Chapter 17

Masakit. Mahirap. 'Yan ang nararamdaman ngayon ni Aria habang nakatitig sa anak niya na ngayong nakahilata sa kama at wala paring malay.

Tatlong araw na ang lumipas. Hindi parin nagpapakita sa kaniya si Triton. Wala rin naman siyang pakialam sa lalaking 'yun pero sa tuwing sumasagi sa isip niya ang sagutan nila at ang mga salitang binibitawan nito, kumikirot ang dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit, kung bakit siya nasasaktan sa mga salitang binibitawan ni Triton. Kung tutuusin, nagulat siya roon pero hindi niya pinapahalata dahil ayaw niyang ipamukha or ipakita kay Triton na mahina siya, na natatakot siya.

Galit na galit parin siya kay Triton dahil sa nangyari sa anak nila. Hindi niya lang talaga matanggap. Kapag nawala ang anak niya siguradong hindi mananahimik ang kaluluwa ni Aria, lalabanan niya talaga si Triton.

Malalim na napabuntong hininga si Aria. Hinawakan niya ang kamay ni Zack, hinalikan niya rin ito bago ngumiti ng malamya. Habang nakikita niya ang anak na may benda sa noo at pasa sa ilang parte ng katawan, sumisikip ang dibdib niya. Minsan iniisip niya na sana siya na lang ang nakahilata ngayon sa kama, siya na lang ang nagtitiis.

"You know how much I love you right son? Don't leave your Momma, fight baby, let's fight together. You still have missions to do in this world, in your life. Don't leave yet baby, fight, Zack." malumay na saad ni Aria sa anak kasabay nito ang luhang dahan-dahang pumapatak galing sa mata niya.

"Wala akong pakialam kung daddy mo pa ang kakalabanin ko sa larong 'to, Zack. Hindi ko siya aatrasan, if I have to kill him? I will baby, just for you,"

"He hurt you, hindi ko matanggap 'yun. Wala siyang kwentang ama, Zack."

Alam ni Aria na tagos puso iyong tumatama sa kaniya pero sinasawalang bahala lang niya. Nananaig parin ang galit ngayon sa kaniya, hindi niya alam kung papatawarin niya pa ba si Triton or hindi na. Gusto niyang ipakulong si Triton pero wala siyang hawak na ebedinsya, at masyadong mayaman si Triton ngayon. Marami siyang koneksyon sa mga tao. Isa pa siyang presidente, paano niya tatalunin ang binata? Kung sa usapang kapangyarihan pa lang, walang-wala na siya.

"Tanginang, Alcazar na 'yan!"

***
Almika's POV

"What did you say?!"

Kanina pa ako umiikot dito sa bakuran namin. Kasama ko ngayon sina Vena at Alexandra, may importante daw kasing pag-uusapan, hindi ko alam kung ano 'yon pero sigurado akong sobrang seryoso non.

Kakaalis lang din ng asawa at anak ko, may gagawin daw sila sa School, buti naman para hindi madamay ang mga bata dito sa gagawin namin. Parang may ideya na rin si Vandeon sa mga nangyayari, hindi niya lang talaga sinabi. Napaka-gago talaga ng isang 'yun. Gusto niya talagang solohin ang mission na 'to.

Hindi pwede! Kailangan niyang alagaan ang anak namin. Lagi na lang ako! Gusto ko rin naman tumulong sa mga kaibigan ko lalo na't mukhang lumalala na ang bawat misyon ngayon. And speaking of Aria? Sa aming lahat siya ang mas magaling eh, sabagay may kompanya siyang pinagtr-trabahuan sa labas ng bansa. Hindi na kataka-taka.

Pero balita ko nasagasaan daw ang anak niya? Kamusta na kaya si Zack?

"Hoy! May itatanong ako sainyo!" tawag ko sa mga kasamahan ko na ngayong mukhang nakakita ng multo. Lalo na si Vena na mukhang matatae na.

Kumunot ang noo ko sa mga reaction nila. Napaka-oa naman, ano na naman kaya ang dahilan nito? Baka nagdra-drama na naman 'tong dalawang 'to. Mahilig pa naman magloko 'tong si Vena at Alex. Ako lang yata ang medyo mabait, si Riley din.

"What's wrong with you guys? Mukha kayong natatae diyan," irap na sabi ko. Tinungo ko ang malaking lamesa, kumuha ako ng tinapay at nag salin din ng juice.

"Ang init-init ng panahon ngayon! Riley, samahan mo nga— oh shit!" Agad kong naibuga ang juice na ininom ko nang makita ko silang tatlo na sabay-sabay na tumakbo palabas. Mukhang may nangyaring hindi maganda. Tangina!

"Hintayin niyo 'ko! Anong nangyayari!"

Lumabas kami nang mansyon. Pumasok kami sa van na hinanda ni Riley. Wala akong maintindihan, pero mas pinili ko na lamang na manahimik muna baka mamaya ako ang pagbubuntungan ng mga 'to.

Ano ba kasi ang nangyari? Pati ako pinagpapawisan sa kanila. Napansin kong nanginginig si Riley habang si Vena naman ay tila nahihirapan, si Alex naman ay tila hindi mapakali. Ako? Na walang alam, hindi din alam ang magiging reaction or gagawin.

Sa tingin ko hindi talaga maganda 'to.

"Care to share guys?"

"Naaksidente si Triton Alcazar, masyadong madugo ang nangyari sa kaniya. Kaka-tawag lang ni Skie sa akin, dinala nila si Triton sa hospital, hindi nila alam kung buhay pa ba ang katawan ni Triton dahil sobrang malala daw ang nangyari sa kaniya,"

"Sirang-sira ang sasakyan nitong minamaneho, may tendency na mamamatay si Triton sa kalagayang 'yon."

Napaawang ang bibig ko sa narinig. Nagsimula na ring manginig ang tuhod ko. Ganito talaga ang epekto ni Alcazar sa amin. Hindi siya ordinaryong businessman lang, bawat kilos niya ay may rason, bawat salita niya ay may kahulugan, isa siya sa mga leader ng society nila, siya din ang may mataas na ranggo ngayon sa groupo nila. Mahirap talaga siyang kalabanin, halos kami ay natatakot sa presenya niya.

Pero how come na nangyari ito sa kaniya? Hindi ko inaasahan 'to. Gulat na gulat parin ako, hindi talaga ako makapaniwala.

"Nasagasaan si Zack tapos ngayon ang ama na naman nito," mahinang bulong ni Alex pero narinig ko naman.

Nang marating na namin ang hospital kung saan dinala si Alcazar. Hindi na kami nagda-dalawang-isip pa, pumasok kami habang dala namin ang mga gamit namin sa laban. Training sana namin ngayon kaya lang, dahil sa nangyari naudlot. Mas importante 'to!

"Skie! Where is he!" malakas na sigaw ni Vena nang makita niya ang asawa niya 'di naman kalayuan. Punong-puno ng dugo ang damit nito lalo na din kay Sendrix, para silang natamaan din. Shit! Kamusta na kaya ang lagay ni Triton?

"Sa tingin ko may taong nasa likod nito. Hindi naman magagawang saktan ni Triton ang anak niya at hindi naman siya tangang tao na basta-basta na lang makabangga or manakit ng ibang tao."

"May kalaban si Triton, at hindi 'to basta-bastang kalaban lang."

Tahimik lamang ako. Wala akong masabi, pero sa tingin ko naman tama si Riley, may kalaban si Triton, makapangyarihan din tulad niya. Bumubuga kapag nakatalikod si Triton. Dinamay pa nito ang batang wala pa sa tamang edad.

"Anong sinabi ng Doctor?" kunot noong tanong ni Alex kay Sendrix.

Lumunok si Sendrix sabay lagutok ng kaniyang leeg. "He lost everything,"

"What? What do you mean?"

"Wala siyang maalala pwera sa dati niyang asawa na nakilala niya noong nasa sampung edad pa lamang siya, tinatawag niya 'tong asawa kahit na bata pa lamang sila, parang bumalik sa 10 years old ang isip niya, sabi ng Doctor."

"Paano nalaman ng Doctor ang lahat ng 'yan?" tanong ko.

"Kilala ng Doctor na 'yon si Triton, childhood friends kumbaga, kilala niya rin kung sino ang babaeng asawa asawa nito noon, kaya lang nababahala ako dahil may mga plano si Triton. Nakalimutan niya na ang lahat ng 'yun ngayon, kapag wala siya babagsak ang kompanya niya. May kakompetensya si Triton sa kompanya. Masyadong toso ang isang 'yon, gagawin ang lahat para mapabagsak si Triton. Hindi mapapatakbo ni Triton ang kompanya sa sampung edad niya."

"Bakit hindi na lang ikaw?" tanong ni Riley kay Skie.

"I have a lot things to do in my life, I have a family too. I can help but running his company is not my business anymore."

Ano na ang gagawin namin ngayon?

Na-trauma yata si Triton sa nangyari kaya ang naalala niya lang ay 'yung nangyari noong nasa sampung edad pa lamang siya. Paano kung lulusob ang mga kalaban? Tamang timing 'to sa kanila dahil wala sa tamang pag-iisip si Triton. Kayang-kaya nilang pabagsakin si Triton kapag ganito.

"Ang pwedeng magpatakbo sa kompanya niya ay ang asawa niya na pinakasalan niya years ago,"

"Who? Si Amber ba? Hindi ako makakapayag! Uubusin lang non ang pera ni Triton!" Mabilis na reklamo ni Vena. Well naging karibal niya dati si Amber, ewan ko ba sa malantod na 'yun. Ang kati!

"No she's not the real wife of Mr. Alcazar."

"Why?"

"Hindi sila totoong kasal, legal ang kasal nina Aria at Triton. Bago pa man lumuwas ng ibang bansa si Aria? Plinano na ni Triton ang lahat. Kasal parin sila hanggang ngayon. Pwedeng patakbuhin ni Aria ang kompanya ni Triton habang hindi pa 'to magaling."

"Kaya lang? Magkaaway sila ngayon, paano na?"

May malaking galit ngayon si Aria kay Triton. Sigurado akong mahihirapan kaming kumbinsihin si Ariana. Naaawa na ako sa sarili niya, siya na lang ang tumatayo ngayon sa pamilya niya.

"Who's the girl? I mean 'yung babaeng naalala lang ni Triton ngayon?" kinakabahan na tanong ko.

"She's Thesra Ariana Desmina."

Oh shit!

***

Carrying My Husband's Child turns into Babysitting my husband🤣
***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top