BS05: Carrying My Husband's Child
intro
Bayad lamang sa utang si Ariana.
Bata pa lang silang dalawa ni Triton may lihim na siyang pagtingin dito. Masama ang ugali nito, snobero at walang pakialam sa kaniya ngunit nanatili pa rin si Ariana.
Nang nabalitaan niyang nagkaroon ng malaking utang ang magulang niya sa mga Alcazar at siya ang naging salapi? Labis siyang nasaktan.
Hindi lang dahil sa utang, kundi sa ginawang trato sa kaniya ni Triton. Wala siyang karapatang magreklamo, wala siyang karapatan sa buhay nito dahil asawa lang naman sila sa papel at pambayad lamang siya sa utang. May nauna sa kaniya.
Araw-araw siyang pinagtaksilan. Pero nanatili pa rin siya sa poder nito. Palalayain lamang siya ni Triton kapag nagkaroon sila ng anak.
Alam ni Ariana na kapag may mabubuo, paniguradong ilalayo ni Triton ang bata sa kaniya kaya tinago niya ito at nagpanggap na hindi siya buntis kahit nasasaktan.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top