Chapter 19
Third Person's POV
Kanina pa lutang si Almika. Hanggang ngayon kasi ay gumabagabag parin sa kanya ang sinabi ni Vandeon, hindi niya alam kung sinong lalaki ang tinutukoy niya at bakit galit na galit ito sa kanya. Sa totoo lang, gusto niya na talagang patulan si Vandeon kaya lang, dahil sa sinabi nito, bigla itong natigilan at hindi na ginawa ang plano. Gusto niya rin sana 'tong saktan habang wala itong malay kaso ay naawa siya. Bumuntong hininga siya, binalingan niya nang tingin ang kanyang anak na ngayong mahimbing nang natutulog.
"Hindi ko na talaga maintindihan ang Daddy mo, Vandish, sumusobra na ang kademonyuhan niya," kung sino man ang lalaking tinutukoy ni Vandeon, sigurado siyang wala nang bukas ang taong 'yon.
Kinumutan niya si Vandish. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama tsaka nagpasya na lumabas muna ng kwarto. Hindi na siya nakikitira ngayon kina Riley dahil may sarili na siyang bahay. Pinangako niya kasi sa sarili niya na bibili lamang siya ng bahay kapag nasa kamay niya na ang anak. Kakabili niya lang nito pero hindi pa tapos, plano niyang ulitin ang bahay kapag nakaipon na siya, gusto niyang palakihin ang bahay gaya sa mansyon ni Riley. Gusto niyang mamuhay na ng marangya ang anak niya, gagawin niya ang lahat para hindi magsawa ang bata sa kanya, at gagawin niya rin ang lahat para hindi na maagaw ni Vandeon si Vandish mula sa kamay niya ngayon.
Tahimik pa si Vandeon sa ngayon pero alam niyang may plano na naman 'yon sa kanila. Ngunit? Bakit hindi pinipigilan ni Vandeon ang Secretary ni Almika na ilayo ang bata? Ano na naman kaya ang plano ni Vandeon? Bakit niya hinayaang makuha si Vandish mula sa kanya, anong gusto ni Vandeon, hindi pa ba siya tapos sa paghihiganti niya?
Suminghap si Almika nang bumungad sa kanya ang malakas na hangin, tinatangay pa nito ang mahaba niyang buhok. Wala nang gising sa loob ng bahay pwera na lamang sa kanya, hindi siya makatulog dahil kay Vandeon. Ngayon na-realize niya na hindi talaga madaling kalabanin ang isang Santford. And speaking of Santford?
"I'm Skie Vernon Santford."
Biglang umigting ang kanyang tainga nang maalala niya ang lalaking kausap niya noon sa labas ng hospital. Isang Santford ang lalaking 'yon pero hindi niya man lang binigyan ng pansin dahil sa kadramahan niya, at lutang na lutang ang isip niya noon, ang gusto niya lang naman ay mapag-isa. Bakit ang tanga niya? Sinong Santford naman kaya ang lalaking 'yon? Kaano-ano nito si Vandeon?
"Hindi kaya'y magkasabwat ang dalawang 'yon?" Kunot noo niyang tanong. Naguguluhan na siya pero pilit niya paring kinokonekta ang dalawang Santford na kilala niya.
"Magkapatid kaya? Pinsan?" Hinilot niya ang sentido niya. Diniin niya ang pagkakahawak sa lobby.
"Ano ba talaga ang plano mo, Vandeon? Pinadala mo ba 'yung isang Santford na 'yon para pahirapan din ako? Tangina mo pala eh! Ang hina-hina mong hayop ka, nagpadala ka pa ng resback. Bwesit!" timping sambit niya at akma na sana siyang pumasok sa loob ng bahay nang bigla na lang namatay 'yung ilaw ng sala.
"The fvck?!"
Mabilis siyang lumisan sa pwesto niya, hinakbang niya ang paa papunta sa kwarto ni Vandish, napasinghap siya nang makitang natutulog parin ito.
Dahan-dahan siyang lumapit sa drawer niya. Nilabas niya ang pistol niya, nilagyan niya ito ng bala tsaka lumingon sa pintuan. Sobrang lakas ng kabog kanyang dibdib, kahit hinahawakan niya ang baril nanginginig parin siya. Hindi naman sila pumapatay ng ilaw kapag oras na ng tulog, pero bakit namatay ang ilaw?
"Kung sino ka man! Lumabas ka!" diing sambit niya pero walang lumabas. Hinakbang niya ang paa patungo sa pinto, at habang ginagawa niya ang hakbang, pabalik-balik siya ng tingin. Mula sa anak niya patungo sa pinto.
"Show yourself, idiot." mahinang bulong niya. Hinawakan niya ang pintuan at akma na sana itong bubuksan nang bigla na lamang itong bumukas.
"Kyah!" mahinang tili ni Almika nang biglang tumambad sa kanyang harapan ang katawan ng isang lalaki, duguan ang puting damit nito, may sugat pa ito sa braso at leeg. Hindi niya makita ang mukha ng lalaki dahil nakadapa ito sa sahig, mukhang nahimatay.
"What the hell," mura niya. Binaba niya ang baril sa sahig, dahan-dahan siyang umupo para tingnan ang mukha ng lalaki.
"Who the hell is this?" Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ng lalaki sabay angat nito. "Holy fvck!" mura niya na naman nang mamukhaan niya na nang tuluyan ang lalaki.
"Argh!" daing ng lalaki. Umatras naman si Almika.
"What are you doing here?! Paano ka nakapasok sa bahay ko?" tanong nito sa lalaki. Ngumisi naman ang lalaki habang pikit ang mga mata nito.
Halos hindi na mamukhaan ang kanyang mukha dahil sa dugong kumakalat dito. Ano kaya ang nangyari sa lalaking 'to? Gusto niyang hilahin ang lalaki palabas dahil hindi niya naman ito kilala at isa pa ay may isang Santford siyang kasama sa loob ng bahay.
"I'm tired..." mahinang sabi nito. Malalim din ang hiningang nilalabas niya. Mukhang pagod na pagod nga, pero ano naman ang pakialam niya? Trespassing itong ginawa ng lalaki, pwede niya itong I-report sa pulis pero kapag gagawin niya 'yun? Siguradong kwekwestyunin siya ng mga pulis dahil sa lagay nito ngayon. Baka pagkamalan pa siyang may sala.
This is trespassing! Gigil na sigaw niya sa isip niya.
"Ang kapal naman talaga ng mukha mong pumasok sa pamamahay ko! Pinatay mo pa ang ilaw huh!"
"This is my house!" sambit nito.
Pumikit naman ng mariin si Almika at inis na sinipa ang katawan nitong walang sugat.
"Aray!" daing ng lalaki.
"Tangina talaga."
**
Almika's POV
"What the hell is this for?!" malakas na sigaw ng isang lalaki. Iritado ko munang minulat ang mata ko. Tangina eh! Kitam natutulog pa 'yung tao.
"MANAHIMIK KA NGA!" inis na sagot ko sabay salpak na naman sa kama. Nilagyan ko ng unan ang mukha ko. Hindi alintana ang sinag ng araw. Inaantok pa talaga ako, gusto ko pang matulog. Nakakainis.
"Pakawalan mo 'ko rito!"
"Manahimik ka sabi eh!" iritado ko paring sagot. Narinig ko naman ang pag 'tsk' niya dahilan nang mabilisan kong pagmulat. Hinawi ko ang kumot na nasa katawan ko tapos binalingan ko nang tingin ang lalaking nasa harapan ko. Nanlaki ang mata ko nang mamukhaan ito, putragis! Anong ginagawa ng Skie na 'yan dito sa bahay ko?!
"What are you doin' here?!" sigaw ko sabay takip sa sariling katawan. Umirap naman siya at halatang iritado na dahil sa taling nakagapos sa kanya. Ano ba kasi ang ginagawa niya rito? May plano na naman kaya silang dalawa ni Vandeon sa akin? Punyetang mga Santford!
"I'm jus—"
"Shut up! Kasabwat mo ba si Vandeon ah! Gusto niyo ba talaga akong mamatay ah!" Lumapit ako sa pwesto niya. Kahit nakakunot ang noo niya. Sinapak ko parin siya ng ubod ng lakas kayat napadapa ito sa sahig.
"Walang hiya ka! Kung gusto niyo akong pataying dalawa huwag ninyong idadamay ang anak ko kundi magkamatayan talaga tayo." seryosong kong sambit. Hinila ko ang buhok niya sabay angat ng kanyang ulo, ngunit imbes na masindak sa sinabi ko? Ngumisi lamang si Skie na tila tuwang-tuwa pa. Hayop na nga. Demonyo na nga, baliw pa!
"Kapal talaga—"
"Vandeon did this to me," mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko. Teka nga, sinong niloloko niya? Si Vandeon may gawa nito sa kanya? Naku! Hindi niyo ako madadaan sa mga kalokohan niyo mga hangal.
"Huwag mo..."
"I'm telling the truth okay! Binugbog niya ako kahapon sa hospital, hindi ko alam kung bakit. Tanginang gagong 'yun." Humiwalay siya sa akin. Napansin kong hindi na nakatali ang kamay at paa niya.
"Yo—"
"Sabi niya layuan daw kita. Tsk! In his dreams," ngumisi siya pero halatang pilit dahil sa sugat na meron siya. Halata namang iniinda niya talaga ang mga sugat niya, pero seryoso? Bakit naman gagawin ni Vandeon 'to? Kaano-ano niya ba si Skie?
"I'm his younger brother and he's mad right now."
F-Fvck? Is he serious?
"Anong pinagsasabi mo?" naguguluhan kong tanong. Hindi niya alam na nasa poder ko ngayon si Vandeon.
"Siya pa talaga ang may ganang magalit?" hindi makapaniwala kong tanong.
"Ang kapal naman ng mukha niya!" gigil na sambit ko at sinipa ang paa niya na nasa paanan ko. Letche!
"Aray ah! Nakakailan kana ah!"
"How did you know?"
"Hindi mo ba nakita 'yan?" turo niya sa paa niyang pulang-pula na ngayon. Namamaga na yata. Madilim kasi kagabi kaya hindi ko nakita.
"Baka nakakalimutan mong pinatay mo ang ilaw ng bahay ko?"
"I didn't do that!"
"At sino namang gagawa nu'n? Ikaw ang unang bumulagta sa harapan ko at duguan pa ang buong katawan mo. I-rereport sana kita sa pulis kaya lang baka pagkamalaman akong ako ang may gawa niyan saiyo kaya't imbes na gawin ay nanahimik ako. Dapat nga magpasalamat ka,"
"Edi salamat."
Umigting ang panga ko. "Tangina mo!" inis na sabi ko at sinipa na naman ang paa niya.
"Argh! Ano ba! Ang sakit sakit na ah! Nakakailan kana!"
"Umalis kana sa pamamahay ko, Skie. Huwag kanang magpapakita muli sa akin."
"Why not?!"
"Huwag na nga! Ang bingi ah!" sa tingin ko'y tataas ang dugo ko sa katawan kapag kinausap ko pa ang hinapuyak na 'to.
****
Ayan na...galet na galet usto manaket mag tago kana, Skie. Chour
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top