Chapter 7
Vena's POV
"Naligpit na ba ang dapat na ligpitin?" tanong ko kay Linda habang binibihisan ko si Sky. Aalis na kasi kami ngayon sa Batangas, nag pasya ako na tumira muna sa bahay nina Linda sa probinsya, mas okay nang manirahan duon, malayo sa mga masasamang loob at sigurado akong hindi kami matutunton ni Skie roon. May trabaho siya dito eh, anong gagawin niya sa bukid? At isa pa malawak ang probinsya, mahihirapan siyang hanapin kami. Gagawin ko talaga ang lahat para maitago ko lang ang anak ko mula sa kanya. Malaki ang galit niya ngayon sa akin dahil sa ginawa kong pag iwan sa kanya, pero masaya ako dahil binigyan niya ako ng anak, kaya nga lang? Hindi ko inaasahan na may tinatago pala siyang sama sa loob niya. Hindi naman ganito noon si Skie eh, maalaga siya noon sa akin, hindi nambabae, laging sa akin lang nakakapit at sa akin lagi ang atensyon, hindi pa siya Doctor non, nag tra-trabaho pa siya sa kompanya ng kaibigan niya, pero sa tagal naming pagsasama, hindi ko man lang siya lubos na kilala. Pati nga totoo niyang pangalan hindi ko alam, ewan ko ba kung talagang minahal nga ako ni Sv or niloloko niya lang ako.
Nang gabing tumakas ako noon sa mansyon niya, nakita ko siyang kaharap niya ang magulang niyang patay na, wala man lang siyang emosyon sa mukha, may hawak pa itong baril at dumudugo ang kamay niya. Natakot ako sa kanya noon, hindi ko alam ang gagawin.
May kasalanan ako, nakipag-one night stand ako sa isang lalaki na naka mask, hindi ko inaasahan na siya iyon. Wala akong ka alam-alam sa mga oras na 'yon, lasing na lasing din siya, akala ko nga naalala niya ang gabing iyon pero hindi, hindi niya naalala.
Nang malaman kong buntis ako? Sigurado akong siya ang ama. Pinili kong lumayo layo noon dahil nasasaktan ako para kay Skie, paano kung malaman niyang buntis ako? At hindi niya pa ako naalala non.
'Yung taong naka mask, nakita ko kung paano niya patayin ang magulang niya, akala ko talaga hindi iyon si Skie, pero may pinatay siyang pamilya at akala ko pamilya niya iyon. Pinatay niya din ang girlfriend niya na sikat na model sa ibang bansa, bakit ginawa iyon ni Skie? Baka pamilya ng babaeng iyon ang pinatay niya. Nakakatakot siya, ang sama-sama niya na, pinatay niya na nga ang totoong pamilya niya, dinamay niya pa ang girlfriend niya at ang magulang nito. Hindi ako sigurado kung magulang nga ba 'yon ng babae. Pero sana hindi.
Nakilala ko si Jules dahil magkakilala sila ni Kitty, naging kaibigan ko din ang lalaking iyon, botong-boto nga si Amy at Daddy non sa kanya eh, si kuya naman ay botong-boto kay Skie, pero no'ng nalaman niyang nakipag hiwalay na ako kay Skie? Naging manok niya na rin si Jules. Buntis na ako no'n, hindi ko lang sinabi sa kanila dahil kinakabahan ako, hindi ko kilala ang ama ng batang nasa sinapupunan ko pero tandang-tanda ko ang maskara niya.
Hanggang sa may pumasok sa bahay namin, sinira nila ang bahay namin at pinatay ang mga mahal ko sa buhay. Walang awa! Walang awa niyang pinatay ang pamilya ko, hindi pa siya nakuntento, pinatay niya rin si Jules na naging boyfriend ko na. Pati sila Amy, I feel sorry for them, kasalanan ko ang lahat. That time akala ko naalala niya na ako, pero hindi! Gusto niya rin akong patayin. Gusto kong aminin sa kanya na may anak kami! Pero hindi ko gagamitin ang anak ko para lang mabuhay pa ako. Hindi ko sinabi, tiniis ko ang lahat, binaboy ako, nakakadiri! Para akong babaeng bayaran, nandidiri ako sa sarili kong katawan.
Lahat ng 'yon kagagawan ni Skie, pinapahirapan niya ako, sinasaktan niya ako. Minahal niya ba talaga ako? Bakit niya ako sinasaktan ng ganu'n?
Iniwan ko siya dahil may rason ako!
Natatakot din ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa magulang niya!
Kaya noong umalis ako, pinaalam ko sa kanya na may lalaki na akong ibang mahal, ayoko na sa kanya, wala siyang pera! Hindi niya kayang bilhin ang mga gusto ko!
Lahat ng iyan ay gawa-gawa ko lang.
Alam kong kaya akong tustusan ni Skie noon, mayaman siya, pero hindi ko kayang humarap dahil buntis ako sa ibang lalaki na akala ko ay hindi siya!
Oo, inakala kong hindi si Skie ang naka mask na iyon, at akala niya ring nabuntis ako ng ibang lalaki. How complicated isn't it? Fvck!
Naglolokohan lang kaming dalawa. Hindi ko siya mapapatawad sa lahat ng ginawa niya, hindi ba siya na aawa sa akin noon? Bakit niya parin ginawa ang mga bagay na makapag bigay sa'kin ng sakit? Hindi niya ba talaga ako kilala? Anong kasalanan ng pamilya ko sa kanya!
Umakto akong walang kasalanan sa kanya, ayoko nang bumalik sa dati. Ang sakit sakit na.
Ibang-iba na siya sa lalaking mahal ko noon.
"Mommy?" nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang boses ni Sky. Sa kabila ng paghihirap ko sa mundong 'to, nagpapasalamat parin ako Skie dahil binigyan mo 'ko ng anak.
"Yes, baby?" tanong ko sa kanya sabay haplos ng kanyang mahabang buhok. Ayoko munang putulin ang buhok niya baka mas lalo lang siyang mamukhaan ni Skie. Ayoko non.
"You're crying, Mom, is there something wrong?" nag-aalalang tanong niya. Dahan-dahan ko naman hinawakan ang pisnge ko, saglit akong natulala sabay tawa. Damn it! You caused too much pain to me Skie! Stop minding me please.
"Napuwing lang ako, baby, come here. Hindi ka ba inaantok? Mahaba-haba pa ang byahe natin," hindi namin gamit ngayon ang sasakyan ni Kace, nakasakay kami ngayon sa bus papuntang probinsya ni Linda.
"Don't lie to me, Mom, care to share it with me?" sa halip na sagutin ko ang anak ko? Niyapos ko na lamang siya. Niyakap ko siya ng mahigpit habang inaalala ang nakaraan namin ni Skie noon. Damn it!
Everything's unbelievable!
"Ma'am, mainit pa sa probinsya namin, baka iitim si Sky duon." usal ni Linda habang pinagmamasdan si Sky na mahimbing na natutulog.
"Sana kanina mo pa iyan sinabi Linda," saad ko. Tumawa naman siya ng peke at umusog papunta sa akin.
"Mahirap lang po kasi kami Ma'am, 'saka hindi pa po kami kumakain ng masasarap gaya na lang sa inyong mayayaman Ma'am,"
"Don't worry about it, Linda, I'll take care of it." mabilis na sabi ko. Nanlaki naman ang mata niya na mukhang hindi makapaniwala.
"Talaga, Ma'am? Ang ibig kong pong sabihin, hindi niyo naman po kailangang gawin,"
"Kakasa-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang huminto ang bus at may pumasok na tatlong lalaki, nangunguna ang dalawang lalaki na may sariling shades sa mata, sumisigaw ang yaman sa mga suot nila. Ang pang huli naman ay naka cap siya, naka shades din na itim at naka simple t-shirt na white lang siya, kahit na simple lang ang suot niya, elegante parin tingnan at mukhang mayaman. Umiwas ako ng tingin ng umupo sila sa kaliwa namin ni Linda, nasa likod ang mga gwardiya namin, naka simple black T-shirt lang din ang mga 'yon, para 'di halatang bodyguards.
"Ang gwa-gwapo, Ma'am." bulong ni Linda habang nakatingin sa tatlong lalaki. Umirap ako sa kanya at piniling hindi siya sagutin. Ano namang pakialam ko sa mga gwapong iyan? Makakain ko ba?
Mas lalo kong tinakpan ang mukha ni Sky, binaba ko ng kaunti ang bonet niya, at inayos ko ang jersey niya. Inayos ko na rin ang shades na nasa mata ko. Kami lang ata ang naka shades ngayon dito eh, minsan napapatingin sa tatlong iyon at sa amin ang ibang tao. Bakit kaya naka shades ang tatlong 'yon?
"Is she coming?" rinig kong tanong ng isang lalaki, may cross itong hikaw sa kaliwang tenga.
"They're actually coming, dude, may balak pa atang dalhin ang mga bata,"
"Fvck!"
"Wala kayong takas sa mga asawa ninyo, gago!"
Biglang nagsitayuan ang balahibo ko ng marinig ko ang boses ng lalaking naka puti. Umayos ako ng upo para pakalmahin ang sarili, shit! May sakit na ata ako sa pandinig.
"Why we're actually here, Montefalco?"
"Stop asking motherfvcker, let my wife deal with this alone,"
Umiling ako para iwasan na marinig ang pinag-uusapan nila. Binalingan ko ng tingin si Linda, halos mag laway na siya sa tatlong 'yon. Jusko!
"Je l'ai perdue une fois, je ne la ferai pas non plus deux fois, cette fois? Je ferai tout pour les obtenir."
****
Translation: I lost her once, I won't make it twice either, this time? I'll do everything to get them.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top