Almika Sheen Monteverdi
Almika's POV
"Para kang santo na sinasamba ng mga kalalakihan. You are so beautiful, Almika Sheen Monteverdi but it seems like you didn't notice it. You keep turning them down, why? Do you like someone else?"
Pang ilang beses na itong tanong ni Althea sa akin. Napaka-chismosa niya. Hindi naman sa tinu-turning down ko ang mga nanliligaw sa akin. Ang akin lang ay ayoko munang magpaligaw dahil ayaw ko. And duh! Anong santong pinagsasabi ng babaeng 'to? Nahihibang na ba siya?
"Why are you asking?"
"Uhm, kasi sayang 'yong mga poging nanliligaw sa'yo, ang yayaman pa pero ni isa ay wala kang pinili sa kanila. Are you inlove with someone? You can tell me, hindi ko sasabihin sa ibang tao,"
Halos tumirik ang mata ko sa iritasyon sa kanya. Unang-una pa lang talaga ay ayoko na talaga sa kanya. Maharot siya at walang tigil ang kanyang bibig. Ang ingay-ingay. Hindi ko naman kailangan ang mga opinyon niya, I just want to live a peaceful life. Can she give that to me? Oh God. Sa kanya pa yata ako magkaka-wrinkles.
"Hindi ako inlove sa iba at higit sa lahat wala akong oras sa ligawan na 'yan, Althea. I'm a busy person, wala akong oras sa mga ganyan. Would you mind?"
"W-What?"
"Leave me alone."
"I'm just being friendly here, Almika. Pansin ko kasing walang lumalapit sa 'yo,"
Hinarap ko siya. "Mukha bang kailangan ko ng pekeng kaibigan? Kung ikaw lang rin naman ang magiging kaibigan ko mas mabuting mamatay na lang. You're so annoying. I hope you know that."
Well, totoo naman kasi iyon. Alam kong may gusto siya sa mga manliligaw ko kaya heto siya ngayon lapit ng lapit sa akin para makilala iyong lalaki. If she wants that guy, lapitan niya huwag niya idaan sa akin dahil wala talaga siyang mapapala sa akin. I have my own life, hindi pa oras ngayon magkaroon ng boyfriend. I'm happy being me, just me.
Nakauwi ako pasadong 8pm na ng gabi dahil may tinapos ako sa school. Mabuti nalang ay gising pa ang driver namin, kung hindi wala talagang susunod sa akin. Malayo-layo pa naman ang bahay namin sa school, kakalipat lang kasi naman. Umalis kami roon sa lumang bahay at binenta nina mommy. Hindi ko na sila tinanong kung bakit nila iyon binenta.
Sinalubong ako nina mommy at daddy ng yakap. Pagkatapos ay bumalik sa kani-kanilang ginagawa. Ang busy naman ng mga ito. Tila wala ng bukas kung mag trabaho. 'yan siguro ang dahilan kung bakit hindi kami bumaba kahit palipat-lipat kami ng bahay.
Pagkatapos kong gawin ang mga gawin ay natulog kaagad ako. Maaga pa kasi ako bukasz hindi pwedeng ma-late kasi pinaninindigan ko ang papel ko bilang estudyante.
***
Umagang-umaga ay iritang-irita ako sa pagmumukha ni Althea. Hindi niya ako tinantanan. Hanggang sumapit ang hapon ay tanong parin siya ng tanong. Hindi yata nadala kahapon sa sinabi ko.
Pinili ko na lamang na umuwi, wala rin namang guro. May meeting at tsaka pauuwiin din naman nila kami pagkatapos nila roon. Habang nagpipigil pa ako, aalis na ako. Baka pa masapak nang tuluyan ang babaeng iyon. Hindi naman ako bayolente, sadyang sinasagad niya lang talaga ang pasensya ko.
Balita ko may gusto 'yon kay Vandeon Brix Santford. Sikat ang lalaking 'yon dito sa campus namin, hindi lang mayaman. Napaka-gwapo pa at snobero. Minsan kasi nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin, hindi ko alam kung bakit. Hindi rin naman siya mukhang playboy, sa katunayan nga ay sobrang seryoso niya. Matalino din daw 'yon, pareho sila ng kapatid niyang Santford din. Hindi ko kilala ang kapatid niya at wala rin akong balak kilalanin sila.
Napasinghap ako nang harangan ako ng limang lalaki. Isa na roon si Jake na kasalukuyang nanliligaw sa akin. Kailan kaya titigil ang walang hiya na 'to, ayoko nga magpaligaw pero heto siya sunod ng sunod sa akin at sulpot ng sulpot parang kabute. Hindi niya ba naiintindihan ang sinabi kong huwag nalang ako?
"Anong kailangan mo na naman?" tamad na tanong ko.
"Hi, Almika! May laro kami mamaya. Gusto mo bang manood?" ngiting tanong niya. Umalis 'yung mga kasama niya sa harapan ko at humakbang siya sa gitna na para bang pagmamayari niya ang daan.
Umirap ako ng palihim. "Uuwi na ako, Jake. Marami pa akong gagawin sa bahay at wala akong oras sa mga ganyan. Hindi rin naman ako mahilig manood ng mga sports,"
"Ay! How about bukas? Manood tayo ng sine. Balita ko may bagong palabas daw ngayon si Harley Pattern."
Napakamot ako sa ulo ko. "Hindi rin ako pwede bukas eh. May meeting ako sa kompanya namin, siguro sa ibang araw na lang. Babalita---"
"Lagi mo na lang 'yang sinasabi pero hanggang ngayon ay wala parin, Almika! Ano ba talaga? May pag asa ako or wala? Baka pinaglalaruan m----"
Hindi natapos ni Jake ang kanyang sasabihin nang makita naming papalit si Vandeon sa direksyon namin. Nagsitulakan nang mahina ang limang kasama niya habang si Jake naman ay panay lunok.
Lumunok din ako at pilit pinapakalma ang sarili. Iba kasi talaga ang impact ni Vandeon dito sa campus. May natatakot sa kanya at meron ring wala. Pero halos ay takot sa kanya. Seryoso kasi lagi ang mukha nito, hindi ngumingiti. Kahit siguro iharap mo sa kanya ang best comedian sa bansang ito hindi parin 'yan tatawa. Ang cold ng expression niya. Nakakapanindig balahibo.
"Ah, Almika. Aalis na pala kami," ngumisi ng hilaw 'yung isang kasama ni Jake.
Namumutla na rin ang mukha ni Jake. Mukhang mata-tae.
"H-Huh?"
Maya-maya pa ay huminto sa harapan namin si Vandeon Brix Santford. Napaatras kami, ramdam na ramdam ko rin ngayon ang tingin ng mga tao sa amin. Sino ba namang hindi mapapatingin sa lalaking 'to. He's almost perfect.
"What's the matter, Velasus?" mariing tanong niya kay Jake. Halos hindi naman mapakali si Jake, hindi niya alam ang gagawin. Gusto niyang umalis ngunit natatakot siya na baka anuhin siya ni Vandeon.
"V-Vandeon! Pare, wala naman! Actually tinanong lang namin si Almika kung saan ang daan papuntang auditorium,"
"Oo! Iyon nga, Vandeon!"
"Aalis din naman kami kaagad!"
"Bakit andito parin kayo?" masamang tinapunan ng tingin ni Vandeon ang anim.
"H-Ha?"
"I said why---" hindi natapos ni Vandeon ang kanyang sasabihin nang bigla na lang kumaripas ng takbo ang anim. Napasapo na lamang ako sa noo ko at akma na sanang hahakbang palabas nang pigilan ako ni Vandeon.
Kumunot ang noo ko. "Do you need something?" tanong ko.
"Are you okay?" para robot ang kausap ko. Walang emosyon ang kanyang mga mata. Tao kaya 'to?
"Oum. May kailangan ka pa ba?"
"Nothing. Where are you heading?"
Ngumiti ako. "Uuwi na. May gagawin pa kasi ako sa bahay, ikaw?"
"I have nothing to do. How about I'll drive you?"
"Ha? Naku huwag na, Vandeon. May taxi naman diyan sa labas! Baka may pasok ka pa, pasok kana,"
"I also want to go home, Almika. I'm bored here, nasa bahay ba si tita? I want to visit her."
Nanlaki ang mata ko. "Hindi--Wala! Bukas pa uuwi 'yon!" mabilis na agad ko at nagpasya na humakbang na palabas pero hinigit niya ang kamay ko kayat bumalik ako sa pwesto ko. Wengyang lalaking 'to.
"Let me drive you home, Almika. No more buts, let's go." at 'yon nga. Hindi niya ako hinayaan na sumagot. Basta-basta niya na lamang kinuha ang bag ko at hinila papuntang parking lot.
Kahit kailan talaga!
"Vandeon, saan mo dadalhin si Miss Beautiful?"
"Shut the fvck up, Velasquez!"
"Ang bibig mo, Vandeon. Napaka-bad mo." sabi ko sa kanya. Napahinto naman siya sa paghila sa akin at nilingon ako. Nanliit ang mata ko dahil sa reaksyon niya. Parang gumalaw ang labi niya.
"Ngumiti ka ba?"
"Tss!"
"Ngumiti ka!" kantyaw ko.
"Damn! Hindi ako ngumingiti, Almika!"
"Nakita ko!"
"Uy! Uy! Kayong dalawa ah! Bawal ang landian sa loob ng campus!"
"Hayop ka, Kace. Manahimik kang animal ka!"
Natawa ako sa mukha nitong iritado. He's so handsome!
Nasa likuran pala ang mga kaibigan niya. Nakasukbit sa kani-kanilang balikat ang sariling bag. Halatang tamad mag-aral ang mga ito.
"Absent muna ako ngayon, Vandeon ah? Pakisabi kay Ma'am!"
Nanlaki ang mata ko. "Vandeon! Pumasok ka! At ikaw naman Kace!"
"Not me, Almika! Ge bye!"
Hindi ko na nasumbatan pa si Kace dahil tumakbo ito. Si Vandeon naman ay walang reaksyon, patuloy parin itong naglalakad.
"Vandeon, stop! May pasok ka, you need to—"
"I told you I'm bored, Almika. Wala akong matutunan sa mga guro na iyon kapag lutang ang isip ko,"
"Then how about..."
"What?"
"Uupo ako sa klase mo?" pwede namang maki seat in.
"No need. Alam ko na ang mga tinuturo nun. Nag advance reading ako kahapon."
Namangha ako. "Ang talino mo talaga! Ayaw na ayaw bumaba sa pwesto huh!"
Lagi kasi siyang nat-top 1 kasama 'yung kapatid at mga kaibigan niya. Kahit na lakwatsa ang iba ay nasa list of students parin. Pinagpala talaga ng husto ang mga ito oh.
"Gusto mo?"
"Ang alin?"
"Top 1, I will give it to you, Almika."
***
Maharot na Vandeon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top