Chapter 20
Continue...
"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Skie. Nasa labas kami ng bahay ngayon nag-uusap. Nasa loob naman si Vandish at natutulog. Itong si Skie kasi sobrang kulit, feeling close talaga ng baliw na 'to. Kahapon ko pa tinataboy ang lokong 'to pero balik naman siya ng balik sa pamamahay ko, mabuti nalang ay hindi siya nakita ni Vandeon kundi bangisan na naman ang mangyayari.
"Pag-iisipan ko pa," sa ngayon ay wala pa akong naisip na plano. Nakauwi narin si Vandeon sa sarili niyang bahay, hindi niya kinuha ang bata sa akin. Mukhang natauhan yata ang hayop. Ni hindi man lang ako pinasalamatan bagkus ay tinalikuran ako. Nagpaalam lang siya kay Vandish at iyon na. Wala naman akong pakialam sa kanya, hindi importante iyon.
"Ang masasabi ko lang, Almika. Hindi madaling kalaban si kuya, mas masahol pa 'yan sa tao. Mas gugustuhin mo pang tumahimik 'yan kaysa mag-salita."
"Kilalang-kilala mo talaga ang kuya mo ano?" tumawa siya ng mahina. Ngiting may dalang lungkot. Sa tingin ko'y hindi maganda ang relationship nilang magkapatid.
"See you tomorrow?"
"Bakit naman tayo magkikita bukas? Wala naman tayong usapan ah, at tsaka hindi kita kilala." sagot ko. Umarko naman ang kilay niya.
"Hindi mo pa ako kilala sa lagay na 'to?"
"Hindi."
"Ibang klase ka rin eh ano?"
"Umalis ka na lang, Skie, ang dami mo pang sinasabi." sabi ko. Humalakhak naman ang loko tsaka kumaway sa akin at lumisan na. Kumaway din naman ako.
Hays.
***
"Vandish, huwag kayong lumayo ah? May tatawagan lang si Momma." paalala ko sa anak ko na naglalaro. Kasama niya ngayon si Peyton na may hawak na namang kuting. Pinaiwan ni Riley ang anak niya sa akin dahil may aasikasuhin daw sila ni Kiefer sa ibang bansa. Hindi man gaanong maganda ang relasyon namin noon bilang magkaibigan ay ay sinawalang bahala na lamang namin. Ayaw ko rin naman magalit talaga ng buong buhay ano, ang diyos nga nagpapatawad ako pa kaya na tao lang at walang kapangyarihan. Nasa ibang bansa sila ngayon hindi ko alam kung anong gagawin nila duon, wala rin naman akong pakialam. Pero since nagpasya ako na ipasyal si Vandish dahil miss na miss ko na talaga siya, sinama ko na lang si Peyton. Gulat na gulat pa nga siya nang makita niya ako. Umiyak pa nga kaya't hindi ko tuloy mapigilang hindi rin umiyak. Gusto ko rin sanang mag-tanong kung anong ginawa ni Vandeon sa kanya pero pinigilan ko na lamang ang sarili ko, sa tingin ko naman ay inalagaan niya talaga ng maayos ang anak niya.
Ngumiti ako. Kumaway silang dalawa sa akin, akala pa ng mga tao rito anak ko din si Peyton. Marami pa ngang nagpapa-picture sa kanila; dahil kamukha raw nila ang mga sikat na businessman dito sa bansa. Well, sino ba naman ang hindi makakilala sa kanila? Bilyonaryo na nga sikat na sikat pa, pero hindi nila alam ang ugali ng mga 'to. Palibhasa ay mga mukhang artista ang mga bwesit na 'yun, ang gwa-gwapo nila, 'yung tipong kaya nilang lamangan ang mga actors, but, sa tingin ko hindi sila maga-artista, lalo na si Vandeon, wala 'yun sa dugo niya.
Binalik ko muli ang tingin sa phone ko. Tumalikod ako sa kanila para tawagan ang taong gusto kong makausap. Naka-ilang ring pa ito bago niya sagutin. Pambihirang gago. Nakakairita ang tagal sumagot ah.
"Why took you so long?!" iritable kong singhal sa kanya. Tumawa naman ang loko kasabay nito ang malalim niyang hininga, punyeta. Hindi pa ba bumabangon ang gagong to?
"Calm down, will you? I'm talking my bath here." sagot niya pero may kasama paring tawa. Abat! Itong gagong 'to pepektusan ko na. Akala mo talaga seryosong tao ni Skie pero pag na kilala mo na? Mapapasabi ka na lang ng TANGINA.
"Any something wrong?"
"Come here, kasama ko sina Peyton at Vandish, nasa playground kami."
"What will I do there? I'm a busy person, Almika, hindi ako babysitter."
"Sinabi ko bang babantayan mo ang mga bata? Gusto lang kitang makausap." seryoso kong sabi. Assuming neto.
"We're talking right now, Almika, spill it out."
"Tangina mo! I want it in person!"
"Whatever, okay. I will hang this."
Suminghap ako at pinatay na ang tawag. Inayos ko ang buhok ko tsaka ako lumingon sa dalawang bata. Kaya lang? Biglang kumunot ang noo ko nang makitang wala na sila sa loob ng playground.
"Shit!" malutong na mura ko. Mabilis akong tumakbo para hanapin sila. Naku naman. Saan na naman kaya pumunta ang dalawang batang 'yon, talagang malilintikan ako neto kay Riley, and about my son? Fvck it!
Lumiko ako sa isang shop, pero wala talaga. Pumasok-pasok na ako sa mga shops dito pero wala parin. Even cubicles wala rin akong pinapalampas. Jusko naman! Anong katangahan 'tong ginawa mo, Almika.
"Argh! Where are you babies." Lumapit ako sa Jollibee, pumasok ako at nilibot ang tingin, pati cr pinasok ko na rin pero wala talaga. Shit, I'm dead for sure.
Lumabas ako ng Jollibee. Nagpasya ako na lumabas muna ng mall, dumeretso ako sa parking lot. May nakita akong limang armadong naka mask, sa tabi nila may tinted na kotse. Bigla akong ginapangan ng kaba, mabilis ang mga hakbang ko na lumapit duon.
"Anong balita?" simula ng isang lalaking naka mask. Tinago ko ang sarili ko sa malaking poste, kita ko ang pagpapalitan nila ng pera at mga sashay. Hindi ko alam kung ano 'yun pero mukhang drugs yata. The fvck?! Hanggang sa bansang 'to may mga nangyayaring ganito? I can't believe this.
"3Million daw ibibigay ni boss pag nagawa natin ng maayos ang trabaho."
A-Ano daw? 3M? What the hell. Para saan ang 3M, punyeta. Kalaking pera non, para saan 'yun? Anong gagawin nila. Dapat talaga I-report sa pulis ang mga mapangahas na 'to eh. But for now, kailangan kong hanapin muna sina Peyton at Vandish. I'm dead, damn it. Saan ko ba hahanapin ang dalawang 'yon. Ang titigas talaga ng mga ulo, hindi naman siguro sila kunuha hindi ba? Muli akong tumingin sa mga taong 'yun. Hindi sila mukhang kidnapper, mga adik lang.
Akma na sana akong liliko sa kabilang poste nang mag igting ang tainga ko sa narinig. "Saan natin dadalhin ang dalawang bata?"
"Huwag muna natin saktan. Mananagot tayo kay bosing, tsaka tatawagan muna natin mga magulang niyan, siguradong hindi lang million ang ibibigay nila."
"Sabagay, mayaman naman ang ama ng mga 'yan. Myembro ng society eh, sino nga ulit leader du'n? Sigurado akong mas marami siyang pera."
"Montefalco raw eh, malamang mayaman talaga. Myembro eh, kapag hamplas lupa ka, hindi ka talaga makakapasok du'n. Tanginang mga mayayaman 'yan."
Hindi ako gumalaw sa pwesto ko pero may ideya ako kung sinong mga batang tinutukoy nila. Dahan-dahan akong sumilip, agad na kumulo ang dugo ko nang makita ko si Peyton at Vandish na walang malay sa loob ng sasakyan. Naka higa sila, hawak parin ni Peyton ang kuting at tila walang alam sa nangyayari lalo na sa amo niya. Kinuyom ko ang kamao, pati na rin ang mata ko pinikit ko nang mariin. Hanggang ngayon ba naman, Almika, magtitimpi ka parin? Nasa binggit ng kamatayan ang dalawa. Kasalanan ko 'to, at paninindigan ko 'to.
Hindi na ako magtataka kung leader nga si Kiefer sa society na 'yun. Alam ko ang personality niya kaso mas demonyo lang talaga si Vandeon sa kanya. Sa loob ng society nila walang mahina, walang mahirap, walang pangit, walang mabait. Sa halip ay mga demonyo sila pag dating sa negosyo at pamilya nila, once you mess up with them? Wala silang pinalalampas. Dadamayin talaga nila pamilya mo, gaya na lamang ng ginawa ni Vandeon sa magulang ko. Tangina talaga ng lalaking 'yon, kung mas masama si Kiefer. Mas lalo na ang gagong 'yon.
"May bagong dating daw eh."
"Baka bagong myembro kamo."
Bagong myembro? May bagong pumasok sa society nila Kiefer? Sino naman kaya.
"Hindi, matagal na talagang myembro ang isang 'yon, kadadating lang. magka-away sila ni Montefalco."
"Sino?"
"Arkanghel Donovan daw eh."
"Tangina, bumalik na siya?" bakas sa mukha ng lalaki ang takot.
Hindi ko na masundan ang sinasabi nila, pero sigurado akong may bagong myembro ang society.
Arkanghel Donovan.
***
Continue.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top