Chapter 16

Cont.

"TRITON! TRITON! SAAN KANG HAYOP KA! ANONG GINAWA MO SA ANAK KO!" malakas na sigaw ni Aria habang papasok sa loob ng hospital kung saan dinala si Zack. Kasama niya si Vena at ang anak nitong lalaki sa likuran niya.

Pinipigilan siya ni Vena na huwag mag-skandalo sa loob ng hospital ngunit hindi mapipigilan ni Aria ang sarili niyang emosyon. Hindi siya makapaniwala na nangyari iyon sa anak niya, ni katiting sugat wala si Zack pero nang dumating ito sa poder ni Triton, hindi makapaniwala si Aria.

Alalang-alala siya sa anak niya, buhay ng anak niya ang nilalaban nito ngayon. Kung pwede lang sana, kung may maitutulong lang sana siya para saluhan ang sugat ng anak niya ay gagawin niya.

Nang tuluyan nang makapasok si Aria sa loob ng hospital. Hindi na siya nagdadalawang-isip pa, mabilis niyang nilapitan si Amber na nasa labas ng emergency room, kasama pa nito ang anak na batang babae.

"Aria!" Pigil sa kanya ng kaibigan niya pero hindi niya iyon pinagtuusan ng pansin, sa halip ay hinila niya ang buhok ni Amber habang nakatalikod ito.

"Aria!"

"WALANG HIYA KAYO! PINAGKATIWALA KO SAINYO ANG KUSTODIYA NG ANAK KO PERO ANONG GINAWA NIYO! NILAGAY NIYO SA BINGGIT NG KAMATAYAN ANG BUHAY NIYA!" galit na sigaw ni Aria at sinampal ng napakalakas sa mukha si Amber.

Nagulat si Amber roon lalo na't hindi niya inaasahan na susugurin agad siya ni Aria. Galit na galit ngayon si Aria, wala siyang pakialam sa mga taong nanunuod sa kanila, gusto niyang saktan si Amber at si Triton ngayon. Ngunit hindi niya mahagilap ang binata.

"ANG KAPAL NG MUKHA NIYO! MGA BWESIT KAYO! KAPAG MAY MANGYARING HINDI MAGANDA SA ANAK KO? IHANDA MO NA ANG KABAONG MO, AMBER, KAYONG DALAWA NI TRITON DAHIL HINDI KO KAYO AATRASAN! TANDAAN MO 'TO, WAWASAKIN KO ANG IMAHE MO, AMBER, ITATAK MO 'YAN SA KUKOTE MO!" Hinila muli ni Aria ang buhok ni Amber pero sa pagkakataon na 'to, may pumigil na sa kanilang dalawa.

Narinig niya pa ang iyak ng batang babae na sa tingin niya ay ang anak-anakan ni Amber. Paano naman nabuntis si Amber? Sa pagkakaalam niya may sakit 'to at hindi na magkaka-anak.

"Stop hurting my mommy! You're bad! Bad! Bad! Daddy will get mad at you! He'll surely sue you to death!"

"Anya!"

Hindi nasindak si Aria. Sinamaan niya lang ng tingin si Amber na ngayong tila awang-awa na. Gusto niya talagang patayin ang babaeng nasa harapan niya pero pinipigilan niya ang sarili niya. Nandito ang anak nito, ayaw niyang masaksihan ng bata ang gagawin niya.

"Aria, kumalma ka nga muna, bakit mo sinisisi si Amber?" litong tanong ni Vena sa kanya.

"Magkakampi sila ni Triton, Vena. Nakalimutan mo na ba? Sila ang dahilan bakit wala sa tabi ko ngayon ang anak ko! Pinagtulungan ako ng hayop na 'yan!" Akmang susugod pa sana si Aria nang pigilan siya ni Vena at Sky. Kasama si Amber ng mga araw na iyon ngunit hindi niya pinansin dahil nanalo si Triton, tanggap niya na sana e kaso nangyari pa ito. Labis siyang nasaktan sa kanyang anak. Mahal na mahal niya ito at hindi niya kayang nakikitang nahihirapan.

Takot kasi ito sa hospital. Ayaw na ayaw nito ang pumasok.

"Shh, kumalma ka muna. Hintayin natin si Triton. Kailangan niyang magpaliwanag."

Labag man sa loob niya ay tumango na lamang si Aria. Pinunasan niya ang luhang kanina pa dumadaloy sa mga mata niya. Nanginginig parin siya hanggang ngayon, natatakot din si Aria para sa anak niya. Nasa emergency room 'to ngayon at hindi pa lumalabas. Kinakabahan siya baka bibitaw ang anak niya, bata pa si Zack.

Pinikit niya ang mga mata para pigilang hindi maluha. Iniiwasan niya rin ng tingin sina Amber baka tutuluyan niya na talaga ito pagnagkataon.

"What's the Doctor say to you, Amber?" tanong ni Vena kay Amber na ngayong lutang na ang sarili. Magulo ang buhok niya, medyo napunit din kaunti ang damit niya at mapula naman ang kabilang pisnge niya. Wala talagang sinasanto si Aria, sa katunayan nga kulang pa ang lahat ng iyan sa ginawa nila sa anak ni Aria.

"SUMAGOT KA!" hindi na napigilan ni Aria ang kanyang sarili. Agad namang napatingin si Amber sa kanya. Napasinghap siya nang makita niyang may luhang tumulo galing sa mga mata nito.

"What is it?"

"May tendency na ma...mamawawalan siya ng alaala dahil nabagok ang ulo niya, maraming dugong nawala sa kanya at..." hindi natapos ni Amber ang sasabihin niya nang hilahin na naman ni Aria ang buhok niya at sa pagkakataon na ito hindi niya na mapipigilan ang sarili.

"HAYOP KA! WALANG HIYA KA! MAMATAY KANA, AMBER! PAPATAYIN KITA!"

"Aria, stop it!"

"Aria!"

"Security!"

"Hinding-hindi kita mapapatawad, Amber! Kaya kung ako sa'yo? Lalayo na ako sa bansang 'to kundi tutuluyan ko talaga 'tong walang kwenta mong buhay! Walang hiya ka! Tangina ka!"

Hindi na mapigilan ni Aria ang sarili niya. Nabibingi na siya, wala siyang pinapansin. Naka-abang na sa kanyang harapan ang security guard pero hindi niya man lang ito pinansin. Umiiyak na rin ang anak ni Amber pero tila wala lang rin ito sa kanya. Miski si Vena ay hindi na mapigilan si Aria.

Umiiyak siya habang sinasakal sa leeg si Amber. Kita niya kung paano ito mag-mamakaawa sa harapan niya gamit ang mga mata nito.

"Awa? Matapos niyo akong kalabanin sa tingin niyo bibigyan ko kayo ng awa? Matagal na akong nagtitimpi sa'yo, Amber. Tiniis ko lahat ng pananakit mo sa akin noon, tiniis ko lahat! Lahat! Plano mo pang akuin ang anak ko?! Inggitera ka!"

"AMBER!"

"ARIA!"

Dahil sa malakas na boses na 'yon bigla niyang nabitawan si Amber. Habol nito ang sariling hininga.

Tila bumalik naman sa ulirat si Aria. Napansin niyang nakatingin na ngayon sa kanya ang lahat. Pati police ay nasa harapan niya na rin. Nag-aabang sa susunod niyang gagawin. Pero imbes na masindak? Tumawa lamang siya ng mahina, sinamaan niya lang ng tingin si Amber tsaka hinarap ang lalaking kanina niya pa hinihintay.

"Matagal ko ng alam na isa kang mamamatay tao pero hindi ko inaasahan na gagawin mo 'yon sa sarili mong anak," nag tagis ang panga ni Aria. Inangat niya ng dahan-dahan ang ulo niya. Sinalubong niya ang nakakamatay na tingin ni Triton.

Pansin niyang namumula ang mga mata nito. Magulo rin ang buhok at may dugo ang sariling damit na sa tingin ni Aria ay galing sa anak niya. Kinagat niya muli ang labi para pigilan ang hikbi niya.

"A-Aria..."

*BOOGSH!"

Mabilis niyang sinuntok si Triton sa mukha dahilan nang pagiging alerto ng mga tauhan nito.

Agad nilang hinawakan si Aria sa kamay.

"Aria!"

Ngumisi siya ng mapakla "Wala akong tiwala sa'yo, Frost Triton Alcazar."

"Wala kang kwnetang Ama!"

Matigas na bulyaw niya kay Triton.

"Alam mo ba kung bakit ayokong magpakasal sa'yo? Dahil mamamatay tao ka! Demonyo ka! Alagad ka ni Satanas! Wala kang kwenta! Oo marami kang pera pero sa mga mata ko? Hindi pera, gwapo ang babasehan ko! Hindi matatakpan ng pera iyang ang masama mong ugali!"

Oo alam niyang masakit ang mga salitang binibitawan niya kay Triton ngunit hindi niyo siya masisisi dahil ina siya, may anak siyang nag-aagaw buhay ngayon.

"Ipapakulong mo ako ngayon? Sige gawin mo! Gawin mo, Alcazar! Tangina mo!"

"Aria, Tama na!"

"You don't deserve to live, Alcazar. Matatahimik lang ako kapag patay ka na." masakit sabihin pero iyon ang lumabas sa bibig ni Aria.

Biglang sumakit ang dibdib niya nang makita niyang tila nasaktan si Triton. Napahikbi na lamang siya at napaluhod.

"Mahirap ba akong pakasalan? Mahirap ba akong mahalin, Aria? Kung demonyo ako sa paningin mo! Pwes itong demonyong 'to kaya kang ipaglaban! Kaya kang mahalin! Kayang saluhin ang mga salita mong bumibiyak sa akin!"

"Talaga ba, Triton? Hindi ka naman siguro nagpapatawa ano? Anong pinagsasabi mo!"

"Tangina naman, Aria! Hindi ko ginusto ang nangyari! Anak ko din si Zack at nasasaktan din ako para sa anak natin! Hindi ako tanga! Tangina!"

"Gusto mo akong mamatay? Hand the gun to her and let her shoot me. Kill me, Ariana."

Sana ako na lang ang mawawalan ng memorya dahil gusto kitang kalimutan, Triton, ayaw kitang makita. Kahit na sa panaginip ko or sa kabilang buhay. You caused too much pain to me, I don't want to feel this pain anymore.

You're a fvcking idiot! Wala kang kwenta.

Tiningnan niya lamang ang baril na nasa kanyang harapan. Mapakla siyang ngumiti roon at kinuha.

"Aria, don't."

Binalingan niya si Triton. "I really want to kill you, Alcazar..." tumawa siya.

"Lagi kong iniisip na bakit ngayon pa? Nakaya mo nga akong balewalain noon pero bakit ka nangingialam ngayon sa amin? Can't you just move on and let us go like what you did before huh! Para akong hangin sa'yo, Triton! Ako ang nagdadalang tao, ako ang laging nasasaktan! Ngayon, sabihin mo sa akin. Bakit hindi mo ako kayang ipaglaban at mahalin noon?"

Hindi umimik si Triton.

"Wala ka talagang kwenta, Triton Alcazar. Pinapamukha mo talaga sa akin, sa amin ngayon na wala ka paring pinagbago." Padarang niyang nilagay ang baril at lumisan.

"Aria!"

***
How is it? 🤣

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top