Chapter 30

Aria's POV

"Keep your eyes open!" sigaw ni Triton. Sabay-sabay naman kaming tumango at sinundan siya papasok sa isang malaking bodega na sa tingin ko ay pagmamayari ni Kelton. Nu'ng nalaman nila ang location ni Kelton, hindi na sila nagdadalawang-isip pa, miski si Triton ay parang kating-kati niya nang patayin ang taong iyon. He's really mad. Siguro may malaking kasalanan ang taong 'yon sa kanya at gusto kong malaman kung ano 'yun.

Napansin kong ngumisi si Vena sa tabi ko. Inirapan ko naman siya at tiningnan ang mga pasa niyang natamo kanina sa laban, mabuti na lang hindi namatay 'tong gagang 'to. Kung namatay siguro 'to baka kanina pa nagpakamatay si Skie, chos!

Hindi pwedeng gawin ni Skie iyon, lalo na't may dalawa siyang anak. Siniswerte naman si kamatayan kung magpakamatay din si Vena 'noh?

"He's inlove with you," bulong niya sa tabi ko. Napansin naman ni Yeena 'yon at mukhang narinig niya pa kaya't sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi niya. Fvck! Wala talagang magandang idudulot 'tong dalawang 'to, bakit ko nga ba katabi 'to? Nakakairita naman. Kapag 'tong dalawang ito hindi tatahimik? Sila ang ipapalapa ko sa alaga ni Alex. Leche naman kasi e!

"He's in love with you." parang tangang ulit naman ni Yeena. Ngunit imbes na patulan sila? Tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa harapan kaya lang napako ang tingin ko kay Triton. He's so serious, ramdam kong nag-aapoy na siya sa galit. Kinagat ko ng mariin ang labi ko. Sasamahan ko si Triton kahit sa kabilang buhay. Hindi ako makakapayag na mawala siya sa amin, hinding-hindi. I'll do everything to make him stay with us, kung darating man ang panahon na iiwan niya na kami ni Zack. Paghahandaan ko ang lahat. Lalaban ako ng patas.

"Nagnanakaw ng tingin! Sus!" rinig kong sambit ni Vena dahilan nang pag baling ko sa kanya. Akma ko na sana siyang babatukan nang may pumutok na lang bigla. Sabay naman kaming dumapa at nagtago. Mukhang kanina pa nagsisimula ang gyera ah, huli na ba kami?

"Kiefer, what is happening?" tanong ni Skie sa kabilang linya. We are now wearing our earpieces so we can communicate with each other, in case na rin kung nasa panganib ang isa sa amin.

"Something's wrong! Be careful and please take good care of my wife!" mukhang kinakabahan na sagot naman ni Kiefer sa kabilang linya. Nasa hospital padin siya ngayon at nagpapagaling. May mga computers din duon sa room niya, bawat galaw namin ay alam na alam ni Kiefer. He's a good leader indeed. Hindi niya sinabi kay Riley ang lahat baka magalit ito imbes na mag-aalala sa kanya. He got shot but he can still help us, siya ang mata namin sa larong 'to. He's watching us.

"We will." sagot naman ni Almika at nilingon si Vandeon na ngayong mahigpit na nakahawak sa kanya.

Kabadong-kabado ngayon si Vandeon, hindi ko alam kung bakit. Wala akong ideya. Pero sa tingin ko'y hindi 'yon maganda. Kanina pa kasi siya kapit ng kapit sa asawa. Hindi mapakali. Mukhang ako lang din yata ang nakakapansin.

"Keep watching us, papasok na kami sa loob," mahinang usal ni Triton.

"Walang kalaban sa labas ng gate." sabi ni Kiefer. Tumango kami at sinundan muli si Triton. Nasa kaliwa ko si Yeena habang si Vena naman ay nasa kanan ko. Nasa likod sina Almika at Vandeon. Nasa harapan ko si Triton, Skie, at Arkanghel. Si Sendrix naman at si Alex ay naiwan sa hideout, sila na raw bahala sa mga tauhan ni Kelton kung sakaling lulusob daw sila duon.

"Vena, Skie, Yeena, Ark, sa gate 1 kayo. Riley, Vandeon at Almika sa gate 3 kayo. Aria? You'll come with me, gate 2."

Pagkatapos sabihin 'yon ni Triton kani-kanya naman silang tango at sabay na umalis sa pwesto namin.

Dahan-dahan kong nilabas ang baril na nasa loob ng jacket ko, ganu'n din naman si Triton naging alerto din. Nilabas niya ang baril niya. Nasa likod lamang ako habang sinusundan siya papasok sa gate na papasukan namin.

Malaki ang bodegang 'to, parang isang mansyon kumabaga. May mga gate numbers. Nakakalito siya minsan, may mga bahid pa ng dugo ang bawat gate.

Anong gate kaya ang tinutukoy ni Kiefer kanina? Safe ba rito sa amin?

"Are you okay there?" tanong ni Triton sa akin. Nilingon ko siya at akma na sana akong tatango nang mapansin kong may papalapit na dagger sa amin. Shit!

Mabilis akong umalis sa pwesto ko.

"Dapa!" malakas na sigaw ko na kaagad namang ginawa ni Triton.

"Fvck!"

Hindi lang isang dagger 'yon. Marami pa at mukhang kami ang target.

"Fvck! This is not the safe gate for us!" malutong na reklamo ni Triton sabay hila sa kamay ko. Sinunod ko naman siya. Bawat hakbang namin ay nagsasanhi ng ingay. Mukhang sirene. Umiingay kapag may kalaban na nakapasok.

Alam na siguro nilang andito na kami. Shit! This is not good!

"Hold on!"

Kumapit ako ng mahigpit sa kamay niya. Sinusundan na kami ngayon ng mga dagger, tangina! Bakit lumilipad ang mga pisteng 'to? Kontrolado ba 'to ng mga kalaban? Fvck! We can't escape here! We need to fight back so we can live. Damn it!

"Tangina! Ang talino ng mga gago!"

Miski ako ay mapapamura na rin. Hindi namin inaasahan 'to. I thought isang normal lang na labanan 'to pero shit lang, mukhang mga armas ang kakalabanin namin dito at hindi mga tao. Pinagplanuhan talaga ng mga kumag ang laban na 'to.

"Damn it! Vena! Let me hold that for you! You alm-"

"What is happening?!" malakas na sigaw ko nang bigla na lamang naputol ang linya ni Skie. Mukhang hindi rin maganda ang nangyayari sa pwesto nila. Tangina naman oh!

"We need to help them, Triton!"

"We can't! Look at those daggers, Aria! They're targeting us! We can't!"

"But..."

"Shh... Trust me, Aria, we can do this. For now, we need to find a place to hide. We can't win against those daggers. We might die for that!"

Hindi na ako nagsalita. Totoo naman kasi ang sinabi niya, kahit magaling kaming lumaban, wala parin kaming laban dahil lumilipad iyon. Anytime mamamatay kami ng hindi namin alam.

"Shit! Damn that woman! I'll really kill her!"

"Woman?"

"Amber Kelton." timpi niyang sambit. Tumango naman ako at sumunod muli sa kanya. Wala paring tigil ang mga daggers na iyon. Hinahabol parin nila kami.

"We can't avoid that thing, Triton! Barilin nalang kaya natin!"

"No! Ayokong may mangyaring masama sayo! Just run!"

Ang oa naman nitong si Triton. Ano, tatakbo nalang kami? Hanggang kailan naman. Pagod na pagod na ako!

Kakainis naman 'tong mga daggers na 'to. Hindi talaga kami tatantanan. Kahit na magtatago kami ay hahabol at hahabulin talaga kami.

"Triton! Pagod na akong tumakbo! Get rid of that thing first!"

"Fvck! We have no choice!" he stopped. Tumigil din 'yung mga daggers sa ere. May lumabas na pulang laser roon, bago pa man iyon tatama sa aming sabay naming kinasa ang baril at pinaulanan ang mga daggers sa ere.

Pumutok iyon na parang bomba. Masyadong malakas ang impact kayat tumilapon ako palayo.

"Aria!"

Hinawakan ni Triton ang aking kamay. Nanlaki kaagad ang dalawang mata ko nang makitang biglang rumami ang mga nagliliraparang daggers. Tutok na tutok sa aming dalawa ang pulang laser na dala nila.

"Fvck! Fvck! Fvck! Kiefer, we need help!"

***

Yeena's POV

"Tangina, mauna na kayo, Ark!" sigaw ni Skie habang inaalalayan si Vena na tumayo. Natamaan kasi ng palaso ang binti ni Vena kaya't nahihirapan itong tumayo. Halos mangiyak-ngiyak na nga si Vena dahil sa sakit at hindi man lang namin matanggal ang palaso mula sa binti niya, sobrang putla niya na rin. Ang daming dugong nawala sa kanya. Tangina! Hindi ko kayang tumingin. Natatakot ako, huwag naman sana.

Hindi na maganda ang nangyayari ngayon! Masyado nang magulo.

"M-Malayo 't-to sa bituka!"

"Shut the fvck up! Damn it! Damn it! Umalis na kayo rito, Arkanghel! Tangina! You want to win this game, right? Then fvcking go!" galit na sigaw ni Skie dahilan nang pag atras ko ng ilang dangkal.

Nakakatakot ang mukha ngayon ni Skie, parang papatay na siya ng tao. Bakit naman kasi ganito ang laban? Bakit napaka-unfair! Wala kaming laban kapag ganito!

Naramdaman kong hinawakan ni Vena ang kamay ko. Nanginginig ko namang tinanggap ang kamay niya. Ramdam ko ang panlalamig niya, tangina! Naiiyak ako! Piste!

"P-Please...G-Go n..."

"Don't talk please, baby. Keep breathing! Damn it! Just go!"

Napapikit ako sa malakas na sigaw ni Skie. Alam kong nahihirapan siya, alam kong nasasaktan din siya at Alam kong may l-lason ang palasong 'yon. Hindi! Hindi pwede!

"Move now! Huwag niyong hintayin na balikan kayo ng mga pisteng iyon!"

"Come on, Yeena!"

"Pero si Vena!"

"Shut it!"

Hindi na ako umangal nang hilahin ako ni Arkanghel palayo sa pwesto nina Skie. Kitang-kita ko ang sakit na nasa mga mata ni Skie at kita ko rin ang pagtulo ng luha niya. No please! We can fight, we can win!

"Don't look!" angal ni Ark pero hindi ako nakinig.

"Yeena! Listen to me!" Hinawakan ni Ark ang mukha ko pero hindi ko talaga mapigilan ang luha ko.

"Shhh, everything's go..."

"Fvck! Morons! This is Kiefer! May kalaban dito, tangin-"

K-Kiefer?

"Si Kiefer nasa panganib, Ark! Paano pag nalaman ni Riley 'to! Ark! Lumabas na tayo rito, ngayon na!"

"Calm down, Yeena! We're almost there!"

"Yeah, we're almost there, Ark! Malapit na nating makaharap si Kamatayan!" malakas na sigaw ko at agad na bumitaw mula sa pagkakahawak niya.

At sa pag lingon ko sa gawi nina Skie...bigla akong nanlamig at nanigas sa kinatatayuan.

"Skie!"

"Tangina!"

Tila nanlalabo ang paningin ko. Wala na akong maintindihan sa mga nangyayari. Gulong-gulo na ang utak ko. Tanging mga pagsabog na lamang ang naririnig ko, nabibingi ako.

"Yeena!"

May kutsilyong nakatarak sa likod ni Skie pero hindi man lang niya binitawan si Vena. Kalong niya parin ito palabas. Wala siyang pakialam sa mga pagsabog. Hakbang lang siya ng hakbang.

Dumadaloy na pababa sa likod niya ang dugo. Ang puting damit niya ay ngayon ay nababahiran na ng dugo. Hindi ko na kaya! Let's stop this game! I can't!

"Skie! Skie! We need to help them! Or else ma-mamatay silang dalawa, Ark! Hindi ka ba nag-iisip!"

"Hindi natin sila matutulungan! Kapag bumalik tayo du'n madadamay tayo! We are almost there, Yeena! Ngayon ka pa ba susuko? Kapag susuko tayo? Wala paring matitira sa atin!"

"Bakit ka kasi pumasok sa society na 'yan! Look what you've done! You ruined everything, Ark!"

Kung hindi ka sana pumasok sa grupo nila, hindi mangyayari ang lahat ng 'to, Ark. You're the one who's responsible for this mess, Ark. Everything is your fvcking fault!

"Kasalanan ko bang pinanganak akong ganito?"

"Kilala mo si Amber Kelton, right?" kusang lumabas sa bibig ko. Kita ko namang mukhang natigilan siya.

"You knew her! I knew it! Sana alam mo ring siya ang dahilan ng mga 'to! Siya ang nagpapahirap sa mga kabigan ko! Hindi lang pala ikaw, Ark, kayong dalawa pa—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may naramdaman akong katanang tumarak sa tagiliran ko.

Agad akong napaatras habang paika-ikang lumalayo kay Ark.

"Ang dami mong alam." walang emosyon niyang sabi.

Hindi ako makapagsalita. Gulat na gulat ako. "What?" malamig na tanong niya at nilapitan niya ako.

"W-Walang hiya ka, Ark! Walang h-" umubo ako ng dugo at pilit na tinatanggal ang katana na nasa tagiliran ko kaya lang mas lalong sumakit!

"Mahal kita pero hindi ako tanga, Yeena."

"Argh! Walang hiya ka! Tangina mo! Tangina mo!" kahit umuubo ako ng dugo, kahit nahihirapan akong tumayo, kahit pagod na akong gumalaw. Kinaya ko parin. Humikbi ako habang kaharap ang taong pinagkatiwalaan ko, ang taong minahal ko na. Bakit?

"B-Bakit, Ark?" bakit mo ginagawa 'to sa amin? Akala ko ba kaibigan mo sila? Bakit!

Umubo muli ako at sa pagkakataon na ito ay napaupo na talaga ako habang dumadaing sa sakit.

"Argh!"

"How dare you betray us! You moth—"

"YEENA! ARKANGHEL!"

"You'll regret everything, Ark."

Lahat ng ito ay pagsisisihan mo.

"YEENA! ARKANGHEL!"

No. Please. Don't mention his name, it disgust me. I thought he was my Angel but I was wrong.

"You'll regret this—someday." you will rot in hell.

Bago pa man pumikit ang mga mata ko—nakita ko kung paano tamaan ng ilang bala si Vandeon at kung paano rin gumuho ang mundo ni Almika.

Isang butil ng luha ang muling tumulo sa aking mga mata. Ngumisi ako kay Arkanghel tsaka umiwas sa katawan ni Vandeon na ngayo'y bumagsak na sa lupa habang sumisigaw si Almika.

Ang sakit. Hindi pa ito ang huli ngunit nararamdaman kong dito magtatapos ang lahat. I did my best, tinago ko ang lahat at pinagsisisihan ko iyon. Ark, betrayed our friends. He chose the wrong path, hindi iniisip ang kinalalabasan.

"Ito ang resulta ng pagiging sakim mo, Arkanghel. Hindi ka patutulugin ng konsenya mo! Tandaan mo iyan."

***

HINDI makapaniwala si Almika sa nakita. Parang gumuho ang mundo niya nang bumagsak sa harapan niya ang katawan ni Vandeon. Limang bala ang tumama sa katawan nito dahil sa kakaprotekta niya kay Almika. Sinangga niya ang mga bala na dapat ay tatama kay Almika.

Ayaw niyang mawala ang minamahal niya kaya't habang nabubuhay pa siya ay gagawin niya ang lahat upang maprotektahan lamang ang kanyang minamahal sa buhay. Pero sa tingin ni Vandeon, ito na ang oras. Ito na ang oras para magpahinga, nagawa niya na ang mission niya sa mundong 'to. Ito ay ang protektahan niya ang pamilya niya sa mga masasamang tao. He already accomplished his mission, it's time to let go now.

"V-Vandeon?" paos na tawag ni Almika sa pangalan ni Vandeon. Tila nahihirapan siyang huminga habang pinagmamasdan ang pagod na mga mata ni Vandeon.

"Ano ba!" malakas na angil niya kasabay naman nito ang malakas niyang hagulgol pero tinawanan lamang siya ni Vandeon. Kahit nahihirapan na, ngumiti parin siya kay Almika. Ayaw niyang umiiyak ito lalo na't siya ang dahilan. Dobleng sakit 'yon sa kanya. He wants her to be happy, ayaw niyang laging nasasaktan 'to.

"I-Love...y-you..."

"Vandeon, baby! Tumayo ka riyan! Ano ba! Huwag kang pipikit,bplease! Ano ba, Vandeon! You can still hear me, right? Please! Please don't leave me! Don't leave me again, Vandeon! Kayo na lang ang natitira kong pamilya sa mundong 'to! Huwag mo 'kong iwan na ganito!" iyak lang ng iyak si Almika sa harapan ni Vandeon.

"Huwag mo 'kong iwan! Maawa ka naman sa akin, Vandeon. Mahal na mahal kita! Mahal mo 'ko hindi ba? Please stay with me! Please! Please!" sobrang sakit ang nararamdaman ngayon ni Almika, hindi niya maipaliwanag ng maayos pero sobrang sakit talaga. Parang milyong kutsilyo ang tumarak sa kanyang puso.

Nakikita niyang nilalabanan ni Vandeon ang kanyang hininga pero sinawalang bahala niya iyon. Ayaw niyang mawala na naman ulit si Vandeon. Ayaw niya nang maiwan ulit. Hindi niya kayang isipin iyon. Mahal niya si Vandeon, gagawin niya ang lahat para lang sa kanya ngunit ang buhay na hiram lamang ay hindi niya maibabalik. She cried, walang pakialam sa mukhang puno na ng luha at dumi galing sa kanilang pagtakbo.

Bumuka ang bibig ni Vandeon ngunit walang salitang lumabas. Mas lalong nasaktan si Almika, kita niya kung paano muli lumuha si Vandeon, kita niya rin kung paano ito lumalaban, kita niya rin kung paano ito sapilitang humihinga para makinig sa mga sasabihin niya.

Pumikit siya ng mariin. Ayaw niya paring tanggapin.

"Walang hiya ka! Ganu'n-ganu'n na lang! Iiwan mo 'ko rito! Vandeon, naman! Kung iiwan mo man lang kami dito ng anak mo! Sasama kami! Tangina naman, Vandeon! Bakit ganito?! Bakit?!" gusto niyang suntukin si Vandeon, gusto niya itong saktan. Gusto niya ring marinig ang mga tawa at makita ang ngiti nito. Gusto niyang marinig ang mga salitang nagpapakilig sa kanya. Pero hanggang gusto na lang talaga siya.

"Hindi ko matanggap! Ano ba!"

Dahan-dahang inangat ni Vandeon ang sariling kamay. Nakita ni Vandeon na may paparating kaya't ngumiti siya sa mga ito bago haplusin ang mukha ni Almika, pinunasan ni Vandeon ang luha ni Almika.

"Y-You need to go, baby. Ayokong may mangyaring masama sayo, run—take care of yourself. Don't l-let them catch you, Almika..."

Ang sakit sakit na iwan ka sa mundong 'to, Almika. Ayokong iwan ka. Mahal na mahal kita. No one can doubt my love for you, baby. Mahal na mahal kita, Almika higit pa sa buhay ko. Kaya kong itaya ang lahat, kaya kong I-sakripisyo kahit na ang buhay ko. Mahal na mahal ko kayong dalawa ni Vandish. I love you, baby. Sometimes we need to let go, sometimes we need to accept the reality.

This is my reality.

Gustong sabihin ni Vandeon ang mga katagang 'yon pero hindi man lang lumalabas sa bibig niya. Nahihirapan na talaga siyang huminga.

Isang butil ng luha ang pinakawalan niya. "M-Mahal na M-Mahal kita, A-Almika. I'm sorry, y-you a-are now free. I'm s-setting you free, baby..."

Sa huling salita na 'yon? Alam ni Vandeon kung gaano kawasak si Almika.

"VANDEON!"

At sa huling paghinga niya? Alam niyang duon na nagtatapos ang laban. He smiled. Iyon ang huling ngiti na iniwan niya sa kanyang pinakamamahal na si Almika.

Sumigaw si Almika. Sigaw na may dalang galit at sakit. Sinisigaw niya ang pangalan ni Vandeon habang hawak ang kamay nitong nanlamig na. He's gone.

Sa pagkakataon na ito, hindi na biro. His second life ends here.

Mi dispiace.

The downfall of Vandeon Brix Santford. One of the commanders from the Billionaire series.

Music played: Surrender
By: Natalie Taylor

-We let the waters rise
We drifted to survive
I needed you to stay
But I let you drift away

My love, where are you?
My love, where are you?

Whenever you're ready, whenever you're ready
Whenever you're ready, whenever you're ready
Can we? Can we surrender?
Can we? Can we surrender?
I surrender

No one will win this time
I just want you back
I'm running to your side
Flying my white flag, my white flag
My love, where are you?
My love, where are you?

Whenever you're ready, whenever you're ready
Whenever you're ready, whenever you're ready
Can we? Can we surrender?
Can we? Can we surrender?
I surrender
Ooh-oh-oh-oh
I surrender

He surrendered.

***
Pwede niyo pong pakinggan ang music sa YouTube o sa any music platforms para mas damang-dama ang sakit, hoayy! Anyways, don't forget to support the author and leave a reaction. Thank you!

Baka hindi na ninyo basahin ang story ni Vandeon ah dahil dito. Chareng!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top