Chapter 10
Aria's POV
Hindi ko maiwasang hindi hayaan ang mukha ng aking anak na umiiyak at pilit pinipigilan ang aking kamay. Binuksan niya kasi ulit ang pinto ng kabinet at umiyak ng mahina na kami lang ang makakarinig.
"Kapag nakita mo naman si daddy Sedrex mo? Sabihin mong pumunta kayo ng States habang wala ako, Zack. Susunod ako sa inyo, anak, don't worry alright? Mommy will be fine, Zack." Niyakap ko muli siya. Pikit ng mariin ang mga mata. Hindi 'to ang gusto ko para sa anak ko. Gusto kong mamuhay ng tahimik kasama siya pero sadyang mailap talaga ang tadhana, hindi niya kami binigyan ng payapang buhay.
"Mommy, I'm scared. Don't leave me..."
"I won't leave you, baby, trust me. Huwag mong kalimutan ang sinabi ko saiyo." hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil ramdam ko na ang galit ni Triton sa labas. Kinakalampag niya na ang pinto, anytime ay masisira na ito.
Sinara ko ang kabinet. Tinungo ko ang kama at nilabas ang baril na lagi kong katabi sa pagtulog ko. Hindi kasi ako makakatulog habang wala 'to dahil feeling ko may mangyayaring hindi maganda kapag wala 'to sa tabi ko.
Humugot ako ng malalim na hininga. Nilagyan ko ng bala ang baril ko kasabay nito ang malakas na kalampag na nagmula sa pintuan. Mabilis akong umikot, tinutok ko kaagad kay Triton ang baril sanhi ng pagiging alerto ng mga tauhan niya. Nilabas din nila ang armas nila at tinutok 'to sa akin. Ngumisi lamang ng mala-demonyo si Triton, wala man lang katakot-takot ang gagong 'to. Paano kung tutuluyan ko na nga ang buhay niya? Hindi parin ba siya mababahala.
"Leave or else," mariing sambit ko kay Triton. Panay ang lingon-lingon nito sa paligid na tila may hinahanap. Alam ko kung sino ang hinahanap niya. He's searching for my son, goodluck na lang sa kanya kung makiki—- fvck! Napamura ako ng magtama ang mata niya sa kabinet. Ngumisi na naman siya na tila alam niya na kung saan ang hinahanap niya.
Agad kong kinasa ang baril para matuon naman sa akin ang atensyon niya pero sadyang wala yatang pakiramdam ang hinapuyak, nakatuon parin sa kabinet ang tingin niya.
"I SAID LEAVE NOW, ALCAZAR!" malakas na sigaw ko at pinutok ang baril. Tinamaan ko siya sa binti dahilan ng pagluhod niya at pa baril ng kasamahan niya sa akin. Isang bala lang iyon pero ramdam ko ang panghihina dahil tumama iyon sa aking tiyan. Isang mahinang galaw ang napansin ko sa kabinet ngunit kaagad kong iniwas ang tingin. Damn it.
"FVCK!" malakas na mura niya at kinuha ang baril ng kanyang tauhan. Kinasa niya ang gatilyo at pinatay niya ang sarili niyang tauhan. Nagulat ako roon, ito na ang pagkakataon para tapusin ang buhay niya kaya lang? Nang makita ko siyang nahihirapan tila nasasaktan ako. I did shot him, binaril ko siya sa binti pero bakit nasasaktan ako?
"Argh!" Daing ko nang maramdaman ko naman ang sarili kong sugat. Pinikit ko ng mariin ang mga mata pero mabilis din nagmulat sabay taas ng baril.
"Aalis ka ba or papatayin kita?" walang emosyon kong tanong. Dahan-dahan siyang tumayo habang ako naman ay napapangiwi dahil sa sugat na natamo ko. Ang swerte ko ngayon dahil hindi man lang ako nawalan ng malay pero kapag hinayaan ko 'to, tagalang mahihimatay ako.
"I don't give a shit here, Aria! Shoot me baby, kill me." matapang na sambit niya.
"Papatayin talaga kapag hindi ka umalis sa harapan ko!"
"Your hands are shaking; you're scared. Why? Kill me now, Aria, or else you will regret it."
Nanginginig kong kinasa muli ang gatilyo. Akma ko na sana itong itatama sa kanya ngunit nakaramdam akong ng panghihilo. Nagsisimula na ring dumilim ang paligid. Tangina, hindi ko maigalaw ang iilang bahagi ng katawan ko, tila nanlunmo lahat.
Nabitawan ko ang baril at ang huli kong matandaan ang mabilis na pagtayo ni Triton na tila wala man lang tamang naramdaman. Nilapitan niya ako at hinaplos ang noo ko dahilan ng pag tayo ng mga balahibo ko.
"Tu tam pertinax. Sed ego coniecto tu nunc bonum puella,"
I don't know how to deal with you, baby.
***
Triton's POV
"Why are you spacing out again, Triton? Is there a problem? Care to share it to us? Baka makatulong kami." simula ni Vandeon sabay hawak sa balikat ko dahilan ng pag init ng ulo ko. Ang gagong 'to, sino siya para hawak-hawakan ako. Tangina!
"Don't touch me!" I annoyingly complain. Sabay tayo mula sa kinauupuan ko. Mabilis akong lumabas ng bar habang hindi pinapakinggan ang tawag nila. Bunch of idiots! Wala rin namang kwenta kausap ang mga gagong 'yon. May mga asawa na nga nagloloko parin. Wow the good guy is talking. Whatever!
"Sir Alcazar, may appointment po kayo ng—"
"How is she?" I asked coldly. I got in the car while ignoring his question. I want to go home now so that Aria can't escape from me again. I know how badly she wants to leave my house but I don't care! Hindi siya makakalabas sa mansyon ko. Tapos ang usapan.
"Tinangka niya pong sirain ang pintuan pero hindi naman po niya nasira."
Of course she can't destroy that fvcking door. Makapal ang bakal na iyon at hindi 'yon basta-basta masisira, hindi talaga nag-iisip!
She runaway from me once, she thinks she can do that to me again? NEVER Aria, I will never let you.
If I find out whose son Zack is, get ready, Aria.
**
Aria's POV
"PALABASIN NIYO AKO DITO! MGA TANGINA NIYO! PALABASIN NIYO 'KO!" oo kanina pa ako sumisigaw dito. Todo pa kalampag ko sa pinto, todo sipa ko para masira pero kahit anong gawin ko hindi talaga masisira. Planado ang lahat, alam na alam talaga ng gagong iyon kung ano ang lakas ko at kung ano ang kaya kong gawin.
Hindi nga ako nakatali ngayon pero sobrang hirap namang gibain ng pinto. Pinagpawisan na ako. Gusto kong lumabas dahil pupuntahan ko pa ang anak ko. Wait? Nakuha niya kaya si Zack? Nahuli niya kaya akong nagtatago sa kabinet? Shit!
"PALABASIN NIYO SABI AKO RITO!" walang makakarinig sa akin sigurado ako roon. Malaki ang bahay, sobrang lawak pa nga nitong kwarto. Sa tingin ko ay bagong mansyon niya 'to pero wala akong pakialam. Gusto kong lumabas rito! Gusto kong puntahan ang anak ko.
"TANGINA MO, TRITON! PAPATAYIN NA TALAGA KITA KAPAG NAGKITA MULI TAYO!" Tinaas ko ang kamay para kalampagin na naman sana ang pinto kaya lang nasangga ko ang hawakanan nito kaya't napadaing ako at napaatras. Shit! Natamaan ang sugat ko sa bewang. Ngayon ko lang naaalala na may tama pala ako.
"SHIT SHIT SHIT! PALABA—"
"Shut the fvck up, woman! You're so annoying!" Mabilis na umangat ang ulo ko. Kumunot ang noo ko nang bumungad sa akin ang hindi familiar na lalaki pero kamukha niya medyo si Triton.
"Could you please lower down your fvcking voice! I'm studying for fvck's sake!"
Who is he?
**
Uy si Arke 'yan, charot. Happy reading! Don't forget to support the author for more update. Continue tomorrow ang update. Sleep lang muna is me.
Translation: You're so stubborn. But I guess you're a good girl now.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top