Chapter 22
Someone's POV
"Sigurado ba kayo na gagawin niyong dalawa 'to? Ang babata niyo pa. Baka pagalitan kayo ng mga nanay at tatay ninyo," sabi ko sa dalawang batang nakita ko sa parking lot. They said na gusto nila akong tulungan at gusto rin nilang alamin kung saan nagtatago ang mga kalaban ko dahil kalaban daw din ng mga Daddy nila iyon. Hindi ko kilala kung sino ang mga tatay nila but I'm pretty sure na nasa matataas na ranggo ang mga iyon. Look at their kids, wala silang kinatatakutan. Mukhang nasa anim na taong gulang pa ang mga 'to.
"Uhuh," sagot ng isang batang lalaki na may hawak na kuting. Walang bakas na takot sa mukha, mukhang sanay na sanay na.
"Anong gagawin ninyo?" tanong ko muli sa kanilang dalawa.
Inangat ng isa ang kanyang ulo. Napaatras pa ako kaunti dahil kamukhang-kamukha niya si Vandeon Santford. Ka anu-ano kaya nito ni Vandeon? Anak niya kaya? Kung oo, walang duda na nagmana sa kanya ang batang 'to. We're both buddies back then, nagkalimutan lang nu'ng may nangyari sa pamilya niya and after that, he became a monster in a business world. Wala na rin akong balita sa kanya. Sinusubukan ko rin naman siyang kausapin kaso nga lang ay masyado na siyang mailap ngayon.
"You stare too much, may problema po ba?" nagtatakang tanong niya dahilan nang pag iwas ko agad ng tingin. He's cold.
"Sigurado akong hahanapin kami ni Mommy, kaya't kung may babae na pumunta rito at hahabulin ang sasakyan na 'yon, kindly drag my Mom and don't let her chase that car? She's still weak and can't fight back yet. She's tired."
Is he for real?
"She's pretty and tall, Mister, she's stubborn too," dugtong ng isa. Mapipigilan ko ba ang babaeng iyon kung sakali?
"We will help you get your money back, in exchange? Help me stop my Mom."
"Sigurado ba kayo rito? Baka kapag may mangyari sainyo tapos nakita ako, baka ipakulong ako,"
"Yeah! Ipapakulong ka talaga, Mister, but we won't let that happen to you as long as you obey us."
Anong klaseng mga bata itong kausap ko?
"Mukhang weak naman 'yung mga guys kanina. Malalaki lang talaga ang mga katawan nila. Uhaw na uhaw din sila sa pera, kapag sinabi naming bibigyan sila ng pera ng magulang namin, siguradong iiyak iyon at magni-ningning pa ang mata. We are not just a kid, we have our own money but we don't usually spend it because it's for the future, we can pay them too if we want too. We will let them kidnap us and its showtime! What do you think, Vandish?
"Kinda odd, but I think it will work. We will stick to that plan, then." walang pilyong sagot naman ng isa.
Ako naman ay naka-bukas ang bibig at tulala sa dalawang batang nasa harapan ko. Wala na akong masabi, mukhang ako pa ang bata sa aming tatlo, ang tatalino ng mga batang ito.
"How about you, Mister?"
"A-Ah...pwede, pwede," pasensya na, wala na talaga akong masabi. Gusto ko na lamang manahimik.
"We will get your money, Mister, don't worry. 5Million lang naman hindi ba 'yon?"
"W-WHAT? Nila-LANG niyo lang ang 5M?"
"Opo!"
Shuta 'tong mga batang 'to, hindi nga ordinaryong bata ito. Sobrang yaman siguro ng dalawang 'to. Ayoko na talaga mag salita, gusto ko lang maibalik sa akin ang pinaghirapan kong pera. Hindi naman kasi ako mayaman, pinaguran ko ang pera na 'yun tapos mawawala lang sa akin ng ganu'n ka dali? Like what the fvck.
"Ayos na! Tara, Peyton, kunwari nawawala tayo tapos huhulihin nila tayo, hindi naman kaawa-awa ang mukha natin ngayon hindi ba?"
"Para kang si Tito Vandeon, Vand! Thumbs up!"
T-Tito? Vandeon?
"T-Tatay mo si Vandeon Santford?"
Hinarap ako ni Vandish. Hindi man lang ngumisi or ngumiti, tumango lang siya at umiwas agad ng tingin.
So, anak talaga siya ni Vandeon? He's literally a rich kid, tangina! Itong isang bata naman?
"Who's your father?" tanong ko kay Peyton. Ngumiti siya bago ako sinagot.
"Kiefer Montefalco." pagkatapos niyang sabihin ang pangalan na 'yon, bigla na lamang akong nanlumo sa kinatatayuan.
Kapag may mangyari sa dalawang ito, hindi na talaga ako magtatagal sa mundong 'to. Anak sila ng mga sikat na negosyante sa bansang ito, hindi lang basta basta, may society din sila kung saan ang namamahala ay si Kiefer Montefalco at Triton Alcazar.
"Mga bata... sa tingin ko, kaya ko—"
"Natatakot ka na may mangyari sa amin after hearing our father's name right? Don't be, Mister. We will explain everything to them if something bad happens to us; trust us, we're both from society."
"W-What?!"
"I mean, our fathers."
***
Nandito ako ngayon nagtatago sa isang mamahaling sasakyan habang pinapanood ang dalawa na pinasok sa loob ng sasakyan. Ang galing umarte ng dalawang iyon, nakuha talaga nila agad ang loob ng dalawang asungot. May pa iyak iyak pa si Peyton dahil gusto niyang umuwi. Nang makita ng asungot ang mukha niya, mukhang may ideya na agad sila na anak siya ni Montefalco at mas malaki pa ang makukuha nilang pera mula sa mga bata.
"Sana walang mangyaring masama sainyo,"
"Damn it!" napasinghap ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang malutong na mura galing sa isang babae. Baka ito na siguro 'yung tinutukoy nila, ina ni Vandish, asawa ni Vandeon...
"Patay talaga ako nito..." sambit niya na naman at tumakbo sa loob ng parking lot. Nakita ko naman siya at gulong-gulo na talaga siya.
Maputi ang babae, matangkad nga at mahaba ang kanyang buhok, at higit sa lahat ay sobrang ganda ng...
Mata niya...
Tangina. Ang ganda naman ng asawa ni Vandeon, saan niya kaya nakilala ang babaeng ito? Ang swerte ng ga—
"Stop my Mom, Mister."
Uy! Putangina! Kailangan kong pigilan ang babaeng ito baka masira ang plano nina Peyton at Vandish. Shit!
"May bagong myembro daw eh,"
"Arkanghel Donovan."
Nakita ko kung paano natigilan ang nanay ni Vandish. Tila naguguluhan siya at may gustong alalahanin, sino kaya si Arkanghel Donovan? Hindi ko kilala ang isang 'yan, pero sa tingin ko ay malakas din at mayaman.
Inangat ko muli ang tingin. Nanlaki ang mata ko nang hinubad niya ang heels niya at akmang tatakbo na sana nang mabilis akong lumabas sa pinagtataguan ko at pinigilan siya.
"ANO BA!" malakas na angil niya at bumitaw sa akin. Shuta! Ang lakas ng babaeng iyon!
Tangina, ano na ang gagawin ko ngayon? Tinapon niya pa ang heels niya sa sasakyan kayat napahinto ang sasakyan at lumabas ang dalawang asungot. Lintek! Mukhang madadamay ako sa trabahong 'to ah, baka singhalan ako ni Vandish dahil hindi ko napigilan ang nanay niya. Sobrang lakas naman talaga niya, kahit na mukhang kalansay ang katawan niya.
Damn it!
Hindi ko napigilan ang ina ni Vandish. Mabilis ang mga galaw nito habang nakikipaglaban sa mga kalaban. 'Yung dalawang bata naman ay prenteng nakaupo sa harapan at nanonood. Unbelievable talaga itong dalawang ito. Wala man lang takot sa mga mukha nila. Habang aki naman dito ay naghihintay na isauli 'yung pera ko.
Gusto ko rin namang sumabay sa ina ni Vandish kaya lang ay natatakot ako. Namukhaan ko kasi 'yung isang lalaki. May malaki 'yong galit kay Vandeon Santford. Gusto niyang patayin ang ama ni Vandish simula palang.
May tinatagong sekreto ang pamilyang Santford. Darating din ang panahon at mabubunyag iyon. May alam ako konti sa katauhan ni Vandeon dahil sa lalaking 'yon. Magkaibigan silang dalawa, naging magkaaway lang dahil pinili ni Vandeon ang babaeng nasa harapan namin ngayon kaysa sa kanya.
Pareho silang kilala noon, mayaman, sikat, kinatatakutan, matalino, at hinahangaan ng lahat ngunit nagbago ang lahat dahil sa isang babae na balita ko'y kinababaliwan ni Vandeon noon.
Hanggang duon lamang ang nalalaman ko. Wala rin ako sa posisyon na sabihin ang sekretong matagal na nilang tinatago.
"Sana hindi 'yon totoo dahil maiiwan ang dalawang taong importante sa kanya."
***
Don't forget to hit the vote button, thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top