Special Chapter

Almika Sheen Monteverdi

"I'm so happy right now, Almika. Finally ikakasal kana." ngiting bungad sa akin ni Riley. Kasama niya sina Freena at Yeena na nasa likod niya, kapwa silang nakangiti din sa akin. Sobrang gaganda nila ngayon. Nanliit tuloy ako sa sarili. Charot!

Ang totoo palang pangalan ni Freena ay Freena Lohr Santford, siya ang bunsong kapatid nina Skie at Vandeon. Hindi niya inamin sa akin noon na magkapatid sila dahil ayaw niya akong saktan, hindi naman siya kampi sa kuya niya noon, sa katunayan nga daw? Gusto niya ring pigilan ang kapatid sa masamang plano nito. I'm not mad at her. Nagpapasalamat pa nga ako dahil nakilala ko siya.

"You looked gorgeous today!" aliw na sigaw naman ni Penelope mula sa labas. Inismiran ko siya. Ngayon lang ba talaga ako maganda? Pambihira talaga itong si Penelope eh. Kasama naman niya sina Alexandra, Hanna, Carmela at Calli, sabay silang kumaway sa akin kayat kumaway din ako pabalik.

Nga pala nagbati na kaming dalawa ni Penelope. Sinabi niya sa akin ang lahat. Hindi niya naman daw intensyong saktan si Vandeon nu'n, ginawa niya 'yon dahil gusto niyang pigilan si Vandeon sa plano nito. Nag-aalala siya sa amin, humingi din tuloy ako ng tawad.

Kumunot ang noo ko. Pansin kong hindi nila kasama ngayon ang mga asawa at anak nila, bakit kaya?

Ngumiti ako.

Inayos ko ang anggulo ko. Hinarap ko silang lahat. "Thank you guys! Kung hindi dahil sa mga tulong niyo wala ako ngayon dito." sincere kong sabi at mukhang tutulo pa yata ang luha ko. Mukhang maiiyak na naman ako. Walang hiya. Ang oa ko naman ngayon.

"Na-touch ako! Pero hep! Huwag kang umiyak! Papangit ka na naman sa paningin ko, Almika. Maawa ka naman sa virgin eyes ko!" angil ni Penelope dahilan nang pag-simangot ko at ang malakas na pagtawa nila. Pambihira talaga 'tong si Penelope eh!

"Loko ka ah!" maktol ko. Binelatan niya naman ako na tila nang-aasar pa. Kabwesit talaga! Saan ba ang asawa nito? Gusto ko na siyang ipakaladkad kay Zain, nakakasira ng araw eh! Pero charot lang!

"Anyways, kanina pa kayo hinahanap ng mga pangit ninyong asawa."

"Bakit, Penelope?" tanong ni Yeena.

"Ang kulit kulit naman kasi ng mga anak ninyo, lalo na 'yung kambal mo, Yeena na si Aki? Sinira niya 'yung bulaklak na disenyo sa simbahan. At ikaw naman Freena, ang kukulit din ng triplets mo, nanglilimos sila sa mga bisita. Sina Sander, Seros at Sandra naman, may hawak na laruang crocodile. Pinapagapang nila ito sa sahig kayat halos himatayin na naman ang mga asawa ninyong mga pangit. Si Peyton at Vandish naman, isang dosenang pusa ang pinakawalan sa loob ng simbahan, ang babaho ng mga tae nila! Punyeta talaga!"

"How about your sons?"

"Ang mga anak ko naman, nag hubad sa gitna ng simbahan." huling sabi niya dahilan nang mabilisan naming pag alis.

Tangina!

Tinakbo namin ang distansya ng simbahan. Nyeta na! Ang gulo ng kasal ko.

"Sigurado ka bang ginawa nga 'yon ng mga bata?"

"Mukha ba akong nagloloko, Yeena?"

"Damn! Paano na 'to? Ang mga asawa natin?"

"Apat silang nahimatay sa simbahan," mabilis na sagot ni Penelope. Agad namang kumunot ang noo ko, nahimatay? Bakit naman?

Kumunot din ang noo ni Alex habang ang iba naman ay seryosong pumapasok sa simbahan. Wengya! Naka-gown pa ako ngayon, ang hirap hirap tumakbo

"Andu'n ba si Chloe?" tanong ni Alex.

"What do you think, Alex? Tanungin mo ang mga anak mo!"

"Punyeta na! Nakatakas si Chloe!"

Hindi na kami nag-aksiya ng oras. Padarang naming binuksan ang pintuan ng simbahan at sabay-sabay kaming napasapo sa noo nang wala namang kakaibang nangyari. Lahat ng tao ngayon ay napatingin sa gawi namin na tila nawe-werduhan. Ang mga asawa naman nila ay kapwa naka kunot noo. Paano ba naman kasi pawis na pawis kami sa kakatakbo, at humihingal pa, sobrang tahimik pa ng simbahan. Hininga lang namin ang umeeco sa loob. Wengya!

Maayos naman ang mga bata. Hawak sila ng mga daddy nila. Si Vandish ay kausap si Peyton. Wala namang gulo!

"PENELOPE!" malakas na sigaw ko. Tumawa siya ng napakalakas.

"CONGRATULATIONS! ALMIKA!" ngising sigaw niya sabay takbo sa loob ng simbahan.

"Baliw na nga talaga 'yang kaibigan natin, Almika. By the way, congrats." Tinapik ni Riley ang balikat ko.

Ngumiti siya bago pumasok sa loob ng simbahan kasama ang iilan naming kaibigan. Pinikit ko ang mga mata, napansin ko pa ang pagpigil ng ngiti ni Vandeon kanina nang makita kaming naghehestirikal. Nakakainis!

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Taas noo kong inangat ang ulo tsaka nagpasya nang humakbang patungo sa taong mahal ko, sa taong handang magbuhis ng buhay para sa akin, sa taong hindi ako iiwan, at sa taong habang buhay akong mamahalin. Bawat hakbang ko sa sahig, siya namang pag tulo ng mga luha ko, hindi ito luha ng sakit, luha ito ng kasiyahan.

Bumalik sa aking alaala ang nangyari sa aming dalawa nu'ng nag-aaral pa lamang kami. Naalala ko ang huling memorya ko sa kanyang bahay. Sinabi niya na para iyon sa magiging pamilya niya. Ngayon, nasa harapan nila akong dalawa. Hindi ko mapigilan ang saya.

Masayang-masaya ako ngayon dahil sa wakas pakakasalan ko na ang taong mahal ko. Mahal na mahal kita, Vandeon, hindi ako magsasawang sabihin sayo lagi ang katagang nagpapalakas sa loob ko.

Mahal na mahal kita.

Marami tayong pinagdaanan, umabot pa sa punto na halos magpatayan tayo. Tinago ko mula sayo ang anak mo kasi akala ko iyon ang tamang gawin. I thought that was the best choice, but I was wrong. I'm really sorry. Puno lang talaga ng galit ang puso ko nu'n, hindi ko matangagp ang lahat.

I can't live without you anymore. You are my light in the darkness, you are the man in my future and you are my life, my armor. Ikaw lang ang mamahalin ko kahit sa kabilang buhay.

Vandeon Brix Santford. My silver eyes can now tell you a secret. There was a princess trapped in a dark room, she thought she could never get out again, but a man helped her out.

And it was you my prince. You saved me from the darkness world. And I owe you a lot. I love you, Vandeon.

When I look at you? I see my future in you. You aren't just my life, you were my future too, baby. And this is the last secret that I want to tell you. No one can break us, if they dared? They'll gonna face death first. Please stay with me, forever.

"You're just like a sea, I can't take my eyes of you."

"You are like a waves that always pushes me back to you."

"Anche tu sei come la casa che porto sempre a casa."

Inangat ko ang tingin para mag pantay ang mga mata namin ni Vandeon. Hinawakan niya ang makabila kong pisnge. Hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil ang luha ko, mahal na mahal ko talaga si Vandeon. Hindi ko na yata kayang mabuhay na wala siya.

"Nessuno può separarci. Chiunque ci stia bloccando, non esiterò, uccidi quella persona Almika, posso davvero uccidere."

"Ti amo così tanto, non lasciarmi Almika perché non posso essere solo."

Hinaplos ko ang kanyang pisnge. Nakita ko na naman ang gwapo niyang mukha na umiyak. "Ti amo, Vandeon."

"Ti amo anch'io, Almika."

"And now I pro..."

"ALEX! CHLOE IS HERE!"

"DAMN IT!"

"ANG BIBIG N'YO AH NASA SIMBAHAN TAYO!"

Sabay kaming napalingon ni Vandeon sa mga kaibigan naming nagkagulo na. Ang tatlong anak ni Alex ay tuwang-tuwa nang makita ang gumagapang papasok sa simbahan. Wait?!

"KASAMA NI CHLOE SI KELTON! OH M G! PERFECT COUPLE!" malakas na sigaw ni Penelope.

FVCK SHIT! DALAWANG BUWAYA!

"ALEX! ILABAS MO 'YANG— OH SHIT! KIRO! SENDRIX! ARKANGHEL!"

"Yeheey Yeheey! Crocodile! Thank you, Tita Alex! Best wedding ever!" tili ng anak ni Yeena. Napasapo ako sa noo ko. Hinarap ko si Vandeon. Ganu'n na lamang ang gulat ko nang namutla ang mukha nito.

"Vandeon?" tawag ko sa kanya.

"SHIT!" malutong na mura niya tsaka ako hinarap. "Papatayin ko ang buwayang 'yan. Kakasabi ko lang kanina kung sino man ang hahadlang sa atin ay papatayin ko." nag tagis ang kanyang mga panga.

Tumawa ako. "Harapin mo muna si Alex." 

"Tangina! Mahal na mahal talaga kita!"

***

"Mahal mo na si Vandeon?!" malakas na sigaw ng aking kaibigan sa akin kayat buong class dinig nila. Lahat sila ay napatingin sa akin, kita ko ang pag-irap ng iilan at ngiti naman ng halos.

Sarap talagang sapakin nitong si Julse. Ang lakas ba naman ng boses niya. Mabuti nalang hindi namin kaklase ngayon si Entice kundi guguluhin ako non hanggang sa labas ng gate.

Mahal ko naman talaga si Vandeon. Matagal ko nang nakompirma iyon. Simula nu'ng pinuntahan namin ang bahay niya. Duon nagsimula ang masaya kong buhay. Lagi niya akong hinahatid at sinusundo, galang boyfriend at girlfriend talaga. Paminsan ay nagseselos ako sa mga kasama niyang babae, sino namang hindi magseselos ron kung ganun? Pero aminado naman akong mas maganda pa ako sa mga iyon.

Sinulit namin ang saya namin. Hanggang sa dumating nga ang kinatatakutan ko. Ang katangahan na kailanman ay hindi na maibabalik sa nakaraan.

Naging dahilan iyon kung bakit gumuho ang buhay ko.

***

Happy Ending!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top