Chapter 16

Vena's POV

You don't need to pay, Wren, as long as naka tulong ako, mahirap magpalaki ng anak lalo na't wala ang ina nito, I knew you suffered a lot, but instead turning your back? You faced it all, you're strong not as me. Behind those cold stare? Bad attitude? I know you're good inside. Sana nga ganyan lang din ang buhay ko, pero sadyang mailap ang tadhana, kailangan pa talaga tayong pahirapan. Minsan nga napapaisip ako, ano ba ang malaki kong kasalanan bakit ako pinarurusahan ng ganito? Am I not deserving?

"I can handle this alone, Wren. Kumain muna kayo sa labas ni Rain, tatawagan na lang kita kapag uuwi na ako,"

"I can't leave you here, Vena, hindi madaling kalabanin si Skie."

Pilit akong ngumiti sa kanya, tama na ang pagtatago. I need to face the reality, I need to face him kahit na delekado. Kailangan kong makuha ang anak ko, kailangan ko si Sky sa buhay ko. Siya na lang ang natira kong pamilya, I can't risk it. "I know, Wren. But ayos lang talaga, babalik na lang kayo rito kapag matatagalan ako,"

"Are you sure?"

"Yes." I assured him. Tumango na lamang siya ng sapilitan, kumaway ako kay Rain bago nag pasya na pumasok sa loob ng mansyon ni Skie. Inayos ko ang magulo kong buhok, mas binaba ko pa ang pulang off shoulder kong dress, 'saka taas noong tinungo ang malaking pinto.

Nang makalapit na ako, dahan-dahan ko itong binuksan, bumungad sa akin ang mga kasambahay na naka linya sa harapan, nakatalikod sila sa akin habang nakayuko, mukhang may nagpapaamo sa kanila sa harapan. Baka si Skie na iyon, bossy pa naman ang tanginang gagong iyon. Para saan naman kaya? Anong ginagawa ng mga 'to? Mukhang sobrang seryoso ng kanilang pinag-uusapan.

Hinakbang ko muli ang mga paa, dumaan ako sa kaliwang daan para makita ko kung sino ang nasa harapan.

"Itapon ang dapat na itapon, gusto ko lahat ay bago!" malakas na sigaw ng isang babae dahilan nang pag yuko pa lalo ng mga kasambahay. Kumunot ang noo ko, asawa kaya ni Skie iyon? Bakit parang masama ang ugali? Hindi ko gusto ang pamamaraan niya sa mga katulong. Kahit naman na katulong ang trabaho nila, tao lang naman din sila, kung maka sigaw tong gagang 'to, nako,  pigilan niyo 'ko baka masampal ko iyan nang paulit-ulit.

Kinalma ko ang sarili, napasinghap ako nang makita ko ang babaeng nasa harapan. Siya nga, ang babaeng naghahanap kay Skie, asawa niya pala ang babaeng 'to. Di hamak na mas maganda pa ako dito ah. I'm not comparing myself to her, sadyang mas maganda lang talaga ako.

"Gumalaw na kayo bilis! Ang bagal bagal eh!" iritadong sigaw niya na naman, kaya't wala nang nagawa ang mga kasambahay, sinunod na lamang nila ang asawa ng boss nila. Umirap ako sa hangin, akma ko na sanang ibabaling sa iba ang tingin nang makita ko si Sky na nasa tabi ng asawa ni Skie. Shit my baby!

"At ikaw naman! Ang aga-aga! Ang sama na ng tingin mo sa akin?!Manang-mana ka talaga sa nanay mong gaga 'noh!"

"Don't call my Mom like that! Bawiin mo 'yon!" Galit na tumayo si Sky sa kinauupuan niya, nilapitan niya iyong asawa ni Skie. Shit!

"Gaga naman talaga ang nanay mo! Bakit nga ba iyon nagustuhan ni Skie ah! Hampas lupa lang nama—-" hindi niya natapos ang sasabihin niya nang suntukin siya ni Sky sa mukha. Halos mangisay ito sa galit. Mabilis akong tumakbo papalapit sa anak ko, kita kong akma na sanang sasampalin ng babaeng iyon ang anak ko ng sipain ko ang sikmura niya. Napahiga siya sa sahig habang hawak ang mukha at sikmura.

"Mommy!"

"Banggain mo lang ang iba, 'wag kaming mag-ina, kundi babasagin ko 'yang mukha mong gaga ka!" galit na untas ko sabay kalong kay Sky, hindi ko na siya hinintay na sumagot. Agad akong tumalikod para umalis na kaya lang? Nabangga ang mukha ko sa isang matigas na bagay. Napaatras ako. Tangina naman!

"Skie!"

"Where do you think you're going?" halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang medyo mariing tanong ni Skie. Hindi ko siya tiningnan sa halip ay na kay Sky ngayon ang atensyon ko, ito na naman ang pakiramdam na ayaw kong maramdaman. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko alam kung anong dahilan na naman nito, dahil ba sa takot at kaba or sa ibang bagay?

"Skie! Buti na lang dumating ka na! Sinaktan ako ng babaeng 'yan, Skie, tingnan mo ang mukha ko." Pinakita ng asawa niya ang mukha niyang namumula na dahil sa suntok na natamo niya sa anak ko. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Skie, bagkus ay mabilis niya akong hinigit sa kamay papuntang ikalawang palapag. Hindi ako umangal dahil baka saktan niya kaming dalawa ni Sky, tahimik lamang ako hanggang sa makarating kami sa loob ng kwarto niya.

"Sky, baby, mag-uusap lang kami ng Mommy mo ah?" tanong niya sa anak ko dahilan ng panlalaki ng mata ko, lalo na't nakita ko kung paano tumango si Sky sa kanya. Bumaba si Sky mula sa hawak ko, ngumiti siya sa akin pero hindi man lang ako maka ngiti dahil alam kong pagkatapos nito babalik na naman sa demonyo ang ugali ni Skie.

"Don't hurt my Momma, Daddy." at mas lalo akong nagulat sa tawag niya kay Skie, bakit pa ako magugulat? Matalino si Sky at matalino din si Skie. Pareho sila ng ugali sa isat-isa.

"I will." sagot niya sa anak ko pero kita ko kung paano umigting ang kanyang panga. Gusto kong pigilan ang anak ko na lumabas, ayokong maiwan na kasama ang demonyong Skie na 'to, nandidiri ako sa mukha niya. Pero sa tingin ko kailangan talaga namin mag usap ni Skie, kailangan naming ayusin ang mga bagay na dapat ayusin. Alam kong mahirap, pero kakayanin ko. Aaminin ko na ang lahat sa kanya, bahala na kung anong mangyari pagkatapos, basta aalis ako sa bahay na 'to na kasama ang anak ko.

Hindi ako makakapayag na hindi.

"Yo...You have a beautiful wife." kusang lumabas sa bibig ko sanhi ng pag kunot noo ni Skie. Halos ubusin ko naman ang laway ko sa kakalunok dahil sa salitang binitawan ko. Anong klaseng simula 'yon,  Vena?!

Tangina! Pinagpawisan ang mga kamay ko. "Hayaan mo na kaming lumayo, Skie, may asawa ka na 'diba? Gumawa na lang kayo ng anak, 'wag mo nang dam—-"

"That night...it was you right?"

Napaatras ako "What do you mean?"

"I'm the only man who took your virginity that night, Vena, why you didn't tell me that it was you?!"

"Because I'm scared! Pinatay mo ang naging pamilya ko, Skie! Pinatay mo silang lahat! Ayokong aminin dahil natatakot ako para kay Sky! Ayokong malaman niyang may ma-mamatay tao siyang ama!" galit na sigaw ko kasabay nito ang luhang lumandas galing sa mga mata ko.

That's it, I said it.

"Hinayaan mo ako pagsamantalahan ng mga 'yon, Skie, sinabi ko pa sa'yong buntis ako!"

"Goddamn it, Vena! You didn't tell me na anak ko ang dinadala mo! Wala akong kaalam-alam, Vena! Ang alam ko lang ay anak mo iyon sa ibang lala—" hindi ko siya pinatapos magsalita. Sinampal ko nang napakalakas ang mukha niya.

"Because you're a heartless person, hindi ka man lang nakinig sa sinasabi ko! This world doesn't deserve you." matigas na saad ko at akma na sana siyang tatalikuran ng maramdaman ko ang kamay niyang humawak sa bewang ko at ang pag dampi ng labi niya sa labi ko.

"No one can dictate me who or where would I fit in Vena. Life is so unfair, Vena. Why do we have to live if we die too? This world doesn't deserves us, everything's so unfair."

"And you played fair to me."

Nanginginig ang labi ko sa sakit na naramdaman, umatras ako, mas lalong nawasak ang puso ko ng makita kong lumuha si Skie sa harapan ko. Hindi ako sanay. Mas gusto kong demonyo siya sa paningin ko kesa sa ganito. Ayoko.

"Je veux me venger de toi Vena, mais je ne peux pas! Je t'aime encore beaucoup jusqu'à maintenant! Merde! Qu'est-ce que tu m'as fait?!"

Je suis désolé si je dois vous quitter, Skie.

***

Translation: I want to take revenge on you, Vena, but I can't! I still love you until now! Tangina! What did you do to me?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top