Chapter 31

Almika's POV

"Nakita ko nu'ng isang araw si kuya na pumunta dito. Anong kailangan niya?" kunot noong tanong ni Skie. Andito na naman siya sa bahay ko. Mukhang wala na naman siyang trabaho. Napasinghap ako sa tanong niya. Naalala ko parin 'yung letseng halik na 'yon, I can't believe him! How dare him. Ang kapal ng mukha niyang halikan ako sa labi.

Pero... Kita ko ang pagod sa mukha ni Vandeon nu'n. Halatang walang tulog at may mga pasa pa sa mukha, ano kaya ang ginawa nu'n? Pinahirapan kaya sila ni Kiefer? Kamusta kaya ang pag-atake nila sa NightOut bar? Sheesh! Bakit ko ba iniisip ang demonyong 'yon, wala akong pakialam sa kanya.

"You're blushing. I think there's so---"

"Shut up! Walang nangyari at higit sa lahat hindi ako namumula!"

"Haha ang defensive mo, Almika. Tinanong ko lang naman,"

"Tch! Ano na naman ang ginagawa mo dito? Mambwe-bwesit ka na naman ano?" Taas kilay na tanong ko sa kanya. Napakamot naman siya sa ulo niya, may pa ngisi-ngisi pang nakakaloko. See? May gagawin na naman itong kagaguhan.

"Huwag mo 'kong inaano, Skie, kundi putok 'yang labi mo sa akin," irap na sambit ko. Tumawa naman siya ng malakas.

"Wala naman akong gagawing kalokohan, Almika. Ang seryoso mo kasi. Pakiramdam ko tuloy naka-score si kuya."

"Putangina ka! Lumayas ka nga rito sa pamamahay ko! Bwesit ka!"

"Haha! I'm just kidding!" agap niya pa.

"Kung wala kang sasabihing matino, lumayas ka na lang..." gigil na sabi ko at inirapan siya.

May trabaho pa akong aasikasuhin mamaya kasama si Penelope. Nakalimutan kong may usapan pala kami noon. Naging busy rin naman siya these days, I think sa business nila or sa clan. Ayoko rin namang istorbohin si Penelope baka masapak ako nu'n nang wala sa oras. Tsaka naging busy din naman ako minsan. At laging nambwe-bwesit sa akin si Skie.

"Actually, nagpunta ako rito dahil may ibibigay sana akong invitation sa'yo, may gaganapin kasing party mamaya sa mansyon ng mga Vela Rosa and I'm invited. Kung willing kang sumama don't hesitate to come," inabot niya sa akin ang gold and black na invitation.

"Baka gusto mo lang naman. Mamayang gabi pa 'yan magsisimula. Pupunta rin pala sina Riley at Alexandra. Aasahan ko ring pupunta ka, Almika."

"Ayaw kong iwan ang anak ko rito, Skie. Kayo na lang muna, ibigay mo na lang rin 'tong invitation card sa iba. I don't think na makakapunta ako, marami kasi akong gagawin ngayon. Wala akong oras mag-party." sabi ko.

"I understand. But if you change your mind? You can go anytime you want. Take that card, it's yours."

"Talaga ah? Walang samaan ng loob?"

"Oo naman! Kaya nga ako pumunta hindi ba?"

"Malay ko ba. Baka may nililigawan ka riyan sa kapitbahay ko." asik ko naman.

Tumawa lamang siya. "Baliw ka!"

Ako pa talaga ang baliw? Nakakaloka siya. Pagkatapos niyang ibigay sa akin ang card ay nagpaalam na siya. May pupuntahan pa raw kasi siya. Abay ewan ko kung saan, hindi naman niya ako jowa para need I-update.

***

I sighed while looking at the huge building in front of me. Nasa K.C ako ngayon kasama ko si Vandish. Wala kasi sina Riley sa mansyon. Sa tingin ko'y pinaghandaan na nila 'yung party mamaya. Wala kasi talaga akong balak na pumunta roon, sa tingin ko ay may masamang mangyayari. Ayokong madamay sa labang hindi akin.

Bumuntong hininga muli ako.

"Mommy, what are we doing here?" kunot noong tanong ni Vandish habang nasa harapan ang tingin. I gasped nang makita kong nasa amin na ngayon ang buong atensyon ng mga tao. Ang iba ay gulat ang mukha habang 'yung iba naman ay tila walang pakialam.

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Vandish. 'Yung tipong hindi siya masasaktan. "What's with the reaction, Mommy?" tanong niyang muli.

"Don't mind them." seryoso kong sagot. Humakbang kami papasok habang naka sunod naman sa likuran ang mga gwardiya namin. Wala akong emosyong pinakita ganu'n din si Vandish habang lumalakad kami. Napapansin kong kinukuhanan nila ng litrato si Vandish, ngunit naging alerto naman ang mga gwardiya at kinuha ang mga cellphones nila. Ayokong kumalat ang mukha ni Vandish, baka gagamitin nilang pa-in ang anak ko mula sa akin or kay Vandeon.

"Which floor po, Ma'am?"

"Penelope's floor, please." sagot ko.

Wala akong ideya kung anong pag-uusapan namin ni Penelope ngayon. Medyo kinakabahan din ako, baka may nakuha na siyang balita tungkol sa laban nina Vandeon. Kahit na walang kwenta ang demonyong 'yon, kailangan ko paring alamin itong labang pinasok ko. I don't want to die yet, maiiwan ang anak ko. Habang buhay pa ako at may sariling kakayahan, I will fight without hesitation.

"Andito na po tayo, Ma'am." Tumango ako sa babaeng hindi ko matukoy kung anong trabaho niya. Nakapam-bahay kasi siya, pwede kaya 'yon sa kompanya ni Penelope?

"Look after him. May kakausapin lang ako." utos ko sa tatlong bodyguards.

"Yes po, Ma'am!"

Lumingon ako kay Vandish. Hanggang ngayon ay wala paring emosyon ang mukha niya, hindi ko tuloy maiwasang hindi mailang sa kanya. Kamukhang-kamukha niya kasi talaga si Vandeon kahit saang anggulo. But demonyo 'yon.

"Stay here, Vandish. May kakausapin lang si Mommy sa loob okay?" Hinaplos ko ang buhok niya tsaka siya hinalikan sa pisnge.

"I'll come with you, Mommy. Ayokong maiwan dito,"

"Vandish. Usapang pang-matanda kasi 'to, mabilis lang ako sa loob. Okay?" Nilingon ko ang mga bodyguards namin. "Kapag hindi niyo nagawa ng maayos ang trabaho ninyo, ako mismo ang tatapos sa buhay ninyo." mariin kong banta sa kanila. Mabilis naman silang yumuko.

"Kapag trinaydor niyo ako. I will haunt your families and kill them."

"Hindi po namin 'yan gagawin, Ma'am! Tapat po kami sainyo!"

"Glad to hear that."

Binalingan ko ng tingin si Vandish. "And you, baby? Stay here with them. Kapag may napapansin kang hindi maganda? Call me immediately, okay?"

He signed. "I will, Mommy. Take care po,"

"You too, Vandish. I love you so much."

"I love you too, Mommy!"

Tumango muli ako sa mga bodyguards. Kinuyom ko nang mariin ang kamao ko tsaka nagpasya nang pumasok sa loob ng opisina ni Penelope, ngunit akmang hahakbang na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at may taong tumilapon papalapit sa akin. Fvck!

"Mommy!"

Mabilis akong napaatras papalayo roon habang hawak ang sariling dibdib. Nagulat ako, tangina!

"Fvck you, Santford! Kung wala kang sasabihing matino lumayas ka sa kompanya ko!" galit na sigaw ni Penelope sa lalaking nakahandusay ngayon sa harapan namin pero dilat naman ang mga mata. Hindi ko siya gaanong makilala dahil punong-puno ng dugo ang buong mukha niya. Patay na kaya siya?

And... Santford? Sinong Santford naman kaya 'to?

"Wala akong oras sa mga kagaguhan mo, Santford. Hindi ako lalaban kasama ninyo! May sarili rin akong laban at wala akong panahon mag-sayang ng oras sa'yo! You insulted my family and now! You want me to fight with you?! Are you fvcking on me?! How dare you!" Nilapitan ni Penelope 'yung lalaki sabay suntok sa mukha nito. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiwi roon. Ang sakit nu'n.

"I-Is that my Dad..." Napalingon ako kay Vandish. Nanlaki ang kanyang mga mata ngayon at tila kinakabahan. Binaling ko rin agad ang tingin sa lalaking nasa harapan namin at laking gulat ko nang mamukhaan ko ito. Fvck! Si Vandeon!

"Let go of my father! You witch! I will kill you! Let go of him!" Mabilis na tumakbo si Vandish papunta sa pwesto ni Vandeon.

"Tangina!" mura ko at agad siyang sinundan ganu'n din 'yung mga bodyguards sa likod.

"Vandish!"

"Master Vandish!"

Hinawakan ko si Vandish sa tiyan nang mahagip ko siya. Iyak siya ng iyak habang pilit kumawala mula sa hawak ko. Damn it!

"Daddy! Daddy!"

Napatigil din naman si Penelope. Gulat na gulat din siya at halos hindi makagalaw mula sa kinalalagyan. Umiwas ako ng tingin sa kanya habang pilit pinapakalma si Vandish.

"Help him," utos ko sa mga bodyguards.

"Vandish..."

"Let me go, Mommy! I will kill her! I don't care if she's your friend! I will..."

"Baby... calm down." Hinalikan ko siya sa noo at hinaplos ang kanyang likod. Nasasaktan akong nakikitang nagkakaganito si Vandish. He really loves his father so much. Walang duda, nagmana talaga siya sa ama niya.

"Wala siyang alam, Mommy... hindi niya alam ang ginagawa niya," hagolgol niyang saad. Niyakap niya ako nang mahigpit. Ramdam ko ang galit at sakit mula sa kanya.

Inangat ko ang tingin. Hawak na ng mga bodyguards ko ngayon si Vandeon. Mulat parin ang mga mata niya ngunit malumay itong nakatingin sa akin, lalo na kay Vandish na walang tigil sa pag iyak. Awang-awa rin naman ako sa kalagayan ni Vandeon ngayon, gusto ko rin siyang saktan dahil sa katangahan niya. Pero anong puno't-dulo nito? Galit na galit si Penelope sa kanya pero hindi man lang siya pumalag.

"Almika..."

"Dalhin niyo sa mansyon 'yan." Umiwas ako ng tingin kay Vandeon. Dahan-dahan akong tumayo habang kalong ang anak ko, medyo humina na ang hikbi niya ngayon pero andu'n parin ang galit niya. Ang diin kasi nang pagkakahawak niya sa akin.

"A-Almika, w-what are you doing here?" nanlalaking mga matang tanong ni Penelope.

Tumikhim ako. "Sa tingin ko'y wala na tayong pag-uusapan pa, Penelope." sagot ko. Nataranta naman siya.

"Almika, mali ang iniisip mo. Wala ako---"

"You almost killed my son's father, Penelope! Mali parin ba 'yon?!"

"Almika... Mali..."

"Pinaiyak mo ang anak ko Penelope, sinaktan mo rin not physically but emotionally. I don't know what's with the fvcked up earlier, but I'm done with you!" Tumalikod ako at handa nang umalis sa kompanya ni Penelope.

"Almika! Ma-mamatay rin naman si Vandeon! He's the secret weapon of his father!"

Nanlaki ang mata ko. W-What?

W-Weapon?

"What do you mean, Penelope?"

"May tangi na ang buhay ni Vandeon, Almika. He's the secret weapon of his father against the enemies."

Natulala ako.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top