Chapter 21
***
"What the fvck are you doing?!" galit na sigaw ko kay Spade pero humalakhak lamang ang loko. Tingin niya nakakatuwa 'yung ginawa niya? Bullshit! Hindi! Kinabahan ako dahil nakisabay din ang text ni Alice sa pagsulpot ni Spade, tangina talaga.
"What? Aren't you surprise?"
"Eh, kung tadyakan kaya kita riyan? Ikaw ba naman tutukan ng katana hindi ka ba mababahala n'on ah?!"
"Oppss my bad, I'm just...I missed you Aria, go home with me please."
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Ayoko pang umuwi dahil may pamilya ako rito na nasa binggit ng kamatayan ang buhay nila. Ayokong iwan sila rito. Wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sa akin basta't huwag lang sa pamilya ko. Marami ng ginawa si Triton sa pamilyang 'to. Ako na naman ang gagalaw ngayon. Labag man sa loob ko ay wala na akong magagawa pa.
Ako ang ina ni Zack at asawa sa papel ni Triton. Napaka-bastos ko naman kung tatalikuran ko ang gampanin ko. Isasantabi ko muna ang galit ko kay Triton, sa ngayon ay aayusin ko muna ang sinimulan naming dalawa.
"You can go back, Spade, without me. I'm not going with you. I have a family here, kailangan nila ako." sabit ko at tinalikuran siya. Patungo ako ngayon sa kwarto ni Triton. Bibisitahin na naman.
"No! They're just using you, Aria! Listen to me! We should leave now!" Marahas na hinila ni Spade ang braso ko. Sinandal niya ako sa pader na labis kong kinagulat. What the fvck!
"Spade! Let go of me! Ano ba! Ayoko nga sabing umalis! You can go back but I'm not coming with you!"
"Listen to me, Ariana. Ginagamit ka lang nila, hindi totoong nawalan ng memorya si Triton. Palabas niya lang ang lahat, Aria!"
"You're crazy as fvck, Spade. Let go of me!" ano sa tingin niya magpapauto ako sa mga pinagsasabi niya tungkol kay Triton? Pinapahalata niya lang na may galit siya kay Triton at parang isa yata siya sa mga gustong magpa-bagsak kay Triton. I'm not buying this! I need to protect my husband against this motherfvcker! I don't give a shit when it comes to my family.
"You're just stubborn, Aria. Sumama kana sa akin."
"Hindi ako sasama sayo kaya pwede ba Bitawan mo 'ko!"
"Para ano! Para ano, Aria! Pupuntahan mo ang walang kwentang 'yon! Binuntis ka niya tapos sinaktan, Aria! Matitiis mo pa siyang tulungan ngayon kahit palabas lang ang lahat!"
"Anong pinagsasabi mo? Baliw kana, Spade! Bitawan mo 'ko!" Marahas ko siyang tinulak kaya't nabitawan niya ako pero ngumisi siya at ginulo niya ang buhok niya. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi ni Spade. Totoong na naaksidente si Triton dahil halos masira na nga ang mukha niya. Hindi niya pa kami naalala. Hindi naman ako lolokohin ng mga kaibigan ko at tsaka hindi rin ako magpapaloko sa baliw na Spade na 'to. Kaya lang, hindi ko maiwasang hindi mapaisip, naguguluhan ako ewan ko kung bakit or para saan?
"Maybe I'm crazy, but I'm telling the truth, Aria, pinapaikot ka lang ni Alcazar." mariin niyang saad bago umalis.
Hindi ako sumagot. Pinagmasdan ko lang siyang lumalayo sa paningin ko. Nakilala ko si Spade dahil isa siya sa mga kaibigan ni Sedrex. Mabait naman si Spade pero sobrang sungit niya minsan kaya lang nanibago ako ngayon sa ugali niya, parang hindi siya mapakali. Sobrang bilis ng mga kilos niya, tinutukan niya pa ako ng katana! Bwesit siya!
Tinago ko ang phone ko sa loob ng bag ko. Buti na lang na I-record ko 'yung mga pinagsasabi ni Spade kanina. Kailangan kong mag-imbestiga, kailangan kong malaman kung anong plano ni Spade. Mukhang hindi basta-basta 'tong kaibigan ni Sedrex, may malaki rin yatang galit kay Triton.
"I ne—-"
"Are you done flirting with your fvcking boyfriend?"
"What the!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa malamig na boses ni Triton na tumama sa leeg ko. Mabilis akong napaatras at sinamaan siya ng tingin.
Prenta siyang nakatayo sa harapan ko. Nasa loob pa ng bulsa niya ang dalawang kamay. Naka taas ang kilay niya na parang may nakita siyang mali. Ngunit ang pinagtataka ko? Bakit siya nakatayo na ngayon? At bihis na bihis pa ang loko.
"He's not my boyfriend." giit ko.
"Then what? Sugar daddy?"
"What the hell! Bakit ka ba lumabas?! Ang chismoso mong kupal ka, halika na nga!" Lumapit ako sa kaniya at akma sanang hihilahin ang polo niya papasok ng room niya nang kabigin niya ako at sinandal sa pader kagaya ng ginawa ni Spade kanina. What the!
Nanlaki ang dalawang mata ko. Hindi inaasahan ang mabilis na galaw ni Triton. Is he crazy?!
"Triton!" malakas na sigaw ko pero agad niya naman tinakpan ang bibig ko. Kita ko sa mata niya ang galit. Ano na naman kaya ang problema niya? At bwesit! Bakit niya ako sinandal sa pader!
"Let me go, Triton. Kailangan mo nang bumalik sa loob ng room mo," tiniis ko na huwag siyang sigawan dahil baka nagulat lang siya kanina. Nasa 10 years old pa naman ang isip niya ngayon. Punyeta! Kaya lang? Paano niya ako naisandal sa pader? Tsaka ang lakas non. Piste!
"Triton!"
"I'm mad, Ariana I don't know why, but I'm fvcking mad at you right now!" this time napanganga ako sa pagtaas ng boses niya. Hindi ko inaasahan 'yon lalo na't bigla ring kumalabog ng malakas ang dibdib ko.
"I want to kill him." mariin niyang dugtong sabay haplos ng mukha ko dahilan ng kinatigas ko sa kinatatayuan ko.
Hindi ako makagalaw, hindi rin ako makapagsalita. Parang bumalik siya sa dating Triton na nakilala ko. Wala akong maintindihan. Gulong-gulo ako sa mga kinikilos ngayon ni Triton.
"I'm jealous, baby,"
"You are mine, Aria, mine alone."
At bago pa man ako makapagsalita? Sinunggaban niya na ang labi ko. Hinawakan niya ang mukha ko at mas lalo niya pang diniin ang mukha ko sa mukha niya. Hindi ko alam kung anong gagawin pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumutugon sa mga halik ni Triton. Sana mali, sana mali ang hinala ko.
"Don't make me mad, Aria, you won't like it."
"Triton..."
"That's Spade Rion Algorn right? I'll find him and kill him, baby."
Kumalabog ng malakas ang aking puso. Hindi makapaniwalang nakatingin ang aking dalawang mata sa kanya. Punong-puno ng emosyon ang kanyang dalawang mata, hindi ko matukoy kung alin ba sa dalawang iyon ang paniniwalaan ko.
Humigpit ang paghawak ko sa laylayan ng kanyang damit. Kung anuman itong nararamdaman ko ngayon sa kanya, hindi maganda ito. Huwag sa sitwasyong ito. Masyadong magulo.
"Huwag kang bumitaw ng salita, Triton, kung hindi mo naman paninindigan." humiwalay ako sa kanyang hawak ngunit nahuli niya na naman iyon.
He faced me. "I will take responsibility for my words, Ariana. I'm fvcking serious."
Napasinghap ako.
***
Nagising ako dahil sa malakas na busina ng sasakyan. Iritable akong bumangon mula sa kama, kinusot-kusot ko pa ang mata ko dahil inaantok pa ako. Sobrang lamig pa ng buong katawan ko. Punyeta! Hindi ko na maalala kung anong nangyari kagabi, si Spade ang huli kong nakausap, tapos paano ako nakarating sa kwarto ko?
Minulat ko ang mata ko. Biglang kumunot ang noo ko nang mapansin kong ibang kwarto 'to, saan ako?
"Good morning, Aria! Breakfast is ready! Sabayan mo na si Sir Triton sa ibaba,"
"Huh?" tila lutang ako sa bati ni Butler Kino. Naka-uwi na si Triton? Parang ang bilis naman yata.
"Ayaw ng alaga ko na pinaghihintay siya, Aria, go and put on your clothes!"
Dahil sa malakas na tawa ni Butler Kino napatingin ako sa sarili ko at halos lagutan ako ng hininga nang makitang kumot lang ang nakatakip sa buong katawan ko.
"What the hell!"
What happened last night? Bakit ito lang ang suot ko?
***
Don't forget to vote and leave a reaction. Thank you! Happy reading.
Kung naguguluhan kayo sa story, you can ask me naman po and iwasang mag-comment ng mga masasakit na salita. If you don't like this story you can leave din po. Do not compare my work to other writers dahil kani-kaniya po tayong pag-iisip dito. Salamat!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top