyang si Amber na dati palang asawa din ni Skie, potangina ng gagang iyon. Ilalampaso ko na talaga siya sa sahig kapag nagkita pa kami. Ang harot-harot! Hindi pa ba siya nakukuntento? Mayaman na siya ngayon dahil sa pera ni Triton, pero ni isang mukha niya sa engagement nila ay wala akong nakita. Si Triton lang talaga ang nakita ko at ako pa ang kinikilalang asawa ni Triton noon. Punyeta talaga! Sapilitan 'yon dahil sa totoo lang? Wala talaga akong balak na pakasalan ang lalaking iyon kahit na crush na crush ko pa siya. Nakakabwesit.
Hinugasan ko ang kamay ko pagkatapos kong maghugas ng pinggan. Tinali ko ang buhok ko habang nakatalikod parin. Bakit ang tagal naman ata ni Sedrex sa labas? Sino kaya ang dumating. Baka naman ka-business niya iyon.
Malakas akong napabuntong hininga. Talaga bang aalis na kami sa bahay na 'to? Hindi man lang ako makapag-paalam kina Vena at Almika. Tsaka na lang kapag nakarating na kami sa States.
"Gigisingin ko lang ang anak ko dahil-" tila kumapit sa ere ang salita ko nang malingunan ko ang taong nasa likuran ko.
Mabilis akong napaatras. Naramdaman ko ang lababo sa likod ko pero sinawalang bahala ko na lamang iyon. Pinagtuusan ko ng pansin ay ang taong nasa harapan ko. Fvck! Si Triton ay nandito sa loob ng bahay namin!
"What are you doing here?" iniiwasan kong hindi mautal dahil sa presensya niya. Gusto ko siyang itulak palabas pero paano ko ba gagawin iyon lalo na't may lima siyang armado sa likuran niya. Shit! Anong ginagawa ni Triton Alcazar dito? At nasaan si Sedrex?
"I said! What the fvck are you doing here, Alcazar! Hindi kami tumatanggap ng bisita ngayon!" malakas na sigaw ko habang nanginginig naman ang tuhod ko. Tangina! Kumalma ka, Aria, isipin mong hindi siya presidente ngayon, isipin mong isa lang siyang ordinaryong tao. But fvck! He's so intimidating! Hindi ko talaga maiwasang hindi manginig lalo na't sobrang seryoso ng mukha niya. Madilim ang mga mata nito at igting ang kanyang panga. Kahit hindi siya magsalita alam kong nagtitimpi na siya ngayon. Ito na ba ang banta niya? Gagawin niya na ba ang plano niya sa anak ko?
Speaking of?
"Good morning, Mommy! I'm awake! I want to eat, Mommy, my tummy is hungry already!" Mabilis kong binaling sa itaas ang tingin ko. Mas lalo yata akong kinabahan ngayon. Shit! Shit! Not my son! Not my son!
Mabilis akong umalis sa pwesto ko para sana puntahan ang anak ko kaya lang nahagilap ni Triton ang kamay ko at kaagad niya akong tinulak palayo sa anak ko!
"What the fvck!"
"Umalis ka na rito!" Inangat ko ang tingin para salubungin ang tingin ng anak ko. Nakita ko naman siyang ngumiti pero nang makita niya akong nakaupo sa sahig agad na nawala ang ngiti niya at nakikita ko ang mukha ni Triton sa expression na 'yon. Hindi 'to pwede.
"Baby! Go back to your room! NOW!" malakas na sigaw ko sanhi ng pag dilim lalo ng mukha ni Triton. He didn't say anything, ngunit naamoy kong may gagawin siyang masama sa amin. Please don't!
"Suus', quod mammam fieri? Licuit mammam es?"
"ZACK, I SAID GO BACK TO YOUR ROOM AND LOCK THE DOOR! I'M FINE, BABY! JUST DO WHAT I SAY!"
Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko. Lumapit ako sa isang tauhan ni Triton at agad itong sinipa sa sikmura kaya't tumilapon ito. Hindi man lang nasindak si Triton sa halip ay tiningnan niya lang ako na parang isang bagay na hindi kainte-interesado. Fvck him!
Damn. Ang lakas ng mga tauhan niya. Mukhang pinaghandaan niya itong paglusob sa akin huh. Potangina mo talaga, Triton Alcazar. Habol ko ang aking hininga habang sinasangga ang bawat sugod ng kanyang mga tauhan. Fvck, nasaan ba si Sedrex!
"Do you really think you can win against me?" this time ay nagsalita na siya. Walang ka buhay-buhay ang boses niya. Sobrang lamig nito. Bawat hakbang niya ay nagsasanhi ng kaba sa akin, nanginginig na naman ang mga binti ko. Why I suddenly felt afraid of him? Hindi ako ganito! Hindi pwede! Lalaban ako ng patas kahit na buhay ko ang kapalit.
"What do you want from me, huh? Lumayo na nga ako dahil ayoko ng bumalik sa imperno mong mansyon!"
"You didn't meant that."
"Umalis ka na rito sa bahay ko, Triton! Ayoko nang makita ang pagmumukha mong hay—Hmmp!" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niya na lamang akong halikan. Marahas, masakit, sapilitan. Hindi ako makapalag dahil hawak niya ang magkabila kong kamay.
"An—Hmmp! Lumayo ka saa—Hmmp!" gusto kong umiyak dahil sa ginawa niya. Nasasaktan na ako. Kinagat niya pa ang labi ko kaya't nalasahan ko ang dugo na nagmula roon. Hayop ka talaga! Hinding-hindi ko makakalimutan ito. Hindi mo deserve maging ama ng anak ko.
Pinasok niya sa loob ng bibig ko ang kanyang dila at sapilitang ipagtagpo ang dila namin, I didn't let him sa halip ay malakas ko siyang sinipa sa pagkalalaki niya dahilan ng pag bitaw niya sa akin.
"ISA KANG MALAKING GAGO!" Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Mabilis akong tumakbo paakyat ng hagdan para puntahan ang anak ko. Shit! We need to get out of here!
"Baby! Baby! Open the door! It's me, your mom!" Kinalampag ko ang pintuan habang nasa ibaba ang tingin ko. Mura ako ng mura sa isip.
Nagtagpo ang mata namin ni Triton. Ang sama-sama ng tingin niya, sinenyasan niya ang mga tauhan niya na akyatin ako. Tangina!
"ZACK, OPEN THIS DAMN DOOR N—" I didn't finish my words nANg buksan ng anak ko ang pintuan. Mabilis akong pumasok at agad na nilock ang pinto. Lumapit ako kay Zack at niyakap siya ng mahigpit.
"Oh my God, Zack! Dito ka lang sa tabi ni mommy Okay? Don't leave your momma." para akong hinahabol ni kamatayan.
Rinig ko ang papalapit na yapak ng mga tauhan niya. Kinuyom ko ng mariin ang kamao ko para pigilan ang emosyon. Bakit ginagawa ni Triton 'to. Dapat nga ako ang magagalit dahil sa ginawa niya pero tangina niya! Bakit siya pa ang nagagalit ngayon. Ginawa ko lang naman ang tama, nilayo ko ang anak niya dahil may sayad siya sa utak! Isama na rin iyong asawa niyang may topak din sa utak. Bagay na bagay sila! Mga piste!
"Mommy, what's wrong?" tanong ni Zack sa seryosong tono. Binalingan ko siya ng tingin, hinawakan ko ang pisnge niya.
"Kahit anong mangyari Zack, choose your mommy okay? Please choose me Zack,"
"Of course, mommy! I'll always choose you!" ngiting sagot niya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maiyak. Shit lang! Anak ko 'to, anak namin ni Sedrex 'to.
"Open.this.damn.door.now or else I will destroy this, Aria." malamig na lintanya ni Triton mula sa labas pero hindi ako sumagot. Binaba ko si Zack sa kandungan ko. Lumapit kami sa malaking cabinet, binuksan ko 'to at tumango kay Zack. Mukhang naintindihan naman niya ako dahil pumasok siya sa loob.
"Everything will be alright, baby, trust me. I diliget te." Hinalikan ko siya sa noo habang panay tulo ng luha ko.
"Stay here okay? Don't go out kapag wala akong sinabi. Kapag naramdaman mong paalis na iyong mga bad guys? Lalabas ka okay? Pumunta ka sa mansyon ni Tita Vena mo at duon ka muna..."
"Mommy, I don't want to leave you here, come with me. Hide with me."
Hinaplos ko ang kanyang buhok habang patuloy na umaagos ang luha ko. Kahit anong mangyari, hindi ko hahayaang malaman ni Triton ang katotohanan.
Ngumiti ako sa kanya. "Listen to me, baby. Huwag kang lumabas dito kapag hindi lumabas 'yung mga bad guys. Don't make a noise, don't call my name if you hear me, do you understand that?" alam kong mahirap, pero sa kanya itong ginagawa ko ngayon.
"Will you be okay then, mommy?"
"Yes, susunod ako, anak. Magkikita tayo sa mansyon ng tita mo ah? Mag-iingat ka, baby." Hinalikan ko muli ang kanyang noo. "I love you so much." Sinara ko ang kabinet bago humarap sa pintuang malapit nang bumukas.
Cont...
***
Translation: Mommy, what's happening? Are you alright, mommy?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top