Chapter 16

Almika's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama. Mabilis namang tumayo si Riley sa kinauupuan niya, inalayan niya akong umupo ng tuwid, napansin ko ring kaming tatlo lamang ang andito. Si Penelope, Riley at ako. Where's the others? And where's my son?

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Penelope ngunit bakas sa mukha niya ang pagkairita. Bakit na naman kaya?

Wala na kasi akong ibang naalala bukod sa nahimatay ako sa harapan ni Vandeon kahapon. Ginawa ko ang makakaya ko upang labanan si Vandeon, I did it. Nakuha ko si Vandish mula sa kanya, mabuti nalang walang nangyari sa anak ko. Wala siyang sugat na natamo, mukhang inalagaan niya. Pero wala akong pakialam, sa mga mata ko ay mamatay tao parin siya. Hindi 'yan mawawala sa isip ko.

"Where's my son? Saan na naman dinala ni Vandeon ang anak ko, Riley?" nagtitimping tanong ko. Gusto kong tumayo para makita ang anak ko pero mas pinili ko na lamang umupo at kumalma, wala naman sigurong nangyari sa anak ko hindi ba? At kung hindi ako kakalma ngayon, siguradong gulo ang aabutin ko.

Tinapik ni Riley ang likod ko, sobrang tamlay ng mga mukha nila na para bang may masamang nangyari. Mas lalo tuloy akong naguluhan sa mga kinikilos nila, ano ba kasi ang nangyayari? Saan na naman dinala ni Vandeon ang anak ko? Tangina! Mukhang hindi ko yata kayang pakalmahin ang sarili ko ngayon. I need to see my son, papatayin ko na talaga si Vandeon pag nagkita kami.

"He's fine naman, Almika, kaya lang..." Lumunok ng paulit-ulit si Riley. Bigla akong ginapangan ng kaba sa reaction niya, si Penelope naman bumuntong hininga tsaka umiwas ng tingin sa akin.

"Ano, Riley? Sabihin mo na!"

"Dinala ni Vandeon sa ibang bansa si Vandish, Almika, hindi mo na makikita ang anak mo." malumay na sagot niya.

W-What?

"You're kidding right?" putang ina! Not again please. Pagod na ako, tangina talaga, Vandeon. Hindi ka talaga magpapatalo! Argh!

Bigla akong nanlumo sa kinauupuan ko. Nanginginig kong hinawi ang kumot na nasa katawan ko, dahan-dahan akong bumaba habang may kaba at takot sa dibdib.

"Hindi ako naniniwala! Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Riley, hindi ako iiwan ng anak ko!" this time naramdaman ko na ang likidong tumulo mula sa pilak kong mga mata.

"He won't leave me here! He won't!" Mabilis kong binuksan ang pintuan, ngunit pinigilan ako ni Penelope.

"Ano ba! Bitawan mo 'ko Penelope! Kukunin ko ang anak ko!"

Hindi. Nagbibiro lang sila, hindi ako iiwan ni Vandish. Iiyak 'yun eh kapag wala ako sa tabi niya, hindi siya sanay na wala ako, mahal na mahal ako ng anak ko, alam kong hahanap-hanapin niya ako.

"Wala na sila, Almika, kahapon pa ang flight nila."

Tinapunan ko sila ng masamang tingin. Yumuko si Riley habang si Penelope naman ay pinipigilan akong lumabas
Pinikit ko nang mariin ang mata ko.

"Bakit hindi niyo man lang pinigilan si Vandeon?! Bakit niyo hinayaang makalayo ang gagong 'yon?! Ano ba! Bitawan mo 'ko Penelope! Bitawan mo 'ko!" wala man lang kayong ginagawa, hindi ninyo kinuha ang anak ko. Takot na takot din ba kayo kay Vandeon kayat hindi kayo makapalag sa kanya? Akala ko ba mga gangsters kayo? Tangina! Wala kayong mga silbi.

"Bitawan mo 'ko sabi eh!" galit na usal ko sabay tulak kay Penelope.

"Almika!"

Mariin ko silang tiningnan. Hindi ako makapaniwala na hinayaan lamang nila si Vandeon na umalis, akala ko ba tutulungan nila akong patumbahin si Vandeon? Pero ano itong ginagawa nila, pinatakas nila ang demonyong 'yon at kasama pa ang anak ko. Hindi ba sila naaawa sa akin, anak ko na lang ang natira sa akin, wala na akong mga magulang. Bakit pa nila pinagkait ang tanging kasiyahan ko? Am I not enough? Hindi pa ba ako sapat? Ano pa ba ang pwede kong gawin! Kasi pagod na pagod na akong lumaban! Tangina mo, Vandeon, makikita mo talaga ang hinahanap mong hayop ka.

"Hindi ako makapaniwala na gagawin ninyo talaga sa akin 'to." hindi ko na sila hinintay na sumagot.

"Almika!" hindi ko nilingon si Riley, sa halip ay deretso lamang ang lakad ko palabas ng hospital. Kahit naman na tanungin ko sila kung saang bansa dinala ni Vandeon si Vandish, sigurado akong hindi nila sasabihin. Kamping-kampi sila kay Vandeon eh, punyeta lang talaga. Hanggang ngayon hindi parin siya tapos sa paghihiganti niya? Ano gusto niya, magpatayan na lang kami.

"Kung ganu'n sige, Vandeon! Hayop ka! Hindi kita aatrasan! Tangina!" humagolgol ako sa harap ng hospital. Hindi ko pinansin 'yung mga tingin ng mga tao sa akin. Wala naman akong pakialam sa kanila. I want my baby, back! Letse kang Vandeon ka, hanggang kailan ka pa mananatili sa mundong 'to, sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo.

Nilagay ko sa mukha ko ang dalawang palad, pilit nilalabanan ang sakit at galit. Siguro kung meron lang akong kasama ngayon, 'yung totoong tutulungan talaga ako, hinding-hindi ako magdadalawang isip na patumbahin ka, Vandeon, ang kapal kapal naman talaga ng mukha mo. Matapos mo kaming pagtangkaan, iiwan mo ako rito tapos itatakas mo ang anak ko? Walang hiya ka talaga.

Nakuha ko na sana ang anak ko eh, pero anong ginawa ng mga kaibigan ko? Hinayaan nilang makuha muli ang anak ko. Hinanda ko pa ang sarili ko, nagtamo pa ako ng mga sugat, naghirap ako para lang makaharap si Vandeon at makuha ang anak ko. Bwesit! Tila naging hangin ang mga pinaghirapan ko.

Kaibigan ko ba talaga sila? Alam ko namang nakakatakot si Vandeon pero may lakas din naman sila. Lopez, Montefalco iyon eh. Kilalang malalakas sa organisasyon pero bakit sila natatakot kay Vandeon? Walang-wala talaga sila.

"Miss, are you—"

"MUKHA BA AKONG OKAY SA'YO HA! MANAHIMIK KA NA NGA LANG!" malakas na sigaw ko sa isang lalaking nakatayo sa harapan ko. Pero sa halip na iwan niya ako, mas pinili niya pang umupo sa tabi ko, sanhi ng pag iinit ng ulo ko.

"Hindi ka ba nakakaintindi? Gusto mong englishin ko pa para sa'yo?" iritable kong tanong. Hindi man lang ako nag-abala na punasan ang mukha ko, ni hindi ko nga alam kung anong nangyari sa mukha ko.

Ngumisi ang lalaki sa akin. Ang sarap niya talagang sapakin, pasalamat siya Doctor siya dito, peste talaga! Hindi ako mananahimik hanggat nabubuhay pa si Vandeon, ang walang hiyang 'yon.

"Ang sungit mo naman, I understand you 'kay? You can share your problems with me."

Binalingan ko siya ng tingin, kung hindi lang 'to gwapo baka kanina ko pa 'to sinipa. Feeling close niya naman, ni hindi ko nga kilala ang hinapuyak na 'to eh.

"Wala akong oras makipag-chikahan sa'yo." malamig na sagot ko at mabilis na tumayo.

"I'm just being nice here, woman, what's your name?"

"Tinanong ko bang maging nice ka sa akin? Ang gusto ko lang naman mapag-isa! Istorbo mo eh!" tinarayan ko siya pero tumawa lang ang loko. Sige tumawa ka lang, pag ako talaga sinapian dito, I-uuntog ko talaga ulo mo riyan sa semento, mga bwesit na mga lalaki.

Lalo na 'yung Vandeon na 'yon, hindi na ako matatakot ngayon sa'yo, bwesit ka.

"By the way, I'm Skie Vernon Santford. Nice to meet you!"

"Meeting you? Isn't nice, back off." sagot ko at agad na umalis. Pero bago yun? Narinig ko pa ang sinabi niya.

"He'll never stop, Almika. He's mad, really really mad at you."

***

Kinaumagahan ay hindi ako umuwi sa bahay ni Riley. Since nakuha ko naman ang luho ng pamilya ko hindi na ako titira sa pamamahay ni Riley. I can buy my own house and make money using this. Pero sa ngayon ay wala pa akong planong bumili ng bahay, hindi ko pa hawak ang anak ko. Maghahanap nalang muna ako ng condo, pansamantala muna. Pagkatapos ay pag-iisipan ko kung anong hakbang ang gagawin ko laban kay Vandeon. Kakasuhan ko ba or papatayin na lang?

Imposibleng mamamatay iyon agad agad. Mas marami siyang tauhan kaysa sa akin. Ako naman ay mag-isa lamang. Ayoko rin namang humingi ng tulong kay Kace baka gawin niya rin ang ginawa nina Riley sa akin. I trusted them, pero sila pala 'tong tratraydor sa akin. Alam kong mabait si Kace, gagawin niya ang lahat para tumulong, sa tingin ko naman ay sapat na ang lahat. Aalis na ako sa poder ni Riley, magreresign at maghahanap ng ibang trabaho habang ginagawa ang plano ko.

Sumakay ako sa bagong biling sasakyan at lumapit sa nirentahan kong condo. Maganda ang condo nila, pang-mayaman talaga ang datingan dahil kasya ang isang pamilya dito. Pansamantala lang naman akong titira dito, at bukas na bukas ay kukunin ko ang mga gamit ko kina Riley.

"Ayos lang po ba sainyo, Ma'am?" tanong ng babae sa akin. Ngumiti naman ako at tumango. Ayos na ayos na sa akin ang condo na 'to. Hindi raw kasi pare-pareho ang mga condo unit nila rito. Napili ko ang simple, na sa tingin ko'y hindi ako mahihirapan. Tsaka na ako bibili talaga ng bahay kapag kasama ko na si Vandish.

"This one is nice. Babalik ako bukas," sabi ko.

"Sure po Ma'am."

Pagkatapos kong gawin ang dapat na gawin ay lumabas na ako roon. Nagpasya ako na puntahan ang kompanya pagkatapos ay bahay ni Riley para kunin ang mga gamit ko. May utang na loob din naman ako, aalis ako dahil hindi ko matanggap ang ginawa nila. Hindi naman sa hindi ko sila papatawarin ano, napatawad ko na sila. Ang gusto ko lang ay umalis sa poder nila at solohin ang plano ko. Chamba nalang talaga kung matalo ko si Vandeon.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Sigurado akong hinahanap na ako ng anak ko ngayon. Tiis ka lang muna anak ah, pagtiisan mo muna 'yang ama mong baliw. Hindi yata mabubuhay na wala ka.

"Hindi man ako nagtagumpay nu'ng una, sisiguraduhin ko na magtatagumpay na ako sa pagkakataon na ito, Vandeon."

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top