Chapter 39

Almika's POV

"Anong ginagawa mo dito. Bakit ganyan ang mukha mo?"gulat na gulat ako sa kalagayan ni Vandeon ngayon. Kung hindi dahil sa boses niya hindi ko siya makikilala. What is happening to him? Bakit mas lalong dumami ang sugat niya ngayon.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Naalala na naman ang nangyari kani-kanila lang. Mabuti nalang ay kumalma na kaming dalawa. Pero kapag nakikita ko ang mga sugat niya ay tumataas ang kaba ko.

"I c-can't." hirap niyang salita. Umirap naman ako. Hinila ko siya papasok sa loob ng bahay.

Kapag hindi agad maagapan itong sugat niya mauubusan siya ng dugo. Ano ba kasing pumasok sa kokote niya bakit niya hinayaang malagyan ng mga pasa ang mukha at katawan niya? Hindi ba siya lumaban pabalik? Pang ilang beses na itong nangyari sa kanya. Hindi ba siya nagsasawa? Kasi ako sawang-sawa na ako sa pagmumukha niya. Kapag kaharap ko siya may baon talaga siyang sugat sa katawan.

Nanghihina ka na ba talaga ngayon, Vandeon? Argh! Kahit na may malaki kang kasalanan sa akin, hindi ko maiwasang hindi mag-aalala sayo. Punyeta ka talagang hayop ka e noh.

And about sa sinabi niya kanina...
Talagang siguraduhin niya lang talaga. Ayaw kong masaktan ang anak ko.

"Mommy! What happened to daddy!" nag-aalalang singhal ni Vandish. Kasama niyang lumabas ang katulong namin.

"Ako na ang bahala sa daddy mo, Vandish. Pumasok ka muna sa kwarto mo."

"But, mommy! I want to talk with daddy!"

"This is not the right time, Vandish. Bukas na kayo mag-usap okay? Sleep well, baby." Hinalikan ko siya sa noo tsaka ako umakyat ng hagdanan. Dinala ko siya sa loob ng kwarto ko. Hiniga ko siya sa kama at unti-unti ko ring hinubad ang sapatos niya.

"You looked messed tonight, Vandeon. What did you do again this time. Baliw ka na? Gusto mo na bang magpakamatay? Tangina mo." bulong ko.

Humakbang ako patungo sa kabinet ko. Nilabas ko ang medicine kit. Nag lagay na rin ako ng tubig sa timba. Ngayong gabi ko lamang gagawin 'to sayo, Vandeon.

Baka kasi kapag magtagal ka rito, bigla ka na na namang mawawala nang walang pasabi. Kaya bukas na bukas ay pwede ka nang umalis sa pamamahay ko, bumalik kana sa asawa mong si Yeena. Ituloy mo ang sinimulan mo. Ayusin mo muna ang sarili mo tsaka kita tanggapin.

Titiisin ko na lamang muna ang sakit, lalaban ako para sa anak natin. Sana naman ay simula bukas ay may magbabago. Mahal kita pero hindi kita agad agad tatanggapin.

Binasa ko ang towel. Dahan-dahan akong tumayo para hubarin ang damit niya. Puno pa ito ng dugo. Sobrang saklap naman ng lagay niya ngayon. Sino ba kasi ang may gawa nito sa kanya? Hindi na ba siya marunong lumaban?

"Demonyo ka, Vandeon. Bakit mo sila hinayaan na sugatan ka nang ganito," gusto kong umirap sa inis at galit. Ang lakas ng loob niyang kalabanin si Penelope tapos ngayon hinahayaan niya lang ang mga kalaban niya na saktan siya ng ganito.

Fvck them.

Mamatay na kayo.

Hinawakan ko ang damit niya. Akma ko na sanang itong huhubarin nang bigla niya na lamang akong hinila. Tangina.

Napasubsob tuloy ang mukha ko sa katawan niyang may bahid ng dugo.

"Vandeon! You shit!" iritado kong sigaw. Pero imbis na bitawan niya ako, tumawa lamang siya ng mahina, sinabayan pa ito ng ubo.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako, gagamutin ko pa ang sugat mo."

"Please stay like this, I miss you, baby."

Bumalik na naman ang sakit. Ramdam ko ang kirot sa dibdib ko, nahihirapan na naman akong huminga. Bakit, Vandeon? Anong ginawa mo sa akin bakit ako ganito pag dating sayo...

"I killed your parents because they both killed mine. Hindi ko intensyong saktan ka noon...bago namatay ang magulang ko? Narinig ko silang nag-uusap tungkol sa ama mo. Pinatay ng tauhan ninyo ang mga tauhan namin. Gusto rin ng daddy mo na pabagsakin ang kompanya namin. I was so mad that time, Almika. Lalo na't napabagsak nga ng ama mo ang kompanya namin. Ayos lang sa akin na bumagsak ang negosyo namin, pero nasaksihan ko kung paano barilin ng ama mo ang magulang ko. Pinatay ng ama mo ang mama at papa ko, Almika..."

Tila gumuho ang mundo ko sa narinig. Napahinto ako, tila ngayon lang nag sink in sa utak ko ang tungkol sa pagitan naming dalawa ni Vandeon. Ang rason bakit namin hate na hate ang isa't isa.

Naramdaman kong...

Kusang lamang tumulo ang mga luha ko.

"Nasaktan ako, Almika. Kung hindi mo matanggap ang nangyari sa magulang mo? Mas lalo naman ako. Hindi ko inaasahan na ang ama mo ang papatay sa magulang ko. Kaya ginawa ko din ang ginawa ng ama mo sa pamilya ko, pinatay ko din sila mismo sa harapan mo. Alam kong masamang mag-higanti. Pero masisisi mo ba ako? Mahal ko sa buhay ang nawala, Almika
Labis din akong nasaktan..." mahina niyang sabi.

Naramdaman ko ang panginginig ng aking katawan. Hindi ko...alam ang buong storya... Ang akala ko, ang alam ko ay kasalanan ni Vandeon ang lahat. You can't blame me, I saw him killed my parents in front of my eyes. His eyes were burning that time. Me? I ran, away from him. I was scared.

"Masakit, Almika. I've been enduring this pain for almost every year. You weren't there when I was looking for you..."

I cried. "What did my parents do to your family, Almika? Napakabait nila sa magulang mo, they treated your family well, but in exchange? They took my family's life. How unfair isn't? I was hurt and feel betrayed that time, all I want was justice, I need justice for my parents death. I can't just sit and wait, watch my parents. Nasaktan ako, anong sa tingin mong gagawin ko? Kaming tatlo na lamang ang natira, Almika, If you leave? I don't know what to do anymore..."

Pinunasan ko ang luha ko. Napakabigat ng dibdib ko ngayon.

"Pinatay ko din si Manang at ang kaibigan mong si Katia."

Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Gusto kong hindi makinig, gusto kong takpan ang mga tainga ko. Ang sakit. Ang sakit sakit! Wala na bang ikasasakit 'to? Para akong pinapatay nang hindi ko namamalayan.

"Nalaman kong spy si Katia at si Manang, gusto ka nilang patayin, baby. Pero hindi ko sila hinayaan." Tumingin siya sa akin.

"Bago ka pa nila patayin? Inunahan ko na sila." seryosong saad niya. Dahan-dahan siyang bumangon. hinawakan niya ang pisnge ko habang ang kanyang panga ay umiigting. I can't stop my tears now, hindi ako makapaniwala sa lahat.

"Shh, I'm really sorry. Sorry for everything that I've done. Sorry, Almika. I don't want to hurt you, please forgive me, forgive me, baby."

Hindi ako umimik. Tuluyan na nga akong humagolgol dahil sa sakit na umuusbong sa buong katawan ko. Ayoko na, ayoko na.

"Almika, mi dispiace davvero."

May malaking kasalanan ang magulang ko sa kanila kaya naghihiganti si Vandeon. Mas naunang nawala ang magulang niya kaysa sa akin. Paano kung hindi pinatay ni daddy ang magulang niya? Mangyayari kaya ang lahat ng 'to ngayon? Anong rason nila bakit nila ito ginawa sa amin?

Lagi niya ngang sinasabi sa akin na gusto niya si Vandeon para sa akin. Na magiging maganda ang buhay ko sa kanya, but what is this? Bakit nila ginawa iyon?

Gusto kong ibalik na lang ang lahat sa nakaraan. Gusto kong malaman ang lahat. Sobrang sakit na.

"Shhh... stop crying, baby, nasasaktan ako."

I'm sorry Vandeon. I'm really really sorry too. You have been suffering a lot, pino-protektahan mo pala ako noon. Pero ang tangi ko lang ginawa ay tumakbo palayo sayo, ilayo sayo ang anak mo. Sorry, Vandeon, takot na takot ako sayo noon. Wala rin akong alam sa kasalanan ng magulang ko. Minahal kita noon, mahal na mahal kita. Kahit na ngayon. I'm just afraid of what might happen.

Hindi ko na alam ang gagawin.

"Ti amo così tanto, Almika, non lasciarmi piccola. Per favore. "

Nagtagpo ang aming mga mata.

Mahal din kita, Vandeon.

Niyakap niya ako kasabay naman nito ang malakas na hagolgol ko. Finally, I'm home, sorry, Vandeon. Hindi kita iiwan, sorry sa mga nagawa ko sayo. Sorry.

"I can do anything just for you, baby. Gagawin ko ang lahat para manatili ka sa tabi ko, wala akong sinasanto, Almika, pag dating sayo. Kung sino man ang hahadlang sa landas ko? Papatayin ko. So please, I'm begging, don't leave me behind again, Almika, sapat na ang isa ayoko na. Pagod na pagod na akong lumaban." this time nasaksihan ko na naman ang gwapong mukha ni Vandeon na lumuluha. Nasasaktan akong nakikita siyang nahihirapan.

"Tatapusin ko itong labang sinimulan ko, Almika. Ikaw lang ang babaeng gusto kong dalhin sa altar. Wala ng iba."

Umiling ako. Inangat ko ang dalawang kamay ko at hinawakan ang kanyang mukha. Pinunasan ko ang kanyang gwapong mukha. Hindi alintana ang kanyang mga sugat na natamo. I'm sorry.

"Kung laban mo 'to, Vandeon, laban ko din 'to." Hinaplos ko ang pisnge niya, pinunasan ko muli ang panibagong luha niya. "I love you."

Then our lips met.

***

Kinaumagahan nagising akong walang katabi. Saan si Vandeon? Panaginip lang ba 'yung nangyari kagabi? Shit. 

Dali-dali akong bumaba ng kama. Hindi ko na inayos ang mukha ko dahil gusto kong makita ngayon si Vandeon. Hindi ko pa nagamot ang sugat niya, saan na naman kaya 'yon?

"Almika! Almika!" Sumalubong sa akin sina Penelope at Riley, kapwa hinihingal at kapwa namumutla. Gusto kong umirap kay Penelope dahil hanggang ngayon ay galit parin ako sa kanya pero base sa mukha niya ngayon ay hindi siya mapakali at mukhang hindi ito ang tamang oras para sumbatan si Penelope.

"What happened?" kunot noong tanong ko.

"May kumuha kay Vandish!" malakas na sambit ni Riley dahilan nang panlalaki ng mata ko at pagbugso ng aking damdamin. 

"Damn it! Not again!" Mabilis akong bumaba ng hagdanan. Ramdam ko namang sinundan nila ako. Not again please...please.

"Kakaalis lang din ni Vandeon. Nang nalaman niyang nawawala si Vandish hindi ka na niya ginising dahil ayaw niyang mag-alala ka, Almika. Kasama niya sina Kiefer ngayon but, nag-aalala ako sa kalagayan ni Vandeon, He hasn't yet heal."

Iritado kong sinuntok ang manibela. "Almika, manatili ka muna sa bahay. Sina Vandeon na ang bahala du--"

Masama ko siyang tiningnan. "Are you crazy? That's my son!"

"Where are they?!"

Damn it. Not again, fvck.

"About what happ---"

"Penelope, I don't have much time to talk with you. I know you have reasons why'd you do that but if you do that again? I will not hesitate of making your life miserable again."

"Ako na ang magmamaneho." suhesyon ni Riley. Tumango ako at mabilis na lumipat ng upuan. Hindi na ako mapakali ngayon.

Hindi pa magaling ang mga sugat ni Vandeon. How can he fight back? I don't want to lose him! Huwag naman sana ngayon. Kakabati lang namin. Tangina talaga!

"Paano nila nakuha ang anak ko, Riley!"

"Hindi rin namin alam, Almika. Nalaman ko lang kay Kiefer na nawawala si Vandish. Tiningnan din namin ang cctv cameras ninyo at nagulat kami na walang record duon,"

"Paano nakapasok ang taong iyon?"

"Iyan din ang tanong ko."

Fvck it. Hindi ako mananahimik hanggat hindi ko nakikita ang anak ko. Nag-iisa lamang siya, ayaw kong mawala si Vandish!

"Si Vandeon naman..."

"Hindi pa magaling ang mga sugat niya. Nakita kong dumudugo iyon kanina habang nagmamadaling umalis kasama sina Kiefer."

Pumikit ako ng mariin. Pilit pinapakalma ang sarili. Nag-iisip papaano ko tatahakin ang mundong puno ng talim, ang buhay na walang kasaganahan.

Kailan kaya ito matatapos? Lagi na lang ba hamon ng buhay ang tatahakin ko? I want to spend more time with my family. Mahirap ba ibigay iyon sa akin?

Pinunasan ko kaagad ang pisnge ko nang maramdaman ang init non. Binaling ko na lamang ang tingin sa bintana upang maiwasan ang sakit at pait sa aking dibdib.

"Magiging okay din ang lahat, Almika. Hamon lamang ito ng buhay. Huwag kang magpadala sa kalungkutan. Isipin mong maganda ang buhay, bawat hamon na ito ay may kapalit na kasaganahan."

"Calm down. Mahahanap din natin si Vandish. Tutulungan ka namin."

Tumango ako sa kanila at medyo gumaan ang aking pakiramdam.

Baby, don't leave your mommy. Mahal na mahal kita.

****
Don't forget to vote, babies! Happy reading! Hope you enjoy. Kung may mga katanungan man huwag mahiyang mag send ng dm sa akin. I will read your concerns. Thank you!

Spend your time with your family.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top