Chapter 27
Almika's POV
"Nakuha mo na pala ang anak mo mula kay Vandeon, ah. Mabuti naman kung ganu'n," panimula ni Penelope. Nasa opisna kami ngayon. Kakatapos lang din ng trabaho ko kaya napag-pasyahan naming mag usap muna. Matagal-tagal na rin kasi.
"Yeah. Makapal parin ang mukha niya talaga, wala parin siyang kwenta." inis na sambit ko. Totoo naman kasi, pagkatapos niya akong anakan may babae na agad siyang kinakasama. I mean, wala naman talaga akong pakialam kung may babae man siya ngayon, ang akin lang ay sana huwag na siyang manggulo.
Anong koneksyon nilang dalawa ni Yeena? Mukhang may relasyon naman sina Yeena at Ark. Tama ba ang desisyon niyang sumawsaw sa iba? May anak narin si Yeena, baka si Ark pa nga ang ama. Baliw na siguro ang lalaking iyon, sana naisip niyang mali ang pinasukan niya.
Naalala ko na naman ang past. Ang dating samahan namin na hindi ko makakalimutan.
Ewan ko ba bakit ganu'n siya. He impregnated me, pareho kaming lasing sa isang bar na iyon, akala ko hindi kami makakabuo but I was wrong. Nakabuo parin pala kami. After that, I'm starting to avoid him, but nahuli niya ako at nalaman niyang buntis ako. He thought na anak ko si Vandish sa ibang lalaki, punyeta niya.
"I think he won't do that anymore knowing na meron silang malakas na kalaban ngayon." narinig ko nga na may malakas silang kalaban.
"Saan mo nalaman?"
"I heard from Kace Gunner. I saw him yesterday with someone, sobrang mysterious ng lalaking kasama niya. Susundan ko sana, but I need to fetch my son that's why I let it go."
Medyo kinakabahan ako sa mangyayari lalo nat may mga bata, baka gagamitin ng mga kalaban ang mga bata against sa kanila. Kailangan talaga naming protektahan ang mga bata, kahit iyon lang para sa aming mga nanay. "What's your plan now? Hindi ka naman pwedeng tumunganga lang dito, right? You have a responsibilities, Almika."
"What do you mean?" kaya ko parin namang magtrabaho. Palit-palit kami minsan ni Riley, kapag may kailangan sa kompanya, siya nagbabantay sa anak ko. Kapag siya naman ang may gagawin, binabantayan ko naman ang anak niya.
"You need to fight also. You're a mother and Vandeon is the father. Huwag mong hintayin na gagalaw ang mga kalaban, you need to move first bago pa kayo maunahan,"
"What are you trying to say? May anak ako, Penelope. Ayoko siyang maiwan at tsaka wala akong tiwala ngayon sa mga taong nakapaligid sa akin."
"Exactly. Don't easily trust people. Maybe, andiyan sila para sa'yo pero kalaunan sasaktan ka rin niyan. My point here is, kailangan mo ring lumaban, hindi ito isang laro lang, Almika. In order to win this battle? You need to fight back and defeat the enemies. I was there when Riley faces so many struggles in her life, mahirap kasi talagang kalabanin si Montefalco. He's the worst. Sobrang hina ni Riley noon, gumawa pa ako ng desisyon na labis kong pinagsisihan. She's weak, but after knowing the purpose of the game she played? She won."
Wala kami sa laro. Anong pinagsasabi nitong ni Riley? She really wants me to play? Para saan? I can protect my son alone, wala rin namang rason para sumabak ako sa laban nina Vandeon but I remembered what I said yesterday. Kung laban ni Vandeon ito, laban ko rin ito. Why the actual fvck did I said that?! I wasn't ready for this honestly.
"Maybe, you're thinking right now kung nasa laro ba tayo or hindi. Nasa laro tayo, Almika, kung hindi ka lalaban matatalo ka. Kung hindi mo pro-protektahan mo ang sarili mo mamatay ka. Look at yourself, Almika. Nagtra-trabaho ka para sa anak mo at para sa pagkain ninyo, kapag hindi ka magtra-trabaho at wala kayong makain, patay parin ang patutunguhan. What's the purpose of this game? The purpose of this game is you need to fight back, kill the enemies before it will kill you. Show ruthlessness not kindness to those people who deserves it. You need to fight back in order to live. You need to work hard and save money to live. That's how it works, Almika."
I don't understand. Lalaban ako hindi lang para sa sarili ko kundi para sa anak ko. Kapag hindi ako lalaban, ma mamatay kami, kapag lalaban naman ako, may tendency na mabubuhay kami at maipapanalo ang laro. What the hell is this for.
"Hindi dahil buhay ka at nandito ka sa mundong 'to ay hahayaan mo na lang na may magtatangka sa buhay mo. Remember, andito ka sa mundong 'to para mabuhay at mag tagal, hindi mamatay agad."
"Alam kong maraming nagtatangka ngayon sa buhay mo lalo na kay Vandeon. Hindi ka pa ba gagalaw sa lagay na 'yan?" Inabot niya ang kape na nasa mesa niya. Nilibot niya rin ang tingin sa buong opisina.
"I'm not saying this to scare you nor force you to fight alongside with the others. I just want you to to know that you belonged in this cruel world. Play fair with the enemies, don't let them defeat you. You have a family left if you die in just a one snap, Almika. Think about it."
Lumunok ako. Hindi pa nga ako handang lumaban. Lagi nga akong pumapalpak kay Vandeon. Ang hina-hina ko talaga. Trained naman ako pero bakit ganito? I'm scared. Siguro hanggang salita lang talaga ako. Takot talaga akong lumaban.
"Think about your son. Paano kung mawala kayong dalawa? Siya ang kawawa. Mawawala kang walang kalaban-laban sa kalaban, Almika."
"Anong gagawin ko?"
"Honestly, this is not my fight. Hindi ko kilala ang mga kalaban ninyo, at hindi rin ako kilala ng mga kalaban ninyo. I defeated our enemies years ago, pero meron pa namang natira ngayon, I want to help you with your enemies but I need to handle mine. You will handle yours too. Hindi ito laban lang ng mga lalaki, laban niyo rin 'to. I will contact you once I found something related to your enemies, but hindi ko maipapangako na sasali ako sa laban ninyo."
"I will fight back," seryoso kong sagot. Dahan-dahan siyang tumango at ngumiti sa akin.
"Huwag mong ipaalam kay Vandeon na sasali ka sa laban niya. He'll definitely kill me once he finds out. Mahal ka ng gagong iyon kahit hindi mo feel, tanga ka kasi." mahal pero papatayin? Gago.
"Ay wow! Nahiya naman ako sa lalaking iyon na halos sirain ang buhay ko! Mahal kamo ang bigas! Pakyu siya sagad." gigil na saad ko. At bakit ko naman ipapaalam sa kaniya na lalaban din ako? Ano siya gold. Lalaban ako para sa anak ko, hindi para sa kanya.
"I think he has a lots of reason why he did those ruthless actions. Just listen to him, he's not that bad at all. Trust me,"
"Wala akong panahon makipag-basagan ng trip sa kanya, Penelope. I will fight and end this game without him."
Tumango siya. "I think I made myself clear here. Tatawagan na lang kita bukas. Magkita muli tayo rito, may ipapagawa lang ako sa'yo,"
"Ano 'yon?"
"You'll know tomorrow. See you! I had fun talking with you, Almika."
"I learned some things too, Penelope. Hindi lang ito para mabuhay, para lumaban din. Maraming salamat."
***
"Ang aga mo ngayon ah?" bungad ni Riley sa akin. Binaba ko ang coat ko at umupo sa harapan niya.
"Wala na naman ba si Freena?" pansin ko kasing madalang ko nalang siyang nakikita sa mansyon ni Riley. Huling alam ko ay magkasama silang dalawa ni Kace. May something kaya sa kanilang dalawa?
"Hindi na umuuwi iyon dito. Wala narin akong balita sa kanya. Ikaw? Kamusta naman kayong dalawa ni Vandeon? Hindi mo ba talaga mapapatawad ang lalaking iyon?"
"Huwag mong sinasali sa usapan ang lalaking iyon, Riley. Wala ako sa mood ngayon." sagot ko naman. Malakas siyang tumawa at tinungo ang kusina. Sinundan ko siya at kumuha narin ng malamig na tubig.
May pasok ngayon ang mga bata kaya wala gaanong tao sa mansyon. Ganun din naman ang anak ko, classmate silang dalawa ni Peyton.
"May sinabi sayo ang teacher ni Vandish?" biglaang tanong niya.
"Anong meron?"
"I heard na hindi pumasok ang dalawa kahapon sa school,"
"Vandish and Peyton?"
"Yeah. Nabigla nga ako nang marinig 'yon mula sa teacher nila. Hindi lang daw isang beses silang hindi pumasok. Sinasabi nilang rason lagi ay may outing ang family nila. Anong nangyayari sa dalawang bata na 'yon, Almika? Hindi ba sila natatakot ngayon?" kitang-kita ko ang ugat sa noo ni Riley. Mukhang pinagalitan nito si Peyton.
Ako naman ay walang kaalam-alam. Loko talagang batang iyon. Kakausapin ko iyon pag-uwi ko sa bahay. Ang babata pa nila. Sa murang edad ay natuto na silang mag-cutting. Jusko naman.
"May kalaban ngayon ang Society. Protektado nga kami ni Kiefer pero itong si Peyton, ang tigas tigas ng ulo."
"Ngayon ko nga lang din nalaman 'to." angil ko naman. Pagsabihan ko 'yung batang 'yon kapag nakauwi ako. Hindi ba sila natatakot sa maaaring mangyari sa kanila? Maraming kalaban ngayon ang sumusubok na patumbahin ang mga ama nila. Paano kung gagamitin sila?
"Kahinaan pa naman ni Kiefer si Peyton. Panganay niya 'yon at mamana iyon sa lahat." sabagay. Buntis naman si Riley ngayon, madalang din lumalabas dahil kay Kiefer. Sanaol hindi ba, nakalimutan kolang banggitin sainyo. I think weeks palang. Iba talaga ang kamandag ng isang Montefalco.
"Si Vandish din panganay ni Vandeon. Ang kukulit ng dalawang 'yon, Almika. Hindi ko na alam ang gagawin kay Peyton."
"Kalma lang, Riley. Nga pala, may balita kaba sa mga kalaban nila?"
Uminom siya ng tubig bago ako sinagot. "I heard from Kiefer na may plano si Vandeon ngayon, hindi ko alam kung ano."
Umirap ako. Hindi naman tungkol kay Vandeon ang tanong ko. Pero ano na naman ang plano ng lalaking 'yon?
"May alitan nga silang dalawa ni Ark ngayon. Kapag may meeting ang Society laging may suntukan."
Du'n niya kaya nakuha ang mga pasa niya sa mukha? Deserve niya naman. Nakisawsaw pa kasi sa may anak na. Hindi talaga nag-iisip.
"Magagalit talaga si Ark, Riley. Mukhang may relasyon sina Ark at Yeena at itong si Vandeon nakisawsaw sa kanila," saad ko.
"Iyon yata ang plano niya?"
"Ay ewan ko sa lalaking iyon. Siya, aalis na ako. Kakausapin ko pa si Vandish,"
"Kausapin mo talaga ang anak mo, Almika. Huwag mo munang hayaan na lumabas ngayon lalo nat delekado sa labas. Malapit na ang laban na sinasabi ni Kiefer."
Tumango ako at nagpasalamat kay Riley. Tinungo ko ang sasakyan ko at nagpasya na umuwi muna. May aasikasuhin pa akong trabaho.
Habang sa kalagitnaan ng byahe nakita ko si Freena na kasama na naman si Kace. Nasa harapan silang ng Monte Hotel. Magkahawak kamay. Napahinto ako at akma na sana siyang tawagin nang may sumugod sa kanilang dalawa. Oh shit!
Limang lalaki iyon na may hawak na mga matatalim na armas. Mabilis kong binuksan ang sasakyan ko, rinig ko ang malakas na sigaw ni Freena. Wala man lang tumatangkang lumapit sa kanila, ayaw yata nilang madamay.
"Freena!" malakas na sigaw ko. Kaagad naman siyang lumingon sa akin. Namumula na ang kanyang mga mata. Damn.
Tinanggal ko ang heels ko at binato iyon sa lalaking susugod sana sa kanya.
"Shit! Come here!" Hinila ko ang kamay niya at tinungo ang sasakyan ko.
"Si Kace!"
Tangina naman.
"Kace! Pumasok ka sa sasakyan ko!" Lumingon siya sabay sipa sa kalaban. Tumakbo narin siya papalapit sa amin.
"Buksan mo ang backseat, Freena,"
"Yes!"
Mas lalong dumami ang mga kalaban. Saan galing ang mga hayop na 'to?
"Move!"
Nang marinig ang malakas na sigaw ni Kace ay mabilis ko rin namang pinaandar ang sasakyan. Sumakay din sila sa kani-kanilang sasakyan at umaasa na susundan nila kami ngunit nag-iba ang landas nila.
"Fvck! Ang aga naman yata nilang lumusob ngayon!"
"Are you okay?"
Hingal na hingal ang dalawa sa likuran ko. Ako naman ay gulong-gulo. Bakit lagi silang magkasama?
"Kayo naba?"
"NO!" sabay nilang sabi at nagkatinginan pa talaga sa isa't isa.
Ngumisi ako. "I see huh, sa harap pa talaga ng Monte Hotel."
"Ang dumi ng isip mo, Almika," angil naman ni Freena.
"Ano ba dapat ang iisipin ko, Freena? Matagal kana naming hindi nakikita at laging kayong magkasama ni Kace, so ano ba dapat ang iisipin ko?"
"W-We're just friends..."
"Okay sabi mo eh."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top