Chapter 38
Almika's POV
Nakatulala ako ngayon sa kawalan. Hindi alintana ang ulan na tumatama sa mukha ko ganun din ang tahimik na kapaligiran. Mag-isa lamang ako ngayon, wala ng mga tao. Tanginang Vandeon 'yon. Pagkatapos ko siyang alagaan, pinakain iniwan kaagad ako. Tapos nabalitaan ko na lang na ikakasal na pala siya. Ano ba kasi talaga ang gusto niyang mangyari, bakit niya kami dinadamay sa kahibangan niya.
Tangina talaga.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Hanggang ngayon ay masakit parin, hindi ko akalaing mai-in love din pala ako kay Vandeon. Sa taong manloloko pa. Bakit ang unfair? 'Yung feeling na kapag 'yung taong gusto mo ay may ginawang mali tsaka naman lalabas ang totoong nararamdaman mo. Gaya na lamang sa balitang narinig ko mula kina Riley, kung hindi nila sinabi 'yon, masasaktan kaya ako ngayon? Malalaman ko ba ngayon ang totoong nararamdaman ko? Bakit...
"Its late, but you are still here, what's wrong?" malamig na tanong ng isang lalaki. Mapakla akong ngumiti, tumingala muli ako sa kalangitan. Mas lalong lumalakas ang ulan.
"Almika, what's wrong with you? Get up! Ihahatid na kita, kanina ka pa hinahanap ng anak mo," matigas na saad muli ni Skie. Sana nga Skie ikaw na lang ang ama ni Vandish, sana ikaw na lang 'yung nakilala ko noon.
"I'm tired. I don't want to fight anymore." Hinarap ko siya. Isang butil ng luha ang tumulo galing sa mga mata ko. Walang emosyon ang kanyang mukha, naka kunot pa ang noo niya.
"Hindi ka pa nga lumalaban, pagod kana agad? Get up, Almika! If you're tired, then, let me fight for you! Don't feel so down okay? Everything's gonna be okay."
"No. Never." Dahan-dahan akong tumayo. Kahit kailan hindi magiging okay ang lahat.
"I know you're strong enough to fight in this battle, Almika. Huwag mong isipin ang mga taong sakit lang ang dulot sa'yo. I can be your shield, I can be your man, your hero just don't give up. I'm just here, I won't leave you without winning this game."
"What if I lose? Mananatili ka parin ba?" lakas loob kong tanong. He sighed, then come closer to me, hinawakan niya ang pisnge ko. Hinaplos niya rin ang buhok ko. Hindi ko mapigilang hindi humikbi, bawat kilos niya ay nararamdaman ko si Vandeon, sobrang sakit.
"If you let me stay by your side, I will and never leave you." Tumingala ako sa kanya. Sobrang seryoso ng mukha niya, walang halong biro ang mga mata niya. Sana nga mananatili ka sa tabi ko lagi, Skie, dahil pagod na pagod na ako.
"I'm not afraid of him, kung gusto kitang kunin mula sa kanya, gagawin ko."
Tumawa ako ng mahina. Alam kong hindi siya nagbibiro, sobrang seryoso ng mukha niya pero ayaw kong tanggapin. May anak na ako at kadug9 niya si Vandeon. Marami pa siyang makikilala na mga babae diyan na karapat-dapat sa kanya, huwag ako.
"Dala mo ba ang sasakyan mo?" Inayos ko ang aking sarili. Tumayo at pinunasan ang mukha.
"Yes. Lets go?"
Tumango ako at sumakay na sa kanyang sasakyan. Pagod na pagod ako ngayon, gusto ko munang magpahinga kahit saglit lang. Hindi muna ako dadalaw kina Riley dahil masama ang pakiramdam ko.
Sa huli ay iba parin pala ang pipiliin niya. I understand that, wala naman akong karapatan dahil hindi naman siya akin. Fvck it! Saktan mo pa ang sarili mo, Almika.
***
Kiefer's POV
"Will you please calm down, Vandeon! Pag-uusapan natin ang tungkol diyan sa mga pasa mo!" galit na untag ni Kace kay Vandeon na ngayong basag na ang mukha. I pity my friend, nakakaawa ang mukha niya ngayon, puro sugat ang mukha at katawan niya. Punit-punit din ang damit niya. Tss, what a mess. Kakagaling niya pa nga lang mula sa bugbog ni Penelope may sumunod na naman. 'ngina, ang tigas ng bungo ng lalaking 'to ah. Parang hindi man lang tinablan ng sakit. Buhay na buhay parin at gusto pang maghanap ng gulo.
Kakagaling din naman namin mula sa laban. Mabuti na lang natalo namin ang mga walang hiyang 'yon, akala ko matino. Mga wala rin naman palang kwenta. Satsat lang ang alam, mga ugok.
Umiling-iling ako. Sa aming lahat, si Vandeon talaga 'yung may malaking problema. Kahit bugbog sarado na ang buong katawan hindi parin umaatras.
"I'll kill him! Papatayin ko ang kapatid ko, Kace! Bitawan mo 'ko!"
May problema rin siya sa kapatid niyang si Skie. Seloso ang gago. Nakita niya kasi ito kanina kausap si Almika. Kahit na umuulan ay naaninagan niya parin. We didn't stopped. Halata namang may alitan silang dalawa ni Almika, ayaw muna naming manggulo kay Almika dahil siya ang naiipit dito. Ang bobo naman kasi ng desisyon ng gagong ito. Kaya niya namang patumbahin ang matandang iyon bakit hindi niya ginawa?
Pumiglas parin siya. Tumayo ako at nilapitan siya.
"Gago ka! Kumalma ka! Kapatid mo 'yon, hayop!" kahit ako ay nagtitimpi na. I want to punch him, para man lang kumalma, but fvck!
"Wala akong kapatid na taksil, Kace. Papatayin ko ang sino mangbabangga sa pagmamay-ari ko!"
Hindi ko alam kung anong pinakain ni Almika sa gagong 'to bakit baliw na baliw ito sa kanya. Walang pinagbago, lunod na lunod parin kay Almika. Noon pa man 'yan, hindi pa nga niya girlfriend noon si Almika, nagseselos na. Halos patayin pa ang mga taong dumidikit man lang kay Almika. He's not a human anymore, he's a demon. Gusto ko siyang pakalmahin din, but I refused. Baka masuntok ko lang ang gagong 'yan.
Baliw na baliw din naman ako sa asawa ko noon pero hindi sa ganitong paraan. Baliw na baliw na talaga ang kaibigan ko. Hulog na hulog na ang gago.
Magkaaway pa sila ni Ark ngayon, mga putangina!
"Huminahon ka, tangina naman, Vandeon! Babalikan ka naman ni Almika. Hindi 'yun tatakas." seryosong angil ni Sendrix. Tumulong na din siya sa kabigan naming baliw na. Bumuntong hininga ako, prente lamang akong nakaupo ngayon sa harapan nila, hindi ko ugaling mangialam but I care for my friend. Mapabaliw man 'yan or ano.
Binalingan ko ng tingin ang kamay kong may bahid ng dugo. Suminghap ako at dahan-dahang pinunasan gamit ang damit ko. Damn, hindi ko napansin 'to. Mukhang lumaki yata ang hiwa.
"No! She won't leave me right? You all knew that I loved her from the very start. I cannot just sit and wait for her to come over, idiots. I can't wait any longer..."
Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko. Sinamaan ko ng tingin ang gago pero inirapan niya lang ako, parang tigre na mangangalapa na.
"She won't leave you, kikidnapin namin siya para sa iyong gago ka." mariin na sabi ko. Hinila ko ang kwelyo niya, nilapit ko ang mukha ko sa tainga niya. Minsan lang ako mabait, Vandeon, kayat sulit-sulitin muna ngayon habang gusto ko pa.
"Calm down. Fix your marriage, I'll do the rest."
"FVCK! I DONT WANT TO MARRY HER!"
"You choose man! Papakasalan mo si Yeena or ako na mismo ang papatay sa buhay ni Almika. Pumili ka, tangina!"
"Subukan mo lang Montefalco, hindi ako magdadalawang isip na ilagay sa hukay ang anak at ang asawa mo."
Ngumisi ako ng palihim. Lumalabas na ang mga ugat niya sa leeg at braso, pilit rin siyang kumawala sa hawak nina Kace at Evadne. He's mad, really really mad. The only person that can calm and tame him, is Almika. Kahit naman kakausapin ko si Almika ngayon, she'll never listen to me, nasasaktan din naman ang mga babae. Wala lang talaga sa tamang tiyempo ang plano ni Vandeon. Stupid talaga.
"I'll talk to Arkanghel, call him," seryoso kong utos kay Evadne pero imbis na sundin ako ay umiwas ito.
"Fvck you." He raised his middle finger. Tangina. Napakagago talaga.
"Don't leave me, Almika, please."
Tss, pagibig nga naman.
"Ikaw na muna bahala sa gagong 'yan. May aasikasuhin pa ako sa labas," sabi ko kina Kace. Kaya naman nila 'yan, huwag lang nilang galitin masyado. Wala 'yang sinasanto. Kahit kaibigan pinapatumba niya.
Naalala ko tuloy 'yung ginawa niya noon sa ibang kaibigan namin. He almost killed Kace. Mabuti nalang ay natauhan, hilig talaga maghabol 'tong isang 'to. Baliw na baliw.
"Anong plano mo kay Alcazar?"
"Alam mong hindi dapat ako mangialam sa gulong ito, Sendrix. May sarili rin akong pamilya at alam nating lahat na kasama ng matandang iyon si Amber Kelton."
Malakas ang kapit niya sa babaeng iyon.
"He needs help. We can give him that, pero hindi ko maipapangako na hanggang dulo ako tutulong." sabi ko at tuluyan nang lumisan sa lugar na iyon.
***
Almika's POV
"Thank you for everything, Skie, I owe you a lot." malamya akong ngumiti sa kanya. Siguro kung hindi ko siya nakilala noon saan kaya ako sasandal ngayon? Ayoko rin naman sumandal sa mga kaibigan ko dahil sa kanila ko narinig ang balita. Sobrang sakit. Pwede niya namang sabihin ang lahat sa akin, pero hindi niya ginawa. Nagmumukha tuloy akong tanga.
"Anything for you, Almika. Good night!
Take care of yourself always."
"Thank you! Take care too!"
"I will, sweetheart."
Mahina akong tumawa. Kumaway ako sa kanya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Nagpakawala ako ng malalim na hininga, tumingala muli ako sa langit. Sana bukas ay ayos na, sana ay mawawala na itong sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Are you done flirting with my brother?"
Mabilis na umikot ang mata ko.
"W-What the hell?!"
Napatalon ako sa gulat at halos hindi makahinga nang malamang si Vandeon ang nasa harapan ko ngayon. Basag na naman ang mukha.
"What are you doing here, Vandeon." matigas na angil ko. Umatras ako, papalayo sa kanya.
Nakita ko ang pait nun sa mga mata niya. Hindi siya gumalaw, nanatili parin siyang nakatayo sa aking harapan.
"Almika, I'm sorry..."
"Umalis ka, Vandeon. Tapos na ako sa'yo hindi ba? You made your choice. Pakasalan mo na si Yeena, build a family with her..."
Ito na naman ang sakit ng dibdib ko. Ito na naman ang luha kong walang tigil. Nakakainis naman! Bakit ganito?!
"I don't want her! I want you, Almika!"
Nanlaki ang mata ko. Hindi agad nakapag-react sa sinabi niya at sa boses nitong namamaos na.
"You can't have me while you had her, Vandeon. Umalis kana kung wala kang matinong sasabihin. I won't change anymore, marry her, live with her and don't come he--"
Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang maramdaman ko ang mainit, malambot na labi niyang dumapo sa aking labi.
Isang luha na naman ang tumulo sa aking mga mata. He moved his lips habang ako naman ay nanatili nakatayo, hindi gumagalaw. Dinadama ko lamang ang kanyang mainit na halik na humahaplos sa aking labi.
Walang halong pwersahan iyon. Dahan-dahan at may pag-iingat. Pinikit ko ang mga mata, tutugon na sana ako sa kanyang mga halik nang tumigil ito.
"Hindi ko siya pakakasalan, baby. Hindi siya ang gusto ko..." hinaplos niya ang buhok ko.
"Ikaw parin hanggang ngayon, Almika. Baliw na baliw parin ako sa'yo, hindi ko kayang mawala ka sa akin. Aayusin ko ang lahat, huwag mo lang akong iwan, please? Nagmamakaawa ako, Almika. Don't leave me again..."
Napasinghap ako nang makitang nagsiunahan ang kanyang mga luha. Dumaan ito sa mga sugat niya. Kitang-kita ko ang pagod at sakit sa kanyang mga mata. Umiwas ako. Hindi ko kayang makita siyang ganito.
"Marami akong nagawang kasalanan sa'yo at handa akong itama iyon lahat, Almika. Gagawin ko ang lahat h-huwag mo lang akong iwan, please..."
"V- oh my gosh!"
"Vandeon!" Dinaluhan ko siya at pilit pinapatayo. Nakaluhod kasi siya sa harapan ko ngayon habang bumubuhos ang mga luha. Hindi ko na kaya.
"Vandeon, stand up!"
"Don't leave me..."
"Tumayo ka, Vandeon!"
"No, un--"
Sa sobrang inis ko ay napaluhod na rin ako. Hinawakan ko ang kanyang mukha sabay punas sa kanyang luha.
"Hindi ko alam kung anong mahika ang ginamit mo sa akin pero ito lang ang masasabi ko, Vandeon. Hindi ito maganda sa akin, I don't want this."
"I love you, Almika..."
Napatigil ako.
"Non lascerò che ti porti via da me Almika. Una volta eri mia, fino al mio ultimo respiro. Ascoltami piccola, tu sei mia."
***
Translation: I won't let him take you away from me, Almika. You were once mine, until my last breath. Listen to me baby, you are mine.
Ang landi-landi talaga ni Vandeon. Matigas din ang kanyang bungo, hindi namamatay-matay eh. ^^ Enjoy reading!
Don't forget to vote and leave a comment! Thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top