Chapter 25
Almika's POV
No. I'm not okay, literally not. Nasa bahay ako ngayon kasama ko si Vandish, kasama niya rin naman si Peyton. Naglalaro sila habang ako naman ay tulalang nakatitig sa pintuan. Naalala ko ang nangyari kahapon, ano kaya ang ibig sabihin ni Vandeon? At kaano-ano niya si Yeena? Bakit galit na galit sa akin si Arkanghel? Wala nga akong ginagawa sa kanya eh. Pambihirang Donovan! Ang dedemonyo talaga ng mga utak nila. Pinaglihi siguro sila lahat kay satanas.
Tsk! Pairap kong binalik ang tingin kay Vandish, mabuti na lang hindi naisipang bawiin ni Vandeon sa Vandish sa akin. Akala ko nga magmamatigas ulit siya eh, pero hindi na, imbis na makipag skandalo sa akin niligtas niya pa ako mula kay Ark. Pinikit ko ang mga mata sabay kuyom ng kamao. Kahit na niligtas mo pa ako, Vandeon, hindi parin magbabago ang pag tingin ko sa 'yo. Mamatay tao ka parin, kung ano man 'yung planong sinimulan ko? Tatapusin ko at sisiguraduhin kong luluhod ka mismo sa harapan ko. You killed my parents, friends, Manang at pinagtangkaan mo pa kami. Do you think mapapatawad kita ng ganu'n ka dali? Buo parin ang plano ko, I'll make him fall deeply in love with me, and when that time comes? I'll break him into pieces. Yeah, baliw na nga siguro ako. Kahit na nagbago kana ngayon ay ikaw parin 'yan, ang taong sumira ng buhay ko.
"Argh! Hindi ko na alam ang gagawin! Wala na akong naiintindihan sa mga nangyayari."
Dahan-dahan akong tumayo. Ngumiti ako kay Vandish nang magtagpo ang mga mata namin. Tutuparin ko ang pangako ko sa anak ko, gagawin ko ang lahat para lang sa kanya.
"You two aren't hungry yet?" tanong ko sa dalawa nang makalapit na ako. Tinaas ni Peyton ang kanyang kuting, pinakita niya sa akin ang headband nitong nasa ulo ng kuting. Ang cute!
"Is she lovely, Tita Almika?" ngiting tanong niya. Dahan-dahan naman akong tumango bilang sagot. Peyton is a nice boy, but hindi nagkakalayo ang ugali nila ni Kiefer. Sabagay manang-mana sa ama, gaya na lang din kay Vandish na halos may sarili ng mundo.
"Weren't hungry pa, Mommy, laro muna kami ni pare." I chuckled tsaka tumango na lang din.
"If naka ramdam kayo ng gutom? Call yaya, okay? May pupuntahan lang ako. Dito lang kayo sa loob, Peyton, anak."
"Yes, Mommy!"
"Yes po, Tita!"
Hinalikan ko si Vandish sa ilong. Ginulo ko naman ang buhok ni Peyton kayat sumimangot ito. "I'll go ahead, huwag kayong lumabas ah." paalala kong muli, alam kong matalino sila kayat alam na alam na nila ang gagawin.
Dala ang bag ko, nagpasya ako na pumunta sa hospital, pupuntahan ko si Skie. May dapat kaming pag-uusapan tungkol sa plano namin. This isn't about Vandeon anymore, may tao rin kaming kalaban ngayon, hindi lang sila Vandeon ang pakay nila, pakay din nila si Skie Vernon Santford.
Hindi naman matagal ang byahe kayat agad akong nakarating. Pumasok ako sa loob ng hospital habang walang emosyon ang mukha, marami pa ngang bumabati sa akin pero tango lang ang tangi kong sagot. They all knew me now. Sabagay, ikaw ba naman ang pabalik-balik dito at ang may ari pa nitong hospital ay ang dahilan ng pag punta ko. Damn, Vernon!
"Dumalaw na naman ang girlfriend ni Sir Santford."
"Oo nga eh! Ang ganda niya 'noh!"
"Balita ko nga sobrang yaman daw niya. Siya ang nagpapatakbo ngayon sa mga negosyo ng Monteverdi eh."
"Well, Monteverdi naman siya, trabaho niya 'yun as a heiress."
Hindi ko na lamang pinansin ang dalawa. Pabalang kong tinulak ang opisina ni Skie, bumungad sa akin ang magulong opisina niya. Basag ang window niya, may mga basag din na baso, punit-punit na mga papel at likidong pula. Baka naman nag-inuman sila dito? Bakit ganito kadumi opisina niya? May nangyari kayang masama sa lalaking 'yun?
"Skie, I'm here! Saan kaba?" tawag ko sa kanya. Dahan-dahan kong inaapakan 'yung mga basag na baso, its so mess! Hindi ba siya marunong mag linis. Paano kung may pumasok dito? Paano kung makita 'to ng girlfriend niya? Wala talagang utak ang baliw na 'yon. Hindi marunong maglinis ng kalat.
And speaking of? May girlfriend na kaya si Skie? Imposible namang wala, sa gwapo niyang 'yon wala? Aysus.
"Saan naman kayang lupalok sumusuok ang lalaking 'yon!" inis na singhal ko. Padabog kong sinipa ang mga glass na kumakalat sa sahig. Sinipa ko rin ang mga papel. Pambihira naman! Baka may operation pa siya? Or may emergency. Doctor siya eh malamang busy pa 'yun ngayon. Mag hintay na lang ako rito sa loob, kahit na gusto ko na talagang pumadyak dahil ang dumi-dumi ng opisina niya.
Umupo ako sa sofa, nilabas ko ang cellphone ko. Hinahanap ko sa contact ko ang number ni Skie tsaka tinawagan.
*Ring! Ring!*
"Fvck!"
He left his phone.
Mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Sinundan ko ang tunog ng phone ni Skie hanggang sa dumapo ito sa isang kwarto. Tinago ko ng dahan-dahan ang phone ko, buti na lang may siwang itong kwarto kayat makikita ko kung anong nangyayari sa loob.
"What's up with you, Skie! This isn't you. Bumalik ka na nga sa dati mong ugali. Feeling santo ka na ngayon ah!"
"I'm looking for a woman, Alcazar! So shut up!"
"Woman? Madali lang 'yan sa'yo, Skie."
"Tss."
"Kanina pa na-riring 'yang phone mo. Sagutin mo na."
Nang mapansin kong papalingon siya sa direksyon ko, kaagad naman akong umiwas ng tingin tsaka unti-unting hinakbang ang mga paa palabas. Shit! Bakit naman kaya naghahanap ng babae si Skie? By his looks he can easily get a women, but tila nahihirapan siya ngayon. What's up with him?
"I like someone Alcazar, but she doesn't like me. Fvck it!" malamig pa sa yelo na saad ni Skie. Kung sino man ang babaeng 'yun? Ang malas malas niya kay Skie. Kidding! I think hindi naman gaanong masama si Skie, baka medyo lang?
Binuksan ko ang pintuan para lumabas na. Nakakaimberna naman kasi sa loob. May kausap pala siya kaya hindi niya ako nasagot agad, but about du'n sa mga kalat, anong meron?
"Almika, is that you?" magiliw na tanong ng isang babae kayat mabilis kong inangat ang tingin. Pero imbis na dumapo ang tingin ko sa babae? Napalingon ito sa katabi niyang hindi ko inaasahan na si Vandeon. What is he doing here? Bakit magkasama na naman sila ni Yeena? May something talaga eh.
"You looked gorgeous as always, Almika. By the way, binibisita mo na naman si Skie 'noh? Naku! Kayong dalawa talaga. Halos kilala na kayo dito sa loob ng hospital ah."
"You looked good together naman din!"
"Ayieee!"
"Huh?"
"Deny pa! Kayo na ba ni Skie? Bagay na baga-" hindi natuloy ni Yeena ang kanyang sasabihin nang tumikhim si Vandeon.
"Enough, Yeena. You're talking too much." malamig na sabi niya. Hilaw akong ngumiti kay Yeena na ngayong nakasimangot na. Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman. Bakit lagi silang magkasama? Sila na ba?
Ano bang pakialam ko kung totoo nga? Wala akong pakialam sa Vandeon na 'yan. Pero paano ko gagawin ang plano ko kung may iba pala siyang gusto? At ayoko rin namang manira ng iba. Punyeta talaga.
"Almika?"
"Uy, Skie! Ayieee tinatago niyo pa ang relasyon niyo ni Almika ah, anong ginawa niyo riyan sa loob?" ngising tanong ni Yeena. Napalingon naman ako kay Vandeon, sobrang sama ng tingin niya sa akin kayat umiwas ako at tumikhim.
"Ah." Napakamot sa ulo si Skie, ramdam ko ding humakbang siya patungo sa kinaroroonan ko.
"I think, he's mad again. Ginagalit mo kasi." bulong niya sa tainga ko.
"What?" angil ko sabay tingin sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang magtama ang ilong namin ni Skie, shit!
Pero ang mas nakakagulat? Ang malutong na ingay ng isang bagay.
"Oh my gosh, Vandeon! Bakit mo sinira ang shades ko? Amp!"
"We'll buy a new one, let's go."
Nilingon ko siya ngunit sobrang sama parin ng tingin niya, habang si Skie naman mukhang nang-aasar pa dahil sa malakas niyang tawa.
"Mayaman naman 'yan, Yeena, kahit ikaw kaya ka niyang bilhin."
Namula ang mukha ni Yeena. So she likes him? Or baka naman sila na talaga? Kaya niya hindi na kinukuha si Vandish sa akin dahil may girlfriend na siya. Eh may anak na si Yeena, mas pipiliin niyang makitatay sa anak nito kaysa sa sarili niyang anak? Ibang klase naman talaga.
Bakit mas gusto ko na lang kuhanin niya lagi sa akin si Vandish kaysa magkaroon siya ng girlfriend? Nababaliw na ba talaga ako? Damn it! But he's the father! He should take responsibility to his child! Napaka walang kwenta niya namang ama kung gano'n.
"Tumahimik ka, Skie. Mabuti pa at mag lambingan na kayo ni Almika."
Tumawa na naman si Skie. Ang sarap niya tuloy bigwasan, habang ako rito hindi makagalaw o makapag salita man lang. Bwesit!
"Mamaya na kami mag lambingan ni Almika, Yeena, may pag-uusapan pa kami eh, hindi ba, babe?" sinamaan ko ng tingin si Skie. Wala talagang magandang idudulot 'tong hinapuyak na 'to sa akin.
"We'll talk later, Skie, spare yourself." seryosong saad ni Vandeon tsaka ito umalis kasama si Yeena.
Bumuntong hininga ako. Sinapak ko nang napakalakas si Skie sa batok.
"Piste ka! Huwag mo na uulitin 'yun kundi bibigwasan na kita!"
"What? Haha, I'm not doing anything! Sinabi ko lang na galit na naman 'yun sa'yo panigurado, pero alam kong ako ang mabubogbog ngayon. Tangina!"
"Good luck, then." nginisihan ko siya.
"Goddamn it! You're unbelievable!"
***
Happy reading! Always leave a reactions and vote this chapter, thank you so much!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top