Chapter 14

Almika's POV

Seryoso nga ang gaga sa sinabi nitong pupunta siya dito sa mansyon ni Riley. Ang aga-aga niya pa nga, kakagising ko nga lang at nadatnan ko siyang kausap sina Riley at Freena. Nagtatawanan pa ang mga gaga oh. Pinikit ko ang mata ko para ibalanse ang paningin ko pero agad din naman akong nag mulat. At sa pag mulat ko mukha ni Penelope na naka ngiti ang sumalubong sa akin.

"Hi!"

"What the hell! Penelope!" inis na sigaw ko. Tumawa lamang siya at hinila ako pababa ng hagdan.

"Maaga dapat tayo ngayon. Sasama nga pala sina Freena at Riley sa atin, kumain kana at maligo."

Sinunod ko naman ang sinabi niya baka pagtripan na naman nito.

Pagkatapos kong kumain at maligo. Sa kotse kami ni Penelope sumakay, isang kotse lang ang dinala namin dahil 'yung ibang sasakyan ay gagamitin ng mga lalaki sa pupuntahan nila. Kukuha daw sila ng invitation card. Ewan ko kung para saan, baka may party na magaganap. Nakalimutan siguro silang bigyan ng mga 'yon kaya pinuntahan talaga nila. Ano na naman kaya ang plano nila Kace?

"Hindi ba kayo naiirita sa babaeng 'to, guys?" panimula ni Penelope. Agad naman akong napasinghap. Punyeta ito na naman siya, magsisimula na naman.

"Why, Pen? Is there something wrong?" Kunot noong tanong ni Freena habang hawak ang sariling katana. Bigla akong napalunok. Sigurado ba siyang gagamitin niya 'yan sa'kin?

"Meron! Tinuruan niyo ba 'yan paano lumaban? Bakit ang hina-hina pag dating kay Vandeon?" umirap ako sa hangin. Hello, may hawak 'yung baril at tsaka wala pa akong lakas ng loob lumaban pabalik nu'n. Imbes na sumagot ay pinili ko na lamang tumahimik kaysa sumabat sa kanya baka malilintikan na naman ako.

"Vandeon is a dangerous guy, Penelope, kahit na ako ay takot sa lalaking 'yon," pabalang na sagot naman ni Riley. Nginisihan ko siya pero umiling lamang si Riley. Totoo namang dangerous ang Vandeon na 'yon. Kahit na nilabanan ko iyon hindi parin ako mananalo.

"Sus! Sabagay mas malakas ang mga lalaki kaysa sa mga babae. But hindi 'yan ang rason! Kahit na babae ka lalaban ka pa rin, Almika, tao naman si Vandeon pareho lang kayo,"

"Tao? Baka hayop kamo." komento ko.  Sinamaan niya naman ako ng tingin sabay irap na rin. Tingnan mo ang gagang 'to. Sa tingin niya ba tao si Vandeon? Eh ang laking hayop non. Napaka walang awa talaga, mamatay din 'yon not now but soon. Piste siya.

"Manahimik ka na lang diyan, Almika. Hayaan mo akong magsalita tungkol sa katangahan mo."

Kung makapag salita 'to ah. Kaya mas pinili ko na lang ulit manahimik, kapag ito nag tanong sa akin hindi ako sasagot.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Kamusta na kaya ang anak ko? Pinapakain kaya ni Vandeon si Vandish? Pinapaligo niya ba ang anak ko, inalagaan niya ba ng maayos?

I miss you baby. Kapag talaga malaman kong sinasaktan ka ni Vandeon hindi ko talaga palalampasin. Ilang taon akong nagdusa, nag-alaga sa sarili kong anak tapos sasaktan lang ni Vandeon? No way! Hindi ako makakapayag. Mas matagal kong inalagaan ang anak ko kayat may mas karapatan ako kay Vandish. Wala talagang alam ang baliw na 'yon, ni hindi man lang inisip ang mga sakripisyo ko noon.

"Sigurado ka ba talagang hindi ka marunong lumaban?" basag muli ni Penelope sa katahimikan.

"I know how to fight, Penelope. Anong kwenta nitong mga kamay at paa ko kung hindi ko gagamitin?" seryoso ko namang sagot. Naging seryoso din naman ang mga mukha nila.

"Vandeon took my son away from me, do you think magpapakatanga muli ako?"

"Don't do that again, Almika. You might lose your son again." sagot naman ni Freena. Tumango ako at tinuon ang atensyon sa labas. Kung saan mang lupalok kami dadalhin ni Penelope, sana'y makatulong ito sa akin. Mabuti na rin ito para mas maging aktibo ako sa mga galaw ko.

"Huwag kang mawalan ng pag-asa, Almika. Makukuha mo ang anak mo,"

"No matter what happens, Riley, kukunin ko talaga ang anak ko. Kung gusto ni Vandeon ng laban? I will give that to him."

***
Gomez's POV

"What the fvck are you doing?" inis na tanong ko sa kasama ko habang nakatingin sa malaking mansyon ni Mr. Santford. Matagal na naming hinahanap ang mansyon na 'to kayat nagpapasalamat kaming natunton namin 'to. Napakahirap hanapin, kahit saan-saan pang lupalok ng lugar, char over. 'Yun nga, mabuti nalang nahanap namin ang mansyon ni Mr. Santford. Nag-iisa lang naman 'tong bahay sa lugar na 'to. Siguradong-sigurado din kami na pagmamay-ari niya ang bahay na 'to.

"I'm doing nothing." pabalang na sagot niya. Inirapan ko naman.

Nilingon ko ang tatlong kasamahan ko. They're doing something ridiculous, can't explain, may sariling silang mga gamit na dala, pero wala na akong oras para mag tanong pa. Calli was holding her own laptop, may headphone pa ito sa kanyang tainga at kumakain ng bubblegum. I did not bother her, baka malintikan ako sa kanya.

Nilabas ko ang cellphone ko mula sa bag. Dinayal ko ang number ng Queen namin which is, si Penelope Lopez. Plano niya 'to, kapag hindi raw namin mahanap kung nasaan nagtatago si Vandeon Brix Santford huwag daw kaming uuwi na buhay. Look how bitchy she is! Wala talaga siyang pakialam sa amin, umirap ako sa hangin. Kapag mamatay kami dito ay ayos lang sa kanya, punyeta talaga.

Nakailang tawag pa ako bago niya sagutin. Pa VIP talaga eh.

"What the fvck, Gomez?" malutong na mura niya sa kabilang linya. Kinagat ko naman ang labi dahil sa galit na boses nito.

"Ayusin mo ang pag hawak ng katana, Almika! Jusko naman! Pinapa-stress mo 'ko, tangina!"

"Ilang beses kong sinabi sa'yo na hindi ko kaya 'to!"

Kumunot ang noo ko. Ito siguro 'yung pinag-aabalahan niya ngayon.

"Queen natagpuan na namin ang mansyon ni Mr. Santford." sagot ko.

"Send the address to me, we'll talk later, tatapusin ko lang ang pagtuturo sa gagang 'to."

Hindi niya na ako hinintay na sumagot dahil agad niya nang pinatay ang tawag. Kung sino man ang tinuturuan niya ngayon? Good luck na lang ang masasabi ko.

Nilingon ko muli sila.

"When tayo papasok?" tanong ng kasama naming isa pang babae. Hindi namin 'to kilala pero pinasama sa amin ni Penelope, saan niya ba napulot ang maarteng 'to?

"Kapag nag bigay na ng signal si Finn sa loob, Mizzy, maghintay ka." bulong sa kanya ni Calli at muli na namang humarap sa kanyang laptop.

Maya-maya pa ay may tumunog sa laptop ni Calli na kinaagaw ng atensyon namin. Marami siyang pinipindot sa laptop niya pero hindi talaga tumigil sa kakaingay 'yung laptop niya kaya't dinaluhan namin siya ni Mizzy.

"Anong nangyayari?" tanong ko.

"Someone hacked my account, matalino ang kalaban ko dito. Kontakin niyo na si Finn, hindi ko na masundan ang mga galaw niya." saad ni Calli. Sinunod ko naman ang sinabi niya, sinenyasan ko sina Mizzy at Lyla na maghanda na. Mukhang may alam na si Santford na andito kami.

"Damn that man! Baka alam niya nang andito tayo! How's Finn?"

Binuksan ko ang earpiece ko. Kaagad naman itong pumunta sa channel ni Finn. Shit, kinakabahan ako kay Finn. Sino namang hindi kakabahan aber? Isa Santford ang kalaban naman dito.

"Finn! Are you still there? Are you okay?" nag-aalalang tanong ko. Narinig ko naman ang malalim niyang hininga, tila nahihirapan. Oh my God!

"I'm not okay, alam niya nang andito ako sa loob kayat pinahihirapan niya ako. Hindi ito normal na mansyon lamang.  Maraming mga secret weapons dito, mga patibong,"

"You need to get out of there! Nagloloko na ang laptop ni Calli." sabi ko kasabay nito ang malakas na tunog ng isang matulis na kutsilyo.

"I can't. Ni locked niya na lahat ang mga pintuan. Pero may narinig akong umiiyak na bata dito kanina, may alam ba si Penelope na may bata dito?"

Sandali akong natigilan. Kaya ba kami pinapunta ni Queen dito para kunin ang bata? Pero wala naman siyang sinabi na may ililigtas kaming bata. Ang sabi niya lang ay alamin namin kung nasaan nagtatago si Mr. Santford. At dahil pakialamero si Finn pinasok niya talaga ang mansyon dahil may kakaiba daw siyang kutob, baka nagkamali lang daw kami ng hinala. Kayat heto kami ngayon binabantayan bawat galaw niya sa loob. Hindi namin lubos na alam na mas matalino pa pala ang taong kinakaharap namin ngayon. Alam niyang andito kami.

"Kaninong anak 'yan?" tanong ko. Baka naman anak ni Mr. Santford? Maybe hindi rin, baka na trap din siya sa loob.

"Hindi ko alam." mas lalong lumalalim ang hininga ni Finn. Akma na sana akong magsasalita nang may narinig akong malamig na boses sa kabilang linya.

"Are you sure about this, Vandeon?"

"Do I look like I'm kidding, Makheus?"

"How about your son?"

"Let her chase my son, Makheus, alam kong kukunin niya ang anak niya sa akin."

"Bakit hindi mo na lang ibigay sa kanya? Look at your son, Vandeon, nahihirapan na siya dito, he wants to see his mom."

"I badly want to see his mom too. Now stick to the plan; don't let those motherfvckers escape. They're hiding outside, and the one who's inside? Kill him."

We're doomed.

"FINN, NARINIG MO SILA HINDI BA? They're referring to us! You need to get out of there!"

Nilingon ko si Layla.

"Prepare the car, we need to go as soon as possible!"

"Kayo ang aalis na! Hawak na nila ako ngayon, Gomez! Umalis na kayo!" mabilis akong dinapuhan ng kaba.

"What?!" sigaw ko.

"OUT NOW, GOMEZ!" sigaw niya kasabay nito ang pagkawala niya sa linya. Iritado ko namang tinapon ang earpiece ko sabay pasok na sa loob ng sasakyan.

"DRIVE!" malakas na sigaw ko na kaagad namang sinunod ni Layla, at kasabay rin nito ang pag labas ng tatlong sasakyan na nagmula sa loob ng mansyon.

"Fvck! Sinusundan na nila tayo!"

"Mizzy, maghanda ka! It's your time to shine dear." Tumango siya tsaka nilabas ang kanyang baril. Si Calli naman nag labas din ng baril.

Fvck them!

"They're pointing their guns on us! What should we do?!"

"Ilabas niyo na rin mga baril ninyo! Babantayan ko kayo!" malakas na sigaw ko.

Nagsisimula na silang maglabas ng mga bala, fvck! Masyado silang mabilis. Halos hindi na namin masundan ang mga bala dahil sa bilis ng galaw nila.

"Damn it! Tawagan mo si Penelope! We need her!" sigaw naman ni Calli. Fvck this!

Sinusubukan kong pindutin ang cellphone ko kahit nahihirapan dahil sa bilis ng takbo namin. Punyeta!

"Fvck! Hindi ko mapindot!" inis kong sambit tsaka tinapon kay Mizzy ang phone.

"Tangina naman! Ikaw yata ang papatay sa akin ah!"

"Ang oa mo naman! Malayo naman 'yan sa bituka!"

"Manahimik nga kayo! Mizzy, open that damn phone and call our queen!"

Damn it. Hindi namin kaya 'to, ang dami nila at siguradong papatayin talaga nila kami.

"On the way!"

Kinasa ko ang gatilyo. Kumuha ako ng tela at tinali ito sa buhok ko. Ang mga kasamahan naman namin ay nakatuon sa mga kalaban na walang tigil sa kakasunod at tama sa sasakyan namin. Wala talagang pinapalampas na laban ang isang Santford.

"Give me that," turo ko sa grenade na nasa ilalim niya. Nilahad niya naman sa akin habang may pagtataka sa mukha.

"Gusto nila ng laban, ibibigay natin sa kanila."

"Heads down!" malakas na sigaw ko at binuksan ang binatana sabay tapon ng grenade sa labas.

Isang malakas na pagsabog ang nangyari at nawala 'yung nasa unahang sasakyan. Mabuti nalang ay hindi naabutan ng pagsabog ang sasakyan namin. Dahil duon ay medyo nakalayo kami.

"Hindi talaga titigil ang mga piste na 'to!"

"Just keep driving, hihintayin natin si Penelope."

Inabala ko ang sarili ko sa pamamaril. May kasamahan kaming nasugatan na ngunit hindi parin sila tumigil sa pamamaril. Kahit na matitigas ang mga ulo nitong mga hayop na 'to ay mahal parin nila ang sariling buhay at talagang bubuhis ng buhay para sa organisasyon namin.

Our loyalty depends on our actions. If we failed to protect ourselves, We failed to serve our organization too.

"We can do this guys!"

Nilabas ko ang medicine kit at nilapitan ang may tama. Tatlo sa mga kasamahan namin ang may malaking tama sa katawan.

"Mas lalo silang rumami ngayon, Gomez. Anong gagawin natin?"

"May grenade pang natira, Calli." seryoso kong sabi. Binigay ko kay Anderson ang medicine kit at kinuha ang grenade muli.

"Huwag mong itu----" hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil sa malakas na pagbagsak na nangyari.

"HOLD ON!"

****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top